You are on page 1of 4

Paano nabuo ang salitang panitikan?

Ano ang salitang ugat ng panitikan?

Ano ang Panitikan?

"Ang Panitikan ay salamin ng ating kasaysayan-nakikita rito ang mga buhay mula't mula pa
man hanggang sa kasalukuyan."

Ang yunit na ito ay sumasaklaw  sa batayang kaalaman hinggil sa panitikang Pilipino- mga
anyo at uri nito, impluwensiya ng panitikan at ang mga nakaiimpluwensiya dito, gayundin
ang mga baha-bahagi nito, layunin at kahalagahan ng pag-aaral sa mga ito.

Ang panitikan ay salamin ng isang lahi at bawat bansa ay may natatanging panitikan  na
maaring naimpluwensiyahan at nakaimpluwensiya sa iba.  Matutunghayn natin sa araling
ito ang mga matatayog at mararangal na kaisipan at damdamin hinabi sa pamumuhay,
paniniwala at mga pangarap at adhikain ng mga ninuno mula pa noong unang panahon
hanggang sa kasalukuyan. Tatalakayin ang kahulugan ng panitikang Pilipino at mga bahagi
nito.

Layunin: 
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kahulugan ng panitikan.
2. Nasasabi ang mga salik na nakaiimpliwensiya sa paglikha ng panitikan.
3. Naipapaliwanag kung paano naiimpluwensiyahan ng panitikan ang buhay, kaisipan at
ugaliin ng tao.
4. Nakapaglalahad ng mga halimbawa ng panitikang nakaiimpluwensiya sa daigdig.

Kahulugan ng Panitikan

     May iba't ibang mga manunulat at mga dalubhasang Pilipino ang nagbibigay ng
kahulugan sa salitang panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng
Pilipinas.
       Binanggit sa aklat  ni Panganiban (2005) na ayon sa aklat na" Pilosopiya ng Literatura"
ni Honorio Azarias, sinabi niyang ang panitikanay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa
kaugnayan  ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.

      Sa Panitikang Filipino nina Sauco (1977), nabanggit na ang panitikan ay nagsasalaysay


ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang
kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamin, tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-
asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
        Ayon naman kay Arrogante (2004), ang panitikan ay isang talaan ng buhay saan
naisisiwalat ng isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan.

       Inilalarawan naman ni Salazar (1995) ang panitikan bilang isang lakas na


nagpapagalaw  sa lipunan. Idinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihang maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang
makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantao na natatangi sa
sangkatauhan.

     Binanggit naman ni Buensuceso (2000) sa kanilang aklat na Panitikang Filipino na ang


panitikan ay isang sining nang maayos at magandang pagpapahayag ng damdamin ng tao,
pasalita o pasulat hinggil sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili o
pakikitungo sa kapwa.

PAG - UURING PAMPANITIKAN

May dalawang kaparaanan ng pag-uuri ng panitikan. Maaaring mauri ito ayon sa


pagsasalin at ayon sa kaanyuan.

Ayon sa Pagsasalin
May tatlong paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa pagsasalin. Maaaring oral, pasulat at
elektroniko.

Oral na Pagsasalin ( salindila )


Ang oral na paraan ay ang paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa
marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang ang mga tula, awit
epiko at iba pa. kalimitang nagtitipon-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang mga
salaysay at mga kwento. Paulit-ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan.
Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito sa mga
sumusunod na salinlahi.

Pasulat ( Salinsulat )
Sa paraang salinsulat, isinatitik, isinulat, inukit o iginuhit ng mga ninuno ng mga Pilipino ang
kanilang panitikan. Naganap ito noong natutuhan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na
ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. Nagpahayag ng panitikan ang mga sinaunang Pilipino sa
balabak ng kahoy mula sa mga puno at mga dahon ng mag halaman. Ginamit nilang panulat o pang-ukit
ang matutulis na mga bato at kahoy. Sa pagdating ng mga kastila, dinala nila sa Pilipinas ang makinang
panlimbag o imprenta. Dahil sa teknolohiyang ito napag-ingatan at naitala nang matagal ang karamihan
sa naunang mga katutubong panitikan ng Pilipinas, bagaman marami ring nawawala at nalimutan na.
ELektroniko ( Salintroniko )
Isang bagong kaparaanan ng pag-uu4ri ang salintroniko o pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan
ng mga kagamitang elektroniko. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paggamit ng mga kompyuter,
compact disc, diskette,recorder ( tulad ng recorder, mp3,mp4 , format, usb ) mga aklat na elektroniko
( hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo.

