You are on page 1of 1

Blaire Japhet C.

Domingo Psych 108 WFR- Abog


2019-04538 Mayo 21, 2020

Kapwa sa gitna ng pandemya: Ang sitwasyong Pilipino sa pagharap sa banta ng COVID-19

Nagulantang ang buong mundo dahil sa hindi mapigilang paglaganap ng nakamamatay na


Coronavirus Disease o mas kilala bilang COVID-19. Walang nakapag-akalang ang isang virus na
hinihinalang nagmula sa isang paniki sa Wuhan, China ay magdudulot ng napakalaking dagok sa
sangkatauhan (Sanggunian, 2020).

Ayon sa pinakahuling tala ng John Hopkins University, umabot na sa limang milyon ang
naitalang kaso at patuloy pa rin ang paglobo ng bilang ng mga taong tinatamaan ng naturang sakit
(2020, May 25). Hanggang ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas o bakuna kontra sa SARS-
COV-2 na siyang nagdudulot ng sakit na ito (Sanggunian, 2020). Dahil dito, patuloy pa rin ang
malaking hamong kinahaharap ng iba’t ibang bansa para ang sakit na ito’y tuluyan nang masugpo.

Katulad ng maraming bansa, mahirap ang sitwasyong kinalalagyan ng Pilipinas dahil sa banta
ng COVID 19. Mula nang maiulat ang unang kaso nito noong Pebrero 3, nabalot ng takot ang
maraming Pilipino dahil mabilis at madaling maikalat ang sakit na ito sa mga tao. Upang mapigilan
ang paglaganap ng sakit, inilagay ng pamahalaan ang karamihan sa mga lugar sa bansa sa pag-aasang
ma

KAPWA

HATING-KULTURAL (Social class, age, sogie)

Pagiging Pilipino

You might also like