You are on page 1of 16

St.

Joseph’s College of Rodriguez


J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 7


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 7


NILALAMAN Si Usman, Ang Alipin
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Justice
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap
PAMPAGKATUTO  Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa
 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan
 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan
nito
 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng alinmang kuwentong-bayang nabasa, napanood,
o napakinggan
 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
INAASAHANG PAGKATUTO Nailalahad ang mga gagawin sa pagkuha ng datos kaugnay ng isang proyektong panturismo
BILANG NG SESYON Limang Araw/ week 1

LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Ang guro ay magpapakita ng larawan na nagpapakita ng korupsiyon sa ating bansa. Pagkatapos ay itatanong sa
mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Ano ang nakikita niyo sa mga larawan?
2. Sa tingin ninyo ano ang magiging resulta kung mali an gating piniling pinuno?
3. Paano kaya makakaiwas sa pagpili ng maling pinuno?
Gamit ang estratehiyang Round Table ay pahaharapin ng guro ang mag-aaral sa kanilang mga kapareha upang ibahagi ang kanilang mga
sagot. Pagkatapos ay ididikit ng guro sa pisara ang kaisipan sa ilalim ng pamagat na “Ang anumang kakulangan o kapintasang taglay mo, hindi dapat
maging hadlang sa iyong pagiging mabuting tao
Pagsagot sa talasalitaan

2. Paglalahad: Panitikan- Pagbabasa ng akdang “Si Usman, Ang Alipin” gamit ang estratehiyang Interactive Storytelling.
Pagkatapos basahin ang akda ay tatalakayin ang binasa. Magtatanong ang guro upang malaman kung naintindihan ba ng mga mag-
aara ang binasa. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga pagsasanay.
Magkakaroon ng talakayan tungkol sa Kuwentong Bayan.
Wika- Itatanong sa mga mag-aaral: Ano ang naging dahilan kung bakit biglang nakilala at binigyang-pansin sa ating bansa at ng mga
karatig pa nating bansa ang kapuluan ng Mindanao?
Pagkatapos ay babasahin ang isang balitang babasahin, “Lahat ng Daan Ngayon ay Patungong Davao”
Sasagutin ang mga pagsasanay at pagkatapos ay magkakaroon ng talakayan tungkol sa “ Mga Pahayag sa pagbibigay ng mga
Patunay”
3. Pagtataya/Pagtataya: Panitikan- Itatanong ng guro sa mga mag-aaral, “Bakit mahalagang igalang at bigyang-halaga ang bawat tao anuman ang katayuan
o kalagayan sa lipunan?
Wika- Pagsagot sa Gawain sa “Tiyakin Natin” pahina 24.
KAGAMITAN Yeso, pisara,larawan ng korupsyon, mga kagamitan sa pananaliksik, marker,mga gamit sa pagguhit
BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
St. Joseph’s College of Rodriguez
J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 5


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 5


NILALAMAN Natalo rin si Pilandok
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Peace
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Napatutunayang nagbabago ng kahulugan ang mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na panlapi
PAMPAGKATUTO  Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
 Natutukoy at naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan sa binasang akda
 Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan
 Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat/ di karapat-dapat ng paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
 Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad(maaari,baka,at iba pa)
INAASAHANG PAGKATUTO Nakapagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa mga Pabula na nagmula sa Mindanao.

BILANG NG SESYON Limang Araw/ week 2

LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat pagkatapos ay magkakaroon ng mini game ang pagbuo ng
“puzzle” na may kinalaman sa akdang tatalakayin. Pagkatapos mabuo ng larawan ay itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Ano ang napapansin niyo sa mga larawang inyong nabuo?
` 2. Tungkol saan at ano ba ang ipinapakita ng mga larawan?
3. Naranasan niyo na bang maloko o may kakilala ba kayong naloko na?
(Magtatawag ang guro ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kuwento tungkol sa panloloko)
Ipapabasa ang panimula ng Simulan Natin na nagsasabing “ Maraming taong tuso at manloloko sa ating panahon. Patuloy silang
nakapanloloko dahil sa kanilang pagiging mapagkunwari kaya’t hindi namamalayan ng kanilang mga nagiging biktima na sila pala’y napapasok na sa
isang bitag o kapahamakan “
Pagsagot sa Talasalitaan.

