You are on page 1of 111

PAGSUSURI NG

IBA’T-IBANG
TEKSTO TUNGO
SA
PANANALIKSIK
ANO BA ANG
TEKSTO?
Mga babasahing naglalaman
ng mga kaalaman,
impormasyon, kaisipan, ideya,
saloobin at damdaminng iba’t-
ibang tao.
IMPORMATIBO
• Ang TEKSTONG IMPORMATIBO ay uri ng babasahin na
nakasentro sa pagbibigay ng impormasyon na nakabatay sa
katotohanan at walang bahid ng opinyon o personal na
paghatol mula sa sumulat. Ang pagtunghay sa mga ganitong uri
ng babasahin ay nagbubunsod sa pagkabatid ng impormasyon,
pagkatuto ng bagong kaalaman, o di naman kaya ay
pagpapayaman sa dati ng kaalaman ng taong nagbabasa.
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
Naglalahad ng mahahalagang impormasyon,
bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala, mga bagong impormasyon at tiyak na
detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa.
Ang mga kaalaman ay nakaayos ng may
pagkakasunod-sunod at inilalahad nang buong linaw
at kaisahan.
Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa
mga bagay at paksang pinag-uusapan.
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
Nagbibigay ito ng mga impormasyong
nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay linaw sa mga paksang
inilalahad upang mawala ang alinlangan.
Naglalahad ng mga datos na nakatutulong
sa paglinaw ng mga konsepto.
GINAGAMIT ANG TEKSTONG IMPORMATIBO SA MGA
AKDANG TULAD NG SUMUSUNOD:

Ang BALITA sa mga pahayagan ay isang


halimbawa ng babasahing impormatibo.
Naglalaman ito ng mga detalyeng maingat
na sinaliksik at isinaayos upang maging
malinaw, tumpak, at walang kinikilingan
ang pagbabatid ng impormasyon sa
mambabasa.
Ang MAGASIN ay isa ring uri ng
babasahin na may layuning magpabatid
ng iba’t ibang impormasyon at/o
kaalaman sa mga mambabasa. Bawat
bahagi nito ay naglalaman ng iba’t ibang
paksa na maaaring makapukaw ng
interes ng mga mambabasa.
Ang AKLAT ng pang-akademiko ay
maihahanay rin sa mga babasahing
impormatibo. Ang ganitong
babasahin ay pangunahing gabay
ng guro at mag-aaral sa pagtatamo
ng kaalaman sa loob ng paaralan.
Ang PANGKALAHATANG SANGGUNIAN
gaya ng ensayklopidya ay halimbawa rin ng
babasahing impormatibo.
Ang WEBSITE SA INTERNET, na ang
pangunahing layunin ay magbigay ng
impormasyon ay maaari ring maging
halimbawa. Kailangan lamang maging
maingat at mapanuri ang isang mambabasa
ANUNSYO, PATALASTAS AT
INFOMERCIAL na dinisensyo rin upang
magbigay ng impormasyon. Mahalaga rin ang
pagtunghay sa mga ganitong babasahin
sapagkat ang mga detalyeng nakapaloob dito
ay hindi lamang nagbibigay ng impormasyon
bagkus ay nagpapahiwatig din ng pagsunod,
pagkilos o di kaya ay pagtangkilik.
MGA ELEMENTO NG
TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Layunin ng may Akda- Nilalahad
dito ang pangunahing ideya sa
pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
2. PANGUNAHING IDEYA- dito dagling
inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong
impormatibo. Ginagamit nito ang Organizational
Markers upang makita at mabasa agad ng
mambabasa ang pangunahing ideya.
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
3. PANTULONG NA KAISIPAN-
makatulong mabuo sa isipan ng mga
mambabasa ang pangunahing ideya
nais niyang maitanim o maiwan sa
isipan.
4. Mga Estilo sa Pagsusulat, Kagamitan, Sangguniang
magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin:
a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit
ng larawan, diagramo chart.
b. Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold ng
letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita.
Upang mabigyan diin ang mahahalagang salita.
c. Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits
upang mapatunayan ang totoo (Bibliography)
Mula sa: https://bit.ly/30lpPkH

