You are on page 1of 7

PAGSUSURI #1

PAGSUSURI NG TEKSTONG INFORMATIV


Tekstong Informativ:
PAGLAGANAP NG HIV AT AIDS: ISANG PAGTUKLAS

Ang kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lamang ng isang


Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay malusog, ang mga
taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kaniya ay magkakaroon
ng kompyansa na makipag- usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng
personal na relasyon sa kanya at may sapat na kompyansa para mabuhay
nang masaya, nang may dignidad at ang may pagtanggap sa lipunang
kaniyang ginagalawan.

Kadalasan, ang ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang taong


may malalang sakit, lalong-lalo na ang mga biktima ng AIDS na itinuturing na
nakakahiyang sakit 'ostigmatized disease'. Karamihan kasi ng mga
nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng pagtanggi sa kanilang totoong
kalagayan, pagkagalit sa sarili at sa mundo, at depresyon. Marahil, ito ay dahil
na rin sa ang HIV AIDS ay hindi nagagamot at karamihan sa mga taong
nagtataglay nito ay nakakaranas ng pagtanggi at pag-iwas ng mga dating
kaibigan at ng ibang tao, diskriminasyon sa paaralan, trabaho at iba pang
social contexts, at pagbabansag na sila ay mga bakla o kaya ay drug addict.

Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang AIDS


(Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na
bunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV(Human Immunodeficiency Virus).
Ang virus ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao — ang
lymphocytes o T-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood cell (leukocytes)
na siyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit. Sinisira mto
ang mga bacteria at virus at iba pang microorganisms na pumapasok sa
katawan ng tao. Ang normal values ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic
millimeters (20% - 40% ng kabuuang leukocyte count). Kapag mas mababa
sa 200 ang bilang, ang depensa ng katawan ay humihina, madaling kumapit
ang iba’t ibang impeksiyon at kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang
biktima ay may AIDS.

Ilan sa mga katangian ng taong may sakit na AIDS maliban sa


mababang bilang ng mga T-helper cells ay ang pagiging positibo sa pagsusuri
hinggil sa HIV, ang pagkakaroon ng ilang natatanging karamdamang kagaya
ng 'Kaposi’s Sarcoma' (isang agresibong kanser na tumutubo sa balat o sa
bibig), Pneumocystis carinii pneumonia (PCP), Tuberculosis, at iba pang sakit
na dulot ng mga fungi.
Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taong
2010, tinatayang 34 milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na
may HIV virus, 1.8 milyon ang namatay dahil sa AIDS, at 271 OFWs ang
naitala na may HIV/AIDS. Naalarma ang UN upang gumawa ng mga
hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS at inilagay na layunin
ng bawat kasaping bansa na masugpo ang AIDS hanggang taong 2015 at
ang pagkakatatag ng UNAIDS bilang pangunahing kamay ng UN sa pagpigil
ng paglaganap at pagmomonitor ng mga kaso ng HIV/AIDS sa buong
mundo.

Narito ang mga palatandaan o sintomas ng HIV at AIDS


Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS ang:
1. Ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal nang
may mga tatlong buwan.
2. Pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal nang mahigit sa
isang buwan.
3. Pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa.
4. Ang pagbaba ng timbang at pangangayayat.
5. Mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling.
6. Ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon
bago maging ganap na AIDS ang sakit.

Tandaan: Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang


isang taong may impeksiyon sa HIV.

Paano nakahahawa ang HIV at AIDS?


Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng:
1. Pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o
AIDS.
2. Sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo.
3. Sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS.
4. Paggamit ng mga hindi malinis na karayom na ginamit sa pagpapa-
tattoo o body piercing.
5. Ang isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan
ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.

Pakatandaan:
Ang sinumang napatunayang positibo sa HIV ay maaaring
maisalin o mahawaan ang iba kaya't hindi siya maaaring magbigay ng
kaniyang dugo, plasma, organ, at semilya. Ang isang taong may impeksiyon
sa HIV ay nararapat lamang na balaan ang sinuman na kaniyang makakatalik
tungkol sa kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng
proteksiyon gaya ng paggamit ng kondom. Gayunman, may panganib na
mahawa sa impeksiyon kahit na gumamit ng kondom kapag nabutas iyon.
Hindi nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, laway, yakapan,
pag-ubo, luha, pawis, pagbahing, pakikipagkamayan, paghihiraman ng damit,
pakikisalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng
kubeta o palikuran.

