You are on page 1of 9

Sabjek: Filipino Baitang: III

Petsa: Sesyon: 1
Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang
mapalawak ang talasalitaan
Kompetensi F3PB-Ih-14,F3PB-Iii-14,F3PB-IIIi-14,
F3PB-IVf-14
Nakapagbibigay ng wakas sa binasang kuwento

I LAYUNIN Naiuugnay ang sariling kaalaman o karanasan


Kaalaman batay sa binasang kuwento o teksto.
Saykomotor .
Nakasusulat ng wakas ng binasang kuwento o
teksto
Apektiv Napahahalagahan ang mga pangyayaring
nararanasan.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagbibigay ng Wakas ng Binasang Kuwento

B. SANGGUNIAN Patnubay ng Guro pah. 52, Kagamitan ng Mag-


aaral Batang Pinoy Ako pahina 31-32
CG pahina 48
Kuwento: Ang Kabayo at ang Kalabaw
C. KAGAMITANG Tsart o Xerox ng kuwento, larawan
PAMPAGTURO
III PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Pasagutan ang SUBUKIN


Pangmotebisyunal na Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat
tanong: ang maaaring sumunod na nangyari.
Aktiviti/ Gawaing Pagsusuri
Maagang pumasok sa eskwelahan
ang magkapatid na Rowena at Rolly. Nakalimutan
nilang dalhin ang kanilang payong at kapote.
Habang naglalakad ang magkapatid ay biglang
bumuhos ang malakas na ulan.

Itanong:

Nakakita ka na ba ng kabayo? Nakakita ka na ba


ng kalabaw? Sa iyong palagay, sino sa kanilang
dalawa ang mas mabilis mapagod?

B. PAGLALAHAD
Abstraksyon Basahin ng bata ang kuwentong
( Pamamaraan ng Pagtalakay) “Ang kabayo at ang Kalabaw”

SURIIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pamagat ng kuwento ?
2. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Bakit magtutungo ang magsasaka sa ibang
bayan?
4. Bakit mas naunang napagod ang
kalabaw kaysa sa kabayo?
5. Ano ang hiniling ng kalabaw sa kabayo

Ang pagwawakas ng kuwento ay ang


pagtatapos nito.
Sa pagbibigay ng wakas sa kuwento
kinakailangan ay ipinakikita ang sumusunod:
1. Paglutas ng suliranin ng mga tauhan sa
kuwento.

2. Pagiging maayos ng mga pangyayari at


naaayon sa pamagat ng kuwento.

Halimbawa:
Ang Batang Pihikan
Si Rowena ay batang pihikanat laging
walang gana sa pagkain. Madalas ay karne
lamang ang gusto niyang inuulam. Kahit na
pinagsasabihan siya ng kaniyang mga magulang
ay ayaw pa rin niyang kumain ng gulay. Mahilig
din siya sa kendi at junk foods kaya naman
napaka gaan ng kaniyang timbang at madalas siya
ay nagkakasakit. Isang araw nagising nang maaga
ang nanay at tatay ni Rowena . Sila ay pupunta sa
klinika ni Dr. Ramos kasama si Rowena.

Maaring wakas ng kuwento:


1. Si Rowena ay dadalhin sa klinika dahil siya ay
nagkasakit.
2. Patitingnan si Rowena sa doktor para maihingi
ng bitamina upang di na siya laging nagkakasakit
at magkaroon ng gana sa pagkain.

Ang Pulubi

Isang araw maagang umalis ng bahay si


Manuel upang pumasok sa eskwelahan. Habang
naglalakad ay binibilang niya ang baon na
ibinigay sa kaniya ng kaniyang Tito na galing sa
abroad. Maya maya ay may isang matandang
pulubi na nakatungkod ang lumapit sa kaniya at
nanghingi ng limos. Hindi nagdalawang isip si
Manuel at kaagad na iniabot sa matandang pulubi
ang sampung piso. Tinulungan din ni Manuel na
makatawid sa kabilang panig ng kalsada ang
matanda. Sa may di kalayuan ay nakita pala si
Manuel ng kanilang guro na si Gng. Alaoria.
Nakangiting lumapit si Gng. Alaoria kay Manuel.

