You are on page 1of 2

COVID-19

Ni Nelson Nace

Magandang hapon sa inyong lahat ang aking talumpati ay patungkol sa nakakaalarmang sakit
sa taong 2020, Ang Novel Corona Virus 2019 o tinatawag ding COVID-19 ay isa sa mga
usapin ngayon na nakakabahala sa lahat ng tao lalo na sa ating bansa. Ang Novel Corona
Virus ay isang nakakahawang sakit at kinakatakutan ng sangkatauhan at patuloy ang pagkalat
nito.

Nagmula ang nasabing sakit sa Wuhan City, China na kung saan ang virus na ito ay
nagsimula sa pagkain ng paniki.

Marami ng bansa ang naapektuhan katulad ng Italy, Hongkong, South Korea, Australia,
Malaysia at Japan at ngayon naman sa ating bansang Pilipinas.Dahil sa pagpasok ng virus sa
ating bansa maraming establisyemento ang nagsara at pagkansela ng mga pasok sa
eskwelahan sa mga publiko maging sa pribadong paaralan.

Gayunman, sa kabila ng nangyayaring epidemya, pinananawagan ng mga awtoridad na hindi


kailangang lubusang mangamba patungkol sa nasabing sakit. Hinihikayat ng pamahalaan na
palakasin ang katawan at manatiling malusog upang hindi agad dapuan ng anumang sakit lalo
na ang Coronavirus.

Pinapaalala lang sa atin ng sakit na ito ang pagiingat sa sarili at pagpapalakas ng katawan.
Maraming sigalot ang patuloy na nararanasan ng ating mundo isa na riyan ang bagong
kumakalat na sakit na Novel Corona Virus 2019 o NCoV

You might also like