You are on page 1of 6

HEALTH 3

IKALAWANG MARKAHAN

Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: ___________


Seksyon: ___________________________ Petsa: ______________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Pagkilala sa mga Karaniwang Sakit sa Pagkabata

Panimula (Susing Konsepto)

Ang tao ay nagkakasakit dahil sa humihina ang immune system


at kapag mahina ang immune system ay mas mabilis kapitan ng
karamdaman.
Ang karamdaman ay ang abnormal na kondisyon ng katawan na
nakaapekto sa normal na Gawain ng ating katawan at isip.
Maraming mga bagay tayong hindi nagagawa kapag hindi
normal ang pakiramdam natin sa ating katawan.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng karamdaman na maaari


mong maranasan bilang isang bata.

Karaniwa
Sintomas Paraan ng pag-iwas
ng Sakit
Lagnat at -lagnat -Iwasan ang paghawak ng
Sipon -pagbahing mukha kung hindi naghugas ng
-sipon kamay
-ubo
-pananakit ng - Ugaliing maghugas ng kamay
katawan kalamnan- palagi
pananakit ng Takpan ang ilong o bibig kapag
lalamunan bumabahing o umuubo

Sore Eyes Pamumula ng mga -Iwasan na kuskusin ang mata


mata lalo na sa pampublikong lugar
Pangangati at
pagmumuta -Ugaliin ang paghugas ng
kamay gamit ang sabon at tubig
-Iwasan ang pagpapahiram o
panghihiram ng mga pernasal
na gamit tulad ng panyo o
bimpo
Tigdas Mataas na lagnat at -Panatilihin na malinis ang
rashes katawan
Ubo
Sipon -Kumpleto ang bakuna
Pamumula ng mga -Umiwas sa mga matataong
mata lugar na maaaring pagmulan ng
Diarrhea tigdas
Ear infection
Bulutong Mataas na -Tiyakin na kumpleto ang
temperature ng bakuna
katawan Ubo
Si sipon -Ugaliin ang palagiang
paghugas ng kamay
Pangangati at
pamumula ng balat
Pagkakaroon ng
mga pantal
Polio pamamanhid ng -Kumpletong bakuna
mga kalamnan sa
braso, binti, at -Tiyaking malinis ang katawan
dibdib ang kapalgiran

lagnat -Ugaliin ang paghuhugas ng


kamay pagkatapos gumamit ng
pagkahapo palikuran, bago at pagkatapos
kumain
matinding
pananakit ng ulo

pagsusuka

paninigas ng leeg

pangingirot ng mga
biyas

kahirapang
huminga

Beke Pananakit ng Pagbabakuna


katawan Palagiang paghuhugas ng kamay
Lagnat Pagtakip sa bibig o ilong kapag
Panghihina umuubo o bumabahing
Kawalan ng ganang
kumain
Pamamaga ng pisngi
o panga
Diarrhea Pananakit ng tiyan -Ugaliin ang paghuhugas
Madalas na ng kamay bago, habang, at
pagdumi pagkatapos magluto.

Basa at kalat na Ugaliin ding maghugas


dumi pagkatapos humawak ng
mga maduduming bagay.
Pagsusuka
Tandaan na dapat gumamit
Paglaki ng tiyan ng sabon at kuskusin ang
Pamumulika mga kamay ng 20 segundo.
-Iwasan rin ang pagkain at
pag-inom ng kahit anong
bagay na hindi mo alam
ang pinanggalingan

Kasanayang Pampagkatuto o Kompetensi


Nakikilala ang mga Karaniwang Sakit sa Pagkabata
(H3DD-IIbcd-1)

Gawain 1
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng sakit ang isinasaad sa mga
sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
a. sore eyes
b. diarrhea
c. bulutong
d. polio
e. beke
________1.Pamamanhid ng mga kalamnan sa braso,
binti, at dibdib
________2.Pamumula ng mga mata
________3. Pamamaga ng panga o pisngi
________4. Pananakit ng tiyan
________5. Pangangati at pamumula ng katawan

Gawain 2
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at M naman ang isulat kung mali.
________1. Ang kumpletong bakuna ay mahalaga upang
maiwasan ang karaniwang sakit.
________2. Hindi na maaaring magkaroon ang mga
matatanda ng karaniwang sakit sapagkat sa mga bata
lamang ito nangyayari.
________3. Ang lagnat at sipon ay karaniwang sintomas ng
sakit.
________4. Ang paghuhugas ng kamay ang isa sa mga
paraan upang makaiwas sa sakit
________5. Siguraduhin na malinis ang tubig at tama ang
pagkaing ating kinakain upang makaiwas sa sakit.

Gawain 3
Panuto: Isulat sa iyong papel kung alin sa mga ito ang naranasan mo
na at kung ano ang iyong ginawa o ginawa ng iyong magulang upang
ikaw ay gumaling.

1. bulutong
2. Tigdas
3. sore eyes
4.polio
5. diarrhea
6. beke
Mga Sanggunian:

Music, Art, Physical Education and Health


Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog pahina 455-463

https://www.parentcircle.com/article/6-common-illnesses-in-children-and-ways-
to-prevent-them/

http://pilipinomirror.com/tigdas-o-measles-sintomas-at-kung-paano-ito-
maiiwasan/

https://ph.theasianparent.com/sintomas-ng-polio
https://www.medicalnewstoday.com/articles/224382

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1.d
2. a
3. e
4. b
5 .c
Gawain 2
1. tama
2.mali
3.tama
4.tama
5.tama
Gawain 3
Ang sagot ay depende sa ginawa ng bata
Inihanda ni:

RAQUEL R. ALAORIA
Guro III, KES
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please
include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like