You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Paaralang Gradwado
Lungsod ng Sorsogon

Asignatura: PREQUI FIL- EPIKONG FILIPINO AT KWENTONG BAYAN


Propesor: DR. LERMA L. AVISO
Paksa: URI NG EPIKONG FILIPINO
Tagapag-ulat: GERALDINE MAE B. DAPYAWIN
MAED-FILIPINO 1

PAGBABALIK-ARAL SA EPIKONG FILIPINO


- Mahabang salaysayin.
- Batay sa oral na tradisyon.
- Umiikot ang kwento sa kababalaghan at kabayanihan.
- Binubuo ng berso.
- Maaaring bigkasin o awitin.
- May pagkaseryoso ang paksa,dahil masasalamin dito ang mga kaugalian,
paniniwala,tradisyon at kultura ng isang lugar sa kabuuan.

URI NG EPIKONG FILIPINO


1. Pangkalahatang Uri ng Epiko
2. Uri ng Epiko ayon kay Espiridion Arsenio Manuel

 PANGKALAHATANG URI NG EPIKO

a. Sinaunang Epiko
- Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng bawat henerasyon. Masasalamin dito
ang mga sinaunang paniniwala at kaugalian.
b. Makabagong Epiko
- Mayroong kanya-kanyang istilo ng pagsulat ng epiko. Mayroong
balangkas na sinusunod, mas organisado.

 URI NG EPIKO ayon kay ESPIRIDION ARSENIO MANUEL

Espiridion Arsenio Manuel


 Antropologo
 Itinuturing na "Ama ng Makabagong Pag-aaral ng Polklor sa Pilipinas"
a. Batay sa Haba

 Macroepic
- Mahabang uri ng epiko, binubuo ito ng napakaraming serye o
bahagi kaya kung babasahin ang ganitong uri ng epiko pumipili
lamang ng partikular na bahagi mula rito.
Halimbawa ng Macroepic:
TUWAANG (Epiko ng mga Bagobo)
Ang Dalaga ng Buhong na Langit
- binubuo ng 1,417 linya; matatapos sa buong magdamag
Ang Pagdalo ni Tuwaang sa Kasalan
- binubuo ng 1,547 linya; matatapos sa buong magdamag
 Mesoepic
- Katamtaman ang haba kung bibigkasin at aawitin. Mayroong
mga komplikadong kaganapan sa kwento kung kaya humahaba
ito.
Halimbawa ng Mesoepic: LABAW DONGGON (Epiko ng mga Bisaya)

 Microepic
- Maikling uri ng epiko na kayang tapusin sa isahang upuan
lamang. Binubuo ito ng simula, serye ng mga pangyayari at
wakas.

Halimbawa ng Mesoepic: BIAG NI LAM-ANG (Epiko ng mga Ilokano)

b. Batay sa Pananampalataya

 Epiko ng mga Kristiyano


Halimbawa: BIAG NI LAM-ANG (Ilokano)
HANDIONG (Bikol)
 Epiko ng mga Pagano
- Ang mga pagano ay pangkat ng mga tao na mas pinipiling panatilihin ang
tradisyunal na kaugalian at pamumuhay. Hindi umaanib sa anumang
relihiyon may sariling paraan ng pananampalataya.

Halimbawa:
HUDHUD AT ALIM (Ifugao)
HINILAWOD I AT HINILAWOD II (Sulod)
TUWAANG (Bagobo)

 Epiko ng mga Muslim

Halimbawa: EPIKO NG MGA MARANAW


DARANGAN - epikong naglalaman ng sinaunang tradisyong Muslim
DARAMOKE-A-BABAY - naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga Moro

INDARAPATRA AT SULAYMAN (Maguindanao)


PARANG-SABIL (Tausug)

SANGGUNIAN:
Manuel, E. (1963). A Survey of Philippine Folk Epics. Asian Folklore Studies,22,1-
76.doi:10.2307/1177562
Macdonald, C. (2004). Folk Catholicism and PreSpanish Religions in the Philippines.Philippine
Studies,52(1), 78-93. Retrieved August 31, 2021, from http://www.jstor.org/stable/42633685

You might also like