You are on page 1of 8

Ang diarrhea (pagtatae) ay:

• ang pagiging matubig ng dumi o tae

• mas madalas na pagdumi o pagtae sa isang araw

Mga karagdagang payo kung nagtatae ka:

• Uminom nang dahan-dahan at paunti-unti. Uminom ng iba’t ibang klase ng likido maghapon upang
maiwasan ang panunuyo.

• Kumain ng kaunting pagkain 3-5 beses sa isang araw. Subukan ang saging, puting kanin, applesauce
at tostadong puting tinapay dahil mas madali silang matunaw.

• Iwasan ang caffeine, alak, mamantikang pagkain at pagkain na may gatas.

• Bawasan ang mga pagkaing maraming fibre tulad ng mga tinapay na whole grain, cereals, prutas at
gulay, nuts at pagkaing butil. Kapag tumigil na ang pagtatae, unti-unting ibalik ang mga dating
kinakain.

Paano kumakalat ang bacterial gastroenteritis?


 Kontaminadong pagkain o tubig.  Malamang na magkaroon ka ng gastroenteritis
sa pamamagitan ng pagkain o tubig na may nakakapinsalang bakterya (tulad ng
salmonela, Campylobacter, at E. coli). Pwedeng maging kontaminado ang
pagkain kapag hindi naghugas ng kanilang mga kamay ang mga humawak ng
pagkain. O kapag ang pagkain ay hindi itinago, hinawakan, o niluto nang tama.
 Fecal-oral route (dumi na napupunta sa bibig.  Ang mga taong may bacterial
gastroenteritis ay may nakapipinsalang bakterya sa kanilang dumi. Kapag hindi
sila naghugas ng kanilang mga kamay pagkatapos nilang gumamit ng banyo,
pwede nilang maikalat ang mga mikrobyo sa mga bagay. Kung mahahawakan
mo ang gayong mga bagay, kakapit ang mga mikrobyo sa iyong mga kamay at
naililipat ito sa iyong bibig.

Paano nilulunasan ang bacterial gastroenteritis?


 Madalas na gumagaling ang bacterial gastroenteritis nang walang gamutan. Sa
ilang kaso, nawawala ang mga sintomas pagkalipas ng 1 o 2 araw. Sa iba,
nanatili ang mga sintomas nang ilang linggo. Sa ilang partikular na kaso,
pwedeng tumagal ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang iyong pagdumi.

 Ang pagpapanauli ng nawalang tubig dahil sa pagtatae at pagsusuka ay


mahalaga para sa ganap na paggaling. Kung maraming tubig ang nawala sa
iyong katawan, malamang na kailangan mo ng likidong padadaanin sa
pamamagitang ng IV (intravenous) line sa ospital.
 Maaari kang resetahan ng mga gamot na nagpapabagal sa pagtatae. Depende
ito sa kung ano ang iniisip ng iyong provider na sanhi ng iyong mga sintomas.
Pero pwedeng patagalin ng mga gamot na ito ang iyong pagkakasakit.

 Magrereseta lamang ang iyong provider ng mga antibayotiko kung ang mga
sintomas mo ay sanhi ng partikular na uri ng bakterya o kung malala ang iyong
mga sintomas.

 Posibleng maospital ka kung napakala ng mga sintomas mo.

Pagpapahupa ng mga sintomas ng mga bacterial


gastroenteritis
Sa karamihan ng kaso, nagagamot sa tahanan ang bacterial gastroenteritis. Para
humupa ang mga sintomas at mapigilan ang mga kumplikasyon:

 Magkaroon ng maraming pahinga.

 Uminom ng maraming likido para palitan ang nawalang tubig dahil sa pagtatae at
pagsusuka. Tubig, malinaw na sabaw, at mga electrolyte solution ang
pinakamabuti. (Makakahanap ka ng mga electrolyte solution sa halos lahat ng
parmasya.) Huwag uminom ng mabubulang (carbonated) inumin, alak, kape,
tsaa, cola, gatas, at katas ng prutas. Maaari nitong palalain ang mga sintomas.
Kung nahihirapan kang uminom dahil sa pagduduwal at pagsusuka, subukang
sumipsip ng tipak yelo.

 Kumain lamang ng ayon sa itinagubilin ng iyong provider ng pangangalagang


pangkalusugan.

 Hangga't hindi pa nawawala ang pagtatae, huwag kakain ng prutas o anumang


may gatas maliban sa yogurt. Maaaring palalain ng mga ito ang pagtatae.

