You are on page 1of 26

MAGANDANG

HAPON!

We a t h r T h e m e
Mga alituntunin na dapat sundin sa loob
ng silid-aralan;
1.Makinig sa guro habang nagsasalita.
Huwag makipag-usap sa kaklase.
2.Itago ang cellphone at makilahok sa oras
ng talakayan.
3.Maghintay ng tawag sa pagsagot sa klase. Huwag
sumagot ng sabay-sabay at magsalita ng may
katamtamang boses.
4.Iwasan ang pag-iwas sa klase ng hindi pa tapos
ang takdang oras.
5.Iwasang maging malikot o magpalipat-lipat ng
upuan habang nasa oras ng talakayan
Panuto:Pagdugtungin ang mga
pantig na makukuha sa bawat
larawan upang makabuo ng tamang
salita.
EKSPRESYON
PANANAW
PAGPAPAHAYAG
Panuto: Ibigay ang kahulugan at gamitin sa
pangungusap ang mga sumusunod:
*Ekspresyon
*Pagpapahayag
* Pananaw
KUWARTER 3- MELC 11
PAGGAMIT NG ANGKOP NA
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG
NG KONSEPTO NG PANANAW
Layunin:
Nagagamit ang angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw (Ayon,
batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa.) (F8WG-
IIID-E31)
Mabisang paraan sa pagbibigay ng wastong
ekspresyon ng konsepto ng pananaw
1. Nagpapahayag ng pagsunod o pakikiisa sa
ibig o sinabi ng iba.
Halimbawa:
ayon, batay, para, sang ayon sa/kay, at
alinsunod sa/kay.
2. Nagpapahayag ng palagay na nasa isip
bunga ng pagkaunawa o pagkakaalam.
Halimbawa:
Sa paniniwala, akala, pananaw, sa palagay,
iniisip, sa pagkakaalam
3. Nagpapahayag ng alternatibo o kontrang
pananaw at paggawa ng ibang bagay.
Halimbawa:
Sa isang banda, sa kabilang dako, samantala
Magbigay ng (5) limang halimbawa
ng ekspresyong nagpapahayag ng
mga konseptong pananaw at
gamitin sa sariling pangungusap.
salita Pangungusap

1.
2.
5

3.
4.
Panuto:Piliin ang wastong gamit ng ekspresyong nagpapahayag

ng konseptong pananaw sa kahon na nasa ibaba.

Batay sa, Ayon sa, Sa paalagay,

Sa paniniwala, Inaakala, Alinsunod


1. _________ tauhang si Simon sa El
Filibusterismo “Habang may sariling wika
ang isang bayan, taglay niya ang
kalayaan”.
2. __________ Konstitusyon 1997,
Artikulo 14, Seksyon 6, ang wikang
Pambansa ay Filipino.
3. __________ ko ang pagkakaroon ng isang mataas
at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang lipunan.
4. __________ ng iba na hindi mahigpit sa
pagpataw ng kaparusahan ang DENR Kaya patuloy
silang lumalaban sa batas pangkalikasan.
5. _________ ko kailangan ang malawig na
programa ng DSWD para sa mga batang lansangan
na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa
kalsada.
Panuto: Punan ng angkop na ekspresyon
ang bawat pahayag upang mabuo ang
konsepto ng pananaw sa bawat bilang.

Batay sa Sa palagay ko
Alinsunod Ayon sa
1. _____ Department of social welfare snd
Development, mapanganib din sa mga bata
ang paglalaro ng mga marahas ng internet
games lalo na’t nasa developmental stage pa
lamang ang isang bata
2. Hindi mo ako mamamali kung
pagkakahulugan mo na ang paglalakbay
papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa
patungo sa intelektuwal na mundo _______
mahina kong paniniwala.
3. ____ay pipiliin niyang magtiis kaya aliwin ang mga

huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.

4.____ Sa batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng

Wikang Pambansa na mag-aaral ng mga diyalekto sa

pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng

isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na

wika.
5.____PAGASA, ang bagyonay tatama at magla-landfall sa

Plipinas sa darating na Miyerkules at huwebes.


Karagdagang gawain:
Panuto: Gumawa ng limang (5)
pangungusap gamit ang iba’t ibang uri
ng ekspresyon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like