PITONG SIMPLENG HAKBANG UPANG


MAPROTEKTAHAN ANG SARILI AT ANG IBA LABAN
SA COVID-19
Mula sa: https://bit.ly/33hzt9N
12 March 2020
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang
sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong
magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang
sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng
malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari
mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito
kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may
alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na
ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring
nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng
paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi
namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong
makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat
ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory
hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu
kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at
maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa
ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang
pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi
iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet
sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa
taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang
karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang
hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas


mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga
matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga
taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit
Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang
sakit, kahit sinat at ubo lang.
Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi
pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng
mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa
ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga,
magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng
maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para
masabihan ka kung saan ka pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong


mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan
mong makahawa sa iba.
 
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad
Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa
mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang
mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o
iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay
nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong


impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas
nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang
maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.
URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1. PAGLALAHAD NG TOTOONG
PANGYAYARI / KASAYSAYAN – Sa uring ito
ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o
pagkakataon.
2. PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON Sa uring ito
nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop,
iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari
sa paligid.
2. PAG-UULAT PANG-
IMPORMASYON –
Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay
ng teknolohiya, global warming,
cyberbullying, mga hayop na malapit nang
maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
3. PAGPAPALIWANAG – Ito
ang uri ng tekstong
impormatibong nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o
pangyayari.
3. PAGPAPALIWANAG
Karaniwan itong ginagamitan ng mga
larawan, dayagram, o flowchart na
may kasamang mga paliwanag.
Halimbawa nito”y ang siklo ng
buhay ng mga hayop at insekto tulad
ng paruparo, palaka, at iba pa.
KATANGIAN NG TEKSTONG
IMPORMATIBO
1.Naglalaman ng mga datos na ang pangunahing layunin
ay magpabatid.  
2. Kinakailangan batay sa katotohanan at hindi nakabase
sa opinyon ng may-akda..
3.Nagtataglay ng malawak na pagbabahagi ng kaalaman
at masasalamin ang kagalingan ng may-akda sa
paglalahad ng detalye.
Ang tekstong impormatibo ay….
Kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano,
sino, at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi
rin na ang tekstong ito ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o
paksang pinag-uusapan.
Ang tekstong impormatibo ay….
Nagbibigay ng tiyak na impormasyon
kaugnay sa isang tao, bagay, lugar o
pangyayari at nagpapahayag din mahalagang
impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay.
Ang tekstong impormatibo ay….

 Nakabatay sa mga katotohanang


inilatag na mga datos at hindi ito
nakabatay sa opinyon ng may-akda.
BATAY SA LARAWAN SA IBABA, MAGLAHAD NG LIMANG
MGA DAHILAN KUNG BAKIT NANGYAYARI ANG
GANITONG SITWASYON.
PUMILI NG ISANG PRODUKTO SA IBABA AT
LUMIKHA NG ISANG PATALASTAS NA
MAGPAPAKILALA RITO.
IKALAWANG LINGGO
TEKSTONG
DESKRIPTIB
1. Ano ang tekstong
DESKRIPTIBO?
2.Sino kalimitan ang
magiging paksa sa tekstong
deskriptibo? Bakit?
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Ang TEKSTONG DESKRIPTIBO
ay mga akdang nagpapahayag ng
pangkalahatang impresyon sa tao,
bagay, lugar o pangyayari bunga ng
iba’t ibang pandama na sangkot
upang ito ay mailarawan.
Mahusay na paglalarawan sa mga
detalye batay sa nakita, naamoy,
nalasahan, narinig o nadama ng
manunulat na nais niyang
maikintal sa isip ng mambabasa.
MAHALAGA ANG PAGTANGKILIK SA MGA
DESKRIPTIBO BATAY SA SUMUSUNOD NA
KADAHILANAN:

