You are on page 1of 2

Julieta Cosare BSED-FIL 2

TAKDANG-ARALIN SA ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

PANDEMYA

( Covid-19 )

Ang mundo ay tila nabalutan ng makapal at makulimlim na ulap nang nabuhay ang isang nakamamatay
at labis na mapanghawang sakit. Ito ay isang uri ng mikrobyo na kapag pumasok sa katawan ng tao ay
nagdudulot ng mga sintomas na siyang nagiging sanhi ng pagkamatay ng taong nadadapuan nito. Ilan sa
mga sintomas nito ay ang pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Una itong
natuklasan ng isang tsinong doktor sa Wuhan,China noon pang taong 2019. Ito ay ipinagsawalang-
bahala ng pamahalaan ng tsina noon hanggang sa, dinapuan nito ang unang biktima at nagsimulang
kumalat sa iba't-ibang bahagi ng mundo kabilang na rito ang Pilipinas. Ang nasabing sakit ay idineklarang
uri ng pandemya ng Pandaigdigang Samahan ng Kalusugan(WHO) at pinangalanang corona virus disease
o covid-19.

Sa paglaganap ng sakit na ito ay maraming pagbabago ang naranasan ng mga apektadong bansa. Una na
riyan, ang unti-unting pagkalugmok ng ekonomiya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang
bansa sapagkat maraming negosyo ang nahinto ang operasyon at naipasara. Ito ang pangunahing
dahilan kung bakit nadaragdagan ang mga taong naghihikahos epekto ng kawalan ng hanap-buhay.
Hindi lamang negosyo ang apektado kundi pati na ang mga paaralan. Dahi dito, napilitan ang Kagawaran
ng Edukasyon (Deped) na ipagpatuloy ang klase sa pamamagitan ng online class para sa mga pribadong
paaralan habang modular method naman sa pampubliko.

Ang mga naranasang pagbabago mula sa mga nakaugalian at ang patuloy na pagdami ng mga taong
nadadapuan ng sakit ang nag-udyok sa mga mayayamang bansa na gumawa ng bakuna. Ito ay upang
mapigilan ang patuloy na pagdami ng mga nahahawa at namamatay araw-araw. Sa kabila ng
pagkakaroon ng mga naimbentong bakuna ay wala pa ni isa rito ang napatunayang epektibo at
nakapagpapagaling sa covid-19. Kaya ang tanging kinakapitang pag-asa ngayon ng mga tao lalong-lalo na
ng mga Pilipino ay ang mahigpit na pananalig sa Poong Maykapal. Ang dalangin nila na sana nawa'y
tuluyan ng maglaho itong mapaminsalang pandemya.

You might also like