You are on page 1of 3

Diocese of San Jose De Nueva Ecija

APO JOSE CATHOLIC EDUCATIONAL SYSTEM


Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba, Inc.
Guimba, Nueva Ecija
Website: www.olshco.edu.ph E-mail: olshco1947@yahoo.com
Tel. Nos. (044) 943-0553  611-0026

PAKSA: Epikong Ibalon

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman kung paano lumitaw ang isa sa sikat na tanawin ng bansa.


2. Nalalaman ang Tagpuan bilang Elemento ng Epiko at ang kahalagahan nito.
3. Nuunawaan ang mga pangyayari sa epikong Ibalon.
4. Naiguguhit ang mga pangyayaring naganap sa Epikong Ibalon sa pamamagitan nang
masining na pagguhit.
5. Naisasabuhay na ang pagiging isang pinuno ay hindi lamang makikita sa kanyang
katapangan kundi maging sa kanyang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagtanggap
sa sariling kahinaan.

PANIMULA:

PAGGANYAK:

 Sa pamamagitan ng imahinasyon ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang nalalaman tungkol sa


Bulkang Mayon.
 Punan ang concept web

Bulkang
Mayon

PAGLALAHAD:

 Sa epikong tatalakayin natin ay mababanggit kung paano lumitaw ang isa sa mga
pinakamaganda at pinakasikat na tanawin sa bansa, ang Bulkang Mayon.
Paglinang sa talasalitaan:
o Ipapasagot ang talasalitaan sa kwaderno. Piliin sa kahon ang wastong
kasingkahulugan ng mga malalalim na salita.
Mabangis
Mabagsik nanira
Nagtangka
Naminsala Nagbalak
Nalipol
Sumipot Naubos lumitaw
Pagbasa at pagtalakay sa epiko:
 Ang mga mag-aaral ay magiging prinsesa at prinsipe. Kapag sinabing basa ng mga prinsesa, lahat
ng babae ay magbabasa at kapag sinabing basa ng prinsipe, mga lalaki ang magbabasa.
 Habang binabasa tatalakayin na rin ang mga pangyayari sa epiko sa pamamagitan ng question
and answer.
Takdang Aralin:
Magdala ng oslo o bond paper, lapis at krayola.
PANGKATANG-GAWAIN:
 Ipapangkat ang mga mg-aaral sa limang grupo. Bawat grupo ay may nakatalagang
gawain. Bawat pagkat ay may itatalagang Lider, tagapagsalita at kalihim. Gamit ang
imahinasyon iguguhit ang mga pangyayaring naganap sa epikong ibalon.
Pamantayan:
Pagkamalikhain 5
Pagkakaisa 5
Nilalaman 5
Kabuuan 15puntos

Pangkat 1 – Gamitin ang imahinasyon. Iguhit ang tatlong pinuno na nagpapakita na talagang
sila ay magigiting na pinuno. Lagyan dayalog o caption.
Pangkat 2 – Gamit ang imahinasyon. Iguhit ang iba’t ibang mga hayop na nakalaban ng
talong magigiting na pinuno na makikiitang sinisira ang mga pananim ng mga taga-Ibalon at
kinakain ang mga tao. Lagyan ng dayalog o caption.
Pangkat 3 – Gamit ang imahinnasyon. Iguhit ang isang lugar na kung saan payapa at
maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Makikitang tulung-tulong ang mga tao na gumagawa
ng Bangka, gulok at nagtatanim ang mga tao. Lagyan ng dayalog o caption.
Pangkat 4 – Iguhit ang pagpatay ni bantong kay Rabut na walang kalaban-laban dapat
Makita rito ang paghihirap ni Rabut. Gamitin ang imahinasyon at lagyan ng dayalog.
Pangkat 5 – Iguhit ang mga sumulpot na mga isla, bundok na bato at lawa. Makikita rin dito
ang paglitaw ng Bulkang Mayon na may perpektong kono. Dapat makikita ang iba’t ibang
ekspresyon ng mukha ng mga tao sa nakikita nilang di-kapani-paniwala. Lagyan ng dayalog.

Matapos gumuhit ipakita at ipaliwanag ito sa klase.

PAGPAPAHALAGA
Ipapabasa ang islogang nasa ilalim ng pamagat ng epiko.
“ang mabuting pinuno ay hindi lamang nakikita sa
kanyang angking talino at tapang kundi maging
sa pagtanggap ng kayang kahinaan”.

PAGTUKOY SA TAGPUAN NG BINASANG EPIKO:


TANONG:
Saan naganap ang mga pangyayari sa binasa nating epiko?
Anong elemento ng Epiko ang tinutukoy kapag sinabi natin kung saang lugar naganap
ang pangyayari sa binasa?
Sa mga nakaraang aralin ay natutunan nating ang pook o lugar at panahon ang tinutukoy
na tagpuan.
Gaano kahalaga ang tagpuan bilang mahalagang element ng epiko?
Mahalagang bigyang pansin ang tagpuan lalo na sa epiko sapagkat ito’y nakatutulong sa
pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at maging sa mga tauhan.

Sagutin ang Gawin Natin, sa pahina 260

PAGTATAYA (QUIZ)
KNOWLEDGE
1-3. Sinu-sino ang naging pinuno ng Ibalon?
4. Saang lugar nagmula si Baltog?
5. Siya isang babaeng may ulong ahas at may aliping mga higanteng may sa tagabulag.
6. Ano ang itinuro ni handiong sa mga tao?
7. Sino ang nagturo sa sistema ng pagsulat?
8. Sino ang pinakahuling halimaw na dumating sa Ibalon?
9. Ano ang kayang gawin ni Rabut? Magbigay ng isa.
10. Sa wakas ng kwento, ano ang lumitaw?
UNDERSTANDING
1. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa epikong Ibalon? Sa paanong
paraan makakatulong ang kaalamang ito sa iyong buhay? Ipaliwanag. 5 puntos
2. Gaano kahalaga ang tagpuan blang mahalagang elemento ng epiko? Ibigay ang
sariling pananaw. 5puntos.

Inihanda ni: Ipinasa kay: Binigyang Puna ni:

Bb. Mary Ann A. Pascua Bb. Lovelyn M. Almario Christina G. Cutaran, MAEdA

BSED-IV (Gurong-gabay) (Supervising Instructress)

You might also like