You are on page 1of 69

1

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN

Piniling Mga Tula

E. SAN JUAN, Jr.

2013
2

NILALAMAN

Ano ang Ibig Mong Sabihin? 1


Tigil, Viajero, Itugma Mo ang Iyong Kalendaryo 2
Parabula ng Pakikibaka 3
Patianod sa Agos ng Dagat Patungong Antartika 4
Bahag-haring Hinubad sa Sayaw ni Salome 5
Kalisud ng Ulikba 6
Dulog Kay Kassandra 7
Diwata 8
Engkuwentro sa Pinagtapunan ng Bayani 9
Bukas, Luwalhating Kay Ganda 10
Sutrang Kayumanggi 11
Umbay 12
Problema ng Makata sa Panahon ng Terorismo 13
Salud Algabre, Sakdalista, Babaeng Mandirigma 14
Pagbabalik sa Torino, Italya 15
Kundiman sa Gitna ng Karimlan 16
Itaga sa Bato 17
Mitsa ng Parikalang Umulos sa Bituka 18
Dalit sa Pagdiriwang Bago Sumapit ang Huling Pagtutuos 19
Bukas, May-Nilad! 20
Anyaya Upang Huwag Mapanganyaya 21
Kawanggawa sa Tulay ni Imperador Carlos IV sa Praha 22
Kailangan Lamang, Idugtong at Pagkabitin 23
Pagbaybay sa Transisyonal na Landas 24
Awit ng Armadong Paraluman 25
Liwaliw sa Ilog ng Loboc, Bohol 26
Pahiwatig ng Haraya, Simulakrang Abot-tanaw 27
Labintatlong Pagsubok sa Pagtuklas ng Anino ng Kagandahan 28
Pagninilay sa Hardin ng Bahay ni Isis, Quezon City 29
Harana sa Isang Kasama, Hinahamon ang Tadhana 30
Isang Hiwa ng Danas sa Palawan 31
Uyayi sa Panahon ng Lagim 32
Dalumat ni Felix Razon sa Harap ng Boston Harbor 33
Pagsukat sa Trayektorya ng Panagimpan 34
Biyaya ng Tagapagligtas 35
3

Pagbabalangkas sa Parabola ng Tadhana 36


Punta Spartivento 37
Kung Baga sa Hamog ng Libog sa Tag-araw 38
Hinuha’t Mungkahing Balintunay 39
Metamorphosis 40
Kababalaghan ng Paru-parong Makulit 41
Hintay, Sandali Lamang, O Birheng Walang Awa 42
Markang Ekis sa Noo ng Pusakal ng Payatas 43
Singaw ng mga Nag-amok ng Hulagway 44
Lindol sa Iloilo, Visayas 45
Hahamakin Lahat, Masunod Ka Lamang 46
Bago Tumirik, Umirap Muna at Biruin ang Tadhana 47
Ihasik Himagsik Bumibigsik 48
Inihagis sa Ilang, Pithaya ng Guniguning Makiri 49
May Pag-asa Kung May Gunita 50
Ang Damuneng Ko 51
Pagsubok sa Pakikiramay sa Bawat Nilikha 52
Kung Sakaling Hindi na Tayo Magkita Muli 53
Sumbong at Reklamo ni Catullus 54
Kahimanawari 55

TUNGKOL SA AWTOR
4

ANO BA ANG IBIG MONG SABIHIN?

Eh bakit hindi ipagtapat , walang biro’t bulaan, walang labis walang kulang

Sa mapagtiwalang kulasisi, malabo ma’t ibig, daig ang malinaw

Tahasang isiwalat ang nasa loob sukdang hubo’t hubarin ang amor propio

Sa yapak ni Selya’y nabaon ang sumpang binitiwan ni Kikong sumala sa

letra

Katoto, di ‘ko sinungaling, totoong ayaw lang sa nakabalatkayong ganda

Sa tipanan nabunyag ang lihim ng kinalkulang pakiramdaman

Magkukunwari pa bang may tiyak na kahulugang hulog ng langit?

Wika’y madulas, dumadaplis, humigit-kumulang ipahiwatig na lamang

Ano ba talaga ang ibig mong ipahatid, ilahad, isaad, ilaglag, ibilad?

Kung di mabigkas o maibulalas, itikom ang labi, humalik sa salawahang

katipan.
5

TIGIL, VIAJERO, ITUGMA ANG IYONG KALENDARYO


SA "BAYAN NG HINAGPIS"

Bawat umaga
binibilang ng militanteng Alan Jazmines kung ilang linggo, buwan, taon na siya nakapiit at
kailan maitutuwid ang baluktot na kalakaran

Abo na lamang ang apoy kagabi sa kampo sa Sierra Madre


ngunit may titis pang umuusok, lumusong-umahon... Sa nagbabagang uling,
sipat ng tanod, may kagampang nakahimlay ang kislap, liyab, sunog
na tutupok sa bulok na bilangguan sa kahinugan ng panahon.

Bawat tanghali
binibilang ng detenidong Maricon Montajes kung ilang araw, linggo, buwan ang ninakaw sa
kanya ng gobyerno, kailan maibabaligtad ang tadhana

Sa gilid ng estero ng kulungan umusbong at bumuko


ang ligaw na halaman, namukadkad ang pulang bulaklak
sa lilim ng mga baril-kanyon ng Estado lingid sa orasan... Umigpaw,
tumakas habang naglalasing, nagsusugal ang mga sundalong nagbabantay.

Bawat takip-silim
binibilang ng aktibistang Tirso Alcantara kung ilang sampal, bigwas, palo, tadyak at bugbog ang
gantimpala sa kanya ng militar-- kailan darating ang ganting hustisya?