Lunas at paggamot
Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang lunas para sa HIV, subalit
maraming pag-aaral ang isinasagawa para sa mga gamot na magagamit laban
sa HIV/AIDS, na maaari ring ganap na lunas o bakuna laban sa HIV. Tanging
sa pagsusuri ng dugo lamang malalaman kung may sakit na HIV ang isang tao
at ito ay lihim o kumpedensyal na isinasagawa. Ang pagsubok ng HIV ay
binubuo ng inisyal na screening sa isang ELISA (enzyme-linked immunos
orbent assay) upang matukoy ang antibody sa HIV. Inuulit-ulit ito at sa final
screening ay ginagamit ang Western blot para sa pagkompirma na positibo ang
isang tao.
Mahalaga ang regular na Vaginal PAP smear upang masubaybayan
ang impeksiyon sa HIV dahil mataas ang panganib na magkakanser sa cervix
ang may HIV. Ang Anal PAP smear ay kailangan din upang malaman kung
may posibilidad ng kanser ang lalaki at babaeng nahawa ng HIV.
Ang Antiretroviral therapy (ARV), gaya ng mga Protease Inhibitors ay
sumusugpo sa paglala ng HIV virus sa katawan. Ang kumbinasyon ng iba't
ibang antiretroviral agents na sinasabing may mataas at aktibong ARV
(HAART) ay sinasabing epektibo sa pagpapababa ng bilang ng HIV particles
sa pagdaloy ng dugo na sinusukat sa tinatawag na viral load. Maaari itong
makatulong sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao at mapataas ang bilang
ng T-helper cells.
Ang HAART ay koleksiyon ng iba't ibang uri ng gamot na may di-
inaasahang epekto sa katawan. Ilan sa mga ito ang pagkahilo, sakit ng ulo,
panlalambot, at pag-iimbak ng taba sa likod at sa tiyan. Kapag ginamit nang
matagalan, ang gamot na ito ay nakapagpapataas ng panganib ng atake sa
puso dahil pinalalaki nito ang antas ng lipids at glucose.

Ang HIV ay may dalawang (2) strain o uri:


1. Ang HIV-2 na siyang kadalasang matatagpuang strain sa mga
biktima ng HIV sa Africa kung saan matatagpuan ang 70% ng mga
taong may HIV/AIDS sa buong mundo.
2. Samantalang, HIV-1 strain naman ang kadalasang matatagpuan sa
mga HIV/AIDS victim sa Amerika. Isa sa mga dahilan kung bakit
hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa HIV/AIDS ay dahil sa
ang mismong virus ay nagpapalit-palit ng anyo at kadalasang
nagtatago sa mga parte ng katawan na hindi naaabot ng mga gamot
na ARV gaya ng utak at spinal cord. Dahil dito, ang pinakamabisa
pa rin na dapat gawin ng isang taong ayaw magkaroon ng HIV/AIDS
ay iwasan ang mga gawaing may mataas na pagsalin ng HIV sa
kapwa tao. (FNA-Rome)

(Mula sa: http://www.kalusugan.ph)


MGA GABAY NA TANONG SA PAGSUSURI NG TEKSTONG INFORMATIV:

1. Tungkol sa anong usapin o paksa ang nilalaman ng teksto at ano-ano


ang tinutukoy hinggil dito?

2. Paano ito maiiwasan?

3. Paano maipapaalam sa madla ang hinggil sa isyung ito upang ito ay hindi
na maranasan ng marami gayung wala pa itong kalunasan sa
kasalukuyan?

4. Ano ang kahalagahan ng naturang teksto na dapat mabatid ng bawat


isa?

5. Aling bahagi ng teksto ang nakapagdulot sa iyo ng matinding damdamin,


takot, pangamba, inis at pagkamangha?

6. Anong impormasyon ang napulot mo mula sa teksto na sa iyong palagay


ay makatutulong nang malaki sa iyong buhay?

7. Ano ang layunin ng may-akda sa paglalahad ng teksto? Ano-ano ang


mga naging patunay hinggil dito?

8. Paano inilahad ng may-akda ang teksto? Ano-anong istilo ang ginamit


dito?
9. Paano makapagpapabago ng pananaw at takbo ng buhay ang naturang
teksto sa mga mambabasa?

10. Ano ang naging implikasyon sa iyo ng naturang teksto matapos itong
mabasa?

You might also like