You are on page 1of 5

PAGSUSURI #6

PAGSUSURI NG TEKSTONG PERSWEYSIV


Tekstong Persweysiv:
KOOPERASYON: PANIBAGONG SOLUSYON SA BAGONG HAMON

DINADAHAN—DAHANG bigla talaga tayo ng ating kanugnog-bansa sa


hilagang-kanlurang bahagi ng West Philippine Sea.
Kung tayo'y magbabalik-tanaw, maaalala natin na dahan-dahang itinayo,
pinagtibay, pinalaki, pinaganda at pinamoderno ng Tsina ang kanyang mga
istruktura sa sinakop nilang isla. Maaaring 'di natin namalayan, 'di napansin, o
napabayaan kaya't nakuha nila ang Mischief Reef noong 1995—isang taon
matapos na hindi na i-renew ng Pilipinas ang pananatili ng mga base militar ng
Amerika.
Maituturing na rin na nasakop na ng Tsina ang Scarborough Shoal or
Bajo de Masinloc noong 2012. Ito'y dahil hindi tumupad ang Tsina sa kasunduan
na parehong aalis ang mga barko nito at ng Pilipinas matapos ang tinatawag na
stand-off doon.
Permanenteng nananatili sa bukana ng lagoon ang mga barko ng Tsina.
Kailangan pang makipagpatintero ang ating mga mangingisda bago makinabang
pook pangisdaang sadya namang atin.
Hindi pa nasiyahan ang Tsina, nagdeklara pa ng fishing ban na sinundan
pa ng pagdedeklara ng Air Defense Identification Zone (ADIZ), At ang pinakahuli
at masasabi nating malapit na sa sukdulan, ay ang panghaharang ng mga barko
ng Chinese Coast Guard sa mga barkong sibilyan na maghahatid sana ng mga
pagkain, tubig at gamut.
Sa hinalang construction materials ang dala ng mga barko, ginugutom
at inuuhaw ng Tsina ang Marines sa BRP Sierra Madre (LT-57) na nasadlak
sa Ayungin Shoal

Upang di mamatay sa uhaw ang mga tauhan nito, napilitan ang Navy na
maghulog ng ilang container ng tubig malapit sa LT-57. Tatagal lamang ang
supply ng 3 o 4 na araw.

Nagprotesta ang Pilipinas at sa puntong ito, napabalitang nagplano ang


Navy na muling bumiyahe upang mag-resupply. Gaya ng dati, binalewala ng
Tsina ang protesta at nagbanta pang dapat huwag nang subukin ng Pilipinas
ang kanyang blockade sa Ayungin Shoal. Kung hindi, walang dapat sisihin sa
anomang masamang maaaring mangyari kundi ang Pilipinas.
Sa ganitong panahon na tila mas umiigting pa ang girian sa West
Philippine Sea at wala pa ring kasiguruhang pagpapatupad ng hatol makuha
man natin ang paborableng desisyon mula sa Tribunal, ano na ang gagawin
natin?
Hindi naman uubrang makipagtagisan tayo ng lakas sa lakas. Hindi rin
naman lalo uubrang ipagkibit-balikat na lamang natin ang mga nangyayari
bagama't sinusubok natin ang lahat ng mapayapang paraan. Kabilang sa
pamamaraang 'yun ang matahimik na pakikipag-usap o back-channel
negotiations. Pero may mga panloob na suliranin ang Tsina kaya ginagawa nito
ang kanyang ikinikilos sa ngayon.
Sa pagtaya ni dating National Security Adviser at dati ring Congressman
Roilo Golez, may malaking pinaplano ang Tsina. Kinukumpirma iyon ng mga
bihasa sa geopolitics. lyon ay ang pag-okupa sa Reed Bank na ipinapalagay na
mayaman sa langis, mineral at natural gas. At ang tropa natin sa Ayungin Shoal
ay hadlang sa mas mabilis nilang pagtungo at pagkuha ng biyaya sa Reed Bank.
Kaya lahat ay gagawin nila maitaboy lang tayo mula sa Ayungin.