Mula sa bukal sa bundok gumagapang ang batis di pansin ang orasyon....


Sa gubat umaagos sa magdamag, tangay ang dugo't luha ng pakikihamok,
Nilulusaw ng ilog ang inip ng pag-aasam--Sapaw na ang paglalamay sa gabing ito.
Di na mabilang ang masang tumatawid sa dagat. Kabilang na tayo. Naganap na.

Oras na ng pagtutuos.
6

PARABULA NG PAKIKIBAKA

Sa buntot ng barikada nagtago tayo't kumalas...


Maalikabok sa lansangang tinahak at tinalunton—
(Sariwa pa ang gunita kohanggang ngayon)

Sino'ng humahabol sa atin?

Nakadikit ang kaluluwa't laman, kinulapulan ng pulbura


pawis at usok ng Molotov cocktail dura tear gas...
Walang tubig sa bato walang awa ang isinumpang lugar
na ito---walang pakialam o panghihimasok...

Ahas na gumagapang sa bitak...


May bukal kaya sa singit ng mga bato?
Lagaslas ng bukal huni ng ibon sa sangang nakalupaypay

Sino'ng sumusunod sa atin? Dinig mo ba ang yabag?

Nagtatakbo tayo palayo sa panganib, palayo sa kilabot


Umurong sa madlang humugos sa Plaza, umatras
ngunit lumingon sa magkabila, nag-alanganin...

Di ba ikaw at ako lamang ang tumakas, walang iba pa,


ngunit sino 'yang humahangos sa tabi mo?

Anong hayup ang gumagapang sa bitak?


Hindi patak ng ulan o kaluskos ng bayawak sa muhon
Hindi lagaslas ng batis o awit ng talahib na sinusuklay ng
mabiyayang daliri ng hangin...

Tumiwalag tayo sa hanay ng barikada, akala nati'y


walang susubaybay hahagilap tutugis
Dito'y walang tinig ng pagsaklolo kundi taghoy ng kuliglig
7

Walang daing o iyak o panangis

Walang tubig sa biyak ng pader o batis sa nakabukang burol

Nang tumingala ako'y nasulyapan ko ang dulo ng landas...


Sa tabi ng muhon naghihintay ang aninong may putikang
pandong--

Anong hayup ang lumukso sa bitak?

Nabulabog ang mga uwak sa gilid ng parang


Walang tubig doon sa walang kibong alambreng bakod...
Walang imik o ungol sa likod ng natuyo't nabuwal na mga
punong-kahoy...

Walang kamay na mag-aabot ng kapirasong tinapay.

Sinong naglalakad ang umaantabay sa atin?


May saplot sa mukha, nakabalatkayo, bitbit ang putikang pandong--
Di ko batid kung babae o lalaki, binalaki, katutubo, dayuhan—

Lagaslas ng ulan agos ng ilog alingawngaw ng alon sa


dalampasigan—

Sino 'yang nagkakandatisod sa kabilang tabi mo?


Sinong kasama natin ang tumakbo't tumakas din upang
tayo'y matagpuan dito, mabaho’t limahid
ngunit kaakbay at kabalikat?

Nagmamadaling araw na noon (natatandaan ko pa) nang


tayo'y lumuhod at humalik sa tigang na lupa
nagpapasalamat
na umabot din—ay naku!
tila himala, sa awa ng armadong Birhen –
sa napagkasunduang tipanan.
8

PATIANOD SA DAGAT PATUNGONG ANTARTIKA

Ayon sa pantas, walang bago sa ilalim ng araw, ang nagawa'y gagawin muli
at ang nangyari na'y masasaksihan muli, lahat ay nasa kahinugan.
Ano pa ang isasakatuparan sa gulang na ito?
Buhay ay isang biro, magaan o mabigat, mapait o maanghang....
Gayunpaman, ang katalagahan ay di kapani-paniwala, kakatwa,
nakamamangha.

Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa kalikasan ang mga inulila't iniwan.

Matanda ka na't maraming kapanahon ay lumisan na, tumugpa na


patungong Antartika.
Kaya di katakatakang umarte kang baliw, hibang, kulang-kulang....
Nakapaligid ang mga multo ng lumipas, mga kaluluwang nanunukso.
Humihingi ako ng sagot ngunit di ako binigyan....

Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa babaylan ang mga inulila't iniwan.

Hinanap ko ngunit di ko natagpuan--baka pinuslit ng tusong mangkukulam


O ng aninong kaharap ko sa salamin, kakambal o katukayo....
Kung nagkasala, patatawarin ka raw, 'yon ang dinig ko. Baka chika-chika
lamang. Alingawngaw sa hinukay na burol.
Baka ulol akong nagbibilang ng puting buhok sa aking ulo?

Ngayon at sa oras ng paglisan, ipanalangin sa manggagaway ang mga inulila't iniwan.

Nakaukit pa ba sa himaymay ng iyong budhi ang turo ng banal na pastol?


Sa pagsisiyasat sa katotohanan, maghanda sa di inaasahan at di inaakala
Sapagkat lubhang mailap, mabula, bihirang matuklasan; sakaling mabunggo
Sa pakikipagsapalaran, lubhang nakasisindak--

OK, handa ka na ba, salamangkero ng panaginip at talinghaga?

Di bale na, umalis ka man o dumating, patuloy ang pag-inog ng mundo--


Isang birong di mo masakyan, ngayon at sa oras ng iyong pagkawala....
Totoo, tunay, lumulutang sa pusod ng malumot na dalampasigan.
9

BAHAG-HARING HINUBAD SA SAYAW NI SALOME,


MUSA NG MGA ANARKISTA

"Masdan mo ang mga bulaklak sa parang... Walang ibong nahulog sa lupa nang
walang saysay..."

