You are on page 1of 10

1

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Petsa: _____________

Aralin Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang


Nagsasalaysay, at Talambuhay
3 Isinulat ni Georgette G. Banayat at Marina C. Pajar

Mga Inaasahan
Sa araling ito, matututuhan mo ang wastong pagsulat ng maikling tula, talatang
nagsasalaysay, at talambuhay na maaaring pumapaksa sa kalikasan, panlipunan at
sa iyong sarili.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na
kasanayan:

1. Nakasusulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay


( F5PU-Ie-2.2 F5PU-If-2.1 F5PU-IIc-2.5 )
- Nagagamit ang wastong paraan nang pagsulat ng tula, talata, at
talambuhay.
- Nakapagpapahayag at nakapaglalarawan ng damdamin sa pagsulat.

Paunang Pagsubok

Basahin ang maikling tula. Sagutin ang mga tanong at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
Gintong Sandata
ni Marina C. Pajar

Mula pagkabata’y, aking naaalala


Palagiang habilin ni ama at ina,
Pag-aaral ko, ay palaging pagbutihin
Dahil ito’y susi sa pagkamit ng mithiin.

Edukasyon ang panlaban sa kahirapan


Ang katalinuhan at talas ng isipan
Gintong sandatang magsisilbi nating gabay
Upang balang araw makamit ang tagumpay.

____1. Ano ang paksa ng tula?


A. pagmamahal sa bayan C. pagpapahalaga sa magulang
B. kahalagahan ng edukasyon D. pagpapahalaga sa sarili

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
2

____2. Paano makakamit ng isang tao ang tagumpay? Makakamit ang tagumpay sa
pamamagitan ng _____________.
A. pagsunod sa magulang
B. mabuting pakikipag-kapwa tao
C. pagkakaroon ng sapat na edukasyon
D. pagtatrabaho araw – araw

____3. Bakit kailangang pagbutihin ng bawat mag-aaral ang kanilang pag-aaral?


A. dahil ito ang susi sa tagumpay C. dahil ito ang magiging tulay
B. upang makamit ang mithiin D. upang maging mabuting kaibigan

____4. Paano isinulat ang bawat saknong ng tula?


A. magkakasintunog C. may sukat at tugma
B. may apat na linya D. magkakatulad ang huling salita

____5. Kung ikaw ang mag-aaral sa tula, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
Bakit?
A. Opo, dahil nais ko rin pong maging sikat.
B. Opo , dahil gusto ko pong maging matagumpay sa buhay.
C. Opo, dahil mabuting mamamayan ako.
D. Opo, dahil nais ko pong maging mabuting anak.

Balik-tanaw

Basahin at unawain ang talataan. Sagutin ang mga tanong at isulat ang
iyong sagot sa patlang.

Katakam-takam! Masarap at mabango ang mga ulam na iniluto ni Annie.


Kapag nalanghap mo ay tiyak na gugutumin ka. Marami ang nagtatanong kung ano
ang kaniyang sikreto. Kahit kaunti lamang ang sahog nito ay talagang matatakam ka
sa luto niya. Marami ang nagtatanong kung ano ang kaniyang sikreto.

Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong. Ang kaniyang mga iniluluto ay
pawang sariwa, masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain ay umaayon sa
tamang sangkap na ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang iniluluto ang mga
sangkap. Pinalalambot muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o
hindi labog ang pagkakaluto. Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam
ang anyo at kulay. Tama ang lasa at pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.

1. Ano ang sikreto ni Annie sa pagluluto niya ng ulam?


Sagot:
N
2. Bakit katakam-takam ang mga luto niya?
Sagot:
n

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
3

3. Sa inyong pamilya, sino ang hinahangaan mong magluto? Bakit?


Sagot:

Pagpapakilala ng Aralin

Bago tayo magsimula sa mga gawain, pag-usapan muna natin kung ano ang
tula, talatang nagsasalaysay at talambuhay.
A. Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang
paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Binubuo ang tula ng saknong,
taludtod, tugma, at sukat.

Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o
higit pang taludtod.
Taludtod – isang linya ng mga salita sa tula.
Sukat - bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Sesura- ay lumalarawan sa eksaktong bilang ng sukat at tugma sa isang tula.

