You are on page 1of 9

1st Quarter Filipino 4

Week 2
Aralin: Tula: Kahulugan at Elemento

I. Panimulang Nilalaman
I. Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ang pagpapahalaga at ksanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan

B. Pamantayang Pagaganap
Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng
sariling tula at kuwento

C. Pamantayan sa Pagkatuto

 Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita


tulad ng paggamit ng palatandaang nagbibigay ng kahulugan -
kasingkahulugan
 Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
 Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at
intonasyon
 Nakasusulat ng tugma o maikling tula

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili


at ibang tao sa paligid

II. Nilalaman: Tula: Kahulugan at Elemento


Tula: “Lumalaki na Ako”
Wika: Kasarian at Kailanan ng Pangngalan
1st Quarter Filipino 4
Week 2
Aralin: Tula: Kahulugan at Elemento

Konsepto ng Aralin

Kasarian at Kailanan ng Pangngalan

Ang salitang nagbibigay-ngalan o tawag sa tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari ay


tinatawag na pangngalan.

Kasarian ng Pangngalan

Mahalagang tiyakin ang kasarian ng pangngalan upang maging malinaw ang pinatutungkulan
natin sa ating pagpapahayag.

Kasarian ng Pangngalan

Pambabae Panlalaki Di-tiyak Walang Kasarian

Tumutukoy sa ngalan Maaaring lalaki o


ng babae. babae
Tumutukoy sa ngalan Mga bagay na walang
ng lalaki. buhay

Mga Halimbawa

Pambabae Panlalaki Di-tiyak Walang Kasarian

1. ate 1. binata 1. bunso 1. aklat

2. dalaga 2. duke 2. guro 2. damit

3. ina 3. ginoo 3. kabataan 3. regalo

4. lola 4. hari 4. kapatid 4. pagkain

5. reyna 5. kuya 5. pinsan 5. puno


Kailanan ng Pangngalan

1. Isahan - tumutukoy sa isang pangngalan. Maaaring gumamit ng:

a) Panandang pantukoy na ang, si, ni, kay, sa, ng

b) Pang-uring pamilang na isa.

Halimbawa: Siya ay isang manggagamot.

2. Dalawahan - tumutukoy sa dalawang pangngalan. Maaaring gumamit ng:

a) Pang-uring pamilang na dalawa.

b) Panandang kambal

c) Panlaping mag

Halimbawa: Ang mag-ama ay nagtutulungan sa pag-aayos ng kanilang mga basura.

3. Maramihan - tumutukoy sa tatlo o higit pangngalan. Maaaring gumamit ng:

a) Panlaping -mag at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.

b) Pang-uring pamilang na tatlo o higit pa

c) Pang-uring panlarawang marami

d) Pantukoy na nasa maraming anyo tulad ng ang mga, sa mga, sina, kina, at nina.

Halimbawa: Ang mga mamamayan ay nakikipagtulungan sa mga pinuno ng bansa.


1st Quarter Filipino 4
Week 2
Aralin: Tula: Kahulugan at Elemento

Basahin ang Kwento

Lumalaki na Ako

Lumalaki na pala ako!


Marami na kasi sa aking nagbago.
Hindi na ako kasya sa dati kong taguan;
Hindi na rin natutuwang pisngi ko’y pinanggigilan.
Ayoko nang maligo kasabay ni Bunso.
Ayoko na rin ng kiddie meal kung may iba pang malalaro.
Hindi na rin ako kinikilig sa tuwing may magbibiro
Na favorite ako ni Nanay, kahit pa siya’y hindi binibigo.

Lumalaki na nga talaga ako!


Hindi na kasya ang dating mga damit ko.
Long pants at polo shirt na ang pampormang paborito,
At ako na rin ang naglilinis ng sariling kuwarto.
Kumulog at kumidlat man, dapat kayaning mapag-isa,
Pagkat ‘di na maaring makitulog sa kuwarto ni Lola.
Dapat maging matapang sa harap man ng mga halimaw,
Dahil mas malaki na ako kaysa noong sila’y huling dumalaw.

Lumalaki na talaga ako. Iyan ang madalas kong naririnig.


Kaya’t dapat nang mag-ingat at huwag nang maligalig.
Di na raw ako batang sasabihang paulit-ulit.
May isip na rin daw kaya’t huwag nang makulit.
Dapat na ring maging maingat sa tuwing may ihihirit,
Upang sa damdamin ng iba ‘di ako makapanakit.
Kapag ako’y nagkakamali, ayaw ko ng palo
Nahihiya na kasi akong umiyak, masakit sa puso.

