You are on page 1of 6

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

12 March 2020
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa
mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay
nakatira sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay


Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat
na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer
na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag
tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag
kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa
katawan at magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene.
Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at
bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng
mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa
pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil
dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang
karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang
hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa


bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar,
nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may
COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling
ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan
mo muna ang health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung
kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro
sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang
Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat
ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong
ubo.

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam
kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.

BOUD
Pitong simpleng hakbang para protektahan ang iyong sarili at ang iba laban sa
COVID-19
12 Marso 2020
Ang Coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
Karamihan sa mga taong nakakuha ng impeksyon ay makakaranas ng banayad na sintomas at gagaling.
Ngunit ang iba ay makakaranas ng malubhang karamdaman, lalo na ang mga matatanda at ang mga may
pre-existing na kondisyon. Narito ang ilang simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang iyong kalusugan at ng iba.

Kung nakatira ka sa isang lugar kung saan naroroon ang coronavirus, mahalagang maghugas ng kamay
nang madalas upang mabawasan ang iyong mga pagkakataong mahawa. Ang mga hand sanitizer ay
epektibo rin sa pagpatay sa virus.

Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig

Madalas nating hinawakan ang ating kamay nang hindi natin namamalayan. Kapag ang kamay ay
nahawahan, ang virus ay inililipat sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot
ng sakit. Nangangahulugan ito na takpan ang bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tissue kapag
umuubo o bumabahing.

Takpan ang iyong ubo at pagbahing upang maiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo. Gumamit
ng tissue o iyong siko para gawin ito, upang maiwasang mahawa ang iyong mga kamay.

Iwasan ang matataong lugar kung saan madaling kumalat ang virus, at iwasan ang mga taong may sakit.

Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na sintomas, mahalagang magpatingin sa isang
propesyonal sa kalusugan sa lalong madaling panahon: lagnat, ubo at igsi ng paghinga. Gayunpaman,
kung kaya mo, tumawag muna sa health center para ipaalam sa kanila kung saan ka pupunta.

Kumuha ng impormasyon mula sa isang pinagkakatiwalaang source tungkol sa COVID-19 upang matiyak
na alam mo ang pinakabagong impormasyon tungkol sa virus. Tiyaking maaasahan ang pinagmulan, gaya
ng Department of Health, World Health Organization, o iyong lokal na manggagawang pangkalusugan.
Dapat malaman ng lahat ang mga sintomas para makapag-iingat sila para maprotektahan ang kanilang
sarili.

SANGGUNIAN: World Health Organization (2020). Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang
sarili at ang iba laban sa COVID-19.
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-
maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

SINTESIS:
PAMAGAT: " Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19”
LAYUNIN: Upang maging ligtas sa panahon ng pandemya
ANYO: Background Sintesis
URI: Explanatory
NILALAMAN: MGA HAKBANG
1. Maghugas ng kamay nang madalas .
2. Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tissue kapag umuubo o bumabahing.
4. Iwasan ang matataong lugar
5. Kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na sintomas, mahalagang magpatingin sa
isang propesyonal sa kalusugan sa lalong madaling panahon.
6. Kumuha ng impormasyon mula sa isang pinagkakatiwalaang source tungkol sa COVID-19
upang matiyak na alam mo ang pinakabagong impormasyon tungkol sa virus.
7. Ingatan at protektahan ang sarili.
'

Marcos inaprubahan boluntaryong face masks sa outdoor areas effective


'immediately'
James Relativo - Philstar.com
September 12, 2022 | 2:02pm
MANILA, Philippines — Epektibo na sa ngayon ang "optional" na paggamit ng face masks laban
sa COVID-19 outdoors sa mga hindi siksikan na lugar, matapos aprubahan ni Pangulong
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the
Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, sa pag-isyu ni Marcos ng
Executive Order 3.
Matatandaang ika-7 ng Setyembre nang ibalitang inirekomenda ng IATF na tanggalin na ang
mandatory face mask requirement sa mga pampublikong lugar basta't "non-crowded" at
merong "good ventilation" ang mga naturang lugar.
Sa kabila nito, labis pa rin naman daw ineengganyo ng gobyerno ang mga senior citizens (60-
anyos pataas), mga immunocompromised individuals at mga hindi pa kumpleto ang bakuna na
patuloy magsuot ng face masks, ayon kay Angeles.
Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong extended pa ng tatlong buwan ang state of calamity sa
Pilipinas dahil sa COVID-19.

BOUD: Matapos aprubahan ni Pangulong Marcos Jr. ang "opsyonal" na paggamit ng mga face
mask laban sa COVID-19 sa labas sa mga lugar na hindi matao, epektibo na ito ngayon.
Inirerekomenda ng IATF na ang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay
gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mga umuusbong na impeksyon.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Lunes, naglabas si Pangulong Marcos ng Executive
Order 3. Ang utos na ito ay nagpapatunay na ang gobyerno ay nagpapatuloy sa kanilang mga
pagsisikap upang matugunan ang mga problema sa ekonomiya ng bansa. Matatandaan noong
ika-7 ng Setyembre nang irekomenda ng IATF na hindi na nangangailangan ng mandatory face
mask ang mga pampublikong lugar kung ito ay "hindi masikip" at may "magandang
bentilasyon". Sa kabila nito, hinihikayat umano ng gobyerno ang mga matatanda (60 at mas
matanda), ang immunocompromised at ang mga hindi pa ganap na nabakunahan na
ipagpatuloy ang pagsusuot ng maskara, ayon kay Angeles. Ang kasalukuyang state of calamity
sa Pilipinas ay pinalawig ng tatlong buwan dahil sa COVID-19.
SANGGUNIAN: James Relativo - Philstar.com (September 12, 2022) Marcos inaprubahan
boluntaryong face masks sa outdoor areas effective 'immediately
https://www.philstar.com/bansa/2022/09/12/2209192/marcos-inaprubahan-na-boluntaryong-
face-masks-outdoors-effective-immediately'

SINTESIS: “Marcos inaprubahan boluntaryong face masks sa outdoor areas effective


'immediately' "
LAYUNIN: Para sa kaligtasan ng mga tao at upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan
ANYO: Background Sintesis
URI: Explanatory
PAGPAPALIWANAG:
- Ang kasalukuyang state of calamity sa Pilipinas ay pinalawig ng tatlong buwan dahil sa
COVID-19.

Inirerekomenda ng IATF na ang mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay


gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mga umuusbong na impeksyon.
Hindi na nangangailangan ng mandatory face mask ang mga pampublikong lugar kung ito ay
"hindi masikip" at may "magandang bentilasyon". Sa kabila nito, hinihikayat umano ng
gobyerno ang mga matatanda (60 at mas matanda), ang immunocompromised at ang mga hindi
pa ganap na nabakunahan na ipagpatuloy ang pagsusuot ng maskara, ayon kay Angeles.

You might also like