Bagamat naglagalag ka sa disyerto, di tiyak na may pangakong tahanan


sa kabilang ibayo ng bundok, kung baga sa.....

Sa dulo ng duguang bahag-hari, ano—sino ang naghihintay? Baka sakali:

Isang kunang bakante na, gayak ng kumanlong at kumalinga sa darating--

Gumapang na ang sanggol mula sa pusod ng inang ginahis ng agilang


mandaragit

Sa dulo ng landas, saksi ang magkatipan sa kariktang pumaimbulog sa bughaw na balat-


kayo ni Salome

Kahiman nabuwal, bumangon na sa matris ang bayaning kikitil


Sa uring mandarambong sa kabilang mukha ng bahag-hari, kahimanawari—

Langit sa lupa’y magkatalik sa bisig, sa brasong kumanlong at humiwalay


Kahit sandali lamang lumitaw ang banaag ng kulay na kusang naglaho
Laging gayak makitunggali habang dumaramay, saksi sa pagsilang ng manunubos

Kahimanawari?

Ngunit di ba sinabi mo, ang Kaharian ay narito na, sa puso, sa bawat loob?
Mula sa buto ng mustasa, tigil na ang himutok, tahan na, tahanan na,

Dumating na tayo, wari'y tulisan sa gabi, nanghihimasok, regalo para sa sumasalubong


hindi kapayapaan kundi magayumang ngiti at matalim na sundang.
10

KALISUD NG ULIKBA

Nag-uulik-ulik pa sa larong paghuli sa Adarna


Habang dinuro ng udyok ng balahibong gayuma
Hibong pumukaw sa ubod-usbong ng kaluluwa

Tumakas ang sutlang bagwis, umaalimbukay

Ulilang lumipad sa kasukdulang aliw ng ulirat


Tumakas at nagkubli sa ulbong hinabi’t
Hinubog sa pugad ng duguang matris ng guniguni—

Sa ugnayang magdamag, umaalingawngaw ang pakpak

Kung saan umuukilkil ang uha ng sanggol


Tuksong umugit sa panimdim at umulos sa budhi
Ulinigin ang pagaspas ng sutlang bagwis, umaarangkada--

Habang nagtatalik ang buwan at araw sa nagluksang balat-kayo—

Nabulabog sa hibong ugong ng uyaying tukso


Ungol ungal ng inang nabuntis sa pag-uulik-ulik
Karamay magdamag, naghunos sa ulbong kinamulatan—

Sino’ng huhuli sa libog ng diwang pumaimbulog?

Usigin ang hiwagang lulan ng gumiring takipsilim--


Urong-uod sa dahas ng utak ang makatang ulol
Nasilo ng gayumang umigkas sa duguang taring

Hulog ang kaliskis ng hayop panaginip ang umaga.


11

DULOG KAY KASSANDRA:

PAGBUBULAY-BULAY HINGGIL SA SULIRANIN NG KADAHUPAN NG WIKA

Matagal mo ring hinimay sa magdamag ng Oktubre 31, 2012,


Kung ano ang saysay ng liku-likong kasaysayang nagwawakas....
Buto'y maagnas, katawa'y mabubulok--anong bisa ng dasal o dalangin?

Sa 'isang kisap-mata, di na mabasa ang kalahig ng manok sa lapida.

Sa gabi ng pagninilay, nalula si Pascal sa walang hanggang himapapawid.


Nagulumihanan, napaluhod sa lawak ng kawalan at sumulat:

"Ligaya, Diyos ko!...Di ko malilimot ang iyong Salita."


Petsa 1654.

Nakatingala, pilit kong inaaninaw kung ano ang mensahe ng bituin sa ulap.
Nais kong malaman kung ano ang ipinahahatid ng buntot ng buntala.
Hangad kong mabatid ang ipinaaabot ng mapagbirong Makapangyarihan.

Ngunit paano baybayin ng dukhang kataga ang himalang nasumpungan?

Masukal, masalimuot ang kahulugang binalangkas sa bituka ng hayup.


Kassandra, saklolo!
Di ko masapol ang pahiwatig, di ko masubukan.

Mapurol ang dila, ngiwi, duling, di ko matarok ang mahiwagang panganoring


kumarinyo kay Pascal.

Sukat ng taludtod ay palpak, indayog ng saknong ay lumpo't pumapalya.

Tila narinig ni Pascal ang malamyos na tinig ng walang hanggang katahimikan;


Nahinuha niya, nahuli, ang pahiwatig at kalatas ng bathalang mapanlinlang
At sinikap ibahagi ang senyal ng Maykapal na walang mukha o katawan—

Karanasang binibigkas ng pipi, sinisipat ng bulag, at ikinakatwiran ng baliw--

Kassandra, ipag-adya mo kaming mga walang suwerteng mambebersong


Sumala sa letra, putos ng utang-na-loob, walang pambayad na sisiw kundi
Pawis at laway ng isinumpa’t isinanglang kaluluwa.
12

DIWATA

Nasilayan kang nakahiga sa bato ng dalampasigan


Balatkayong hinubad hinimay ng amihang bumubulong--
Malikmata? O singaw ng magayumang pangako’t pag-asa?

Nasilip ko sa hiwa ng dibdib ang silahis ng matang nilambungan….


