You are on page 1of 13

1

MODULE 1
SALAMIN NG KAHAPON …
BAKASIN NATIN NGAYON …

Ano ang Tungkol sa Modyul na Ito?

Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi


dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan. Sinasabing ang
panitikan at ang kasaysayan ay matalik na magkaugnay. Sa pag-
aaral ng kasaysayan ng isang lahi, laging bahagi nito ang damdamin,
saloobin, paniniwala, kultura, at tradisyon ng bansang kalimitan ay
masasalamin sa taglay nitong panitikan. At dahil sa pag-aaral ng
panitikan lubusang malalaman ang ating kalinangan kaya’t nararapat
lamang na pagyamanin at ipagmalaki ang mga ito sapagkatang mga
ito’y yaman ng ating bayan.

Sa kabanatang ito ay pagtutuonan nating pansin ang mga


sumusunod:

Aralin 1:

Panitikan: Karunungan ng Buhay

Alamin Natin: Karunungang-Bayan

Gramatika/Retorika: Paghahambing

Aralin 2:

Panitikan: Ang Pinagmulan ng Marinduque

Alamin Natin: Kuwentong-Bayan (Alamat at Epiko)

Gramatika/Retorika: Pang-abay na Pamanahon, Panlunan,


at iba Pang Uri ng Pang-abay

Aralin 3:
Panitikan: Bantugan
Alamin Natin: Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa
Gramatika/Retorika: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng
mga Pangyayari

Aralin 4:
Panitikan: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
2

Alamin Natin: Mga Tulang Lumaganap Noong Panahon ng


mga Espanyol
Gramatika/Retorika: Uri ng Pangatnig
Aralin 5:
Panitikan: Sa Pula, Sa Puti
Alamin Natin: Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng
mga Espanyol at Hapones
Gramatika?Retorika: Mga Alintuntunin sa Pagbaybay na
pasulat
Aralin 6:

Panitikan: Jose P. Laurel (Pangulo sa Panahon ng


Panganib,)
Alamin Natin: Pagbuo ng Pinal na Talasanggunian at Pinal
na Papel Pananaliksik

Ano ang Malalaman Mo Mula sa Modyul na Ito?

Matapos basahin ang modyul na ito, dapat mong magawa:


1. Naibabahagi ang sariling pananaw sa isang paksa.
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa karunungang-
bayan/tula.
3. Nakikilala ang paghahambing naginamit sa bawat
pangungusap.
4. Naibibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa
alamat.
5. Nasusuri ang pagkakaiba ng napanood na alamat sa
binasang alamat.
6. Naihahanay ayon sa uri ng ang mga pang-abay na
ginamit sa talata.
7. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa epikong binasa.
8. Nakikinig nang may pag-unawa upang maipaliwanag ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari.
9. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari.
10. Nakapagbibigay ng mga
salitang may kaugnayan sa paksang talakayan.
11. Napagtatamabal ang
dalawang salitang magkasingkahulugan.Napag-ugnayan
ang mga pahayag gamit ang
KRISME M. MACA, LPT
MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
3

Paano matuto mula sa modyul na ito?

Upang makamit ang mga layunin sa modyul na ito, dapat


mong tandaan ang mga sumusunod.

1. Basahin at sundin nang mabuti ang mga tagubilin.


2. Sagutin ang nagpapaganap sa pretest.
3. Magtala ng mga salita na kailangan ng paglilinaw
4. Sagutin ang posttest
5. Subukang makakuha na hindi baba sa 85% na antas

Tingnan natin ang iyong nalalaman?

Bago ka magsimula mag-aral ng modyol na ito, alamin


natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na
ito.

Direksyon: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pillin mo ang letra ng tamang sagot
at isulat ito sa patlang.

____1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa
araw- araw na pamumuhay
b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung
paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o
kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at
iba pa.
_____2. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa dagat?
a. duplo b. pamanhikan c.karagatan d.
Huego de Prenda

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
4

_____3. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang


palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang
parusahan?
a. Balagtasan b. karagatan c. Batutian
d. duplo
_____4. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong
pahayag?
a. sumakabilang buhay para sa namatay
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
c. buto’t balat para sa payat
d. papatay-patay para sa hipong tulog
_____5. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay –
suporta sa pangunahing ideya?
a.nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b.madalas na itinatanong sa pagsusulit
c.nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
d.susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
_____6. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula?
a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-
5 o 5-5-7 o 7-5-5
b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-
4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-
4 o 8-2-2 o 2-8-2
d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-
4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
_____7. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b.tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c.tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d.tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
_____8. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama, at mga anak
b. may masaganang pamumuhay
c. nakatira sa maayos na bahay
d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
_____9. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay
lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. may kapanagutan sa anumang gawain
KRISME M. MACA, LPT
MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
5

b. magiging sikat na mamamayan.


c.hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d.magkakaroon ng disiplinang pansarili
____10. “Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at
sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay .” Alin sa
pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko b. sa bahay c. mahal sa buhay d. tawagan

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
6

ARALIN 1

Karunungan ng Buhay

Subukan mo Ito

Direksyon: May malaki bang impluwensya ang panitikan sa


iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin
mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik
mula sa salitang panitikan.

