You are on page 1of 20

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 5


Pagsasabi ng Paraan, Panahon
at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos
o Gawain sa Tahanan, Paaralan
at Pamayanan
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagsasabi ng Paraan, Panahon at Lugar ng
Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor
Baby Cherry J. De Luna
Jaime P. Inocencio
Angelito O. Sasing
Noemi R. Zoleta

Tagasuri ng Nilalaman :Lea T. Agulto


Tagasuri ng Wika :Rico C. Sanchez
Tagasuri ng Paglapat :Jeffrey M. Espino
Tagapamahala :Gregorio C. Quinto Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Pagsasabi ng Paraan, Panahon
at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos
o Gawain sa Tahanan, Paaralan
at Pamayanan
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain
at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat


para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang
mga araling tinatalakay sa Filipino Baitang 2.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa aralin


na may kinalaman sa:
Nasasabi ang Paraan, Panahon at Lugar
ng Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa
Tahanan, Paaralan o Pamayanan
CODE: F2WG-IIj-6

Sa pamamagitan ng araling nakapaloob


sa modyul na ito, inaasahang :

 nagagamit ang pang-abay na pamaraan


sa pagsasagawa ng kilos o gawa;
 nagagamit ang pang-abay na pamanahon
sa pagsasagawa ng kilos o gawain;
 nagagamit ang pang-abay na panlunan
sa pagsasagawa ng kilos o gawain;
 natutukoy ang wastong pang-abay na
dapat gamitin sa pangungusap;
 natutukoy ang pang-abay na ginamit
sa pangungusap at
 nakasusulat ng pangungusap gamit
ang wastong pang-abay.

1
Subukin

Panuto:Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel.

1. Araw-araw ay matiyagang nag-aaral si Lita ng


kaniyang mga aralin sa paaralan. Anong pang-abay
na pamaraan ang ginamit sa pangungusap?
a.araw-araw
b. matiyaga
c. si Lita
d. sa paaralan
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay
na pamanahon?
a. sa isang taon
b. maliksi
c. sa dagat
d. lumulukso
3. Ang magkaibigang Ben at Nilo ay namasyal sa tabing
ilog. Ang salitang may salungguhit ay pang-abay na
__________.
a. pamaraan
b. pamanahon
c. panlunan
d. pandiwa
4. Ang nanay ay nagluluto ng agahan sa ___________.
a. kusina
b. silid-tulugan
c. silid-aklatan
d. sa Lunes

2
5. Ang pamilya Gonzales ay masayang nagdiwang ng
Pasko sa kanilang kubo. Anong pang-abay na
panlunan ang ginamit sa pangungusap?
a. pamilya Gonzales
b. masaya
c. nagdiwang
d. sa kanilang kubo

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol


sa pandiwa o salitang kilos.

Ngayon, mula sa iyong natutuhan, piliin ang


salitang kilos na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang aming pamilya ay namasyal sa parke.


2. Si Anesha ay nag-aaral ng kanyang aralin.
3. Naglaba si nanay kahapon.
4. Kumain kami ng puto at kutsinta.
5. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa parke.

3
Tuklasin

Mahilig ka ba sa sorpresa?
Anong sorpresa ang maaari mong ibigay para sa
kaarawan ng iyong nanay o tatay?
Basahin nang tahimik ang talata tungkol isang
sorpresang inihanda nina Elena para sa kaniyang
tatay. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.

4
Sorpresa sa Kaarawan ni Tatay
ni: Baby Cherry J. De Luna

Araw ng Sabado, matapos ang agahan ay


pumasok na sa opisina si Tatay Nick. Matapos hugasan
ang kanilang mga pinagkainan ay mabilis na naghanda
sina Nanay Belen at Elena upang pumunta sa palengke
para bilihin ang kanilang mga kakailanganin para sa
kanilang sorpresa sa kaarawan ni Tatay Nick. Matiyaga
nilang pinili ang mga sangkap na kakailanganin nila sa
kanilang mga ilulutong handa.