Alimpuyo ng damdamin sa Oktubre ng ulilang kaluluwa
Kalansay ng naglahong aliw “sa pagkatimawa ng mga alipin”—

Bulang kislap sa guniguni ang lumagos sa hiblang hawla ng iyong buhok


Kapagkwa’y lumusong ka sa lagim at dahas ng ligalig
Binalangkas ang gubat at bundok, kaulayaw ang masang dumamay

Mabighaning paraluman, saang likong landas ka naghihintay?

Mula sa usok ng nagliliyab na lungsod bumangon ka


Yakap ang katawan ng mga dukha’t aliping pinagsamantalahan--
Sa guho ng lungsod nalugmok ang gunita ng tipanang inaasam….

Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot, pulang tala’y nakatanod


Patnubay sa tadhanang iniluwal sa matris ng budhi’t utak--
Silakbo ng pangarap sa Nobyembre ng nagluksang kaluluwa…

Mapanuksong paraluman, saang likong daan ka nag-aabang?

Sabik kong matagpuan ka muli sa duguang batong kinabuwalan


Masulyapan ang hubad na paang binasbasan ng hamog
Namilaylay sa labi’y di pahimakas kundi pagbating humahamon—

Mailap na bagwis ng babaylang mabangis, pumalaot ka na


Kapiling ang mapagpasiyang kaluluwang nakipagsapalaran
Sinuyod sa buhangin ng dalampasigan ng ating tipanan
13

Ang bakas at sagisag ng panaginip ng pagbabagong-buhay.

ENGKUWENTRO SA PINAGTAPUNAN NG BAYANI

Isang hapong umuwi akong mag-isa, Bella—limot mo na ito--


mula sa Andres Bonifacio Elementary School, napadako ako
sa palengke ng Blumentritt kung saan nasaksihan ang sakunang nangyari;

di sinasadya’y nasilip sa ilalim ng tren ang duguang bitukang


likaw-likaw ng kung sinong nadisgrasya, di alam kung bakit
sumagupa sa trapik na sinikap nating laging sabayan…..

Ilang taon pagkatapos, minsang pagliko sa nagkrus na daan


ng Dimasalang at Dapitan, nasulyapan kita at nahihiyang binati….
At sa kung anong dahilan, nagitla ako, Bella,

nang biglang pumitas ka ng pulang bulaklak sa gilid ng kanal


at iniabot sa akin bago tayo muling naghiwalay….
Nakamamangha, kasi’y namagitan na sa atin mula noon

ang likaw-likaw na pangyayaring humiwa’t nagbukod sa katawa’t kaluluwa…


At ngayong hapong sumisilong ako sa ilalim ng riles ng modernong LRT
na humati sa Avenida Rizal at sumaplot sa pusod ng aking kamusmusmusan

di mapilas, di mapigtal sa gunita ang talulot na kasing pula


ng iyong labi, Bella--bahid kaya iyon o damay ng aksidenteng nakasisindak?
Walang tangka, balak o bantang sariwain ang kahapong nakapagtataka,

habang tumatawid sa lansangang tigib ng panganib at pangamba,


kasabay ng dagundong ng gulong na bakal ng tren sa bubungan
nakatingala ako, gulilat, naipit sa pagitan ng kalye Tandang Sora’t Laong-Laan,

di kinukusa’y nasambit ko—sa harap ng rumaragasang trapik sa Blumentritt—


ang pangalan ni Josephine Bracken MacBride, dulce extranjera,
at ang pakikipagsapalaran sa mahiwagang kaharian ng Albanya.
14

BUKAS, LUWALHATING KAY GANDA

Sumisikip sa magdamag kirot ng bagabag kutob ng balisa


Tumitindi ang hapdi sa puso ng mga rebeldeng hinuli’t ikinulong

Kahit tayo isinumpa kimkim pa rin ang gunita ng pagsuyo


Bagamat lagot na ang bagting ng kudyaping kakalbitin

Maglalakbay pa ba sa bulubundukin ng Himalaya


Upang madinig ang palakpak ng isang kamay sa karimlan

At matuklasan ang gusi ng biyayang ipinangako?


Ngayon na ibigay, ngayon na lasapin ang tuwang pinakasasabikan.

Nadinig ang tawag sa labas ng hardin naglakbay magdamag


Dakila’y magiging aba, malaki’y mamaliitin, dumating na ang hinihintay

Nahulog ang butil ng trigo’t namatay upang muling mabuhay


Wala nang kirot ni kutob, dinggin at lumapit—uminom, kumain.

Kaya nga’t yumuko’t sumulat sa lupang niyapakan, walang imik


Nagpawalang-sala’t binaklas binuksan ang mga bilangguan

Winasak ang tanikala’t templo saksi’t kaakbay ang masang lumilikha


Ng biyayang gumigising gumagapang sa dibdib ng bukang-liwayway….

Dinggin ang bulong ng piping kudyapi-- “Bukas, luwalhating kay ganda!”


15

Sutrang Kayumanggi

Akala mo’y nasa tabi mo pa ako namalaging lumpo walang imik o kibo
bagamat alam mo’ng lahat ay nagbabago nag-iiba sa daloy ng pangyayari—

walang tigil, kinakabahan--kung di pa nayari, Mahal, yariin mo na!

Laging nagnanais, nagnanasa, akala mo’y udyok ng katawan, ngunit pag-aari mo ba


ang mga bisig na iyan, mukha, suso, vulva, pigi—kanino ba iyan?

Halika sa loob ng kulambo, ibulong mo, kumukutob ang tiwalang nawawala.

Sa likod nati’y hindi makulay na salamin sa bintana kundi bukas na dungawan—


Sapat ba ang isip sa diwa upang malagom ang karanasang walang hanggan?

Saang pitak ng laman ilalagak ang sandaling ito na unti-unting lumilipas?

