You are on page 1of 8

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,

INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

Q: Anu ano ang mga WILD Diseases?


A: Ito ay mga sakit na kadalasan nakukuha tuwing tag-ulan. Kinabibilangan ng waterborne
infectious diseases, influenza, leptospirosis at dengue.

Q: Paano maiiwasan ang mga WILD Diseases?


A: Maiiwasan ang mga WILD diseases sa pamamagitan ng sumusunod:
● Magpabakuna upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit tuwing tag-ulan katulad
ng influenza at hepatitis.
● Gumamit ng payong at kapote upang hindi mabasa ng ulan at malamigan.
● Iwasan ang mga lugar na masisikip, walang masyadong pumapasok na hangin o mga
lugar na walang magandang bentilasyon.
● Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit, may lagnat at ubo.
● Uminom ng malinis na tubig. Pakuluan ang tubig kung hindi siguradong malinis at ligtas
inumin.
● Iwasang bumili ang mga pagkaing mula sa mga sidewalk vendor upang maiwasan ang
mga sakit na dala ng pagkain.
● Itaob ang mga maaaring ipunan ng tubig katulad ng mga dram, timba, mga lumang
gulong at bote na maaaring pangitlugan ng mga lamok.
● Tiyaking malinis at hindi barado ang mga gutters at alulod ng bubong na dinadaluyan ng
tubig.
● Huwag lumusong o lumangoy sa tubig baha upang maiwasan ang leptospirosis.
● Ugaliing maging malinis hindi lamang sa katawan, kundi pati na rin sa kapaligiran sa
lahat ng oras.
● Ugaliin ang masusi at madalas na paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig
lalo na bago maghanda, magluto, kumain, at pagkagaling sa palikuran.
● Iwasan ding hawakan ang mga mata at ilong kung marumi ang mga kamay.

Q: Anu-ano ang mga dapat gawin kapag umuulan?


A:
1. Ngayong tag-ulan na naman, gawin ang mga sumusunod upang healthy at ligtas sa
baha:
● Maghanda ng isang galong malinis na tubig para sa bawat miyembro ng pamilya
na sasapat sa loob ng isang araw.
● Maghanda ng mga gamot para sa sipon, ubo, lagnat, bandages, at gamot para sa
sugat at pilay.
● Maghanda ng mga pagkaing madaling maluto pero hindi madaling masira na
sasapat hanggang tatlong araw.
● Maghanda ng mga bota, payong at kapote para sa karagdagang proteksiyon.
● Maghanda ng ekstrang damit at kunot.
● Maghanda ng transistor radio upang makapakinig sa balita, ekstrang baterya at
flashlight at pito.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

2. Mga dapat at hindi dapat gawin upang makaiwas sa sakit tuwing tag-ulan:

DAPAT GAWIN HINDI DAPAT GAWIN

● Ugaliin ang madalas na ● Iwasang uminom ng marumi at


paghuhugas ng kamay at paa kontaminadong tubig
gamit ang malinis na tubig at ● Iwasang lumusong sa baha ng
sabon kapag lumusong sa tubig walang bota
baha. ● Iwasang magtapon ng basura
● Pakuluan ng 3 minuto ang tubig kung saan saan
na inumin kung hindi siguradong
malinis ang pinagkuhanan.
● Gumamit ng proteksyon sa ulan
tulad ng payong, kapote at bota.
● Takpan ang mga lagayan ng mga
nakaimbak na tubig upang hindi
mapangitlugan ng lamok at iba
pang insekto.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

WATERBORNE DISEASES

Q: Anu-ano ang mga waterborne diseases?


A: Ang mga sakit sa tubig ay sanhi ng mga pathogenic microorganism na maaaring makuha
kapag
ang isang tao ay:
● Nakainom ng kontaminadong tubig
● Nakakain ng kontaminadong pagkain
● Lumusong sa tubig baha.

Ilan sa mga sakit na maaring makuha kapag nakainom ng kontaminadong tubig ay mga diarrheal
diseases tulad nang cholera, dysentery, hepatitis A at typhoid fever.

Q: Anu-ano ang mga sintomas nito?


