You are on page 1of 2

ANG PINAG AGAWANG TERITORYO NG PILIPINAS AT TSINA

Ano ba ang ipinaglalaban ng Pilipinas sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) at bakit mahalaga itong bantayan
ng bawat Pilipino? Bakit nagtitiyagang magbuwis ng buhay ang mga sundalong Pinoy sa barkong nakapatong sa Second
Thomas Shoal na nabubulok na roon mula pa noong 1990? Ano ang mahihita natin sa mga islang pinag-aagawan sa West
Philippine Sea?
Kailan lamang ay inilapit na ng Pilipinas sa ITLOS ang hinaing ng ating gobyerno patungkol sa matagal nang agawan ng
teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng ating bansa at ng China. Bunsod na rin ito ng aksyon ng China na gumawa ng
mga base militar sa Spratlys na ikinabahala hindi lang ng Pilipinas kung hindi pati na rin ng ating mga karatig-bansa. Sa
pagpupulong sa ASEAN, nagkaisa ang mga bansang kasapi upang tuligsain ang mga naging hakbang ng China sa mga isla sa
Spratlys. Gayunpaman, nanindigan ang China na kanila ang nasabing mga isla.
Pinabulaanan ni Justice Antonio Carpio ang mga sinasabi ng China. Base umano sa kanyang pag-aaral at pagsasaliksik,
hindi sakop ng China ang West Philippine Sea dahil malayo ito sa kanilang Exclusive Economic Zone. Ayon pa kay Justice
Carpio, kapag nawala sa atin ang West Philippine Sea, apatnapung porsyento ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ang
mawawala, tulad na lamang ng mga isda, enerhiya at iba pa.

Kamakailan sa Zambales ay natagpuan ang mga buoy na may mga sulat Tsino. Ayon sa mga mangignisda, tila isang boundary
ito na nililimita ang pwedeng puntahan ng mga Pilipino sa kanilang traditional fishing grounds. May ilang beses na ring pinalayas
na parang basang sisiw ang mga Pilipinong mangingisda ng mga coast guard ng China sa Scarborough Shoal.

Gumagalaw naman umano ang pamahalaan upang ipaglaban ang ating karapatan.Isang halimbawa na rito ang inihain nating
reklamo laban sa China. Ayon pa kay Carpio, maituturing na isang malaking tagumpay para sa mga Pilipino kung sakaling
mananalo tayo sa ating reklamo. Ngunit nauna na umanong sinabi ng China na kahit na manalo ang Pilipinas ay hindi nila ito
susundin.
Sa nalalapit na eleksyon, nakabitin rin ang kapalaran ng mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea; 'yan ay sakaling
ang susunod na presidente ay hindi interesadong ituloy ang kaso sa ITLOS o bukas sa pakikipagkasundo sa China. Ngunit ayon
kay Carpio, labag sa ating konstitusyon na magkaroon ng joint development ang dalawang bansa, at nangangahulugan itong
inaamin ng Pilipinas na hindi sa kanya ang mga islang pinag-aagawan.

Dagdag ni Carpio, may isa pang paraan ang maaari nating gawin upang hindi tuluyang mawala sa atin ang West Philippine Sea.
Ito ay sa pamamagitan ng dahas. Ngunit napakamahal ng paraang ito. Alam nyo ba kung magkano ang aabutin kung sakaling
mauwi sa giyera ang pakikipag-agawan natin sa China? Naku, malaki ang maaaring gastusin ng pamahalaan, at sa ating bulsa
manggagaling yan.
Ang mga 'isla ng Spratly, o tinatawag ding Kalayaan Group of Islands, ay matatagpuan sa bandang South China Sea o kilala na
ngayon sa tawag na West Philippine Sea. Ang kontrobersiyal [1] na mga islang ito ay binubuo ng mga tangrib, mga maliliit na pulo, at mga pulo
na nagtataglay ng likas-yamanyaman na pinagaagawan ng pamahalaan at ekonomiya ng mga bansang umaangkin nito. Ang Spratly Islands ay
binubuo ng humigit kumulang sa 750 mga tangrib, pulo, karang, at mga isleta. Ito ay matatagpuan sa West Philippine Sea, sa kanluran ng
Pilipinas, timog ng Tsina, silangan ng Vietnam, at hilaga ng Brunei at Sabah, Malaysia. Ang mga tangrib ng koral ang nangingibabaw na
istruktura sa mga isla. Tinatayang humigit kumulang sa 600 na tangrib ng koral ang bumubuo sa Spratly. [2] Ang iba ay binubuo na ng mga
maliliit na pulo at karang na may kaunting pananim na nakadepende sa sistema ng ihip ng hangin.

Bukod pa rito, ang uri ng lupain na meron sa mga isla ay buhangin na kaya lamang buhayin ay mga damo at halamang
palumpong. Naitala na ang mga islang ito ay tinatamnan ng mga pinya noong 1939. May mga ibang datos na
nagsasabing nababalutan umano ang mga islang ito ng papaya, saging, niyog, at mangrove maraming taon na ang
nakalilipas. [3] Dapatwat, ang mga islang ito nagsisilbing tahanan ng maraming ibon at pawikan. Ito ay mayaman rin sa
mga isda, guano, langis, at natural na gas.
Ipinalabas ng Permanent Court Arbitration (PCA) ang unanimous award pabor sa Pilipinas na nagsasabing walang karapatang
angkinin ng Tsina ang mga isla sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
BREAKING: We won in the international arbitration. This is an initial victory to the Filipino people! pahayag ng
grupong Pamalakaya Pilipinas sa kanilang Twitter account.

Idineklara na Property ng Pilipinas ang West Philippines Sea. Arya mga mangingisda, tuloy ang kabuhayan!! Iba talaga pag
marunong makipagusap ang namumuno sa isang bansa at makita ng buong mundo na may paninindigan, at palaban sa
karapatan ng mga nasasakupan ang namumuno !! Mabuhay ang Pilipinas! sabi naman ng isang netizen, habang ang
karamihan ay pinuri ang administrasyong Aquino at ang mga kinatawan ng bansa na naglahad ng argumento ng Pilipinas sa
The Hague.

Maging ang mga Pilipinong senador ay hindi napigilang magbunyi sa kinahinatnan ng kaso.Kabilang sa mga nagbigay ng papuri ay
sina Senador Leila De Lima, Franklin Drilon, Bam Aquino, Joel Villanueva at Risa Hontiveros .Hindi madaling makipagtunggali sa
bansang mas malaki at mas malakas sa atin, ngunit kailangang maging matapang. The international tribunal has backed our
claim and its clear that China must comply as a member of the community of nations, paliwanag ni Aquino sa isang panayam
ng mga reporter nitong Martes.

You might also like