Iniakma mong tanggihan (ngunit tanggap sa loob), di mahulo ang tiyak na hugis,
anyo, hubog—hungkag lahat, walang laman—paano maihahayag o makikilala

ang damdamin mo kahit di mo man ipagkaila? kung di pa nayari, mangyayari iyan.

Mahirap bigyan ng salita o larawan, ituro mo na lamang at sa bigkas ng labi mo


nabibigyan-kahulugan ang pumamapanaw di mo man mahipo o masalat--

dagling naglalaho—kay bilis, lumilihis—sumpang bunga ng pagluwal at pag-iral.

Lumabas ka sa kulambong masukal, Mahal, di maatim na walang kagampan


at, di biro, walang kaganapan sa buhay ng bawat nilikha, ng bawat nilalang

kaya sikaping lasapin ang aliw ng sandali, salubungin habang naglalaho,


pumaparam….

Ngunit, sawimpalad, ito’y ilusyon lamang, malikmatang nakasusulukasok,


sapot sa matang dilat sa panginoring nakapaligid, nalilibiran ng samyo’t ganda

ng kalikasan-- Halina doon sa lilim ng balete kung saan sumumpa,

talastas mong walang hiwaga, walang wika ang may bisang magbunyag o magpakita,
sa gayo’y ituro mo na lang ang landas—
16

teka, hintay, sinong pilay ang pumapalakpak?

Ipahalata mo lamang kung saan ang lusot, ipahiwatig kung saang lagusan

masusumpungan ang pagkatao mong hubad—doon kusang magaganap ang tipan


kahit walang kagampan, may ngiti ka namang iniingatan sa likod ng tuwa’t lumbay--

Sayang ba, Mahal? kinukutuban—kahit di pa hinog, sunggaban na natin?

Magkasaliwang kilos katumbalikan ang umuugnay sa awit ng gabi at ngiti


ng madaling-araw, kasaliw ang tunog ng ulilang palad na pumapalakpak sa dilim--

Tahimik. Walang imik.

Mayuming lumalapag ang mga talulot.

Liwanag humahalik.
17

UMBAY

1.
Unti-unti lumilim ang naglambiting araw sa panimdim
Umaasong pangako’y nahulog sa matris ng lupa
Naligaw ang tala sa takip-silim ng pangarap
Apoy ng guni-guni’y humimlay sa iyong bisig

Dumaluyong ang mutyang kagila-gilalas—


Sumasaiyo ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang kapalarang tagapagligtas—

2.
Nangahas kang humarap sa panganib,
Sumabog ang pag-asang lumagos sa pader
Utak mo’y tumalab sa hapdi ng pangungulila
Humupa ang kirot, kamao’y bumuka’t bumigay

Dumagsa ang sintang kagila-gilalas—


Sumasaatin ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang tadhanang tagapagligtas—

3.
Tumikom ang labing bumati sa nagtanang panaginip
Tigil na ang luha-- Gumising ang bangkay sa ating pagdamay
Tigil na ang lumbay-- Dumulog sa kaluluwang bumabangon
Nakaumang ang dibdib sa pagsubok ng umaga

Dumagit ang diwatang kagila-gilalas—


Sumasalahat ang pusong umiigkas—
Umaapaw ang masang tagapagligtas—
18

PROBLEMA NG MAKATA SA PANAHON NG TERORISMO

Nangungulila Tila luho’t karangyaan

Habang patuloy ang kabuktutan kasamaan


Terorismo ng Estadong neokolonyal Dahas ng militar at pulis

Patuloy ang pandurukot pagpaslang


Ilan libong biktima ng Oplan Bantay Laya—di na mabilang

Kamakailan, 57 biktima ng masaker sa Maguindanao

Pinagbabaril ang mga mukha’t katawan


Nilapastangan pa ang maselang bahagi ng mga babaeng pinatay

Wala na bang hiya Wala na bang dignidad ang Pilipino?

Karumal-dumal Kahindik-hindik

Pagkatapos ng Auschwitz Buchenwald Intramuros


Barbaridad ng mga pasistang Aleman at Hapon
Sampu ng mga namatay sa Hiroshima at Nagasaki

Payo ni Theodore Adorno, pantas sa sining at pilosopiya,


Wala na’ng kabuluhan ang sining at tula—
Ang tutula pa, talagang tulala!

Ngunit lahat ba’y sakop na ng politika ng oportunismo’t dahas ng Estado?


Ng gahasa’t pangungulimbat?

Kasama, pwede ba’ng lumihis sa linyadong programa?

Pwede ba’ng ipakawalan ang isang buntong-hininga


19

Pagtutol sa kabuktutang umiiral?

__________

Habang pinakikiramdaman ang ngiti sa matang pumilantik


Hinagka’t sumimsim
Saglit lamang

Luwalhating kay tamis sumisirit namumuro


Saglit lang

Nanuot sa bawat himaymay lubos labis


Saglit lang

Nangalisag sa bangis ng kalmot at kagat


Saglit lamang

Sagad-sagad sumisidhing labis lubos namumuro


Saglit lang

Umabot sa kasukdulang putok ng nasa sa laman


Lumbay ng paalam sa pagkaalam

Minsan lamang ang salagimsim

Kaluluwa’y nagkabuhol-buhol sa braso’t binti


Sa lalamunan anong hapdi’t pait

Kusang-loob na pagtatalik mula sa paraisong


Bagamat walang kamataya’y tinalikdan

Saglit lamang

Ay naku, muling hagkan

Apoy ng halik walang taros walang awa kung saan-saan


20

Walang katapusan

SALUD ALGABRE, SAKDALISTA, BABAENG MANDIRIGMA

“No uprising fails… Each one is a step in the right direction.” –Salud Algabre

Anong kapangahasan Apoy ng kababaihan

Biruing ibulalas: “Walang sayang, hoy!


