You are on page 1of 4

REAKSYON SA PANG AAGAW NG TSINA SA WEST PHILIPPINE SEA

Ang West Philippine Sea ay mayaman sa langis o mas kilala bilang Natural Gas. Ayon noon kay House
Committee on Energy Rep. Arnel Ty, malaki ang deposito ng langis sa West Philippine Sea. Aniya, ang
West Philippine Sea ay mayroong sapat na reserba ng langis gaya na lamang ng Malampaya Gas
Field.
Halimbawa, ang Sampaguita field lamang ng Recto Bank sa West Philippine Sea ay mayroon nang
napatunayan na 4.6 Trillion cubic feet na reserba ng Natural Gas.
Kung may pagkakataon, malaking tulong ang West Philippine Sea upang mapunan at maiwasan ang
pangangailangan ng bansa sa Kuryente. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ang pangunahing basehan
ng pinagkukunan ng Enerhiya ng Pilipinas.
1. Coal Energy - 34%
2. Hydro-Electric Energy - 19%
3. Natural Gas - 18%
4. Oil & Fuel - 17%
5. Geothermal - 10%
6. Biomass - 1%
Dahil mayroong hindi maganda na dulot sa kapaligiran ang Coal Energy dahil ito ay polusyon, balak
ng pamahalaan na mapunan ang kapasidad ng bansa Natural Gas.
Ang 3.2 Trillion cubic na reserba sa Malampaya Gas Field ay tinatatya na lamang na aabot ang reserba
hanggang 2030. Dahil hindi buong pagmamay-ari ng Gobyerno ang Malampaya, nakakatanggap pa
rin ng kita ang gobyerno mula dito. Noong 2015, nakatanggap ang gobyerno ng 208 Billion peso na
royalties mula Malampaya.
Sa pagtataya ng United States Energy Information Administration, mayroong 55.1 trillion cubic feet ng
natural gas and 5.4 billion barrels ng krudo/langis ang buong West Philippine Sea, sapat upang
matustusan ang pangangailangang enerhiya sa Luzon, Visayas at Mindanao sa susunod na 20 taon.
Kung nagkataon na makalkula ang halaga nito, maaring aabot sa Trilyong Dolyar ang halaga ng langis
sa West Philippine Sea. Kaya naman gayun na lamang kalaki ang interest ng ating mga karatig bansa
sa pagangkin nito partikular ang China.
Marami marahil ang nagtatanong kung bakit pilit na inaangkin ng China ang West Philippine Sea. Bakit
nga ba?

Trade Routes

Ang Spratly Islands ay isang strategic location kung saan dumadaan ang ruta ng kalakalan (trade
routes) sa pagitan ng Europa at sa Gitnang Silangan, mula sa Indian Ocean patungong Malacca Strait
hanggang sa South China Sea at patungong South Korea at Japan.

Malaki ang epekto nito sa lahat ng kung sino man bansa ang makakaangkin ng sinasabing mga isla.
Tinatayang 33 percent ng lahat ng Maritime Trade sa buong mundo ay dumadaan dito. Ang bansang
makakakontrol sa mga sinasabing disputed areas ay siguradong magkakaroon ng malaking pag-unlad
sa ekonomiya.

Oil Reserves

Ang isa pang dahilan ay ang langis (oil reserves) na tinataglay nito. Noong 1989, inihayag ng China na
ang Spratly Islands ay naglalaman ng 25 billion cubic meters ng natural gas, 105 bilyong barrels ng
langis at 370,000 tons ng pospor (phosporus).

Yamang Dagat

Ang West Philippine Sea ay isang malaking fishing grounds na kung saan nangingisda na ang mga
Pilipino mula pa noong Spanesh Colonization era.

Sa mga kadahilanang ito kaya pinipilit ng China na sa kanila West Philippine Sea.

Maraming mga isyu ngayon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas tungkol sap ag aagawan sa isla
ng West Philippine Sea o tinatawag din itong South China Sea.

Sino ng aba talaga ang may ari ng islang ito?

