You are on page 1of 1

MARVELOUS CHRISTAN G.

ENRIQUEZ

Nakamamatay na Leptospirosis, Lumalaganap na!

Lumaganap na sa mga lugar na naitala lalo na sa Pangasinan at sa iba pang apektado ng mga
baha ang nakababahalang sakit na maaaring nakamamatay dahil sa tubig- baha na nahaluan ng mga ihi
ng isang uri ng hayop, ito ang mga daga na pinangangambahang sakit na tinatawag na Leptospirosis.

Isang uri ng seryosong impeksyon sanhi ng bakteryang Leptospira na posibleng pumasok sa


katawan ng tao sa pamamagitan ng mga sugat sa paa at sa iba pang bahagi ng katawan na nalublob ng
tubig- baha. Karaniwan lumalabas ang mga sintomas ng Leptospirosis makaraan ng pitong araw gaya ng
lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat, at namumula ang mga mata. Paalala sa publiko, kapag
nakararanas ng ganitong sintomas kailangang dalhin agad ang biktima sa pinakamalapit na health center
upang mabigyan ng agarang lunas. Huwag ito ipagsawalang-bahala sapagkat hindi biro ang sakit na dulot
nito na maaari itong ikamatay. Ayon sa Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ay
nagsagawa sila ng hakbang para sa mabilis na kampanya laban sa suliraning ito, walang kailangang
alalahanin na gastos sa DOH hospitals. Sagot din ng Philhealth at mayroong ding Medical of Assistance
to Indigent Patient program.

Bagama’t patuloy sa pagsasaliksik ng mga ekspertong medikal at ng ahensya para sa pagpuksa


sa nakamamatay na sakit ay nararapat na maimulat ang mga mamamayan para sa kanilang kaligtasan
mula sa wastong kaalaman, desiplina at gabay. Isang hakbang na nakatutulong ay ang tamang pagtapon
ng basura upang hindi maging sanhi ng pagmumulan ng pagkain na siyang sentro ng atraksyon sa
pagkakaroon ng mga pesteng daga na kanilang pamumugaran. Mas mainam na huwag ng lumusong sa
baha at kung kinakailangan siguraduhin may proteksyong kagamitan gaya ng botas at maghugas ng
mabuti matapos lumusong sa baha. Hindi dapat payagan ng mga magulang ang kanilang mga anak na
magtampisaw sa baha sapagkat kontaminado ito ng ihi ng daga. Panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran
at sa loob ng bahay kung kaya isaalang-alang na nagsisimula sa ating sarili ang ating kaligtasan kung
pano tayo makaiiwas na maging maingat, mapagmalasakit, maalam at matalinong pagpapasiya para sa
pagkamit ng ating wastong kalusugan.

You might also like