Bawat siklab ng pagbabalikwas ay pagsulong
sa wastong direksyon—”

Mula Cabiao, Nueva Ecija hanggang Sta. Rosa, Laguna


Ilang titis lamang, sumiklab ang rumaragasang sunog
lampas na sa hanggahang naigpawan, di nasayang

Anong kapangahasang lumagablab


tumutupok sa bawat sagwil ng pulis at militar
Mapangahas na nagliliyab ang parang dagat lunsod
mula Bontoc hanggang Tawi-tawi, di nasayang
Sa pinagkiskis na buto’t laman ng ilanlibong inang nagdiringas dumadarang

Apoy ni Salud Algabre


Alab ng ilanlibong babaing naghihimagsik

Gumigising sa mga nabuwal sa dilim ng pagkaduhagi’t pagkaamis


Bumabangon mula sa gabi ng pagkaalipin at pagdadalamhati
Binubulabog ang luksang bilanggo’t kuta ng mga salaring nasayang

Nagpupumiglas upang matamo ang luwalhati’t sayang pinapaginipan


“Walang sayang—”

Sa bawat kiskis
tumitilampon ang titis,
ang siyang pinakamimithi
21

PAGBABALIK SA TORINO, ITALYA

Isang tahimik na dapit-hapon iyon nang walang anu-ano’y latikuhin


at hagupitin ng may-ari ang kabayong upahan—

Ulanin siya’t arawin, walang imik kapwa


ngunit sandaling huminto, biglang hinataw, pinalo’t walang humpay na hinagupit

Nagkataong nasaksihan ito ni Friedrich Niezsche—


nanuot sa laman ng pantas ang latay mula bumbunan hanggang talampakan
dagling sumugod at niyakap ang pobreng hayop na nakalupasay,
pagkwa’y nauntol natigagal dahan-dahang bumalik sa ulilang silid
ilang araw pagkaraan, wala pang ‘sang linggo, siya’y natuklasang baliw….

Limot na ang kabayo ni Bartolommeo Colleoni, ni Heneral Andrew Jackson;


Hindi maisingkaw ang animal ni Don Quixote, isinugang Pegasus….

Sa lansangang maulap humahagos ang anino ng Imperador Alejandro


biglang dumagsa sa ulo ng tropang sumusugod
lulan ng dumadambang Bucephalus,
umaarangkada ang mga armadong kabalyero

Sa likod ng katedral sa Torino, bulong ng pagaspas ng palapa ng palma


Masisino ang anino ng nakasakay sa bisirong asno--tila nakayukong taong
tinaguriang “ilaw ng sanlibutan”
ngunit walang sumalubong, walang bumati

Sa lansangang maulap, eskinita’t lagusan, laganap pa rin ang alingawngaw


ng walang tigil na palo hagupit bugbog umaalmang ngitngit ng may-ari
bago pa dumating sina Antonio Gramsci at armadong masang bumabalikwas--
umaalma dumadamba hanap ang biktimang humahalinghing ng saklolo--
di kilala si Nietzsche di alam ang nangyaring pagsakripisyo ng kabayo sa Torino.
22

KUNDIMAN SA GITNA NG KARIMLAN

Nang ako’y umalis ipininid mo ang ikalawang bintana at di ka lumingon baka


maging haligi ng asin tulad ng mga dalaga sa
pampang--kung walang taga, walang iwa--ngunit
sinong nagkanulo?

Nanginginig kumikiwang ang balikat ng araw sa maghapong iyong nakaukit sa


panimdim kung saan naglalamay ang kabiyak
kasabwat ng tiktik sa panaginip patibong ng
hampas-lupang kaluluwa

Walang direksiyon ang lakbay, mula Tondo hanggang Forbes Park, sibol na naluoy
di ko man naisin mula sa ating engkwentro
pagkaraang magparaos sa ilang puta sa Binondo’t
Divisoria

Sugong pumapagaspas likha ng ating tipanan, bunga ng pagsasaliksik sa bawa’t


pulso’t buntung-hininga ng diwa nawaglit sa
dagling paglisan—Sige, halughugin ang utak at
sikwatin ang guhong bato sa landas kung saan
ilalagak ang natagpuang bangkay

Bulatlatin mo man ang sapin-saping pahina, sundan ang pingkaw na paang


nagumon sa kapalarang isiniwalat ng dalahirang
guni-guni, siyasatin mo man ang singit ng utak,
galugarin doon sa matris ng panata’t paglingap ang
sanhi ng kabuktutan, wala ka ring matutuklasan

Walang gantimpala mula sa pagkawalang-muwang sapagkat lahat ay may-sala kahit di


salaring sinugal ang panahon—ngawit, suya, inip na
sa pagsapit ng itinakdang Huwebes bago Biyernes
23

Walang ligtas ang ipinanganak sa bawat minutong naagnas—umilag sa balakid sa


baybayin upang masilo ang salitang naligaw
salitang nabigkas mula sa sinapupunan ng malay
kung saan ang napariwara’y bibigkisin

Naglalamay sa buong magdamag walang panghihinayang upang maisapuso ang


kronolohiya lingid sa titig o kindat ni Kuan Yin--
nakapananabik di mo akalaing magbabago o mag-
papalit

Mahabaging Mutya, dumaraing ang buto ng kaluluwa: Di kailangang magsisi di


kailangang lumingong-likod di kailangan ang
awa hanggang di magkalapat ang labi’t
nakatiwangwang