Hindi lang isang isla ang inaangkin ng Tsina meron paring iba pang kagaya ng ScarboroughShoal at
Mischief reef.

Ano kaya ang binabasihan ng mga taga Tsina kung bakit pinanindigan nila ang kanilang
nasasakupang mga isla?

Ayon sa mga balita na aking nalaman o napagkinggan, binabasi nila ito sa tinatawag na 9 Dash line.
Ang 9 dash line ay isang U shaped form kung saan ang lahat nang nasa loob nito ay pag aari ng Tsina
sa pandagat man o panghimpapadawid.

Ano naman kaya ang binabasihan ng ating Bansang Pilpinas bakit pinanindigan nila ang mga
islang ito?

Ang ating bansa ay may pinandigan na na ayon sa batas na tinatawag na Exclusive Economic Zone
(EEZ) na binabasihan sa UNCLOS (United Nation Convention on the Law of the Sea).

Ang nasisimula ang baseline hanggang 200 nautical miles galing sa bansa. Sa 200 na nautical miles
na iyan ay may karapatan tayong mangigisda sa dagat

Ako bilang isang Pilipino ay may karapatang sabihin na atin ang ScarboroughShoal dahil nasa ilalim
ito ng 200 nautical miles ng ating bansa. At sumusunod naman tayo kung ano ang nasa batas. Malaki
naman ang ebidensya na atin ito kung pag babasihan ito sa EEZ at sa UNCLOS.
Ano naman ang epekto ng pangyayari nito sa ating mga Pilipino?

Maraming mga taong nawalan ng kabuhayan sa pangingisda. Nawalan tayo ng karapatang pandagat
na pwedeng mangisda ang mga Pinoy at natatakot na silang mngisda doon dahil sa pananakot ng mga
Tsino.
Para sa akin ay dapat tayong maging alerto sa mga balitang ito para malaman natin kung ano ang
nangyayari sa ating bansa. Lalaban tayo kung ano ang meron sa atin dahil meron tayong pinanindigan
at sinusunod na batas na tama. Sinasabi nang Tsina na sa kanila ito kahit na sa atin talaga. Dahil ba
sa meron silang mga malalaking barko or mga sandata, masasabi na nilang sa kanila ito. “ We maybe
be inferior in terms of force but we have the law” o “Maaari tayong maging mas mababa sa mga tuntunin
ng lakas ngunit mayroon tayong batas”. At patuloy tayong mag dasal sa Diyos para sa ikabubuti ng
lahat dahil siya lamang ang may alam at may karapatan sa lahat ng bagay dito sa mundo.

Bilang isang mag-aaral sa Pilipinas, ay naguguluhan ako sa kanila at sa issue. Iniisip ko kung sino
ang tama, sino ang mali, sino ang may-ari at marami pa akong mga tanong na hindi pa nasasagutan.

Pero kung isipin nga natin mga Pilipino, ano ang gagawin mo kapag ang taong mahal mo ay inagaw
sa iba? Diba lalaban tayo? Pero paano mo ipaglaban kung wala ka namang kapangyarihan? Hindi
naman sa sinasabi ko na tayo ay mahina. Pero sa totoo lang, kawawa tayong mga Pilipino dahil
halos inaapi tayo ngunit lumalaban parin tayo. Yan tayo mga Pilipino! Kahit anumang mangyari,
huwag tayong tumigil sa pagkuha hanggang sa makuha na ang ninanais natin.

Pero sa pag-uulit ko, naguguluhan pa rin ako. Pero sa ganitong paraan na sa pag-gawa ng blog na
tungkol sa issue ay mapapalawak ko ang kaalaman ko, pati na rin sa kabataan at sa kapwa Pilipino.

Ang tanging masasabi ko lamang sa atin, mga Pilipino ay huwag nating kalimutan ang magdasal para
sa ating bansa at pati na rin ang Tsina. Huwag naman magdasal ng hindi mabuti sa Tsina pero
magdasal tayo na sana, matatapos ang isyung ito na walang gulo at maging mapayapa ang lahat.

You might also like