You are on page 1of 2

Isa sa mga nanalo sa Maikling Kwento ay ang “Di Mo Masilip Ang Langit” ni Ramaden

(Benjamin Pascual).

DI MO MASILIP ANG LANGIT (Buod)

Nagsimula ang kwento sa pag-uusap ng dalawang preso. Nagdala raw ang


waswas/asawa ng isang preso ng isang kaha ng yosi. Hanggang sa napag-usapan ang
hindi pagsusuot ng relo na kailangang hulaan ang oras dahil aarborin lang ng mga trasti.
Hanggang sa umabot ang pag-uusap sa kaso nila. Ang kaso ng unang tauhan ay Arson,
dahil sa pagsunog ng isang ospital o ang pagtangkang pagsunog, dahil na rin sa hindi
nasunog ang lahat. Naging mahirap sa kanya ang nagawang pagsunog dahil isa siya sa
gumawa noon. Kung hindi raw dahil sa kanya, hindi iyon matatapos dahil isa siya sa
mga tagahalo ng semento. At isinalaysay niya kung bakit niya ito sinunog sa mga ilang
dahilan.

Sila ay mahirap lamang. Ang bahay nila ay maliit na kubo o barungbarong sa


subdibisyon ng Quezon City at pinsan ng asawa niya ang may ari ng bakanteng lote.
Kaya’t naging legal na rin ang kanilang pagtira. Ang kanyang waswas noon ay
nagbubuntis at sila ay nagplano na, kung ito ay manganganak sa ospital na ginawa niya
ito ipapaanak sapagkat doon ay may pri ward, gamot at pagkain lamang ang babayaran
at magbibigay lamang ng konting donasyon. Gustong-gusto ng kanyang asawa ang
kanyang pagbubuntis kaya’t ganoon na lamang ang kanyang kagustuhan na makaanak
ito ng maayos at dahil na rin sa ito ang kanilang kauna-unahang anak.

Noong dumating ang Nobyembre at kapanganakan na ng kanyang asawa


nakaipon siya ng sandaang piso sa pagkakantero. Ito ay inilaan niya gaya ng pagbayad
sa taksi kung dadalhin sa ospital si Luding, ang kanyang asawa o bayad sa ospital.
Nang hindi inaasahan, nagdamdam ang kanyang asawa at siya ay isang oras ng wala
sa bahay nila dahil na rin sa siya ay nagtrabaho. Gaya ng napag-usapan ang kanyang
asawa ay lalakad hanggang kanto at doon maghihintay ng taksi o dyip. Sa paglalakad
ng kanyang asawa biglang humilab ito, dahilan ng kanyang hindi paglakad. Napilitan ito
na lumapit sa malaking bahay na isang taga-BIR. Kumatok siya ng kumatok at ang
maybahay ang lumabas. Nag makaawa ito na ihatid siya sa ospital at sinabi lamang ng
maybahay na ang kanyang asawa ay kumakain pa. Buti na lamang at lumabas ang
mister ng maybahay. Naawa ito at inihatid sa ospital.

Nang nakarating na sila sa ospital, noong una’y lumabas ang nars at attendant
ng ospital sa pag-aakalang asawa ito ng taga-BIR. Nang umalis na ang taga-BIR ay
umalis na rin ang mga nars. May naiwang isang nars at sinabihang mag-intay muna ito.
Biente minutos na ang nakaraan at hindi pa rin bumabalik ang nars. Kaya doon na ito
nakapanganak. Pinagkaguluhan siya ng mga nars at doctor at isinugod sa emerdiyensi
rum. Ngunit, huli na. Patay na ang bata dahil sa pagkabagsak ng ulo sa semento.
Bumalik ang unang tauhan sa ospital para kunin ang patay na bata upang iburol
sa kanilang bahay. Pagkaraan ng isang araw, bumalik ito upang ilabas ang kanyang
asawa. Sinabihan siya ng nars na pumunta muna ito sa kahero, ipinabayaran siya ng
dos siyentos biente para sa gamot at pagkain. Laking galit niya at napasigaw ng “Bakit
naging pri ward ‘to kung ganito kalaki ang babayaran?”. Sagot ng kahero, “Hindi porket
pri ward yun eh pri na lahat!”. Kaya’t nagbayad na lamang siya ng sisenta pesos dahil
iyon na lamang ang kanyang pera at nangakong babayaran kinabukasan ang kulang
dahil na rin sa nakapatay sila ng bata kaya’t pumayag na rin ito.

Sa pagkaburol ng kanilang anak, ganoon na lamang ang iyak ng kanyang asawa


at wala man lamang niisa sa kanilang subdibisyon ang nakiramay. Dahil na rin sa iba
ang atmospera sa kanilang bahay, lumabas siya at bumili ng alak at noo’y pumunta sa
ospital upang magbayad ng kanilang kulang. Galing siya sa kahero noon at papaalis na
ng lumingon siya sa paligid ng ospital. Ang tingin niya sa mga nars at doctor ay
pumapatay ng bata. Galit na galit siya ng maalala niya ang batang inilibing at ang
kanyang asawa na tulala. Naramdaman niya na gusto niyang manira. Pumunta siya sa
ikalawang palapag. Iyon ay pahingahan ng mga nars at mga doktor. Umihi siya sa sopa,
pati na rin sa telebisyon. Hanggang sa naisipan niyang manira, ibinuwal niya ang
telebisyon at dumukot ng posporo at kiniskisan niya ang mga kurtina. Naglagablab ang
silid ng siya ay lumabas. Isang attendant na lalaki ang nakakita ng siya ay lumabas.
Tumakbo at hinabol siya at naabutan siya sa ibaba. Apat na attendant at guwardiya ang
gumulpi sa kanya bago ibinigay sa pulis.

At yon ang naging kwento kung bakit siya nakulong. Nagtapos ang maikling
kwento sa kanilang pagtulog. Ito ang katapusan na talata sa kwento:

Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas-diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare,


laluna sa gabi, kailangang hulaan mo lang ang oras. Kasi nga’y walang may relo rito. Ni
hindi mo naman masilip ang langit sa labas para mahulaan mo, sa ayos ng mga bituin,
kung anong oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko kung
may langit sa labas. Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng
Diyos.

You might also like