You are on page 1of 1

Ang sakit na Covid-19 ay sanhi ng makabagong virus na hango sa SARS-Cov.

Isa itong
sakit sa palahingahan. Una itong umatake sa Wuhan, China na pinaniniwalaan nilang galing sa
pagkain ng mga tao rito ng mga paniki kaya nagkaroon ng ganitong sakit ang mga tao roon.
Ang sintomas ng sakit na ito ay pagkakaroon ng ubo, pangangapos ng paghinga, lagnat,
pananakit ng lalamunan at pagkawala ng lasa. Lumaganap ito hanggang sa ito’y naging
epidemya sa China na siyang kinaabalahan ng mga namumuno roon. Hindi nakontrol ng China
ang pagdami ng mga kaso tungkol sa sakit at mas lumaganap ito hanggang sa naapektuhan na
ang buong mundo na siyang sinimulan ng pandemiya.
Sa Pilipinas, naitala ang pinakaunang kaso ng panibagong sakit noong ika-30 ng Enero,
2020 na kung saan ang ito’y nadala ng isang 38 taong gulang na babaeng naninirahan sa
Tsina. Noong ika-7 ng Marso, 2020 naman naitala ang pinakaunang local transmission ng
Covid-19. Linalabanan ngayon ng Gobyerno ang sakuna sa pamamagitan ng paganunsyo na
manatili sa mga tirahan ang mga tao upang hindi na dumami pa ang kaso sa bansa. Ipinatupad
ng Gobyerno ang kauna-unahang ECQ o Enhanced Community Quarantine sa Maynila
kasunod ng pagdami ng mga kaso. Hindi kalaunan ay ipinatupad na ito sa buong bansa dahil sa
malawakang transmission ng sakit. Ang mga Frontliners na siyang pangunahing tauhan sa
pandemiyang ito ay nagdodoble kayod upang malabanan ang sakunang pilit nating
kinakalaban. Isina sakripisyo nila ang kanilang kaligtasan para lamang manatili ang kalusugan
ng bawat isa sa bansa. Halos hindi na rin sila makauwi sa kanilang bahay para masiguro
lamang na hindi malipat ang sakit sa kung saan-saan. Naaapektuhan na rin sila ng
diskriminasyon na kung saan linalayuan na sila ng mga tao upang hindi sila mahawa.
Importante ang mga frontliners dahil sila ang nagsisilbing sangga natin laban sa
pandemya na kung saan ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya kahit ibuwis pa nila
ang kanilang buhay masiguro lamang na ang kalusugan ng bawat isa ay hindi maaapektuhan
ng Covid-19.

You might also like