A: Ang lahat ng mga karamdamang ito ay nagdudulot ng:
● pananakit ng tiyan
● pagkawala ng ganang kumain
● lagnat
● pagduduwal
● pagsusuka
● pagtatae (pagdumi ng matubig nang higit sa tatlong beses)

Mayroon ding panganib na mawalan ng likido at electrolytes ang katawan na maaaring


humantong sa dehydration, kung hindi kaagad maagapan.

Q: Paano maiiwasan ang mga ito?

A: Mga paraan upang makaiwas sa waterborne diseases:

● Tiyaking malinis at ligtas ang ang mga kakainin at iinumin.


● Kung hindi siguradong ligtas at malinis, pakuluan ang inuming tubig. Hayaang kumulo ng
tatlo (3) minuto ang tubig o kaya ay maglagay ng klorine.
● Ugaliing takpan ang mga nakaimbak na tubig at pagkain upang hindi mapasok ng mga
insekto at daga.
● Hugasan ng maayos ang mga pagkain, at iwasang bumili ng mga pagkaing ibinebenta sa
kalye.
● Itapon ng maayos ang mga basura, panatilihin ang kalinisin ng katawan at ng palikuran.
● Hugasan ang mga kamay bago maghanda at magluto ng pagkain, bago at pagkatapos
kumain, at pagkatapos gumamit ng banyo at palikuran.
● Nakakatulong din ang bakuna upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga sakit na dala ng
tubig.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

Q: Ano ang mga paunang lunas at mga dapat gawin kapag may mga sintomas ng waterborne
diseases?

A:
● Nakakatulong ang paginom ng ORS o oral rehydration solution upang maiwasan ang
pagkawala ng likido o electrolytes sa katawan dahil sa pagtatae, pagsusuka, cholera o iba
pang mga karamdaman.
● Maaaring gumawa ng homemade ORS sa pamamagitan ng pinagsama samang:
○ 1 litro ng inuming tubig,
○ 8 kutsarang asukal
○ 1 kutsarang asin
● Para sa mga batang wala pang 2 taong gulang, bigyan ng 50-100 ml.
● Para sa 2 hanggang 10 taong gulang, bigyan ng 100-200 ml.
● Para sa mas matatandang mga bata at matatanda - hangga't nais upang maiwasan ang
dehydration.

Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health facility kapag patuloy ang pananakit ng tiyan,
pagtatae, o pagsusuka.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

INFLUENZA-LIKE ILLNESS (FLU/ TRANGKASO)

Q: Ano ang Influenza (Flu)?


A: Ang Flu ay nakakahawang sakit dulot ng influenza virus na nagdududot ng infection sa ilong,
lalamunan, maging ang baga. Ang influenza virus ay maaring magdulot ng mild illness o maari itong
maging malubhang sakit na posibleng mauwi sa kamatayan.

Q: Anu - ano ang Sintomas ng Flu?


A: Ang Flu at sipon (colds) ay magkaiba. Ang Flu ay karaniwang nararamdaman ng biglaan .
Kadalasan sa mga sintomas ay:
- Lagnat*
- Ubo
- Namamagang lalamunan
- Tumutulong sipon
- Sakit ng ulo
- Giniginaw
- Pagod na pakiramdam
- Nagtatae
- nagsusuka

Q: Sino- sino ang “High Risk” na magka Flu?


A: May iilang tao na nabibilang sa “high risk” na magkaroon ng kumplikasyon dulot ng sakit na Flu.
Katulad ng:
· edad na 65 years old o higit pa
· mga taong dati ng may sakit (katulad ng may diabetes, asthma, or sakit sa puso)
· buntis
· mga batang apat na taon pababa

Q: Paano naipapasa ang Flu?


A:
- Naipapasa sa pamamagitan ng droplets na nanggagaling sa taong umubo na may flu,
bumahin/humatsing o sa pagsasalita. Ang droplets ay maaaring malanghap o pumasok sa
bibig, ilong ng taong malapit sa kanila

- Posible rin na mailipat ng mga kamay na nakahawak ng mga gamit o surface na may flu virus
at maihawak ang kamay sa bibig, ilong o mata

Q: Kailan nakakahawa ang sakit na Flu?