1. Nalilinang nito ang sensibilidad.


2. Napakikilos at napagyayaman ng ganitong
babasahin ang kaisipan ng mambabsa.
3. Nakapag-aangkop ng wastong salita na
makapaglalarawan tao,bagay,lugar,pangyayari at
pakiramdam
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
1. Ang isang estudyanteng nag-aaral ng
medisina ay nag-aaral ng mga babasahing
naglalarawan sa iba’t ibang sakit at ang
simtomas nito, gayundin ang mga
posibleng reaksyon sa bawat gamot na
iinumin ng pasyente.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
2. Inaaral nang mabuti ng isang pulis o
imbestigador ang paglalarawang
inilahad ng mga saksi sa isang krimen o
pangyayaring nasaksihan.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
3. Ang isang travel blogger ay
nagsusulat ng paglalarawan sa mga
lugar na kanyang napuntahan batay
sa kanyang karanasan sa
ginagawang paglalakbay.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…

4.Ang isang food blogger naman


ay nagsusulat ng paglalarawan
batay sa mga pagkaing natikman
o nalasahan.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
5. Ang isang fashion blogger ay
nagsusulat naman ng paglalarawan sa
mga kasuotang pinakamainam isuot
depende sa okasyon.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
6. Ang isang manunulat na nais
maglarawan ng isang natatanging
indibidwal sa lipunan ay pipili ng
pinakamainam na salita upang ito ay
mailarawan.
GAMIT ANG BABASAHING
DESKRIPTIBO…
7. Ang isang makatang nais maglarawan
ng isang tiyak na damdaming nais ikintal
sa isip ng mambabasa ay gumagamit ng
pinakaepektibong salita upang ito ay
mailarawan.
DESKRIPTIBO
ay mga akdang nagpapahayag ng pangkalahatang
impresyon sa tao,bagay,lugar o pangyayari bunga ng
iba’t ibang pandama na sangkot upang ito ay
mailarawan. Inihahain ng ganitong babasahin ang
mahusay na paglalarawan sa mga detalye batay sa
nakita, naamoy, nalasahan, narinig o nadama ng
manunulat na nais niyang maikintal sa isip ng
mambabasa.
IKALAWANG ARAW

COHESIVE DEVICE
O KOHESYONG
GRAMATIKAL
COHESIVE DEVICE O KOHESYONG
GRAMATIKAL

Ang mga ito kasi ay mahalaga


sa pagbibigay ng mas malinaw
at maayos na daloy ng mga
kaisipan sa isang teksto.
Ang limang pangunahing cohesive
device o kohesyong gramatikal ay
ang sumusunod: 1.)reperensya
(reference), 2.)substitusyon
(substitution), 3)ellipsis, 4)pang-
ugnay, at 5)leksikal.
1. Reperensya (reference) – ito ang paggamit
ng mga salitang maaaring tumutukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaari itong anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman
kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora
(kung nauna ang panghalip at malalaman lang
kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
2. Substitusyon (substitution) –
paggamit ng ibang salitang pinagpalit sa
halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kita ng bago.
3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang anumang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama’y tatlo.
4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-
ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo
para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga
magulang.
5. Kohesyong Leksikal –
Mabibisang salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mausa sa
dalawa: ang reiterasyon at ang
kolokasyon.
5. Kohesyong Leksikal
A. Reiterasyon- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang
beses. Maaari itong mauri sa tatlo: 
1. Pag-uulit o repetisyon- Maraming bata ang hindi makapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa
lang.
2. Pag-iisa-isa - Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay talong, sitaw,kalabasa at ampalaya.
3. Pgbibigay-kahulugan- Marami sa mga batang manggagawaa ay
nagmula sa mga pamilyangg dukah. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naisasantabi kapalit ng ilang barynag naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.
B. KOLOKASYON- MGA SALITANG KARANIWANG
NAGAGAMIT NANG MAGKAPAREHA O MAY
KAUGNAYAN SA ISAT-ISA KAYAT NABANGGIT ANG
ISA AY NAIISIP DIN AG ISA. MAAARING
MAGKAPAREHA O MAAARA DING
MAGKASALUNGAT
HALIMBAWA: 
*NANAY-TATAY, *GURO-MAG-AARAL, *HILAGA-
TIMOG, *MAYAMAN-MAHIRAP
Maganda at madaling pakibagayan.
Iyan ang impresyon ng sinumang
makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng
kanyang mapang-akit na mga mata na
nakahahalina sa sinumang makakakita nito.
Ang kanyang namumurok na pisngi at ang
napakalalim na biloy ay lalong
nagpapaganda sa kanyang mukha kung
siya ay tumatawa.
Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay
ng mga pilik-matang malantik at mahahaba na
lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina ng
kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa,
papapansin mo ang pantay-pantay at mapuputi
niyang ngipin. Ayon sa marami, ang mahaba at
maitim niyang buhok ay nagsisilbing pang-akit ni
Linda sa mga kallakihan. Si Linda ay may
matatag na paninindigan sa buhay (Mula sa: https://bit.ly/3jneaII)
.