Dapat Tandaan sa pagsulat ng tula


1] kailangang magkapareho ang bigkas sa huling salita.

2]kahit maikli lang ang tula kailangang malaman ito.

3]isa lang dapat ang topic ng tula


4]kailangang magkaugnay ang tula sa pamagat
5]kailangang mayroon itong mga malalalim na salita
https://www.slideshare.net/andreatiangco9/malikhaing-pagsulat-tula

Halimbawa:

1 2 3 4 5 6 /sesura 7 8 9 10 11 12 sukat

Wa / lang / ma/ pa/ pa/ la/ kung/ mag/si / si/ si / han?

Sukat : lalabindalawahing pantig

Po/ lus/ yon/ sa/ pa/ li/ gid/, da/ pat/ so/ lus/ yu/ nan

Mag/ ha/ nap/ ta/ yo/ ng/ mga/ pa/ ra/ an

U/pang/ ma/pa/gan/da/ ang/ ki/na/bu/ka/san tugma

Tugma: Ang nasa dulong pantig ng mga salitang magsisihan, solusyunan,


paraan at kinabukasan

B. Ang talata o talataan ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga


pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong pagkukuro,
palagay, o paksang-diwa.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
4

- Ang Talatang Nagsasalaysay ay nagpapahayag ng pangyayari at may


layuning magkwento. Ang pinakapayak na paksa ay isang pangyayaring
naganap sa buhay ng tao.

Halimbawa ng talatang nagsasalaysay:


Kabataan ang pag-asa ng bayan. Kung kaya’t hinihikayat ang mga
kabataan na huwag matakot na magsalita at manindigan sa kani-kanilang
ipinaglalaban para sa katapatan at katotohahanan. Laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalingan at kasakiman. Kung lahat tayo ay sama-sama,
magkaisa sa iisang hahangarin ay mababago natin ang ating lipunan.

C. Ang talambuhay ay mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na


may diwang "tala ng buhay o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon. Maaaring ang talambuhay ay buoin ng mga
sumusunod:
• Petsa at pook ng kapanganakan
• Pamilya, magulang, kapatid
• Paaralang pinasukan, kursong pinag-aralan
• Mahahalagang karanasan
• Mahahalagang nagampanan
Halimbawa ng Talambuhay:

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Ipinanganak siya sa


taong Hunyo 19, 1861 at namatay naman siya sa taong Disyembre 30, 1896,
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng
pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang
kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at


ikapito siya sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal
Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral
siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng
Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na
nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral
din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta,


pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo. Poliglota din si Rizal, na nakakaunawa ng
dalawampu't dalawang wika.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa


pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, na isang lihim
na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na
naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo.
Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong
pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na
susuportahan lamang ang karahasan bilang huling opsyon. Naniniwala si Rizal
na ang tanging katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng
sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at
winika niya "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil
ng hinaharap? Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa
buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang magsimula
ang Himagsikang Pilipino.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Ngayon ay


sagutan mo na ang mga gawain.

Mga Gawain

Gawain 1.1: Basahin at unawain ang maikling tula. Tingnan kung papaano ito
isinulat. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Wika sa Lupang Tinubuan


Sinulat ni Erica P. Retuya

Nasilayan ang unang sikat ng araw


Sa piling ng langit na payapa’t bughaw
Narinig ang wika sa aki’y pumukaw
Sa damdaming sabik, pag-ibig na uhaw

Wikang Filipino ay naghatid ng pang-unawa


Karunungang dulot, sa kamangmangan ay lumaya
Saan man magpunta, sa usapin ay nakahanda
Nagbibigay nang ngiti, sa katwiran ay sagana

Ngunit bakit tila pagpapaunlad sa wika


Nawalan ng saysay, sa dayuhan ay humanga
Wikang hiram niyakap, mas binigyang halaga
Nasaan ang dangal ng bayang inalipusta?

