You are on page 1of 54

Pangkatang Gawain

Panuto:Hahatiin ang klase sa apat na


pangkat at kailangang mag-unahan
sila sa pagbuo ng mga jumbled
letters. Ang unang pangkat na
makakabuo at makakabahagi ng
kanilang ideya o opinyon sa klase ay
magkakaroon ng limang puntos.
*YAYSANAS
* DUOB
*NETTERNI
*KSAPA
* ATALTA
“Ang Ningning At Ang
Liwanag”
ni Emilio Jacinto
Ang ningning ay nakakasilaw at
nakakasira ng paningin. Ang
liwanag ay kailangan ng mata
upang mapagwari ang buong
katunayan ng mga bagay-
bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng
nag-aapoy na sikat ng araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa
kamay ng nagaganyak na
dumampot. Ang ningning ay
madaya.
Ating hanapin ang liwanag,
tayo’y huwag mabighani sa
ningning. Sa katunayan ng
masamang nakaugalian:
Nagdaraan ang isang karwaheng
maningning na hinihila ng
kabayong matulin. Tayo’y
magpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan.
Datapawa’y marahil naman ay
isang magnanakaw; marahil sa
ilalim ng kanyang ipinatatanghal
na kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay nagtatago ang isang
pusong sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na
nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo’y
mapapangiti at isasaloob: Saan kaya
ninakaw? Datapwa’y maliwanag
nating nakikita sa pawis ng kanyang
noo at sa hapo ng kanyang katawan na
siya’y nabubuhay sa sipag at
kapagalang tunay.
Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay
lubhang nangapit ang pagsamba sa
ningning at pagtakwil sa liwanag.
Ito na nga ang dahilang isa
pa na kung kaya ang tao at
ang mga bayan ay
namumuhay sa hinagpis at
dalita.
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob
na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lao
na nga ang mga hari at mga pinuno na
pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga
kampon, at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa
kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan
na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.
Tayo’y mapagsampalataya sa
ningning; huwag nating pagtakhan na
ang ibig mabuhay sa dugo ng ating
mga ugat ay magbalatkayo ng
maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at
hinahinainan ng puspos na galang ay ang
maliwanag at magandang-asal at matapat na
loob, ang kahit sino ay walang mapagningning
pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip
at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasan ay
humahanap ng ningning upang huwag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal
ang kanilang kapangitan; ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad, mahinhin, at maliwanag na
napatatanaw sa paningin.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid
ko, ay matututo kayang kumuha ng
halimbawa at lakas sa pinagdaanang
mga hirap at binatang mga kaapihan?
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pagpapakahulugan


ng “ningning” at ng “liwanag”
ayon sa sanaysay?
Mga Gabay na Tanong:

2. Bakit sinasabi ng may-akda na


ang ningning ay madaya? Isa-
isahin ang mga ito.
Mga Gabay na Tanong:

