You are on page 1of 2

Ang COVID-19 ay naging isang pandaigdigang trahedya para sa mga tao at

naging sanhi nang pagkasira ng ekonomiya hindi lamang sa Pilipinas ngunit pati na rin

sa ibang bansa. Dahil dito, nagpapatupad ang mga pamahalaan ng mga hakbang sa

lockdown, pagharang sa pagpunta sa ibang bansa, at ipinatupad din ang iba pang mga

hakbang sa pagpigil sa publiko upang maibsan ang pagkalat ng virus at pagtaas ng

mga kaso. Lahat tayo ay apektado ng kasalukuyang pandemya ng COVID-19.

Gayunpaman, ang epekto ng pandemya at ang mga kahihinatnan nito ay naiiba

depende sa katayuan bilang mga indibidwal at bilang mga miyembro ng lipunan.

Habang ang ilan ay sumusubok sa new normal ng iba ay walang pagpipilian kundi

malantad sa virus habang pinapanatili ang pagiging ligtas ng bawat tao sa lipunan.

Inaasahan na ang Pilipinas ay magsisimula sa pagbabakuna sa COVID-19 sa

susunod na buwan, kung kailan inaasahan na ang darating na unang 50,000 na doses

na nakuha nito mula sa kompanya ng China, na mas kilala bilang Sinovac. Ayon sa

mga opisyal ng gobyerno, ang bansa ay inaasahan na mabakunahan ng higit sa

kalahati ng populasyon sa pamamagitan nitong taon. Noong Nobyembre, isang poll ang

isinagawa ng Pulse Asia Research Inc. na nagpakita na 32 porsyento lamang ng mga

respondente sa Pilipinas ang handang tumanggap ng isang bakuna sa COVID-19.

Halos kalahati naman ng 2,400 katao na nagsagot ang nagsabing lalaktawan nila ang

pagbabakuna, samantalang 21 porsyento naman ang hindi masabi kung ano ang

kanilang desisyon. Marami sa mga ayaw magpabakuna ang nagsabi na ang

pangunahing dahilan ay hindi sila sigurado sa kaligtasan ng magiging bakuna.

Kung ako ang tatanungin, sumasang-ayon ako sa pagpapabakuna laban sa

COVID-19. Lahat tayo ay nagnanais na matapos nang maaga ang pandemyang ito
kaya dapat lahat tayo mabakunahan posible kung mas maaga, mas maganda. Ngunit

hindi ko alam kung bakit pinipilit ng gobyerno ng Pilipinas na gamitin ang bakuna na

nagmula sa Tsina. Ang bakuna sa Pfizer ay naipamahagi na sa ibang bansa gaya sa

Estados Unidos at itong klase ng bakuna ay mayroong higit pang impormasyon na

magagamit ng publiko. Para sa akin, ang pagbabakuna ay isa lamang sa pinakaligtas at

epektibong paraan para maiwasan ang sakit. Ang bakuna ay nagliligtas ng milyon-

milyong buhay kada taon.. Sang-ayon ako sa pagpapabakuna kahit na mayroong itong

mga side-effects pagkatapos dahil ayon sa aking pananaliksik, ito’y normal lamang para

sa isang bakuna. Dahil kapag tayo ay nabakunahan, hindi lang natin pinoprotektahan

ang ating mga sarili, ngunit pati na rin ang mga taong nasa paligid natin

You might also like