P-
A-
N-
I-
T-
I-
K-KRISME M. MACA, LPT
A-MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
N-
7

Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang


mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na
lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito. Iminumungkahi ko na sa
sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyong sagot, nang
sa gayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling konsepto
tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral.

Matuto tayo
KARUNUNGANG-BAYAN
► Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa
bago dumating ang mga Espaῆol ay ang salawikain,
sawikain/kawikaan, at kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may


kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
 ‘Pag ang tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw
 Ang sakit ng kalingkingan
Damdam ng buong katawan.
 “A wattu langan a kuruga mariga
Tattolay nga minagimamma
 “Ing taung mapibabata
Dasan na ing sablangburing na”

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
8

(Ibanag) “(Pampango)
“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga
Sa taong matiyaga. natutupad ng ninanasa.

Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng


pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang
maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis
samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o
idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag
Mga Halimbawa:
►parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa
bato- pakatandaan
► malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang
kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos,

ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:

► Tulak ng bibig Kasama sa gayak


Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad

►Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya


Utos pa sa daga bukas
nakatunganga

Bugtong- Ito ay nagtataglay ng butil ng karunungang hinabi sa maikli at


patugmang pahayag upang ipasagot sa iba

Mga Halimbawa:

1. Likido ang ikinabubuhay niya 2. Bahay ni Donya Ines


Hangin ang ikinamamatay niya Napapaligiran ng butones
Sagot: LAMPARA Sagot: ATIS

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
9

3. Isang baging
Iisa ang dahon
Sagot: Saranggola

Tingnan natin ang iyong Natutunan

Pagkatapos mong basahin ang


mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw
na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan.
Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang
gawain.

GAWAIN 1

Direksyon: Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain, o


kasabihan. Isulat ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Ilista sa tubig.
2. Kapag may isinuksok, may madurukot
3. Magdilang anghel
4. Kung ano ang talon ng ina/amang kambing, ang anak ay ganoon din
5. Ang taong walang walang kibo, nasa loob ang kulo
6. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
7. Bulang-gugo
8. Basang sisiw
9. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
10. Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan

SALAWIKAIN SAWIKAIN KASABIHAN

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
10

GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa bugtong sa inilaang linya.

1. Nanganak ang birhen,Itinapon ang lampin


Sagot:_________________________________
2. Kaisa-isang plato,Kita sa buong mundo
Sagot: _________________________________
3. Sa araw ay bumbong, Sa gabi ay dahon
Sagot:_____________________________________
4. Nagbibigay na,Sinasakal pa
Sagot:_____________________________________
5. Hindi tao,hindi ibon,Bumabalik ’pag itapon
Sagot:______________________________________
6. Mataas kung nakaupo,Mababa kung nakatayo
Sagot:______________________________________
7. Sa isang kalabit,May buhay na kapalit
Sagot:______________________________________
8. Kumpol-kumpol na uling, hayun at bibitin-bitin
Sagot: _______________________________________
9. Hindi prinsesa, hindi reyna bakit may korona
Sagot: _______________________________________
10.Palda ni Santa Maria, Ang kulay ay iba-iba
Sagot: _______________________________________

(PAGPAPATULOY SA UNANG ARALIN)

PAGHAHAMBING

Paghahambing- ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay


nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawang bagay na pinaghahambing.

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
11

MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1.Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay
ng mga salitang gaya,tulad, paris, sin, kapwa, at pareho.

2.Paghahambing na di-magkatulad
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
May dalawang uri ito:
1.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit
itong mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o
di-gasino,mas at kaysa
2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at
di-hamak

MGA HALIMBAWA:

GAWAIN 3:
PANUTO. Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga
gabay na salita sa loob ng panaklong.Isulat ang sagot sa isang buong papel
1.___________________ (gusto:di-magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng
telebisyon kapag wala akong ginagawa.

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
12

2.___________________(maganda:magkatulad) ang pananaw naming


magkaibigan sa buhay dahil ito ang turo ng gaming magulang.
3. Ako ay_____________________(matanda: di-magkatulad) kaysa sa aking mga
kalaro kaya’t pinipilit kong maging mabuting halimbawa sa kanila.
4._____________________(mahirap: di-magkatulad) ang buhay ng aking
magulang kompara sa magandang buhay na ibinigay nila sa akin ngayon
5.Ang aking tatay at nanay ay_______________________(bait:magkatulad) kaya’t
mahal na mahal ko silang dalawa.

GAWAIN 4:

PANUTO: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang.Isulat sa kahin kung anong uri
ito ng paghahambing.

1.Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.

2.Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan komapara sa dati.

3. Magsimbait kami ng aking nanay,sabi ng aking lola.

4.Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan
noon.

5.Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.

ALALAHANIN NATIN

Mahalagang matutunan natin ang ating panitikan dahil ito ay


kayamanan ng ating lahi ito ay bahagi ng ating kalinangan at kasaysayan.
Mahalagang maunawaan din ng mga kabataan na sa pag-aaral ng panitikan ay
maaaring mahubog ang kanilang damdamin at kaisipang makabayan.
KRISME M. MACA, LPT
MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL
13

KRISME M. MACA, LPT


MEDINA COLEGE GRADE SCHOOL

You might also like