2. Paglalahad: Panitikan- Pagbabasa ng akdang “Natalo rin si Pilandok” pagkatapos ay tatalakayin ang binasa at sasagutin ang mga pagsasanay.
Magpapanood ng video ng mga ng mga taong manloloko tulad ni pilandok.
Sasagutin ang graphic oraganizer sa pahina 40 kung saan nila bubuoin ang profile ng isang taong maaaring manloloko.
Pag-aaralan ang Kaligirang pangkasaysayan ng Pabula at sasagutin ang mga Gawain pagkatapos nito.
Wika- Magpapaskil ang guro ng isang katanungan sa pisara (Posible nga bang magbago ang pa ang isang tao?)
Pagkatapos ay ipapabasa ng malakas ang sinipi sa pahina 43 mula kay Vivien Stern
“Walang sinumang makapipilit sa kanyang kapwa-tao na magbagong-buhay.
Dapat na ang pagbabago ay magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito”
Vivien Stern, A Sin Against the Future –
Imprisonment in the World
Sasabihin ng guro na may mga ekspresyong ginamit sa tekstong binasa na nagsasaad ng posibilidad. Susubuking ipatukoy sa kanila ang mga ito,
kung hindi nila agad ito matukoy ay isusulat ng guro sa pisara ang mga salitang maaari,possible at tila. Ipapagamit ito sa pangungusap.
Tatalakayin ang nasa pahina 45 “Isaisip Natin” tungkol sa Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad. Pagkatapos ay sasagutin ang pagsasanay sa
pahina 44 at 45 “Madali lang Iyan” at “Tiyakin Natin” sa pahina 47 at 48.
3. Pagtataya:/Paglalagom:
Panitikan- Itatanong sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang mga pabula? Paano
makatutulong ang mga aral na taglay nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha natin sa kapwa?
Wika- Tutukuyin muli ng mga mag-aaral ang mga paraan ng paglalahad ng posibilidad at pag-uusapan kung aan makakatulong o
magagamit ang kasanayang ito sa totoong buhay.

KAGAMITAN Yeso, pisara,mga videos. Larawan ng mga hayop tulad ng unggoy,.ga gamit sa pagguhit,show me board
BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
St. Joseph’s College of Rodriguez
J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 7


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 7


NILALAMAN Tulalang
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Integrity of Creation
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Naipaliliwanag ang kahulugan ng simbolong ginamit sa akda
PAMPAGKATUTO  Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang pananalita
 Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kahalagahan ng tauhan sa napanood na pelikulang may temang katulad ng
akdang tinalakay/binasa
 Naisasagawa ang panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa epiko
 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga, panghihikayat, at
pagpapahayag ng saloobin
 Nakapagpapaliwanag ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epiko
 Naitatanghal ang nabuong iskrip ng informance sa loob ng klase
INAASAHANG PAGKATUTO Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at
pagtatanghal ng nabuong iskrip ng informance sa loob ng klase

BILANG NG SESYON Limang Araw/ Week 3


LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Ang guro ay magpapalaro ng 4 pic 1 word na kung saan an mga laawang ito ay kakakitaan ng mga iba’t ibang
kababalahang napag-uusapan sa paligid at mga nakakatakot na bagay.
Itatanong sa mga mag-aaral kung may nabasa na silang kuwentong kababalaghan at magtawag ng isang mag-aaral upang ibahagi ang kanyang kuwento
tungkol ditto. Isusulat ng guro ang salitang “EPIKO” sa pisara at tatanungin ang mga mag-aaral sa kanilang ideya tungkol ditto.
Sasagutan ng mga mag-aaral ang Talasalitaan

