You are on page 1of 4

NOTRE DAME OF JARO

Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte


notredame.jaro@yahoo.com.ph
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

TIME ALLOTMENT: 120 minuto

I. Layunin:

Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay. F7WG-Ia-b-1

a. Natutukoy ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay.


b. Nakikilala kung ang pahayag ay nagbibigay patunay o hindi.

KBI: Ang mga mag-aaral ay makatutukoy kung ang mga nabasa o nalamang mga
impormasyon ay may katotohanan o wala.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: “Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay”
Kagamitan: Aklat sa Filipino 7 (Pinagyamang Pluma)
Powerpoint presentation
Sanggunian: Aklat sa Filipino 7 (Pinagyamang Pluma), Gabay-Pangkurikulum

III. Pamaraan:
A. Paunang Gawain
1. Panalangin
2. Attendance
3. Paalala bago at habang nasa klase
4. Gawain:
Magpapakita ang guro ng isang maikling video clip ng isang hindi kapani-
paniwalang pangyayari. Pagkatapos maipakita ang video clip ay hihingin ng
guro ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa pagkamakatotohanan ng video
clip.

B. Pagsusuri
Pipili ang guro ng anim (6) na mag-aaral upang basahin ng malakas sa harap
ng klase ang isang balita na pinamagatang “Lahat ng Daan Ngayon ay Patungong
Davao” (Kasanayang Pangwika). Pagkatapos mabasa ng mga mag-aaral sa klase
ang nasabing balita ay tutukuyin ng mga mag-aaral ang sa palagay nila ay
nagpapahayag ng pagpapatunay gamit ang mga gabay na katanungan sa Pag-
isipan at Pag-usapan.
PAG-ISIPAN AT PAG-USAPAN
 Ayon sa balita, bakit nasa sentro ng mga balita ang Mindanao particular ang
Davao?
 Anong ebidensiya mula sa binasa ang makapagsasabing malakas at popular
na pangulo si Rodrigo Duterte?
Para mapatunayan ang katotohanan sa mga isasagot sa mga tanong sa itass,
ano ang kailangang ibigay ng mga taong sasagot nito?

C. Paghahalaw
Tatalakayin ng guro ang tungkol sa mga pahayag na nagbibigay ng mga
patunay.
Pagkatapos ng talakayan ay magsasagawa ng drill ang guro para sa mga mag-
aaral kung saan magsasaad ng ilang mga pahayag ang guro at mula sa mga
pahayag na naisaad ay tutukuyin ng mga mag-aaral kung anong pahayag sa
pagbibigay ng mga patunay ang pinatutungkulan ng bawat aytem.
1. Mga ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan, o
nakavideo. (Sagot: May dokumentaryong ebidensiya)
2. Katunayang pinalalakas ng ebidensya, pruweba, o impormasyong totoo ang
konklusyon. (Sagot: Taglay ang matibay na konklusyon)
3. Makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. (Sagot:
Pinatutunayan ng mga detalye)
4. Salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
(Sagot: Nagpapatunay/katunayan)
5. Hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan. (Sagot:
Nagpapahiwatig)

Pagkatapos ng drill ay tatanong ng guro ang isang mahalagang katanungan sa mga


mag-aaral:
 Bakit mahalagang matukoy kung ang isang pahayag o impormasyon ay
makatotohanan o hindi? Pangatwiranan ang iyong kasagutan.

Pagpapahalaga/Values Integration:

Pagkamatapat

D. Paglalapat
Sasagutan ng mga mag-aaral ang Gawain sa Madali Lang ‘Yan kung saan ay
kikilalanin ng mga mag-aaral kung ang mga pahayag ay nagbibigay patunay o hindi.
Ipapakita ito ng guro sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation.

Panuto: Isulat sa kahon ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at DP


kung hindi ito nagsasaad ng patunay.

___ 1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay
patunay na nakatatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang
pangakong pagbabago. (P)

___ 2. Umaasa ang marami na may pagbabago nga sa kani-kanilang buhay. (DP)

___ 3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at


bilang patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo,
senate president, at speaker of the house) ay pawang taga-Mindanao. (P)
___ 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para
makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang
buwan. (P)

___ 5. Huwag lang san tayong salantain ng malalakas na bagyo. (DP)

IV. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Basahin ang maikling teksto tungkol sa isa pang lugar sa Mindanao, ang
Lanao del Sur. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na
nagpapatunay.

V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

Andrea Jean M. Burro Gng. Elvira M. Idano


Guro sa Filipino 7 Academic Coordinator

INAPROBAHAN NI:

Sr. Nenita A. Juntilla, OND


Directress Principal

You might also like