1. Ano ang paksa ng tula?_______________________________________________


2. Paano ito isinulat? _______________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Ano ang iyong napansin sa bawat saknong ? taludtod? ________________
________________________________________________________________________
5. Ilan ang sukat ng taludtod ng bawat saknong?
6. Sumulat ng isang saknong ng tula tungkol sa iyong pamilya. Siguruhing may
sukat at tugma ito. Lagyan ng pamagat.
Pamagat:____________________

________________________________________________________________
________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Gawing batayan ang rubriks na ito sa isinulat na tula:


5 - Napakahusay 3 - Mahusay 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
6

Gawain 1.2: Basahin at pag-aralan ang talatang ito. Tingnan kung papaano ito
isinulat. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Pangyayari sa Hardin.

Noong hapong iyon abala ang mag–anak nila Ginoong Cruz. Hindi magkanda-
ugaga ang lahat sa paghahanda. Nasa loob sila ng kanilang munting tahanan at
abalang nagsisipaghanda ng mga pagkaing ihahain para sa darating nilang mga
bisita. Nang araw na iyon ay kaarawan nang kanilang bunsong anak na si Cristela.
Sa hindi inaasahang pangyayari, nagulat ang lahat sapagkat nang sila’y lalabas na sa
kanilang tahanan bumungad sa kanilang mag-anak ang magulong hardin. Ang mga
paso ay nagkalat, at nasirang mga halaman na animo’y parang mga ginupit gupit na
papel sa pagkasira. Sila’y nagulat sa nangyari at nais malaman kung saan nagmula
ang gulo na iyon. Habang sinisiyasat nila ang kanilang hardin. Nakita ni Ginoong
Cruz ang alaga nilang kambing sa sulok ng mga malalagong halaman na abalang
kinakain ang mga halaman. Naku! Ang alaga nilang kambing pala ang may
kagagawan sa pagkasira ng mga halaman sa kanilang hardin.

1. Paano sinimulang isulat ang talata_________________________________________


_____________________________________________________________________________
2. Anong mga bantas ang ginamit sa pagsulat? ____________________________
_____________________________________________________________________________
3. May kaisahan ba ang bawat pangungusap_________________________________
___________________________________________________________________________
4-5. Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginawa mo sa panahon ng pandemya.
Buuin ang talata na may limang pangungusap na magkakaugnay.

Pamagat: ______________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Rubriks pra sa pagmamarka ng nabuong talata.

Pamantayan Marka
1. Naisulat nang maayos at wasto ang talata na binubuo ng limang
pangungusap na magkakaugnay batay sa paksa. _________
2. Nagamit ang wastong bantas sa pagsulat ng talata. _________
3. Maayos na nailahad ang mga kaisipang tinalakay sa talata. _________
Kabuoang Marka

5 - Napakahusay 3 - Mahusay 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Gawain 1.3: Basahin at pag-aralan ang talambuhay na ito. Tingnan kung papaano
ito isinulat. Pagkatapos ay isulat ang iyong sariling talambuhay.

Talambuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte

Si Pangulong Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso


taong 1945 sa Maasin, Leyte. Siya ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ang
kanyang ama ay si ginoong Vicente Duterte, dating alkalde ng Danao, Cebu. Ang
kanya namang ina ay si ginang Soledad Roa, isang Guro.

Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang


Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo
mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng
Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).

Siya ay unang nag aral ng elementarya sa Laboon Elementary School, ngunit sa


Sta. Ana Elementary School nya ginugol ang natitirang taon hanggang sa makatapos
sya noong taong 1956.Tinapos naman niya ang high school sa Cor Jesu College sa
Digos, Davao Del Sur. Nagtapos siya ng kursong Political Science sa Lyceum of the
Philippines at muli ay nag aral hanggang matapos niya ang pagiging abogado sa San
Beda College of Law taong 1972.

Siya ay mayroong tatlong anak sa unang asawa na si ginang Elizabeth Abellana


Zimmerman. Ito ay sina Sara, Paolo at Baste. Sa kasalukuyan, siya ay may isang
anak sa kinakasamang si Cielito "Honeylet" Avanceña. Ang kanilang nag-iisang anak
ay si Veronica "Kitty" Duterte.

Bago siya naging pangulo ng Pilipinas, siya ay nagsilbing alkalde ng Davao sa


loob ng pitong termino o 22 taon.(https://www.marvicrm.com/2017/08/talambuhay-ni-rodrigo-duterte-buod)

1.Paano isinulat ang talambuhay ni Pangulong Duterte?