2. Paglalahad: Pagpapabasa ng akda. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng limang minuto upang mabasa ito pagkatapos ay tatalakayin ang akdang
binasa at sasagutin ang pagsasanay sa pahina 58-60 “Sagutin Natin” letrang C at D.
Pagkatapos ay pag-aaralan ang tungkol sa Epiko. Sasagutan ang mga pagsasanay pagkatapos nito
Wika- Isusulat sa pisara o ipakita gamit ang powerpoint ang islogang ginagamit ni Pangulong Duterte na “Change is coming”
Ipapabasa ito sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa ng may iba’t ibang damdamin.
Pagkatapos ay ipapabasa ang teksto tungkol sa isang pinuno na nagmula sa Mindanao.
Ipapabasa at tatalakayin “Isaisip Natin” sa pahina 68 at sasagutana ng “Subukin Pa Natin” at “Madali lang Iyan” sa pahina 69-70
3. Pagtataya: Magbibigay ang guro ng pagsusulit tungkol sa piang-aralan.

KAGAMITAN Yeso, pisara,call bell, show-me board. Larawan/video


BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
St. Joseph’s College of Rodriguez
J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 7


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 7


NILALAMAN Pagislam
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Truth
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Natutukoy at naipapaliwanag ang kawastuhan/kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita
PAMPAGKATUTO  Naisasalaysay ng maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
 Naiisa-isa ang mga element ng maikling kwento
 Nasusuri ang isang dokyu-fil o freeze story
 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda
 Naisasagawa ang isang sistematikong pananaliksik tungkol sa akdang tinalakay
 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay sa ginamt sa akda (kung, kapag, sakalai, at iba pa) at
naisusulat ang buod ng binaang kuwento nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap at naisasalaysay ito
INAASAHANG PAGKATUTO Naisasagawa ang isang sistematikong pananaliksik tungkol sa maikling kuwentong nagmula o may kinalaman sa mga
tradisyon at pagpapahalagang makikita sa Mindanao.

BILANG NG SESYON Limang Araw/Week 4


LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Magsasagawa ng larong Charades. Sasabihin ng gurong ang paksa ng mga salitang huhulaan ay tungkol sa iba’t
ibang seremonyang isinasagawa sa ating paligid.
Paglinang ng Talasalitaan gamit ang estratehiyang Word Map at ipapasagot ng guro ang “Payabungin Natin” letrang B.

2. Paglalahad: Magbibigay ang guro ng tanong pagganyak hinggil sa maikling kuwentong babasahin.
Ano ang pagislam?
Gaano ito kahalaga sa buhay ng pangunahing tauhan?
Pagkatapos ay ipapabasa ang Maikling Kuwento gagamitin ang estratehiyang Directed Reading Thinking Activity.
Tatalakayin ang binasa. Gagamitin ang estratehiyang Round-Robin with talking Chips sa pagpapasagot nito. Sasagutin ang mga
pagsasanay.
Sasagutin ang Gawain sa pahina 81 “Buoin Natin”
Tatalakayin ang Elemento ng Maikling Kuwento pagkatapos ay sasagutin ang pagsasanay sa pahina 84 at 85 “Isulat Natin A.” gagamitin
ang estratehiyang Group Communal Writing sa Gawaing ito.

Wika-Papapuntahin ng guro ang mga mag-aaral sa kani-kanilang pangkat at tatalakayin ng bawat pangkat ang mga bagay na kanilang
nalalaman tungkol sa relihiyong islam. Isusulat nila ang kanilang mga kasagutan sa kanilang show-me board.
Ipapabasa at Tatalakayin ang “Isaisip Natin sa pahina 87 at 88 upang mas lalong mapagtibay ang kanilamng kaalaman tungkol sa Retorikal
na pang-ugnay.
Sasagutin ang mga pagsasanay sa pahina 89 at 90.
3. Pagtataya/Paglalagom: Panitikan- Lalagumin ang Gawain sa pamamagitan ng pagsagot sa mahalagang tanong na:
Paano nakatutulong ang akdang gaya ng Maikling Kuwento sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala ng isang
particular na lugar?