 
PAG-UUSAPAN
1. SINO ANG TINUTUKOY SA
MAIKLING SELEKSYON?
2. ANO-ANONG MGA KATANGIAN
MAYROON ANG PANGUNAHING
TAUHAN?
3. PAANO INILAHAD ANG
PAGKATAO NG PANGUNAHING
KATANGIAN NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. KAKAYANAN NG MANUNULAT NA MAKAPILI
NG PAKSA NA MABISA NIYANG MAILALARAWAN.
MANGYAYARI LAMANG ITO KUNG SAPAT SIYANG
KAALAMAN SA PAKSANG NAPILI.
KINAKAILANGAN DING TIYAK ANG PAKSA UPANG
HIGIT NA MADALA PARA SA MAMBABASA NA
UNAWAIN ANG IMPRESYONG IBIG NA IPABATID NG
PAGLALARAWAN.
2. MALINAW ANG PAGBUO NG
PANGUNAHING LARAWAN SA ISIPAN
NG MAMBABASA.
MANGYAYARI LAMANG ITO KUNG
MAGIGING MAINGAT SA PAGPILI NG MGA
SALITA O PAHAYAG NA GAGAMITIN AT
ISASAALANG-ALANG NG MANUNULAT ANG
KANYANG TARGET NA MAMBABASA.
3. PAGPILI NG PANANAW.
ANG ISANG MANUNULAT
AY MAAARING PUMILI NG
PANANAW NA SA
PALAGAY NIYA AY HIGIT
NA MAUUNAWAAN NG
KANYANG MAMBABASA.
4. PILIIN ANG MGA SANGKAP
NA AANGKOP SA GAGAWING
PAGLALARAWAN. ANO-ANONG
DETALYE LAMANG UKOL SA
PAKSA ANG BIBIGYAN NG
PAGLALARAWAN? PAANO
GAGAWIN ANG PAGLALARAWAN?
5.MALINAW SA MAMBABASA ANG
LAYUNIN NG PAGLALARAWAN.
MARAMING POSIBLENG LAYUNIN ANG
MANUNULAT KUNG BAKIT NIYA
ISINULAT ANG ISANG DESKRIPTIBONG
BABASAHIN. KAILANGAN LAMANG
MAGING MALINAW ITO SA MAMBABASA
UPANG MAGING MADALI RIN ANG PAG-
UNAWA SA TEKSTO.
URI NG BABASAHING
DESKRIPTIBO
A.KARANIWANG
PAGLALARAWAN
B. MASINING NA
PAGLALARAWAN
ANG KARANIWANG
PAGLALARAWAN AY NAKABATAY
LAMANG SA PANGKALAHATANG
PANGMALAS NG MANUNULAT SA
PAKSANG NAIS NIYANG IPAKILALA
SA MAMBABASA.
ANG MASINING AY NINAIS
NITONG PUKAWIN ANG
DAMDAMIN AT KAISIPAN NG
MAMBABASA SA PAMAMAGITAN
NG PAGGAMIT NG MAIKLING
SALITA O PAHAYAG.
PAGSASANAY
PANUTO. BUMUO NG ISANG
KOMPOSISYON. ILARAWAN ANG
URI NG PAMUMUHAY
MAYROON TAYO NGAYON.
(MINIMUM OF 50 SALITA)
TEKSTONG
NARATIBO
UNANG ARAW
NARATIBO…
- ay nagsasalaysay o nagkukuwento ng
mga sunod-sunod at kawil-kawil na
pangyayaring naganap o maaring
bunga ng malikhaing imahinasyon o
guni-guni ng manunulat.
Ilan sa mga halimbawa: maikling
kuwento, pabula,
alamat ,kuwentong bayan at
nobela. Ang lahat din ng ito ay
mga akdang piksyon subalit hindi
lahat ng naratibo ay piksyon.
Mayroon ding naratibong di
piksyon.
KAHULUGAN,KAHALAGAHAN,AT GAMIT
NG TEKSTONG NARATIBO