Maaring wakas ng kuwentong ito


1. Lumapit si Gng. Alaoria at pinuri ang kabutihan
na ginawa ni Manuel
2. Lumapit si Gng. Alaoria kay Manuel upang
yayain na itong pumasok sa loob ng paaralan.

C. PAGSASANAY GAWAIN 1
Mga Paglilinang na Gawain Panuto: Isulat ang iyong sagot sa mga
sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring
nangyari kung pinagbigyan ni Kabayo si
Kalabaw?

2 Ano ang gusto mong maging wakas o


pagtatapos ng kuwentong ito?

GAWAIN 2
Panuto: Basahin at isulat ang maaaring maging
wakas ng kuwento.

Limang Tulog
ni Florenda B. Cardinoza

D. PAGLALAPAT GAWAIN 3
Aplikasyon Panuto: Isulat ang maaaring maging
wakas ng pangungusap na ito.

1.Laging napupuyat si Loren sa paglalaro ng


kaniyang cellphone kaya naman lagi siyang
nakakatulog tuwing oras ng klase.
E. PAGLALAHAT Sa pagbibigay ng wakas sa kuwentong
binasa, mahalaga na unawain ang mga
pangyayari sa kuwento upang makapgbigay ng
angkop na wakas.
Ang wakas ng kuwento ay nararapat na
may kaugnayan sa mga pangyayari sa kuwentong
binasa.

IV PAGTATAYA Panuto: Kumuha ng isang buong papel.


Basahin ang sitwasyon at isulat ang maaring
maging wakas nito.

Isang araw tumaya si Mang Cardo sa loto


dahil sa nangangailangan siya ng pera pambili
ng gamot ng kanyang asawa. Nagdasal muna siya
sa simbahan bago siya tumuloy na umuwi sa
bahay. Kinabukasan may narinig siyang malakas
na sigaw ng kanyang anak habang hawak-
hawak nito ang tiket ng loto. Tumakbo si Mang
Cardo at tiningnan ang tiket, napaluhod sa lupa si
Mang Cardo.

V. TAKDANG ARALIN Isulat sa isang buong papel ang iyong naging


karanasan kung paano ka natutong bumasa.
Bakit mahalaga ang pagbabasa? Ipaliwanag.

TUGON:

PAGNINILAY-NILAY:

Sabjek: Filipino Baitang: III


Petsa: Sesyon: 2
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa
pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin.
Kompetensi F3PS-Ii-3.1
Naiuulat ang mga naobserbahang pangyayari sa
pamayanan
I LAYUNIN Naiuugnay ang sariling kaalaman o karanasan sa
Kaalaman pag-unawa ng mga naobserbahang pangyayari sa
pamayanan
Saykomotor Nakasusulat ng mga naobserbahang pangyayari
sa pamayanan.

Apektiv Napahahalagahan ang mga pangyayaring


nararanasan.
II PAKSANG ARALIN
D. PAKSA Pag-uulat ng mga naobserbahang pangyayari sa
pamayanan
E. SANGGUNIAN
TG pahina 57-59,
CG pahina 48

F. KAGAMITANG Tsart o Xerox ng kuwento, larawan


PAMPAGTURO
III PAMAMARAAN

D. PAGHAHANDA Pasagutan ang SUBUKIN


Pangmotebisyunal na
tanong: Panuto: Tingnan ang larawan. Sabihin kung
Aktiviti/ Gawaing Pagsusuri ano ang pangyayaring nakikita mo sa larawan

Ikaw ba ay tumutulong rin sa mga gawaing


bahay? Bakit ka tumutulong sa mga gawain sa
inyong bahay?