KAGAMITAN Yeso, pisara,mga larawan, flashcards, manila paper, call bell, show-me board
BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
St. Joseph’s College of Rodriguez
J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 7


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 7


NILALAMAN Ang Mahiwagang Tandang
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Truth
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram
PAMPAGKATUTO  Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga tao batay sa dulang nabasa
 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na dulang panlansangan
 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo ng patalastas
 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan
 Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol as napanood na dulang panlansangan
INAASAHANG PAGKATUTO Nakabubuo at naialiliwanag ang isang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

BILANG NG SESYON Limang Araw/week 5


LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Ang guro ay magpapakita ng larawan ng Sarimanok.Hindi muna sasabihin sa mga mag-aaral kung ano ito.
Itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang mga bagay na pumasok sa kanilang isip nang Makita ang larawan.
Sasabihin sa mga mag-aaral na ang Sarimanok ay isang maalamat na ibon ng mga Meranao na sumasagisag ng kasaganaan at mataas na
uri ng sining sa kanilang pangkat. Sasabihin na ang ibong ito bagamat kathang isip lamang ay tila makapangyarihang nakapagdudulot ng suwerte sa
taong makakahawak nito.
Itatanong sa mga mag-aaral, kung bibigyan kayo ng pakakataon na humingi ng regalo sa isang makapangyarihang nilalang na katulad ng
sarimanok ay ano ang kahilingan o rgalo ang kanilang nais hilingin.
Paglinang ng Talasalitaan- ipabibigay ang kahulugan ng mga salitang hiram na gaya n bulad,bras,dama,kalilang at torogan. Gagamitin dito
ang estratehiyang Roundtable pagkatapos masagutan ay ipapagamit ang mga salitang binigyan ng kahulugan sa pangungusap.Pagkatapos ay sasagutin
ang “Payabungin natin”letrang B. Sasabihin ng guro ang tanong pagganyak na
“Anong naging gampanin ng Mahiwagang Tandang sa dula partkular sa buhay ng mga pangunahing tauhan?”

2. Paglalahad:Panitikan- Ipapabasa ng guro ang akda nang tahimik lamang at pagkatapos ay ipapasagot ang pagganyak na tanong at tatalakayin ang
akdang binasa.
Ipagagawa ng guro ang mga pagsasanay tungkol sa dula sa pahina 114 “Sagutin Natin C” at “Buoin Natin” sa pahina 114 at 115.
Ipaparinig ng guro ang kantang “Pagsubok”na inawit ng Pearl Orient at itatanong sa mga mag-aaral, Paano at sino sa kanila ang nakaranas ng
matinding pagsubok o problema sa buhay?
Babasahin at tatalakayin ang Tala ukol sa Dula at Dulang Panlansangan. Pagkatapos ay gagawin ang pagsasanay sa pahina 119 gamit ang
estratehiyang Group Communal Writing.
Wika- Gamit ang etratehiyang Three Steps Interview ay papapuntahin ng guro ang mga mag-aaral sa kani-kanilang pangkat at itanong at
talakayin kung ano ang mga bagay na natatandaan nla tungkol sa Mahiwagang Tandang at Arthur P. Casanova na natalakay sa Alam Mo ba?
Babasahin ang Lunsaang Pangika sa pahina 120 at pagkatapos ay tatalakayin ito. At sasagutin ang mga pagsasanay sa pahina 123 at 124
3. Pagtataya:/Paglalagom: Panitikan- Sasagutin ang mahalagang katanungan na, “Paano nakakatulong ang dula upang masalamin ang kulturan Pilipino
particular ang mga pangkat o rehiyon kung saan ito nagmula?
KAGAMITAN Yeso, pisara,larawan ng sarimanok, show-me board, manila paper, journal, sipi ng kantang “Pagsubok” ng Pearl Orient
BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7
St. Joseph’s College of Rodriguez
J.P. Rizal St., Brgy. Balite, Rodriguez, Rizal
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