Ayon sa ANYO
Ang panitikan ay mauuri sa dalawang anyo. Ito ay tuluyan at Patula.

Tuluyan ang anyo ng panitikan kapag ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin na
nasulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap. Narito ang mga genre na kabilang sa anyong ito.

1. Alamat . Isang kathang –isip na pagsassalaysay sa pinagmulan ng mga bagay, pook halaman at
iba pa. Halimbawa: Alamat ng pinya
2. Pabula. Ito ay likhang-isip lamang na ang mga gumaganap na tauhan ay mga hayop.
Halimbawa : Ang pagong at nag Unggoy.
3. Parabula. Mga kwentong karaniwang hango sa Bibliya .Tulad ng pabula, may layunin din itong
mag-iwan ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: Ang Alibgughang anak
4. Anekdota. Maikling salaysay na naglalayong umaliw o magbigay –aral sa mga mambabasa.
Halimbawa: Si Jose Rizal at ang Tsinelas
5. Talambuhay. Isang sulatin na naglalahad ng buhay ng isang tao. Maaari itong maging
talambuhay na pansarili o talambuhay ng ibang tao.
6. Maikling KwEnto. Ito ay nagsasalaysay tungkol sa isang pangunahing tauhan at kung paano
niya lulutasin ang kanyang suliranin. May imprsyon o kakintalan itong naiiwan sa mambabasa.
Halimbawa: Impeng Negro ni Roglio Sicat
7. Sanaysay. Isang sulatin na nagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin, pangyayari o isyu sa lipunan.
Halimbawa: Landas Tungo sa Tagumpay ni Miramar Irabagon
8. Talumpati. Isa rin itong sanaysay bagamat higit na sinusulat upang bigkasin sa mga panlipunang
pagkakataon.
Halimbawa: Wikang Filipino: Mahalagang Salik sa Pagpapahayag ng Karapatang Pantao.
9. Dula. Ito ay isang akdang sinulat upang itangahal sa entablado at teatro.
Halimbawa: Moses, Moses no Rogelio Sikat.
10. Nobela. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayarai rito ay
sumasaklaw sa mahabang panahon at kinasasangkutan ng maraming tauhan.
Halimbawa: Bata, Bata, Paano Ka Ginawa ni Lualhati Bautista.
11. Mito. Mga kwento na nauukol sa buhay ng mga bathala.
12. Dagli. Ang dagli ay maikling kwento rin. Naiiba lamang ito sa paraan ng pagsulat sapagkat ito ay
napakaikli ngunit tulad ng maikling kwento nagtatatglay din ng mga element ng pagsasalaysay
tulad ng tauhan, banghay, kakintalan, resolusyon at iba pa.
13. Kwentong Bayan. Isang salaysay na naglalahad ng pangyayari na tuon sa mga gawain,
paniniwala, pagpapahalaga at kaugalian.
Patula ang anyo ng panitikang nagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin na may bilang ng
mga pantig, tugma at aliw-iw. Ito ay may tatlong uri: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko at tulang
padula.
Ang tulang liriko o padamdami ay nahahati rin sa iba’t ibang uri. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Dalit. Mga tulang nagsaad ng papuri sa Mahal na Birhen o sa Panginoon.


2. Soneto. Mga tulang naglalaman ng labing-apat na taludtod. Ang halimbawa nito sa Ingles ay
ang mga Sonto ni Jose Garcia Villa.
3. Elehiya. Mga tulang nagpapahayag ng padimdim o pagkalumbay tungkol sa kamatayan.
Halimbawa nito ay ang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon De Jesus.
4. Oda. Mga tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ito’y nasusulat sa masining na pahayag.

Ang tulang pasalaysay ay nagsasalaysay ng buhay ng mga kaharian. Ito ay may tatlong uri: epiko,
awit at kurido (metrical romance). Halimbawa ng epiko ay ang Biag ni Lam-Ang, halimbawa ng awit ay
ang Florante at Laura ni Francisci Baltazar at halimbawa ng kurido ay ang Ibong Adarna.

Ang tulang padula ay isinulat at itinatanghal sa dulaaan. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.
Ang halimbawa nito’y ang dulang ‘La India Elegante y El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar.

You might also like