Napakahapdi ngunit nakapananabik di man matiyak ang kahihitnatnan—wala


tayong mata sa likod ng ulo, walang birtud na
manghula kung anong kapalaran ang
sumasalubong o nag-aabang

Masdan mo ang makahiyang huwag na di masalang ay tumitikom at ipinagkakait


ang katutubong bango habang ang lupa’y nabiyaya
ng iyong putikang talampakan

Ito’y suliranin sa praktika, paghuhubad sa budhi: kung saan nagmula ang pag-aari,
masdan ang bulaklak sa parang, ngunit kung saan
may kabuktutan, dapat lumaban sapagkat walang
habag ang pang-aapi at pangungulimbat

Igupo ang sakim na nangungurakot sa inunan ng kaluluwa, lawit-dila patay-gutom


pusakal—may oras din sila, bagamat nilambungan
ng ulap ang budhi at nag-aatubili pa sa harap ng
nagugunaw na liwanag
24

Sa pagbibigay tayo’y tumatanggap din tulad ng amihang umaalalay sa pakpak ng


lawin habang sumisisid sa himpapawid—tuloy-tuloy,
walang lingon-likod, sumusugod di alintana ang
naiwan at dumarating

Lumusong umahon dumulog—kung di man bubukol, tadhanang walang ngiti o


poot kundi—

Ingat, masdan mo: ang kanang palad, nakabukas ito, at sa kaliwa—hayan, tignan mo,
ang taro ng tubig na handog sa iyo o kaninuman—
bubukal doon ang ating pangarap.

Kaya, Paraluman ng bulaklak ng lotus, ipamanhik ang pithaya ng pusong


napariwara….
25

ITAGA SA BATO

Naghiwalay tayo noong Disyembre 1991 sa kanto ng Blumentritt at Avenida Rizal.


Ka Felix Razon, natatandaan mo ba?

Bungkalin mo ang kalansay sa apog at lumot ng gunita


upang masapol ang katotohanang taliwas sa kabuktutang naghahari.
Inilantad mo ang kabulukan at pagtataksil ng gobyerno't militar
sampu ng pagpuputa ng mga premyadong artista't intelektuwal
kaya hindi nakapagtataka, hinuli ka't ikinulong, binugbog, ginutum
sa bartolina, kinoryente ang bayag, parusang maka-abo't-dili--

Diyos ng awa, sinong makapagbubulag-bulagan sa krimeng nangyayari


araw-araw sa bilanggong pulitikal? Sinong testigo ang magpapatunay?—
dahil (bintang nila) ikaw raw ay komunista.
Umaambong takip-silim
nang tayo'y maghiwalay, patungo ka na sa asilo ng Utrecht, Holland….

Samantala sa Isabela at Davao, timog at hilaga ng kapuluan, patuloy


ang paghihimagsik ng masa, ang "di-kagila-gilalas na pakikipagsapalaran"
ng karaniwang mamayan, katuwang ang mga kapatid sa Bagong Hukbong Bayan….
Ilang taon na ang nakapamagitan sa atin….

Makulit ka pa rin, sinusurot ang lahat ng kasuklam-suklam na kamyerdahan


Ngunit kaagapay ng iyong paglipat, napansin ko sa mga sulat mo
may bahid ng pagkainis, pagkasuya, pagkayamot, tampo, hinakdal--totoo ba ito?
sapagkat (wika mo) nakalimutan na ang sakripisyong naihandog mo sa bayan….

Yumao ka na, Ka Felix, naglagalag sa gubat ng mga lungsod, kaulayaw ang mga ulilang
lansangan at malungkot na katedral at palasyo sa Europa, habang sa Nepal, Venezuela, India,
Mexico, Peru at iba pang bansa unti-unting sinasakop ng mga komunista--mabalasik at matalisik-
-ang mga kuta ng imperyalismo. di kaila ito, kaya kahit na walang makaalala sa iyong
paglilingkod sa kilusan, di kailangan, ipagbubunyi ang iyong katapangan at katapatan, kahit
maselan ito’t mapanganib….

Ka Felix Razon, saan ka man naroroon, dinggin mo ang pahimakas kong ito:
Alimuom at trapik ng nagsalikop na kalsada sa Blumentritt at Dimasalang ang sumaksi
sa ating huling pagniniig, at itong katagang hinugot sa alabok ang magsisilbing memoryal sa
26

iyong puntod o saan mang larangan ng pakikibaka, nawa'y maging mabalasik at matalisik ang
talinghagang naikintal ko rito—
pintig at pitlag ng panambitan,
nagpupuyos sa angil ng tagulaylay….

MITSA NG PARIKALANG UMUKLOS SA BITUKA

Nakaupo ka sa silong ng kawayan, kumakalabit sa gitara,


awit mo’y nanaginip kang ikaw ay isang paruparo

sumasalimbay sa hangin hanggang—saglit lang—namangha


di mawari kung ikaw ay paruparong nanaginip ng dalagang umaawit….

Walang galaw, ang puso ko’y nakadapo sa buhok mo’t di mapigtal….

Bakit kailangan ko pang managinip na ako’y paruparo o paraluman?


Bakit maghahangad pa ng ibang kapalit sa katiwasayang dinaranas?

Palagay ko’y walang nakamasid sa iyong anyong hinagkan ng karimlan


maliban sa buwang tumatanglaw mula sa sanga ng kawayan….

Sa gabing tag-lagas, akoy naglamay upang masulyapan ka muli….


Nanunubok sa ilalim ng bituing nakasalabid sa dahon ng kawayan.