1. Nagsasalaysay o nagkukuwento ng
mga sunod-sunod at kawil-kawil na
pangyayaring naganap o maaring bunga
ng malikhaing imahinasyon o guni-guni
ng manunulat.
2. Isang makapangyarihang
instrumento sa pagbabahagi ng
karanasan at kakalaman. Isa ito sa
pamamaraan ng pagkatuto.
3.Mang-aliw o
malibang sa mga
mambabasa
 Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga pilipino ang
pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga karanasan o mga
pangyayaring maaaring nasaksihan lamang.
Sa pamamagitan ng pagsasalaysay naisasalin at naibabahagi sa
bawat henerasyon ang mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan.
Bukod sa nakalilibang basahin an tekstong naratibo, napapayaman
din nito ang imahinasyon ng mga manunulat at mambabasa.
Mahalaga ang maayos na pagsasalaysay upang
ganap na maunawaan ang mga daloy ng
pangyayari. Maraming aral na mapupulot na
maaring sandigan sa pagharap sa mga simple at
masalimuot na pangyayari sa ating buhay.
KATANGIAN NG
BABASAHING
TEKSTONG
NARATIBO
IKALAWANG ARAW
URI NG TEKSTONG
NARATIBO
1. Salaysay na nagpapabatid
(informative narrative)
2. Salaysay na masining (artistic
narrative)
1. SALAYSAY NA NAGPAPABATID
(INFORMATIVE NARRATIVE)