Pagkauwi sa kanilang bahay ay dinala nila ang


kanilang mga napamili sa kusina. Habang inaayos ni
Nanay Belen ang mga sangkap ay nagtungo si Elena sa
kanyang silid-tulugan upang gumawa ng isang kard para
sa kaniyang tatay. Ito ang kanyang regalo para kay
Tatay Nick. Matapos gawin ang kard ay bumalik si Elena
sa kusina. Masigla niyang tinulungan ang kanyang nanay
sa pagluluto.

Kinahapunan ay dumating na ang mga bisita para


sa kaarawan ni Tatay Nick. Ilang sandali pa ay dumating
na si Tatay Nick. Sinalubong siya ng masayang pagbati
ng mga panauhin. Taos-pusong nagpasalamat si Tatay
Nick sa mga bisita. Kinagabihan iniabot ni Elena ang kard
sa kanyang tatay. Mahigpit na niyakap ng kanyang
tatay si Elena bilang pasasalamat.

5
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pamagat ng talata?


2. Sino ang may kaarawan?
3. Saan nagpunta sina Nanay Belen at Elena?
4. Kailan iniabot ni Elena ang kanyang regalo?
5. Paano niyakap ni Tatay Nick si Elena?

Suriin

Balikan ang mga pangungusap na mula sa


kuwentong “Sorpresa kay Tatay”. Bigyang-pansin ang
mga salitang may salungguhit.
1. Mabilis na naggayak sina Nanay Belen at Elena.
Paano naggayak sina Nanay Belen at Elena?
2. Matiyaga nilang pinili ang mga sangkap na
kakailanganin.
Paano nila pinili ang mga sangkap na kailalangan?
3. Masigla niyang tinulungan ang kanyang nanay sa
pagluluto.
Paano niya tinulungan ang kanyang nanay sa
pagluluto?

6
4. Sinalubong siya ng masayang pagbati ng mga
panauhin.
Paano siya binati ng mga bisita?
5. Mahigpit na niyakap ng kanyang tatay si Elena.
Paano siya niyakap ng kanyang tatay?
Ang mga salitang may salungguhit ay mga
salitang sumasagot sa tanong na paano. Ito ay
tinatawag na pang-abay na pamaraan.

1. Araw ng Sabado, matapos ang agahan ay pumasok


nasa opisina si Tatay Nick.
Kailan pumasok sa opisina si Tatay Nick?
2. Kinahapunan ay nagsidatingan na ang mga bisita
Kailan dumating ang mga bisita?
3. Kinagabihan iniabot ni Elena ang kard sa kanyang
tatay.
Kailan iniabot ni Elena ang kard sa kanyang tatay?
Ang mga salitang may salungguhit ay mga
salitang sumasagot sa tanong na kailan. Ito ay
tinatawag na pang-abay na pamanahon.

1. Pumasok nasa opisina si Tatay Nick.


Saan pumasok si Tatay Nick?
2. Pumunta sila sa palengke para bilihin ang kanilang
mga kakailanganin.
Saan sila pumunta para bilihin ang mga kakailangan?
7
3. Pagkauwi sa kanilang bahay.
Saan sila umuwi?
4. Dinala nila ang mga napamili sa kusina.
Saan nila dinala ang kanilang mga napamili?
5. Nagtungo si Elena sa kanyang silid-tulugan upang
gumawa ng kard.
Saan nagtungo si Elena upang gumawa ng kard?
Ang mga salitang may salungguhit ay mga
salitang sumasagot sa tanong na saan. Ito ay
tinatawag napang-abay na panlunan.
Ang Pang-abay ay mga salitang sumasagot sa
tanong na paano, kailan at saan. Ito ay may tatlong uri:
pamaraan, pamanahon at panlunan.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Punan ng angkop na pang-abay na panlunan


ang mga pangungusap batay sa larawang nasa
ibaba.

