You are on page 1of 12

Aralin 1: Kapaligiran at

Ikinabubuhay sa mga Lalawigan


ng Rehiyon
Ang Kapaligiran ng mga
Lalawigan sa CALABARZON
Ang Rehiyon IV-A o CALABARZON ay
binubuo ng limang lalawigan at
labinsiyam na lungsod. Ang mga
lalawigan at lungsod sa rehiyong ito
ay sinasabing maunlad ang
pamumuhay dahil malapit sila sa
sentro ng kalakalan ng Pilipinas.
Kapaligiran ng Cavite
 Ang Cavite ay ang pinakamaliit na
lalawigan sa buong rehiyon ng
CALABARZON. Ang kalakhang lupain
dito ay kapatagan. May bahaging
bulubundukin lamang kapag nagagawi
sa Tagaytay. Anim ang lungsod sa
lalawigang ito.
Ang Cavite ay ang isa sa mga
lalawigan sa Pilipinas na mabilis ang
pag-angat ng ekonomiya sa dahil
malapit sa Kalakhang Maynila.
Dalawa ang uri ng klima dito. Ang
tagtuyot na nagsisimula sa Nobyembre
hanggang Abril at tag-ulan na
nagsisimula sa Mayo hanggang
Oktubre.
Kapaligiran ng Laguna
 Ang Laguna ay isang lalawigan na
hugis puso ang kapuluan at katubigan.
Naliligiran ang kapuluan nito ng
pinakamalaking lawa sa buong
Pilipinas, ang Lawa ng Laguna.
Pinakamalaking bahagi ng kabuhayan
ng mga tao rito ay ang pangingisda at
palaisdaan.
 Pagdating sa klima, tagtuyot dito
simula Nobyembre hanggang Abril
at tag-ulan naman sa nalalabing
bahagi ng taon.
 Magandang ambag sa turismo
 Magandang kasaysayan
Kapaligiran ng Batangas
 Ang lalawigan ng Batangas ay kilalang
lugar at may magandang pagkakakilanlan
sa larangan ng pamumuhay at kultura.
 Magkahalong kapatagan at kabundukan
ang lupain ng lalawigan. Ang ibang bahagi
nito ay naliligiran ng tubig, kaya ang
pangunahing kabuhayan ng mga tagarito
ay pagtatanim, pagsasaka, at pangingisda.
Kapaligiran ng Batangas
 Ang tag-init sa lalawigang ito ay
Abril hanggang Nobyembre. Tag-
ulan naman simula Disyembre
hanggang Marso.
Kapaligiran ng Rizal
 Ang lalawigan ng Rizal ay parang
saranggola na may dalawang maliit na
buntot sa magkabilang bahagi nito.
 Ang Rizal ay nasa hangganan ng
Kalakhang Maynila sa Kanluran. Ito ay
binubuo ng halos kapatagan at may
bahaging tubig. Ang pangunahing
hanapbuhay ng mga tagarito ay pagsasaka,
pagtatanim, at pangingisda.
Kapaligiran ng Rizal
 Ang klima sa Rizal ay tag-init
simula Abril hanggang Disyembre at
tag-ulan sa ibang bahagi ng taon.
Kapaligiran ng Quezon
 Ang kabuuan ng Quezon ay
mayaman sa iba’t ibang uri ng
kabuhayan, pangindustriya man o
pang-agrikutura.Malawak ang
kapatagan at maraming
bulubundukin ang lugar na ito.
 Tag-init mula Nobyembre
hanggang Mayo at tag-ulan mula
Hunyo hanggang Disyembre.

You might also like