You are on page 1of 2

PINSALA AT PANGANIB NG CORONA VIRUS

“Manatili kayo sa iyong tahanan para sa amin.”

Ito ang lagi nating nababasa at nakikita sa social media na nagpapahiwatig kung gaano kapanganib sa lahat lalo na sa
health workers ang kalabang hindi natin nakikita.

Maging sa ibat-ibang sulok ng mundo ay matindi ang kinakaharap nila sa kung paano gugupilin ang bagsik ng sakit na ito
na tinatawag na Coronavirus Disease.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang sakit na ito ay nagsimula sa Wuhan, China noong Disyembre ng
nakaraang taon. Unang naitala ang kauna-unahang kaso ng CoVid-19 sa Pilipinas noong Enero na isang 38 taong gulang
na babaeng Chinese national.

SINTOMAS

Dagdag pa ng WHO, tumatagal ng lima hanggang anim na araw pagkatapos ng pagkahawa ng CoVId bago lumitaw ang
mga sintomas na ito:

Mga Pangkaraniwang sintomas:

 Lagnat
 Tuyong ubo
 Pagkapagod
Mga hindi Pangkaraniwang sintomas:

 Sakit ng lalamunan
 Pagtatae
 Sakit ng ulo
 Pagkawala ng panlasa at pang-amoy
 Pagbabago ng kulay ng daliri sa kamay at paa
 Rashes sa balat
 Conjunctivitis

Mga malalang sintomas:

 Hirap sa paghinga
 Sakit sa dibdib
 Kawalan ng kakayahang magsalita at gumalaw

PARAAN NG PAGKAHAWA

Narito ang mga paraan kung bakit nagkakaroon ng CoVid-19 ang isang indibidwal na ayon mismo sa Department
of Health (DOH):

 Droplets tulad ng sipon, ubo at bahing


 Surface transmission sa mga doorknob, pasimano at iba pa.
 Aerosolized transmission

BAKUNA AT LUNAS

Sa kasalukuyan ay wala paring direktang bakuna at lunas sa Covid-19 na natutuklasan subalit marami na ang
nakakarecover mula rito sa pamamagitang ng paggamot sa mga sintomas at pagpapalakas ng immune system ng mga
biktima.
PREBENSYON

Sa kawalan ng bakuna at lunas sa Coronavirus, mahalagang maprotektahan ng isang indibidwal ang kanyang sarili laban
dito. Naririto ang ilang mga hakbang upang hindi mahawa at manatiling ligtas sa CoVid-19.

1. Manatili sa bahay
2. Panatilihin ang distansya sa iba
3. Huwag hahawakan ang mata, ilong at bibig
4. Maghugas lagi ng kamay
5. Takpan ang bibig at ilong kapag uubo o babahing
6. Magsuot ng face mask at face shield kung lalabas

Tandaan natin na ang kaligtasan ng ating sarili sa sakit na ito at kaligtasan ng ating buong pamilya at komunidad.
Ginagawa ng ating pamahalaan at healthworkers ang kanilang makakaya para masugpo ang sakit na ito na nagpapahirap
sa ating bansa kaya naman gawin mo ang iyong responsibilidad bilang isang mabuting mamamayan.

Sinulat ni: Romy E. De Loyola

You might also like