___________________________________________________________________________

2. Ano-anong mahahalagang impormasyon sa buhay ni Pangulong Duterte ang


binanggit sa talambuhay?
____________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit kaya si Pangulong Duterte ang napili ng mga Pilipno na
mamuno sa ating bansa?
____________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang pipili ng lider na mamumuno sa ating bansa, anong mga katangian
ng isang lider ang iyong hahanapin?
______________________________________________________________________
5. Isulat mo ang iyong maikling talambuhay. (Maaaring gumamit ng bukod na papel o
“bondpaper”. Gawing gabay ang balangkas na ito sa pagbuo.
I - Petsa at pook ng kapanganakan
II - Pamilya, magulang, kapatid
III - Paaralang pinasukan, kursong pinag-aralan
IV - Mahahalagang karanasan

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
8

V - Mahahalagang nagampanan bilang mag-aaral


Gamitin ang rubriks na ito sa pagmamarka ng iyong natapos na gawa.
Pamantayan Marka
1. Naisulat nang maayos at wasto ang talambuhay na ginamitan
ng wastong bantas sa pagsulat. _________
2. Sunod-sunod ang mga impormasyong kailagan sa pagsulat
ng talambuhay. _________
3. Maayos na nailahad ang mga kaisipang tinalakay sa bawat talata. _________
Kabuoang Marka
5 - Napakahusay 3 - Mahusay 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Tandaan
A. Mga dapat tandaan sa pagbuo o pagsusulat ng tula.
• Ang tula ay nararapat na lumilibang sa mambabasa
• Malayang gumamit ng mga wika/salita sa ibat ibang anyo at estilo
• May sukat, tugma, kariktan at talinghaga
B. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata
• Dapat palaging nagsisimula sa malaking titik ang simula ng pangungus
• Kailangan ay may tamang bantas.
• May tamang margin.
• Dapat naka-pasok ang unang pangungusap sa talata.
C. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talambuhay
• Kailangang bumuo muna ng balangkas.
• Mag-isip ng magandang simula. Iyong kaakit- akit, malakas ang halina upang
hangarin ng sinuman na basahin ang iyong isinulat.
• Mag-isip din ng magandang wakas.
• Ilagay sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga bahagi o elemento.
• Gumamit ng mga salitang tiyak, malinaw, at kawili-wili.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Subuking sumulat ng tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay. Pumili ng isang


paksang bibigyan ng pokus sa pagsulat. (Maaring gumamit ng karagdagang papel o
bond paper sa iyong magiging kasagutan)

A. Sumulat ng maikling tulang may dawalang saknong. Isulat ang pamagat.


Siguruhing may sukat at tugma ang nabuong tula. Pumili sa mga sumusunod
na paksa: 1. tula tungkol sa sarili
2. tula tungkol sa pamilya
3. tula tungkol sa kalikasan
- Gamitin ang rubriks para sa tula na nasa pahina 5.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
9

B. Sumulat ng maikling talata (maaaring 5-10 pangungusap na iisa ang paksa) batay sa
iyong karanasan sa pamamasyal sa makasaysayang pook ng ating bansa.
- Gamitin ang rubriks na nasa pahina 6 sa pagmamarka ng iyong gawa.

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ang tula at maikling talata. Sagutin ang mga katanungan
pagkatapos. Isulat ang malaking letra ng tamang sagot sa patlang.

Kay Ama
Emelito Perez Baes

Nagising nga akong tila nangangarap na isang anino,


sa maputing tabing ng aming kahapong nilikha ng tao;
sa pagkakawalay sa isang magulang ay waring natuto
nahawi ang ulap na nagbigay silim sa kaniyang talino.

Siya’y naparuol walang abug-abog sa rugtong ng tali,


ang kinahinatnan ay signus ng ulap ng panunubali;
kanyang kaluluwa nakitalamitam sa dilim na tangi
ay nakipanaghoy sa luha ng anghel habang ang nagmumuni.

Kay lungkot isipin ang gayong kasaklap ng pagkakalayo,


na kung gunitain pati hininga ko ay halos mapugto;
at pati ang langit ng bagong umaga’y wari’y nagdurugo
at ang dapithapon kung pagmamasdan ko ay naghihingalo.

