You are on page 1of 2

“Protektahan ang Karapatan”

Ni: Doñella Carrelle B. Baluyut

Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po si Doñella


Carrelle B. Baluyut, at narito po ako sa inyong harapan upang
pag-usapan ang napakahalagang isyu sa Pilipinas at Tsina. Handa
na ba kayong makinig lahat sa ating pag-uusapan? Ito ay ang isyu
ng West Philippine Sea na dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang
West Philippine Sea ay malaking halaga sa Pilipinas at sa mga
Pilipino. Ang pag-aagawan ng teritoryo ay maaaring magbunga ng
kaguluhan.

Ang West Philippine Sea ay may malaking halaga sa ekonomiya


ng Pilipinas. Ito ay mayaman sa iba’t ibang likas na yaman gaya
ng mga isda, coral reefs, at iba pang marine biodiversity.
Mayroon din itong malaking deposito ng mga langis at natural gas.
Dahil dito, maraming bansa ang nag-aagawan sa teritoryo nito.
Subalit sa mga pangyayaring ito, kilalanin natin ang
pangangailangan na tayo ay magkaroon ng pagtutulungan at malinaw
na pananaw. Sumasang-ayon ba kayo na ipaubaya natin ang West
Philippine Sea? Para sa aking palagay, hindi dapat tayo
magpapaubaya sa karapatan natin sa West Philippine Sea sa bansang
Tsina sa ating teritoryo.

Bilang isang kabataang Pilipino, ang masasabi ko ay dapat


nating ipagtanggol ang ating bayan. Hindi natin dapat payagan na
mawala ang mga yaman at karapatan natin sa sariling teritoryo.
Ang bawat paggalang at pagsunod sa batas ng karapatan ng bawat
bansa ay hindi dapat maging daan sa pang-aapi. Hindi natin
pwedeng ipaubaya ang ating mga likas-yaman at ang mga karapatan
ng mga Pilipino. Inaanyayahan ko ang bawat isa sa atin na maging
boses ng katotohanan at katarungan. Huwag nating pabayaan ang
West Philippine Sea na mawala sa ating kamay. Sa pagkakaisa
natin, may pag-asa pa tayong mapanatili ang ating dignidad bilang
isang malayang bansa. Dapat nating ipaglaban ang ating teritoryo
at ipakita ang ating tapang at determinasyon.

Batay rin sa internasyonal na batas at desisyon ng Permanent


Court of Arbitration, ibinigay nito ang karapatan sa Pilipinas sa
West Philippine Sea. Ngunit, nakakalungkot pa rin na ang Tsina ay
patuloy na nagpapakita ng agresyon at patuloy na nanghihimasok sa
ating teritoryo. Kaya mahalaga na ang internasyonal na komunidad
ay makiisa at magbigay proteksyon sa Pilipinas upang mapanatili
ang kapayapaan sa ating bansa.

Sa pagwawakas ng aking talumpati, masasabi ko na kailangan


magtulungan ang mga Pilipino upang masolusyunan ang mga isyu sa
West Philippine Sea. Sa ganitong paraan, magkakaroon tayo ng
kapayapaan at kaunlaran sa bansa upang maiwasan ang mga problema
at pag-aagawan sa West Philippine Sea. Kaya mahalaga ang pag-
unawa sa ating karapatan sa West Philippine Sea.

Maraming salamat sa inyong oras sa pakikinig sa isa sa mga


mahahalagang usapin na ating kinakaharap bilang isang bansa. Sana
ay natuwa kayo sa inyong pakikinig.

You might also like