3. Sa iyong palagay, bakit


maraming tao ang labis na
nagpapahalaga sa ningning o
kinang ng kapangyarihan at
kasikatan?
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang uri ng
panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na
karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at
mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan
ng aral at aliw ng mga mambabasa.
Dalawang Uri ng Sanaysay:
1. Pormal o Maanyong Sanaysay –
nagtataglay ng makatotohanang
impormasyon, piling mga salita, at pahayag
na maingat na tinalakay kaya’t masasabing
mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na
nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng
kaisipan.
Ang ganitong uri ng sanaysay ay karaniwang
umaakay sa mga mambabasang mag-isip nang
malalim at paglakbayin ang guni-guni. Ang
pormal na sanaysay ay nagnanasang
magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo
sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga
mambabasa.
2. Pamilyar o Di-Pormal – tinatawag ding palagayang
sanaysay. Ito ay mapang-aliw, mapagbiro, at
nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa
mga karaniwan, pang-araw-araw at personal na paksa.
Binibigyang-diin nito ang karanasan at mga isyung
bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda
ay maaaring naranasan din ng mambabasa.
PANGKATANG GAWAIN
•Magkakaroon ng dalawang
pangkat.
•Babasahin ng bawat pangkat
ang sanaysay na may pamagat
na “Dinagsa Festival”.
Dinagsa Festival
Ang Dinagsa Festival ay isang
linggong pagdiriwang na
ginagawa tuwing buwan ng
Enero upang bigyan ng
karangalan kay Señor Sto. Niño o
ang batang si Jesus.
Ang pagdiriwang na ito ay dinadaraos para sa
hangarin na hilahin ang mga tao mula sa
kanilang mga maling gawain at magmumulat
sa kanila na ituon ang sarili sa makabuluhang
bagay at kung ano ang tunay na kakanyahan
ng pagsasama-sama at upang magpasalamat
at magpuri sa kay Santo Niño.
Ito rin ang pinakahinihintay ng
mga Cadiznon at maging ng ibang
kalapit lungsod ng Cadiz upang
dumalo at makisaya sa
pagdiriwang na ito tuwing buwan
ng Enero.
Nagsisimula pa lamang ang Buwan
ng Nobyembre ay maririnig mo na
ang tunog ng mga tambol at
musikang ginagamit ng mga
mananayaw na kalahok sa Merry
Making at Street Dancing.
Mas naging tanyag ang
pagdiriwang na ito dahil sa
tinatawag na “Lamhitanay Festival”
kung saan ang mga Cadiznon pati
na rin ang mga turista ay nakikiisa
sa kaganapang ito.
Ang mga tao ay nagsusuot ng puti o
itim na damit upang makita ang isang
likhang sining mula sa mga
pinagsamang kulay na sumusimbolo
sa pagiging masayahin at makulay na
kultura ng Lungsod.
Sinasalamin nito na kahit ano mang
problema o pagsubok ang dumating ay
nalalampasan parin ito nang may ngiti sa
mga labi. Ipinapakita rin na palakaibigan
ang mga tao rito dahil magiliw at mainit
ang kanilang pagtanggap sa mga bisita.
Nagkaroon man ng pandemya ay hindi ito
naging hadlang upang ipagdiwang ang
importanteng kaganapang ito sa pagpapasalamat
sa mahal na Santo Niño.
Saang lugar ka man nagmula, iba iba man ang
ating paniniwala ipinapakita lang na ang bawat
Pilipino ay nagpapahalaga sa kanilang kultura at
tradisyon at may matatag na pananampalataya.
Pangkat I: Anong kaisipan ang
iyong mabubuo mula sa mga
larawan batay sa binasang
Sanaysay? Isulat ito sa sagutang
papel.
LARAWAN 1 LARAWAN 2
Pangkat 2: Sa tulong ng mga
pangunahin at pantulong na mga
kaisipian, ibuod ang nilalaman ng
binasang sanaysay ayon sa
nilalaman ng bawat talata nito.
UNANG TALATA
_________________________________________________________

IKALAWANG TALATA
_________________________________________________________

IKATLONG TALATA
_________________________________________________________
Panuto: Suriin ang mga
sumusunod na mga salita kung
saan ito nabibilang sa
“Ningning” ba o “Liwanag”.
1. PERA
2. Malaking Bahay
3. Pamilya
4. Matalik na Kaibigan
5. CELLPHONE
6. Magarang
Sasakyan
7. Edukasyon
8. Pagmamahal sa Bayan
9. Magarbong mga
Damit
10. Mamahaling Alahas
GAWIN NATIN !
Panuto: Sa buong bahagi ng papel ay
sa pamamagitan ng pagpuno ng
Cylical Thinking Map” ay ibuod ang
akdang “Ang Ningning at Ang
Liwanag”.
Pangunahing Paksa
Kaibahan ng Ningning
At Liwanag
1.
2.
3.

Mga Pantulong na Kaisipan


Pag-ugnay sa Karanasan Mga Nagawa ng Ningning
Sariling Karanasan kaugnay ng
Ningning: 1.
2.
Liwanag: 3.

Mga Pantulong na Kaisipan


Kahalagahan ng Paghahanap sa
Liwanag
1.
2.
3.
1.Ano ang Sanaysay?

2.Ibigay ang dalawang


uri ng sanaysay.

You might also like