E. PAGLALAHAD
Abstraksyon Basahin ng bata ang Mga Tungkulin Na Dapat
( Pamamaraan ng Pagtalakay) Gampanan Sa Paaralan, Sa Tahanan At Sa
Pamayanan.

SURIIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Batay sa binasa , ano ang ibig sabihin ng
salitang tungkulin?
2. Ano ano ang tungkulin mo sa paaralan?
3. Ano ang iyong tungkulin sa inyong bahay?
4. Ano ang tungkulin mo sa pamayanan?
5. Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na
nabanggit?

Sa pag-uulat ng isang pangyayaring


naobserbahan, dapat nating alamin at unawain
ang wastong mga impormasyon na may
kinalaman sa kuwento o pangyayari . Ang ulat ay
dapat tugma sa pangyayaring naobserbahan.

Halimbawa:
Ano ang karaniwang pangyayari sa paaralan? Sa
tahanan?Sa pamayanan?
Mga gawain ng isang batang tulad mo sa paaralan,
sa tahanan , sa pamayanan.

1. Ganito ang mga karaniwang pangyayari at


gawain sa mga paaralan.
Ang mga ginagawa ng isang batang tulad
mo sa paaralan ay nakikinig sa itinuturo ng guro,
nagsusulat, nagbabasa, nagbibilang, gumuguhit,
sumasayaw at umaawit. Naglilinis ng silid-aralan
at paligid, nagdidilig ng mga halaman at pananim
sa bakuran at masayang naglalaro kasama ang
kamag-aral tuwing oras ng reses.

2. Ganito ang mga karaniwang pangyayari at


gawain sa tahanan
Ang mga ginagawa ng isang batang
tulad mo sa sa tahanan ay nagliligpit ng
pinaghigaan, naglilinis ng paligid, nagliligpit ng
pinagkainan,tumutulong sa mga magulang sa mga
gawaing bahay. Nanonood ng telebisyon kasama
ang pamilya. Naliligo, kumakain, natutulog at
masayang nakikipagkuwentuhan sa pamilya.

3. Ganito ang mga karaniwang pangyayari at


gawain sa mga pamayanan.
Ang mga ginagawa ng isang batang tulad
mo sa pamayanan ay tumutulong sa paglilinis at
pagpapaganda ng paligid. Nakikiisa sa mga
proyekto. Sumusunod sa mga tuntunin ng
pamayanan.
F. PAGSASANAY GAWAIN 1
Mga Paglilinang na Gawain Panuto: Gawin ang sumusunod

1. Sa isang buong bond paper ay iguhit mo ang


iyong sarili at kulayan ito.

2. Isulat sa ilalim ng iyong iginuhit kung ano ang


iyong mga ginagawa upang makatulong sa
mga gawaing bahay

GAWAIN 2
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa isang
buong papel kung ano ang mga pangyayaring
nagaganap sa bawat larawan.

D. PAGLALAPAT GAWAIN 3
Aplikasyon
Panuto: Isulat sa isang buong papel ang mga
pangyayaring naobserbahan mo sa inyong
tahanan noong nakaraang Pasko.

E. PAGLALAHAT Sa pag-uulat ng isang pangyayaring


naobserbahan, dapat natin alamin at unawain
ang wastong mga impormasyon na may
kinalaman sa kuwento o pangyayari . Ang ulat ay
dapat tugma sa pangyayaring naobserbahan.

IV PAGTATAYA Panuto: Sumilip ka sa bintana ng inyong bahay.


Tingnan kung anong mga pangyayayri ang iyong
nakikita. Isulat sa isang buong papel kung ano ang
mga pangyayaring iyong nakita.

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Gumupit ng larawan na nagpapakita ng


iyong tungkulin o ginagawa sa paaralan , sa
pamayanan at sa tahanan. Idikit ang mga larawan
sa isang bondpaper.

TUGON:

PAGNINILAY-NILAY:

Inihanda ni

RAQUEL R. ALAORIA

TANDAAN : Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like