You are on page 1of 7

St.

Mary’s Academy, Caloocan City

, Grace Park,

Taong Panuruan: 2020-2021 Asignatura: FILIPINO 9 Markahan: UNA

Modyul Blg. 4 Araling Blg. 4 Petsa: Set. 18-22, 2020
Paksa: PUTING KALAPATI LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN NI USMAN AWANG (TULA MULA SA MALAYSIA)

Kayo ay inaasahan kong:

1. Nasusuri ang mga magkasingkahulugang pahayag sa mga taludturan

2. Naiuugnay ang sariling pananaw, damdamin, at karanasan sa paksa ng napanood na
tulang Asyano
3. Naibabahagi ang kahalagahan ng kapayapaan bilang kabataan sa kasalukuyang lipunan
4. Nakasusulat ng ilang taludtod na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagiging
mamamayang Asyano

Halina’t maghanda nang matuto:

Ang mga tula ay mga akdang pampanitikang naglalarawan sa buhay sa pamamagitan ng mga
taludtod at ng mga saknong. Ipinararating ang mga damdaming ito nang may taglay na estruktura at
indayog o kasiningan sa pagsulat at pagbasa. Ito ay kaiba sa ibang uri ng panitikan dahil nagtataglay
ito ng mga tugmaan, masusing pagpili ng mga salita, at mahusay na pagsukat sa bilang ng mga
pantig. Ang mga tula ay naghahatid ng damdamin at kaisipan ng manunulat patungo sa mambabasa
kaya ito ay masining na nililikha. Nagtataglay ang mga tula ng mga paksang bumubuo sa mga sukat
at tugma sa tula. At ito ay ang mga sumusunod:

Tulang Makabayan Tulang Pangkalikasan

Tula ukol sa pagmamahal sa bayan Mga tula ukol sa kagandahan,

o nasyonalismo. Maaari ding kadakilaan, kahalagahan, at
nagbibigay-diin sa kasaysayan o kabuluhan ng kalikasan sa buhay
ukol sa buhay ng mga bayani ng ng mga tao.
isang bansa.

Tula ng Pag-ibig Tulang Pastoral

Filipino 9 1
Nagbibigay-diin sa buhay sa
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

Pumapatungkol sa tamis ng
pagmamahal ng dalawang tao,
maalab na pagsinta ng magsing-
irog at maging pait at sakit
kasawian sa pag-ibig.

Matapos mong malaman ang mga paksa ng mga tulang Asyano, iyo namang basahin ang isang
halimbawa nito na nagmula sa bansang Malaysia. Sumangguni sa mga pahina 61 at 62 upang
matunghayan ang paksa ng tulang Asyano. Maghanda sa pagsagot sa mga gabay na tanong
pagkatapos.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang kahulugan ng pamagat ng tula na “Puting Kalapati Libutin Itong

Sandaigdigan”?

________________________________________________________________________________

______________________________

2. Bakit daw naglilibot ang puting kalapati sa mundo? Sa iyong pananaw, magtatagumpay
kaya ang mga ito? Ipaliwanag ang kasagutan.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

3. Masasabi mo bang payapa ang pamumuhay ng mga tao sa mundo sa kasalukuyan?

Ano ang magagawa ng mga “palamara” sa mundo?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Filipino 9 2
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

________________________________________________________________________________
______________________________

4. Ano ang pagpapakahulugan mo sa kapayapaan bilang kabataan? Bakit mahalaga ang

kapayapaan sa sandaigdigan?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

5. Bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang kapayapaan sa
inyong tahanan, komunidad, bansa, at mundo?

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
______________________________

Katulad ng ipinahihiwatig sa tula, tinatalakay rito ang kahalagahan ng pangangalaga sa

kapayapaan ng bansa. Katulad ng Pilipinas, dumaan din sa maraming pananakop ang mga
Malaysian mula sa mga Arabo, sa mga Briton, at sa mga Tsino mula Singapura (Singapore). Sinakop
sila ng mga Briton sa loob ng mahabang panahon at nakalaya lamang noong taong 1957. Dito
naranasan ng mga Malaysian ang hindi makatulog dahil sa kawalan ng katahimikan sa gabi.
Naranasan din nila ang hindi pagkakaroon ng tahanan sa saril nilang bayan dahil sa muling
pananakop ng kapwa nila Asyano, ang bansang Singapore. Tuluyan lamang nilang nakamit ang
kanilang kalayaan noong bansang 1965. Nagbunyi ang bansa at ibinahagi nila ang esensya ng
kalayaan at kapayapaan sa kanilang mga panitikan. At mula nga noon ay tuluyang lumipad ang
kalapating nakulong sa kanilang bansa sa mahabang pagkakapiit.