Lumalaki na po ako’t marami nang pagbabago sa akin.


Nahihilig na nga akong sumabay sa mga makabagong awitin.
Kinikilig na rin sa crush tuwing ako’y pinapansin.
Kahit cartoons pa rin ang aking libangan at paboritong itinuturing.
1) Ano ang pamagat ng tula?
2) Ano ang paksa ng tula?
3) Sino ang nais iparating ng tula?
4) Ano ang mga natutunan mo sa tulang ito?
5) Kung ipatutungkol mo sa iyo ang tula, ano ang mga pagbabago na napansin mo sa iyong sarili?
Isalaysay mo ang iyong kasagutan.
1st Quarter Filipino 4
Week 2
Aralin: Tula: Kahulugan at Elemento

Pagsasanay 1
Pagsasanay 1: Talasalitaan
Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita gamit ang inyong diksyunaryo. Sagutin ito sa
inyong Filipino kwaderno.

1. binibigo - ____________________________________________
2. pamporma - ____________________________________________
3. paborito - ____________________________________________
4. dumalaw - ____________________________________________
5. maligalig - ____________________________________________

Pagsasanay 2

Pagsasanay 2: Alamin Mo!

Suriin ang mga pangngalang nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Kung angkop ang kailanan nito
sa pangungusap, lagyan ng tsek (√) ang patlang. Kung mali, isulat itong muli upang umangkop sa
pangungusap.

1. Nakatutuwang pagmasdan ang taong nagtutulungan.


2. Maging ang mga bata ay marunong mag-alala sa kapakanan ng mga kabataang tulad nila.
3. Sa oras ng pangangailangan, makikita na lahat ng mga Pilipino ay kapatid kung
magturingan.
4. Magkakaroon tayo ng mga kaibigan sa gawain kung marunong tayong makisama sa iba.
5. Tayong mga magkakababayan ay tila magkakapatid kung magturingan..
Pagsasanay 3

Pagsasanay 3: Punan Mo!

Panuto: Salungguhitan ang pangngalan at isulat ang kasarian sa patlang.


____________ 1. Siya ay isang magandang dilag.
____________ 2. Dapat nating unawain ang ating mga kababayan.
____________ 3. Isang bahay-kubo ang pinagawa nila..
____________ 4. Ang pinsan ko ang tumulong sakin.
____________ 5. Tungkol sa kabataan ang pag-isipan natin.
____________ 6. Pare-pareho halos ang balita ngayon.
____________ 7. Masaya nilang sinalubong ang balikbayan..
____________ 8. Si Gng. Paredes ang nagturo sa amin.
____________ 9. Nagdalamhati ang buong bansa dahil sa kanya.
____________ 10.Mabigat ang aklat na dala ko

Pagsasanay 4

Pagsasanay 4: Hanapin Mo!


Bilugan ang pangngalang iba ang kasarian at isulat sa patlang ang titik ng kasarian ng
pangkat na hindi nabilugan.(panlalaki, pambabae, di-tiyak,walang kasarian)
_______________ 1. pako martilyo karpintero lagare
_______________ 2. kumot laro unan kapre
_______________ 3. konde hari emperador prinsesa
_______________ 4. abogado bumbero konduktor tindera
_______________ 5. Helen Alexander Imelda Diana
_______________ 6. asawa kapatid pari pinsan
_______________ 7. binata baboy baka pusa
_______________ 8. engkantada labandera abogado hipag
_______________ 9. tiya tiyo ninong kumpare
_______________10. kawal guro kaklase ninong
Pagsasanay 5

Pagsasanay 5: Tula: Kahulugan at Elemento

Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong ay binubuo ng mga linya o
taludtod. Ang ating binasang tula ay may 4 na saknong at 4 - 8 taludtod. May mga
salitang magkakatugma sa dulo ng taludtod. Gumawa ka ng iyong sariling tula sa kahit
anong paksang nais mo ito ay may 2 saknong at may tig-4 na taludtod lamang.

Rubriks:
Tugma - 5 puntos
Kalinisan - 5 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos
__________
Kabuuan 15 puntos
\

1st Quarter Filipino 4


Week 2
Aralin: Tula: Kahulugan at Elemento

Gawain 3: Repleksyon / Pagninilay

Panuto: Matapos mong basahin ang tula tungkol sa “Lumalaki na Ako”, anu sapalagay mo
ang naging epekto nito sa iyong pagkatao. Ipaliwanag.

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

You might also like