You are on page 1of 3

QUIZ NO.

1 IN RESEARCH METHODS

GERALDINE MAE B. DAPYAWIN

MAED - FILIPINO
Filipino: Gamit sa Pagtuklas ng Pinagmulang Kwento ng Bawat

Barangay ng Barcelona, Sorsogon

Katuturan ng Talakay

Para sa higit na pag-unawa ng pag-aaral na ito, narito ang

mga sumusunod na salita na bibigyan ng kahulugan sa paraang

konseptwal at operasyonal ayon sa pagkakagamit nito sa pag-aaral.

Filipino. Ito ang wikang pambansa ng Pilipinas. Samantalang

nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga

umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika (Artikulo

XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas 1987). Sa operasyonal na gamit,

ito ang magsisilbing instrumento sa pangangalap ng mga

pinagmulang kwento ng bawat barangay ng Barcelona, Sorsogon.

Pagtuklas. Ito ay isang paghahanap ng isang bagay na

nakatago, lihim, o hindi alam (Merriam-Webster Dictionary, 2021).

Sa pag-aaral, ito ang pangangalap ng mga pinagmulang kwento ng

bawat barangay sa Barcelona, Sorsogon.

Pinagmulang Kwento. Batay sa pag-aaral, ito ang koleksyon ng

kasaysayan at pinagmulan ng pangalan ng bawat barangay ng

Barcelona, Sorsogon.

Barangay. Ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan na binubuo

ng 50 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng isang kapitan


(Merriam-Webster Dictionary, 2021). Sa pag-aaral, ang pinagmulang

kwento nito ang nais mabigyan kasagutan.

Barcelona. Ito ay kilala noon bilang “Danlog” ngunit noong

dumating ang mga Kastilang mananakop napalitan ito sa pangalang

“Barcelona” bilang alaala sa kabeserang bayan ng Cataluňa ng

Espanya. Pangingisda at pagsasaka ang mga pangunahing hanapbuhay

ng mga tao rito. Binubuo ito ng dalawampu’t limang barangay. Ito

ay matatagpuan sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Sorsogon sa

pagitan ng mga bayan ng Gubat at Bulusan

(https://barcelona.sorsogon.gov.ph). Sa pag-aaral, tinutunton ang

pinagmulang pangalan ng bawat barangay sa bayang ito.

You might also like