Professional Documents
Culture Documents
Awitan, Jeassa
Sinaunang Panitikang Pilipino
Bago pa dumating ang mga kastila mayroon ng panitikang Pilipino.
Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at
pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito.
Ang panitikang Pilipino ay ginamit ng mga kastila para ipalaganap ang
kristiyanismo.
Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema
ng pagsulat at pasalita sa sinauanang Pilipinas bago pa man dumating
ang mga pangkat ng mga dayuhan na nagmula sa Kanlurang bahagi ng
mundo.
Alibata ang kadalasang ginagamit, bukod dito ay gumagamit din sila ng
mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon, at balat ng
punongkahoy bilang sulatan at matulis na bagay naman bilang
panulat.
Alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain,
karunungang bayan, salawikain, at bugtong ang mga uri ng panitikan
na sumibol sa Pilipinas noong sinaunang panahon.
Kuwentong Bayan
Ito ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa uri ng mamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain.
Halimbawa:
Si Mariang Mapangarapin
Ang Punong Kawayan
Kung Bakit Umuulan
Karunungang Bayan
Ito ay isang sangay ng panitikan na naipapahayag ang mga kaisipang
tinataglay ng bawat kultura at tribo.
Ang mga kaisipang ito ay nagpapatalas ng isipan upang mag-isip at
bigyang kahulugan ang mahalagang kaisipan na nakapaloob rito o
mga salitang inilalarawan nito.
Halimbawa:
Bugtong
Palaisipan
Kasabihan
Kantahing Bayan/Awiting Bayan
Epiko
Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay n katangiang nakhihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
Mula sa salitang griyego na epos na ang ibig sabihin ay “awit”.
Halimbawa:
Biag ni Lam-ang
Maragtas
URI NG EPIKO
1. Epikong Sinauna 2. Epikong Pakutya