Pagpigil sa bacterial gastroenteritis sa tahanan


 Ugaliin ang kalinisan sa kamay. Laging hugasang mabuti ang iyong mga kamay
bago at pagkatapos gumawa ng pagkain, at pagkatapos humawak ng hilaw na
karne at poultry. Hugasan din ang mga ito pagkatapos gumamit ng banyo,
magpalit ng lampin, o mag-alaga ng isang may sakit. Tingnan ang seksyon ng
Mga tip para sa mahusay na paghuhugas ng mga kamay sa ibaba.

 Hugasan ang lahat ng hindi pa nalulutong prutas at gulay (kahit na ang naka-
pack) gamit ang pangkuskos o panlinis ng gulay.

 Magkaroon ng sangkalan na gagamitin para lamang sa karne. Hugasan ang


lahat ng sangkalan at kutsa at tinidor sa mainit, may sabong tubig pagkatapos
gamitin. Linisan ang mga kitchen counter gamit ang bleach o pang-disinfect
pagkatapos gamitin.
 Lutuin ang mga karne sa ligtas na temperatura para mamatay ang bakterya na
posibleng nasa karne. Gumamit ng thermometer para sa pagkain kapag
nagluluto. Sundin ang mga tagubiling ito sa temperatura:

o Lutuin ang giniling na karne (baka, karne ng bisiro, baboy, tupa) at mga
panghalo sa karne sa hindi bababa sa 160°F (71°C).

o Lutuin ang sariwang karne ng baka, karne ng bisiro, baboy steak, inihaw,
ginayat) sa hindi bababa sa 145°F (63°C).

o Lutuin ang poultry (kasama na ang giniling na karne ng pabo at manok) sa


temperaturang hindi bababa sa 165°F (74°C).

 Magsuot ng gwantes kapag humahawak ng mga damit, sapin sa higaan, diaper,


o tuwalya ng isang taong may sakit. Itapon ang mga gwantes pagkatapos ng
isang gamit. Pagkatapos kuskusin ang mga kamay mo gaya inilarawan sa ibaba
sa Mga tip sa mahusay na paghuhugas ng mga kamay. Labhan ang mga sapin

sa higaan at iba pang personal na bagay nang hiwalay sa mainit na tubig gamit ang
detergent at liquid bleach.

Pag-iwas sa gastroenteritis sa lugar ng pangangalagang


pangkalusugan
Maraming ospital at nursing home ang gumagawa ng mga hakbang na ito para tulungang
maiwasan ang pagkalat ng gastroenteritis:

 Paghuhugas ng mga kamay.  Naghuhugas nang mabuti ng kanilang mga kamay ang


mga healthcare worker gamit ang sabon at tubig o gumagamit ng may alkohol na
panlinis sa kamay bago at pagkatapos humawak sa pasyente. Hinuhugasan din nila
ang kanilang mga kamay pagkatapos humawak ng anumang bagay na maaaring
kontaminado.
 Pamprotektang damit. Nagsusuot ng mga gwantes ang mga healthcare worker at
kung minsan ay mga gown kapag nag-aasikaso ng mga taong may gastroenteritis.
Tinatanggal nila ang mga bagay na ito bago lumabas ng silid.
 Mga pribadong silid. Inilalagay sa mga pribadong silid ang mga taong may bacterial
gastroenteritis. O kasama nila ang iba na may katulad din na sakit.
 Ligtas na paghawak ng pagkain.  Madalas na hinuhugasan ng mga nagtatrabaho sa
kusina ang kanilang mga kamay, niluluto nang tama ang mga pagkain, at dini-
disinfect ang lahat ng lugar na kung saan sila gumagawa.

Mga payo sa tamang paghuhugas ng kamay:


Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Laging hugasan ang mga kamay pagkatapos
gumamit ng banyo, makipaglaro sa mga alagang hayop, at bago kumain o gumawa ng
pagkain. Linisin ang buong kamay, singit ng iyong mga kuko, sa pagitan ng iyong mga daliri,
at hanggang sa mga pulsuhan:

 Maghugas nang hindi bababa sa 20 segundo gamit ang malinis at umaagos na tubig.
Huwag pupunasan lang. Kuskusin ito nang mabuti. Himigin ang kantang Happy
Birthday nang dalawang beses kung kailangan mo ng timer.
 Banlawan. Hayaang tumulo ang tubig sa iyong mga daliri, hindi pataas sa iyong mga
pulsuhan.
 Tuyuin nang mabuti ang iyong mga kamay. Gumamit ng tuwalyang papel para isara
ang gripo at buksan ang pinto.