CLASSROOM INSTRUCTION DELIVERY PLAN

Grade level: Grade 7


Subject area: Filipino
Instructor: Ms. Delie Ann Mata
Course Description:

LESSON OUTLINE in Filipino 7


NILALAMAN Ang Alamat ng Palendag
PAMANTAYANG Nakapagpamamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakapagsasagawa ng isang makatotohanang proyektong panturismo
PAGGANAP
PAMANTAYANG Truth
PANRELIHIYON
MGA KASANAYANG  Naipaliliwanag ang salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa
PAMPAGKATUTO promosyon)
 Naibabahagi ang iang halimbawa ng napanood na isang video clip mula sa youtube o ibang webste na maaaring
magamit
 Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunang dapat gawin upang maisakatuparan ang proyekto
 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag
 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang
promo coupon o brochure)
 Nakabubuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo
 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na
proyektong panturismo
INAASAHANG PAGKATUTO Nabubuo ang Isang Makatotohanang Proyektong Panturismo ng Mindanao upang makapang-akit ng mga turista upang
dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Mindanao.
BILANG NG SESYON Limang Araw/week 6

LESSON OUTLINE:
1.Introduksyon at Panimulang Gawain: Itatanong sa mga mag-aaral
 Kailan ka huling lumuha?
 Ano ang naging dahilan ng iyong pagluha?
Ipapabasa ang “Alam mo ba?”sa pahina 126 at 127 upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng karagdagang ideya patungkol
sa pagluha o pag-iyak. At itatanong ang mga sumusunod.
 Sa iyong palagay, nakatutulong ba o nakasasama ang pagluha ng isang tao?
 Paaano ito maaaring makaasama?
 Paano naman ito maaaring makatulong?
Paglinang ng Talasalitaan at ipapasagot ang Payabungin Natin A sa pahina 127 at 128 at pagkatapos ay ibibigay ang
pagganyak na tanong hinggil sa akdang babasahin.
*Anong uri ng kabiguan ang sinapit ng dalaga na nagdala ng labis na kalungkutan at walang katapusang pagtulo ng luhang bumutas sa isang
kawayan

2. Paglalahad: Panitikan- Ipapabasa ang Akda. Pagkatapos basahin ang akda ay tatalakayin ito at sasagutin ang mga Gawain tungkol dito.
Ipapanood sa mga mag-aaral ang video ng promosyon ng Kagawaran ng Turismo na pinamagatang “It’s more Fun in the Philippines”
pagkatapos ay itatanong ng guro ang mga sumusunod:
 Ano-anong lugar sa Pilipinas ang ipnakita sa video?
 Bukod sa magagandang lugar ano-anong bagay pa ang pang-akit sa pilipinas
 Kung ikaw ang turistang nakapanood ng video, maaakit ka rin kayang pasyalan o dalawin ang Pilipinas?
 Paano nakatutulong an ganitong promosyon para sa pagbuti ng turismo sa bansa?
Pagkatapos ay babasahin ang “Palawakin pa Natin” sa pahina 134-138 tungkol sa mga hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng
Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo (Travel Brochure)
Pagkatapos nito ay sisimulan na ng mga mag-aaral ang kanilang Travel Brochure at pagkatapos nito ay pipili ang guro ng mga gawa
ng mag-aaral na ipapakita sa buong klase at ipaliliwanag ng mag-aaral.
3. Pagtataya/Paglalagom: Bilang paglalagom ay bibigyang diin ng guro ang kahalagahan ng muling pagbangon sa harap ng pagsubok o problema.
Ipapabasa ng may damdamin ang:
“Ang kabiguan ay bhagi nan g buhay, Ngunit di tayo dapat magpalunod sa lumbay;
Bagkus ay muling bumangon at sa ikot ng mundo’y sumabay.”

KAGAMITAN Yeso, pisara, flashcards, manila paper,call bell,mga halimbawa ng travel brochure, journal o learning log
BATAYANG AKLAT Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 7

You might also like