Ang mga tula ay salamin ng kalayaan ng isang bansa, maging ang mga sukat at tugma rito ay
bahagi ng pagtatagumpay na dala ng pagbabahagi ng damdamin at kaisipan ng mga manunula.
Lubusan nga itong makikita sa tula na iyong nabasa sa aralin na ito dahil pinatutunayan sa tula na
ang isang taong malaya ay mapayapa. Mapayapa ang isipan, maluwag na nakakikilos, buong pusong
nakapagmamahal, at nakapagbabahagi ng esensya ng mismong kalayaan at kapayapaang kanyang
nakakamit.

Nais kong malaman kung kayo’y natuto, sagutan natin ito.

Filipino 9 3
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

I. Suriin ang mga sumusunod na taludturan. Tukuyin ang magkasingkahulugang salita o pahayag
na makikita sa mga ito. Salungguhitan ang mga ito sa loob ng taludturan.

1.)
Lumipad ang kalapati upang lakbayin 2.)
ang sandaigdaigan, Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa
Sa kanyang puting pakpak na hanap kapayapaan
ay kapayapaan Habang puso’y pumipintig sa gabi ng
Habang ang sagisag ng katahimikan
pagkakasundo’y patuloy na
pumailanlang

Anong uri ng paksa ang makikita sa

3.) tulang “Puting Kalapati Libutin Itong
Puting kalapati, maglibot ka sa mundo Sandaigdigan”? Ipaliwanag kung
Maglakbay ka hanggang sa makakaya bakit.
mo

II. Panoorin ang isang tulang Asyano sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?

v=8B94ra0XiI8&list=PLqvf_DJQw1_MfF5twJy9jdlaI6dA1tmXm&index=5 na may pamagat na
“Isang Magsasaka, Dalawang Panginoon” sa panulat at pagbigkas ni Jonel Revistual. Isulat
ang mga tugon ukol sa kaisipan ng tula, damdaming masasalamin mula rito, pananaw mo sa
akda, at karanasang maaari mong iugnay rito.

Kaisipan: Ano ang Paksa ng Tula? Pananaw: Ano ang Iyong Pananaw
Ano ang uri ng Paksa ng Tula na ukol sa Tula?
masasalamin mula rito?

Filipino 9 4
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

Karanasan: Sumipi ng isang linya

mula sa tula at magbahagi ng iyong
karanasan kaugnay nito.

III. Sumulat ng sariling tula na binubuo ng dalawa hanggang apat na saknong. Pumili lamang ng
isang paksa mula sa mga paksa ng mga tulang Asyano na siyang magiging pokus ng tula.
Malaya kang pumili kung ang tula ay may sukat at tugma o malaya ang taludturan. Sundin ang
pamantayan sa ibaba sa paglikha.

Mga Pamantayan:
A. Pagsunod sa mga Mekaniks – 5 puntos
B. Paksa ng Tula – 5 puntos
C. Paraan ng Paglalahad – 5 puntos

Filipino 9 5
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

MGA SANGGUNIAN

 Baisa-Julian, Ailene, et al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City Phoenix Publishing House,
Inc. 2019. Print. ph. 61 - 62, ph. 67 – 68.
 https://quizlet.com/325456369/puting-kalapati-libutin-itong-sandaigdigan-malayang-salin-flash-
cards/

 https://plumakabayan.wordpress.com/2015/07/09/puting-kalapati-libutin-itong-sandaigdigan/

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Malaysia

Sanggunian sa mga Larawan:

 https://www.123rf.com/stock-photo/philippines_flag.html?sti=lskgmixb89gso582pc|

 https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/love-couple-logo-vector-7545584

 https://www.abundantfamilypastures.farm/blog

 https://www.cleanpng.com/png-environmental-protection-natural-environment-logo-1967460/

Inihanda ni: Mr. Joshua Rosendal

Iwinasto ni: Mr. Bryan Lloyd Reyes

Napatunayan ni: Mrs. Vanessa Alcantara

Filipino 9 6
St. Mary’s Academy, Caloocan City
, Grace Park,

__________________________________________________________________________________________
Komento sa katayuan ng aralin na ipinatupad

Ganap na ipinatupad

Bahagyang ipinatupad

Hindi
ipinatupad
Rason: ___________________________________

Pangalan ng mag-aaral: ________________________________

Baitang at Pangkat: ________________________________

_________________________________________
Lagda ng Magulang sa ibabaw na Pangalan

Filipino 9 7

You might also like