Haplos ng pag-ibig ang naiwan niya sa supling ng puso,


kanyang inulila’y may bakat ng luhang sa pingi dumapo;
kay ina ay ang buhay ibayong saklap sa pagkasiphayo
at may nakalaang tiising pasanin sa kaniya’y titimo.

Ngayon kung babalik sa pinag-iwanang lubid na putol,


dadamhi’y pangako sa luksang pangarap na tinatalunton;
tataas ang mukha’t lalong kikisig pa sa taglay na suot
at damdaming ama’y hahanga ngang lubos sa sariling hinlog!

1. Tungkol saan ang binasang tula?


A. Ang pagmamahal ng isang kapatid sa kaniyang pamilya.
B. Ang mga sakripisyo na inalay ng isang ama para sa kaniyang anak.
C. Ang isang inang nagsusumamo para sa pagmamahal ng kaniyang anak.
D. Isang lalaking naghaharana sa kaniyang iniirog.
2. Bakit malungkot ang nagsasalita sa tula?
A. Iniwanan siya ng kaniyang iniirog.
B. Nakulong ang ama dahil sa hirap na dinaranas nila.
C. Inulila siya ng kaniyang ama.
D. Hindi siya nakapasok sa paaralan noong araw na iyon.
3. Ano ang magkakatugmang salita sa ikalawang saknong ng tula?
A. tali- panunubali ; tangi – nagmumuni-muni C. puso-dumapo;hayo-timo

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
10

B. anino-tao; natuto-talino D. putol-suot; layo-hingalo

Ang Magagawang Kabutihan para sa Kalikasan

Ang Kalikasan ang nagbibigay kulay sa ating kapaligiran na sadyang


ipinagkaloob ng ating Panginoon. Dapat natin itong ingatan at aalagaan.
Mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa kapakanan
ng sumusunod na henerasyon.

Dapat tayong tumulong, kahit sa sariling sikap lamang para mapangalagaan


natin ang kalikasan tulad ng pagtatanim ng puno sa bakanteng lote at sa lugar na
walang puno na itinanim dahil sa pagtotroso at pagkakaingin. Dapat nating isumbong
sa mga awtoridad ang mga gumagawa nito upang masugpo ang mga masasama o
maling gawain ng mga tao. Dapat tayong magtulungan upang maibalik ang dating
saganang kalikasan upang may magamit pa ang mga susunod na henerasyon.

http://www.millionmiler.com/philippines/20Project/Learning_Center_Project/Document_by_teacher/tinago%20Learn
ing%20center/A&E/ang_magagawa_kong_kabutihan__par.htm )

4. Ano ang paksang tinalakay sa talata?


A. wastong pangangalaga sa kalikasan C. pagmamahal sa bayan
B. wastong pagtatapon ng basura. D. pagbabawal sa pagkakaingin
_____5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapangalagaan ang ating kalikasan?
A. Susundin ko ang batas sa kalinisan at wastong pagtatapon ng basura.
B. Pagagalitan ko ang amng mga kapitbahay na nagtatapon ng basura sa estero.
C. Makikipag-away ako sa ga taong ayaw sumunod sa batas ng kalinisan.
D. Susundin ako ang mga batas trapiko na nakapskil sa kalsada,

Pagninilay

Magsagawa ng isang interbyu sa matalik mong kaibigan. Pagkatapos ay isulat


nang wasto ng kaniyang talambuhay sa isang papel. Sundin ang tamang paraang
tinalakay sa pagbuo ng isang talambuhay. Maaaring gumamit ng bukod na papel o
bondpaper.
Gamitin ang rubriks na ito sa pagmamarka.

Pamantayan Marka
1. Naisulat nang maayos at wasto ang talambuhay na ginamitan
ng wastong bantas sa pagsulat. _________
2. Sunod-sunod ang mga impormasyong kailagan sa pagsulat
ng talambuhay. _________
3. Maayos na nailahad ang mga kaisipang tinalakay sa bawat talata. _________
Kabuoang Marka

5 - Napakahusay 3 - Mahusay 2 – Katamtaman 1- Dapat paunlarin

Binabati kita sa iyong kahusayan! Natapos mo ang modyul na ito. Kung


ikaw ay may hindi naunawaan sa ilang bahagi ng modyul, maaari mong
itanong ito sa eksperto.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like