Kung dati ay hinahayaan nila na i-resupply ng Pilipinas ang Marines


doon at handa silang "tumulong" na alisin doon ang LT-57 kung 'di kaya ng
Pilipinas, puwes, hindi na ngayon! Nilabag na nila ang International
Humanitarian Law at Human Rights Law at sukdulang ikamatay ng mga
sundalo roon, 'di na nila papayagang mag-resupply at manatili pa nang
matagal doon ang LT-57.
Ano ang maaaring solusyon, pangmatagalan at pangmadalian? Sa
ganang akin, ang isang pangmadaliang (short-term) solusyon, palakasin ang
ating maritime cooperation o pakikipag-ugnayan sa mga bansang may
kapareho nating kaisipan at paninindigan.

Ang pinakamainam na halimbawa ay ang Amerika. May umiiral nang


Visiting Forces Agreement. Maaaring maiangkop doon ang sinasabing mas
maraming dating-alis ng mga sundalong Amerikano—Navy, Marines, Army o
Air Force sa Pilipinas.
Gayundin ang mga pagsasanay na may layuning magkatulungan ang
mga magkakaanib na bansa sa sea, air, at land operations hanggang hindi
lumalabag sa Saligang Batas ang nasabing usapan, isuko na natin ang ating
yabang at tanggaping kailangan natin ang tulong ng Amerika laban sa mas
lumalalang sitwasyong panseguridad sa WPS bago pa mahuli ang lahat.
Tanging sa isang malakas na bansa rin mangingimi ang isang malakas na
bansa.
Pangmatagalang solusyon naman ang modernisasyon ng ating
sandatahang lakas. Maganda na ang direksyon ng kasalukuyang
administrasyon. Katunayan, 3 brand new Augusta 109 helicopters na ang nai-
deliver sa Philippine Navy at may dalawa pang darating na may mas malakas
na kagamitan bago matapos ang taon. Hindi na sana maulit pa ang nagdaan
na kung saan umasa tayo nang lubos sa Amerika. Kung kaya't bigla na
lamang nating nasumpungan na ang kinikilala bilang isa sa mga
pinakamalakas na Navy sa Asya ay isa na sa pinakamahina.
Dapat panatilihin ng bawat Pilipino ang kamalayan at malasakit sa
nasasakupan ng ating bansa at likas na yaman nito. Hindi natin dapat
hayaang masalaula at mapunta sa iba ang langis, mineral, natural gas, at iba
pang yaman-dagat na laan sa atin at ating mga supling at mga susunod pang
henerasyon.
Sa bagay na ito, lahat tayo ay may pakialam. Maaaring 'di tuwiran sa
ngayon, subalit sa huli, lahat tayo ay apektado
Gamitin natin ang social media upang ipahayag ang ating pagtutol at
pagtuligsa sa ginagawang pag-aalipusta sa ating mga karapatan bilang isang
bansa at sa karapatang pantao ng ating kapwa Pilipino.

(Mula sa: http:/www.remate.ph/2014/03/kooperasyon-panibagong-solusyon-sa-bagonghamon)


MGA GABAY NA TANONG SA PAGSUSURI NG TEKSTONG PERSWEYSIV:

1. Anong isyu ang pinapaksa ng teksto? Maglapat ng mga patunay.

2. Paano inilahad ang mga detalyeng sumusuporta sa paksang lumutang sa


teksto?

3. Ano ang Iayunin ng may-akda sa paglalahad ng kanyang proposisyon hinggil


sa isyung napapaloob sa teksto?

4. Anong pamamaraan o istilo ang ginamit ng may-akda upang matupad ang


kanyang layunin sa paglalahad ng teksto?

5. Paano niya inilahad ang teksto sa mabisang paraan para mahikayat ang
mambabasa na umayon sa kanya, pumanig at makiisa sa kaniyang
argumento ng pakikibaka?

6. Ano ang implikasyon ng naturang teksto sa mga mambabasa?

7. llarawan ang may-akda ng teksto batay sa pagkakalahad nito bilang


repleksyon ng kanyang pagkatao?

8. Ano-anong positibo at negatibong panig ang inilatag ng may-akda na


makapagpapatibay ng kanyang posisyon sa isyu?

9. Ano ang iyong naging pananaw hinggil sa inilahad na isyu matapos mabasa
ang teksto?

10. Paano ka naimpluwensyahan ng teksto matapos mabasa ito?

You might also like