You are on page 1of 2

1.

Awit at Korido

Awit Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na
ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.

Korido Ang korido ay isang uri ng panitikang pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga
Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay
binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

2. Moro-moro

Ang moro-moro ay isang uri ng "komedya" dito sa Pilipinas. Ito ay nagmula sa Europa na kung tawagin ay
"Comedia de capa y espada".

3. Pasyon

Sa mga Kristyano, ang Pasyon ay isang narative o libro nagsasaad ng buhay ni Hesukristo. Dito inilahad ang
kanyang mga sakripisyo. Ang istilo ng pagsulat ng Pasyon ay patula. Ito ay nagmula sa salitang Kastila "pasion"
na ang ibig sabihin paghihirap.

Sa tradisyong Pabasa, ikinakanta ng patula ang nilalaman ng Pasyon. Ito ay paraan ng mga Kristyano upang
humingi ng tawad sa Panginoon. Ito ay ginagawa tuwing Mahal na Araw.

Si Padre Gaspar Belen ang kaunaunahang Pilipino na sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog. Ito ay
inilimbay taong 1704.

4. Komedya

Ang komedya ay isang sining na tinatanghal sa ''stage'' kung saan ang tauhan rito ay nagpapatawa.

5. Karagatan

Ang KARAGATAN ay isa sa uri ng ating panitikan kabilang siya sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga
Pilipino noong panahon ng mga Kastila, ang karagatan ay batay sa alamat ng isang dalaga na nahulog ang
singsing sa dagat batay sa hangaring makapili ng mapapangasawa.

6. Dalit

Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos,
sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.Ang dalít naman ay isang tula
na maaaring mabuo sa isang saknong gaya ng tanága at diyóna. Ito ay binubuo ng apat na taludtod na may
sukat na wawaluhin ang bawat taludtod.

Ito ang isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng matulaing pahayag sa buong Katagalugan.
7. Dung-aw

Salitâng Iluko ang dúng-aw na nangangahulugang pagtangis at tumutukoy sa pagpapahayag ng dalamhati dahil
nawalan ng mahal sa búhay. Para sa mga Ilokano, nakatutulong ang dúng-aw sa paglalabas ng kanilang
saloobin at nakapagpapagaan ng kanilang kalooban.

8. Duplo

Ang DUPLO ay isa rin sa ating panitikan sinasabing ito naman ang pumalit o humalili sa karagatan, paligsahan
sa husay sa pagbigkas ng pangangatuwiran na patula,tinatawag din itong dulang pangtahanan sapagkat ito ay
karaniwang idinaraos sa loob ng isang tahanan o sa isang bakuran. Ito ay ginaganap bilang paggunita sa
namatay.

9. Senakulo

Senakulo ito yung parang pagbalik tanaw o pag alala sa paghihirap mg panginoon bago sa mamatay at muling
nabuhay.

10. Karilyo

Ang karilyo ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginagawa mula sa
karton, na pinapanood na gumagalaw sa likod ng puting taning at pinagalaw ng mga taong di nakikita na syang
nagsasalita rin para sa mga karton na gumagalaw.

11. Tibag

Ang salitang tibag ay isang pandiwa na literal na nangangahulugang...

1. sirain,

2. wasakin, o

3. itumba

Gamit ang isang kagamitan o isang makina.

You might also like