Paggamit ng mga hand gel na may alkohol


Kapag nakikitang hindi marumi ang iyong mga kamay, magandang piliin ang gel para sa
kamay na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% ng alkohol.

 Pumisil ng halos 1 kutsara ng gel sa palad ng iyong kamay.


 Pagkuskusin nang mabilis ang iyong mga kamay. Linisin ang likod ng iyong mga
kamay, mga palad, sa pagitan ng iyong mga daliri, at pataas sa iyong mga pulsuhan.
 Kuskusin hanggang mawala ang gel at ganap na tuyo ang iyong mga kamay.

Kailan dapat tumawag sa iyong provider ng


pangangalagang pangkalusugan
Tumawag sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan kung mayroon ka ng
alinman sa mga sumusunod:

 Lumalala ang iyong sintomas

 Dugo sa iyong dumi o kulay itim ito

 May mga sinyales ka ng pagkatuyo ng tubig sa katawan, tulad ng panunuyo ng


bibig, matinding pagkauhaw, pagkatuliro, at may kaunti o walang iniihi
 Lagnat na 100.4°F ( 38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong provider
Ano ang diarrhea?

Ang diarrhea o pagtatae ay isang laganap na kondisyon kung saan ang dumi ay basa at hindi
buo. Ito ay nagdudulot ng mga sintomas tulad ng madalas na pagdumi (tatlong beses o
mahigit), pananakit ng tiyan, panghihina, at dehydration.
Ang diarrhea ay maaaring maging sanhi ng kamatayan sa mga bagong silang na sanggol at
maliliit na bata dahil sa dehydration. Ito ay laganap sa mga lugar na may maduming
pinagkukunan ng tubig at pagkain.

Ano ang mga sintomas ng diarrhea?


Maraming sintomas ang nauugnay sa diarrhea. Karamihan dito ay hindi malala at nawawala
matapos ang isa hanggang dalawang araw. Ang mga pangkaraniwang sintomas ng diarrhea
ay ang mga sumusunod:

 Pananakit ng tiyan

 Madalas na pagdumi

 Basa at kalat na dumi

 Pagsusuka

 Paglaki ng tiyan

 Pamumulikat

Maaari ding magdulot ng mapanganib na sintomas ang diarrhea tulad ng mga sumusunod:

 Pagkakaroon ng dugo o “mucus” sa dumi

 Lagnat

 Pagbawas ng timbang

Ang madalas na pagdudumi ay maaaring magdulot ng dehydration o ang pagkukulang ng


tubig sa katawan. Ito ang mga sintomas nito:

 Pagkatuyo ng bibig (dry mouth)

 Pagbilis ng tibok ng puso

 Panghihina

 Pagsakit ng ulo

 Pagkatuyo ng balat

 Pagkahilo

 Low blood pressure

Ano ang mga sanhi ng diarrhea?

Maraming kalagayan ang pwedeng magdulot ng diarrhea at mga sintomas nito. Maaari din
maging sintomas nito ang ibang kondisyon gaya ng gastroenteritis, food allergy, lactose
intolerance, hyperthyroidism, ulcerative colitis, at dyspepsia. Dahil maaaring magdulot ng
malubhang pinsala ang mga karamdaman nito, mahalagang magpatingin sa doktor kung
nakakaranas ka ng mga malubhang sintomas o mga sintomas na hindi gumagaling.

Maaari ring magdulot ng diarrhea ang pag-inom ng alak (alcohol), mga laxative, ibang uri ng
mga gamot, at mga bacterial infection.
Ano ang sanhi ng pagtatae?
Kadalasan, ang pagtatae ay dulot ng impeksyon sa bituka na sanhi ng isang uri ng
virus.
Subalit ito ay maaari ring sanhi ng mga sumusunod na kalagayan:

 Pagpakalabis sa inuming de alcohol


 Pagkakaroon ng allergy sa isang uri ng pagkain
 Pagkakaroon ng diabetes
 Pagkakaroon ng ulcer
 Pagkain ng mga pagkaing nakasisira ng tiyan
 Impeksyon dulot ng bakterya, sanhi ng food poisoning
 Pag abuso sa gamot pampatae
 Pagtakbo ng matagal
 Ilang uri ng cancer
 Operasyon sa tiyan
 Pag inom nung taenang Mineral Water na yan! – yung nag susupply ng tubig sa Lower
Bicutan Taguig. Naalala ko, paggising ko puro kalawang yung tubig, anaknang! Grr..! eh,
yun yung iniinom namin eh

Ang Diarrhea o pagtatae ay sintomas ng gastrointestinal infection na dulot ng bacteria, virus o


parasitic na organismo.

You might also like