1. Ang mga mag-aaral ay pumapasok sa _______________.


2. Nagtanim kami ng mga halaman sa __________________.
3. Pumunta kami sa _______________ upang makinig
ng misa.
4. Ang mga bata ay naglalaro sa _______________________.
5. Sa _______________ tayo naliligo.

8
banyo hardin

palaruan paaralan simbahan

Gawain 2
Panuto: Piliin ang angkop na pang-abay na pamanahon
na nasa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Sa (umaga, tanghali, hapon) tayo kumakain ng
agahan.
2. Tuwing (Lunes, Huwebes, Sabado) ay walang pasok sa
paaralan.
3. Tuwing (Enero, Setyembre, Disyembre) ay
ipinagdiriwang natin ang Pasko.
4. Ngayon ay 2021, sa susunod na ( araw, buwan, taon)
ay 2022.
5. Mataas ang sikat ng araw tuwing (umaga, tanghali,
gabi.

9
Gawain 3

Panuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na pang-abay na


pamaraan para sa mga pangungusap na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. ___________ kang lumakad a. mataas
para hindi ka madapa. b. dahan-dahan
2. Matulog ka nang ________. c. mabuti
3. Tumalon ka nang ________. d. masaya
4. ________ kang ngumiti. e. mahimbing
5. Mag-aral ka nang _______.

Isaisip

Panuto: Suriin at kumpletuhin ang talata.

Ang __________ ay salitang sumasagot sa tanong


na paano, kailan at saan. Ang ____________ uri ng
pang-abay ay pang-abay na ___________ na sumasagot
sa tanong na paano. Ang pang-abay na ____________ ay
sumasagot sa tanong kailan at ang pang-abay na
___________ ay sumasagot sa tanong na saan.

10
Isagawa

Panuto: Iguhit ang senaryong ito na ginamitan ng mga


pang-abay sa inyong sagutang papel.
Isang gabi ang mga bata ay masayang
naglalaro ng taguan sa may hardin.

11
Tayahin

Panuto: Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Tuwing bakasyon ay masayang nagbabakasyon ang


aming pamilya sa probinsiya. Anong pang-abay na
pamaraan ang ginamit sa pangungusap?
a. Tuwing bakasyon
b. masaya
c. pamilya
d. sa probinsiya
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay
na pamanahon?
a. matulin
b. sa sapa
c. sa isang linggo
d. lumulukso
3. Maliligo kami sa dagat. Ang salitang may salungguhit
ay pang-abay na __________.
a. Pamaraan
b. Pamanahon
c. Panlunan
d. Pandiwa
4. Ang mga kabataan ay umakyat sa__________.
a. dagat
b. kapatagan
c. bundok
d. Ibaba

12
5. Ang pamilya Gonzales ay masayang nagdiwang ng
Pasko sa kanilang kubo. Anong pang-abay na
panlunan ang ginamit sa pangungusap?
a. pamilya Gonzales
b. masaya
c. nagdiwang
d. sa kanilang kubo

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng tatlong pangungusap na


ginagamitan ng sumusunod na pang-abay:
Pamaraan (Paano)
1. _______________________________________________
Pamanahon ( Kailan)
2. _______________________________________________
Panlunan (Saan)
3. _______________________________________________

13
Susi sa Pagwawasto

14
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Batang Pinoy Ako, Patnubay ng Guro. Pasig City,


Philippines: Department of Education-Bureau of Learning Resources, 2015

Loresto, J.P. Tuklas Aklat sa Wika at Pagbasa 3, Sampaloc, Manila Philippines:


Magallanes Publishing House., 2018

Yare,Melin. Pang-abay na Panlunan, Pamanahon, Pamaraan.youtube channel. 2019


https://www.youtube.com/watch?v=mirXebqc1fE&t=274s

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like