A: Maaari itong maipasa sa sinuman bago pa magsimula at malaman na ikaw ay maysakit na flu.
Makakahawa rin habang may sakit na flu ang tao.
· Lubos na nakakahawa ang taong maysakit sa unang 3 hanggang 4 na araw
· May mga ilan sa “healthy adults” na may flu na maari ng makapanghawa sa unang araw bago
lumabas ang sintomas
· May mga tao rin, lalo na nag mga bata pa at mga taong may mahinang immune system na
may flu ay maaring makapangjhawa ng iba ng mas mahaba pang araw
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

Q: Anu-anu ang posibleng maging kumplikasyon ng Flu?


A:
- Bacterial pneumonia
- Infection sa tenga
- “Sinus infection”
- Paglala ng kundisyon ng taong dati ng may sakit (katulad ng may diabetes, asthma, or
sakit sa puso)

Q: Paano dina-diagnose ang Flu?


A:
- Napakahirap na i-distinguish ng flu kumpara sa mga sakit na dulot ng viral o bacterial
respiratory infection na nag basehan lamang ay ang mga sintomas.
- May mga tests o pagsusuri na ginagawa upang malaman at ma diagnose ang flu.

Q: Paano ginagamot and Flu?


A: Ang gamot na antivirals ang ginagamit na paggamot sa flu

Q: Paano maiiwasan ang influenza?


A: Ang influenza virus ay maaaring maipasa sa iba sa pamamagitan ng
● Direktang pakikipag-usap sa mga may sakit,
● Paghawak sa mga kontaminadong bagay (na tinatawag na fomite, tulad ng mga laruan, mga
doorknobs).

Binigyang diin ng DOH ang kahalagahan ng pagkain ng mga masusustansiyang pagkain upang
mapalakas ang resistensiya ng katawan.Ipinapayo rin ang wasto at madalas paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at malinis na tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon.

Gawin ang mga sumusunod upang makaiwas sa influenza:


● Bakuna pa rin ang pinaka mabisang panlaban upang maiwasan ang influenza. Inilalaan ng
Department of Health (DOH) ang bakuna sa mga RHU lalo na para sa mga senior citizen.
● Mahalaga rin na mabawasan o maiwasan ang pakikipag-ugnay sa isang taong may
influenza..
● Iwasan ang mga masikip na lugar at ilayo ang iyong sarili ng hindi bababa sa 1 metro mula sa
mga taong may ub o, at takpan ang bibig at ilong kapag bumahing o umubo upang maiwasan
ang pagkalat ng virus.
● Laging takpan ang iyong bibig at ilong ng tisyu kapag uubo o babahing. Itapon ng maayos ang
gamit na tisyu sa pinakamalapit na basurahan.
● Maghugas ng kamay o gumamit ng 70% alcohol-based hand sanitizer sa kamay pagkatapos
ng pakikipag-ugnay sa mga taong may sakit o mga kontaminadong bagay.

Q: Ano ang mga paunang lunas at mga dapat gawin kapag may sintomas ng influenza?
A:
● Kung maaari, manatili sa bahay at umiwas sa direktang pakikipagsalamuha sa ibang tao.
● Sigurihing mayroong sapat na pahinga at uminom ng tubig.
● Uminom ng paracetamol para sa lagnat. (Tandaan: Ang aspirin ay hindi maaaring ipainom sa
mga bata.)
● Gumamit ng mga anti-viral agents sa unang dalawang araw ng sintomas.
● Ang antibiotics ay gamitin lamang sa mga kumplikasyon dulot ng influenza.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

LEPTOSPIROSIS

Q: Ano ang Leptospirosis?


A: Ang Leptospirosis ay sakit na nakukuha mula sa “leptospira” bacteria na galing sa ihi ng daga at
iba pang hayop katulad ng kabayo, kambing, aso, baboy at iba pang hayop.

Kadalasang humahalo ang ihi ng mga hayop sa tubig baha at putik na pumapasok sa mga sugat o
bitak sa balat, mata, ilong at bibig ng tao kapag lumusong sa baha ng walang proteksyon

Q: Anu-ano ang mga sintomas ng leptospirosis?


