You are on page 1of 2

GAWAING PANG- INTERBESYON SA FILIPINO 7

Gawain 1
Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga
kasunod nitong mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.
Katotohanang Ipinamulat ni Covid - 19
Melbeth O. Bergancia
Sa isang iglap, tila isang time machine ang nagpatigil ng mundo at ng mga tao dahil
samabilis na paglaganap ng sakit na Corona Virus Disease 2019. Ang COVID-19 ay isang
nakahahawang sakit na sanhi ng bagong corona virus na ngayon pa lang nakita sa mga tao.
Ito ay pangunahing naikakalat ng tao sa tao sa pamamagitan ng mga droplet mula sa taong
may sakit kapag siya’y magsasalita, uubo, o babahing. Ang mga droplet na ito ay maaaring
pumunta
sa mga mata, bibig, o ilong ng mga taong malapit sa kanya. Walang pinipili ang virus na ito
kung kaya’t maaari itong kumapit sa kahit kaninong nakasalamuha ng taong may virus.
Noong ng Marso 11, 2020, opisyal na ipinahayag ng World Health Organization
(WHO) na ang COVID-19 ay maituturing nang isang pandemya dahil sa 118,000 na kaso ng
virus sa 114 na bansa habang patuloy pa nitong sinasakop ang iba pang bansa sa buong
mundo. Ayon sa ipinalabas na balita ng Philippine Inquirer noong Mayo 18, 2020, inanunsyo
ng Departamento ng Kalusugan ang dagdag na 208 na kumpirmadong bagong kaso ng
COVID- 19 sa bansa kung kaya’t mayroon nang 12,513 Pilipino ang nakararanas ng nasabing
sakit.
Lubhang nakababahala ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kababayan nating
tinatamaan ng virus higit lalo sa Kamaynilaan. Sa katunayan, ang 174 mula sa 208 na bagong
kaso ay naitala sa nabanggit na lugar.
Dahil sa pandemyang ito, ang mga tao, mayaman o mahirap, bata o matanda, sikat o
ordinaryo, ay tila biglang huminto sa nakagawiang daloy ng buhay. Iminulat tayo ng
kaganapang ito sa realidad ng buhay na tayo ay pantay-pantay, na ang bawat isa ay may
mahalagang tungkuling dapat gampanan. Higit sa lahat, ang pagkakaunawaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, pagmamahal, at pananalig sa Diyos ang siya nating sandata sa ganitong
sitwasyon.
1. Batay sa binasang teksto ano ang makapagpapatunay na mas marami ang mga Pilipinong
nakatira sa Kamaynilaan ang tinamaan ng COVID-19?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Anong ebidensiya ang makapagpapatunay na mabilis kumalat ang virus na ito sa buong
mundo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ano ang patunay na ang tao ay pare-pareho lamang pagdating sa sakit na ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Ano ang konklusiyon ng World Health Organization sa sakit na Covid-19? Patunayan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano ang ipinahihiwatig ng huling bahagi ng teksto?
__________________________________________________________________________

Gawain 2

Gawain 3

You might also like