Na nagbibigay ng kaalaman at kabatiran sa


tiyak at tuwirang pamamaraan. Walang
banghay na sinudunod o plotless ang ganitong
uri ng naratibo. Kinakailangan na ito ay kawili-
wili, may layunin at makatotohanan.
HAL. Salaysay Na
Pangkasaysayan (Historical
Narrative), Salaysay Na
Patalambuhay (Biographical
Narrative), Anekdota at
Kathang Salaysay.
ANEKDOTA - akdang
tuluyan na karaniwang
kakatwa, maikli subalit
nag-iiwan ng aral.
TALAMBUHAY -
akdang nagsasalaysay
tungkol sa buhay na
pinagdaanan ng isang
kilalang tao.
2. SALAYSAY NA MASINING
(ARTISTIC NARRATIVE)
Pangunahing layunin na mang-aliw.
May banghay na sinusunod ang
ganitong uri ng naratibo na
tumatalakay sa paghahanap ng
lunas o kasagutan ng pangunahing
tauhan.
Maikling Kuwento – Isang akdang
nagsasalaysay ng mga pangyayari na
kadalasan nang may suliraning
nilulutas ng pangunahing tauhan, may
tagpuan, kasukdulan at wastong
pangkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Nobela – Higit na marami ang
mga tauhan, may masalimuot
na mga pangyayari at may
kahabaan ang sakop na
panahon.Kadalasang nahahati
sa mga kabanata.
Pabula – ang mga karakter
ay mga hayop, naglalayong
gisingin ang isipan ng mga
bata sa mg apangyayarig
makahuhubog ng kanilang
ugali.
Parabula–mga
kuwentong hango sa
Bibliya na tulad ng
anekdota ay nagbibigay
aral sa mambabasa.
KATANGIAN ANG
MABUTING SALAYSAY
1. May kaakit-akit at makatawag
pansin na pamagat
2. Ang paksang tinatalakay ay
makabuluhan
3. Kawili-wili ang simula
4. May angkop na pagkakasunod-
sunod ang kuwento
5. Maayos ang ugnayan at
pamamaraan ng pagkakabuo ng
teksto sa simula hanggang wakas.
(Cruz et al. 2006)
Ang tekstong naratibo ay nagpapakita
ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula sa simula hanggang
wakas ng kuwento. Gumagamit ng mga
transisyonal na mga salita o parirala tulad
ng pagkatapos, susunod, simula, sa
kasalukuyan, hanggang, bago, una,
ikalawang, ikatlo at iba pa.
PAGSASANAY
Panuto. Ibigay ang mga hinihingi sa mga sumusunod.
1. Ano ang tekstong naratibo?
2. Paano nakakaapekto ang pagsasalaysay sa kulturang
Pilipino?
3. Ano-ano ang kaibahan sa maikling kuwento at
nobela?
4. Paano makikilala ng tekstong naratibo?
PANANAW O PUNTO
DE VISTA (POINT OF
VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO
IKATLONG ARAW
PANANAW O PUNTO DE
VISTA (POINT OF VIEW) SA
TEKSTONG NARATIBO
1. Unang Panauhan – Sa pananaw na ito,
isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay sa kanyang naranasan, naaalala, o
naririnig kaya gumagamit ng panghalip na
ako.
2. Ikalawang Panauhan – Dito mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan – Ang mga
pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tuahan kaya ang panghalip
na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay
siya.
4. Kombinsyong Pananaw o
Paningin – Dito ay hindi lang
iisa ang tagapagsalaysay kaya’t
iba’t ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa pagsasalaysay.
PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG
DIYALOGO, SALOOBIN O
DAMDAMIN SA TEKSTONG
NARATIBO
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan
ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng
kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin.
2. Di direkta o Di tuwirang
Pagpapahayag
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad
sa sinabi, iniisip, o nararamdaman ng
tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
LIMANG MAHALAGANG
ELEMENTO NG TEKSTONG
NARATIBO
1. Tauhan
a. Pangunahing Tauhan – dito umiikot
ang pangyayari sa kuwento mula simula
hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
lamang ang pangunahing tauhan.
b. Katunggaling Tauhan
– ito ay siyang
sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan
c. Kasamang Tauhan – Gaya
ng ipinahiwatig ng katawagan,
ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasama o
kasangga ng pangunahing
tauhan.
d. Ang May-akda –
Sinasabing ang pangunahing
tauhan at ang may-akda ay
lagi nang magkasama sa
kabuoan ng akda.
Mga Uri ng Tauhan
a. Tauhang Bilog (Round
Character) – Isang tauhang may
multidimensional o maraming
saklaw ang personalidad.
b. Tauhang Lapad (Flat
Character) - Ito ang tauhang
nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon – Tumutukoy
hindi lang sa lugar kung saan naganap
ang mga pangyayari sa akda kudi
gayundin sa panahon (oras, petsa,
taon) at maging sa damdaming umiiral
sa kapaligiran nang maganap ang mga
pangyayari
3. Banghay – Ito ang tawag sa
maayos na daloy o pagkasunud-
sunod ng mga pangyayari sa mga
tekstong naratibo upang
mabigyang-linaw ang temang
taglay ng akda.
URI NG
PAGSASALAYSAY
a. Analepsis (Flashback) –
Dito ipinapasok ang mga
pangyayaring naganap sa
nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward)
Dito nama’y ipinapasok ang
mga pangyayaring
magaganap pa lang sa
hinaharap.
c. Ellipsis – May mga puwang
o patlang sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa
nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
4. Paksa o Tema – Ito ang
sentral na ideya kung saan
umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong
naratibo.

You might also like