A: Ang mga sintomas ng leptospirosis sa mga tao ay lagnat, pananakit ng kalamnan, sakit ng ulo,
panginginig, pagtatae, pantal, sakit ng guya-kalamnan (calf-muscle), mapula-pulang mga mata sa
ilang mga kaso.

Kung hindi maagapan, ang leptospirosis ay maaaring humantong sa pinsala sa bato, meningitis
(pamamaga ng lamad sa paligid ng utak at spinal cord), pinsala sa atay, hirap sa paghinga, at
kamatayan

Q: Paano maiiwasan ang Leptospirosis?


A: Sundin ang mga sumusunod upang makaiwas sa leptospirosis:
● Ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura. Kadalasang sa mga maruruming lugar naninirahan
ang mga daga.
● Iwasang lumusong, maglaro o lumangoy sa tubig baha lalo na kapag may sugat.
● Kung hindi maiiwasan lumusong sa baha.Gumamit ng bota lalo na kung may sugat
● Hugasan ng malinis na tubig at sabon ang mga paa pagkatapos lumusong sa baha.
● Panatilihin ang kalinisan ng bahay at alisin ang mga maaaring pamahayan ng daga at iba
pang peste.
● Gumamit ng rat traps o lason sa daga.
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON WATERBORNE,
INFLUENZA, LEPTOSPIROSIS AND DENGUE (WILD) DISEASES

DENGUE
Q: Ano ang Dengue?
A: Ang dengue ay isang impeksyon na sanhi ng virus na dinadala mga babaeng lamok na Aedes
aegypti at Aedes altropicus. Ang sakit na ito ay nakikita sa mga tropikal na rehiyon sa mundo katulad
ng sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Makikilala ang A. aegypti sa mga puti at itim na guhit sa kanilang katawan. Ang mga lamok na ito ay
kadalasang nangangagat sa pagitan ng 6:00 hanggang 8:00 ng umaga at 4:00 hanggang 8:00 ng
gabi.

Karaniwang naninirahan at namumugad ang mga lamok na A. aegypti sa malinaw na tubig. Ang
mga nakalantad na mga lalagyan sa labas ng iyong mga tahanan ay maaaring maipunan ng tubig
kapag umulan ang ginagawang breeding site o pugad ng mga lamok.

Ang DENV I, DENV2, DENV3 at DENV4 ay mga klase ng dengue virus na maaaring magdulot ng
dengue fever at dengue hemorrhagic fever.

Q: Anu-ano ang mga sintomas ng Dengue?


A: Ang virus ay naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na tinatawag na Aedes aegypti.
Ang mga sintomas ng dengue ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
● Biglaang mataas na lagnat na maaaring tumagal mula sa dalawa (2) hanggang pitong
(7) araw,
● Sakit sa kasukasuan at kalamnan
● Panghihina
● Rashes sa balat
● Sakit sa tiyan
● Pagdurugo ng ilong kapag ang lagnat ay nagsisimulang humupa
● pagsusuka ng kulay na kape
● Madilim na kulay na dumi
● Kahirapan sa paghinga
● Pananakit sa likod ng mata

Q: Paano maiiwasan ang Dengue?


A: Lahat po tayo ay may responsibilidad upang maiwasan ang dengue at iba pang nakakahawang
sakit. Ating sundin ang mga sumusuno upang makaiwas sa dengue:
● Tandaan ang 4 o'clock habit kung saan hinihikayat ang komunidad na maghanap ng mga
lalagyanan ng tubig kung saan maaring pamugaran ng lamok at sirain o itaob.
● Lagi tandaan ang 4S:
○ Search and destroy mosquito breeding places. Suyurin at sirain ang mga
pinamumugaran ng mga lamok.
○ Self protection. Sarili ay protektahan laban sa lamok.
○ Seek early consultation. Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan para hindi
lumala ang sakit
○ Support fogging/spraying only in hotspot areas where increase in cases is registered
for two consecutive weeks to prevent an impending outbreak.

You might also like