Sa hungkag na burol, lumagpak ang kung anong bungang sukdulang hinog--

Gising ba o nagtutulog-tulugan? Hiblang lumipad? o lagas na talulot?

Nakakubli, sandaling tumigil, nakatitig sa anino ng mundong naglalaho….

Paruparo ka ba o guni-guni? Pumupungas-pungas, nangangalumata—

Inaku! mistulang bingi, pipi, bulag itong kaluluwang namalikmata

Nakaupo sa lilim ng balag,


kinakapa ang gitarang nalikha sa kawalan.
27

DALIT SA PAGDIRIWANG BAGO SUMAPIT ANG HULING


PAGTUTUOS

Ito’y umiiral sapagkat, kasanib ng pagsalungat sa sarili, taglay nito ang kanyang
pagkasugpo.”
- ---F. Hegel

Sabi mo’y nabuhay ka sa panahong limot na sina Dorong Asedillo at Kulas


Encalledo.
Di na bale….

Kahit turing sa iyo’y lawit-dilang patay-gutom, sampay-bakod, sinikap mong


pagbutihin ang gawaing iniatas at itinagubilin.
Paano nga maiaayos ang buto-buto sa mundong tagilid?
Suliraning masalimuot.

Sa gabi ng ating pagniniig, bakit nakatalukbong sa kulandong ng isip?


Di mo naman ipinagbili ang mga buto ng yumaong magulang….
Di bawal ang mangarap habang sumisingasing sa paligid ang baril at balila.

Kumakatok sa pinto ang kamao ng unos, nagbabanta….

Inihasik ng diktadurya ang sindak—dukot, tortyur, masaker, pati Abu Sayyaf—


Pinag-usig at pinuksa ang mga makabayang mamamayan.

Nilapastagan ng mga patutot ng oligarko ang sinumang tumutol—


Putris.
pati Birhen siguro’y gagahasahin kung kailangan, kahit hindi….

Sangkatutak na litanya ng bantay-salakay, mga kriminal na nakabalatkayong


mga pulitiko, mayor, gobernador, heneral, pulis….
28

Batid kong nagsikap, naghirap, natuto’t nagturo ka, sa panahong itinakda para sa
iyo.
Alam ko ring nagtikang baguhin ang ordeng bulok—

Nagpuputok ang budhi kung makikitang tiklop-tuhod ang madla sa imbing


kapangyarihan ng burokrata’t maylupa.

Hayan, umuungol ang bagyo sa bubungan at kumakalampag sa rehas ng


bintana.

Oras na.

Namuo sa kilay ng katipang nilisan ang alimuom ng pagkabalisa’t alaala.

Nalulusaw na ang duguang sapot na iniladlad ng kwago ni Minerba kagabi.

Unti-unting sumusungaw ang liwanag sa tabing ng nakababagot na singaw ng


pulburang sumabog sa pilbaks at Molotob kakteyl.

Di iyon kabag o utot ng kaluluwang naglamay sa putahan ng Makati’t


Malakanyang.

Ayos nang buto-buto….

Sa malas, ‘padre, bagamat walang nakakilala sa iyo, suwerte ka’t ligtas ka


sa kumunoy at kakungan nina Imelda, Gloria, at--bakit sumagi sa isip?—

ang seksing Gina Lolobrigida!

Samantala, ipagdiwang natin ang dakilang halimbawa nina Macario Sakay,

Salud Algabre, Cherith Dayrit, at Kemberley Jul Luna.

Darating din, Oo, tiyak ko—

Darating din ang hamog ng tag-araw bagamat tila walang patid


29

ang paghahari ng dahas….

BUKAS, MAY-NILAD!

“By the rivers of Babylon, there we sat down, yea, we wept when we remembered Zion….”
--PSALM 137
-

Mula kay Ka Alegria, pasalubong ang cancion ng sosyalistang pakikibaka


sa Venezuela, kalugod-lugod na balitang ipinaabot mo bilang balik-bayan--
Bagamat sinagkaan hinarang, patuloy ang agos ng Revolucion Bolivariano
sa lupang binusabos ng imperyalistang dayuhan unti-unting bumabangon….

Sana’y magtagumpay ang mga makatarungan

Habang dito sa Babilonya kami’y nakadukwang sa ilog, naghihintay


tumatangis sa paggunita ng lupang tinubuan—kailan tutubusin?
Paano namin isasatinig ang awit ng Panginoon sa bayang ipinagtapunan?
Paano magdudulot ng tuwa sa pangungulila nang tangayin ng estranghero?

Panalangin nating magtagumpay ang mga makatarungan

Nakaupo sa pampang ng ilog Babilonya, lumuluha tumataghoy


tangay ng agos kimkim ang alaala ng naiwang tahanan… bumabalik
sa panaginip ang lupang sinakop bansang nagkawatak-watak
di mapahinahon ang kaluluwa ng katawang hiniwa ng paghihiwalay….

Sikapin nating ipagtagumpay ang makatarungan

Mula sa gilid ng ilog Babilonya umiiyak kung magugunita ka


O lupang binihag! Yaong mga dumukot at gumahasa sa amin, humihingi—ay
naku--

Pilit kaming pinapakanta-- subalit paano, Ka Alegria, di ko maubos maisip,


Paano aawitin ang cancion ng manunubos
sa bayan ng mambubusabos?
30

Oo, walang salang magtatagumpay ang mga makatarungan!

ANYAYA UPANG HUWAG MAPANGANYAYA

Tila birong nahulog sa sulok ng hardin


Nagkandirit muna bago lumukso't lumipad ang anghel at naparam

Di sigaw kundi bulong:


Bakit narito ka? Sinong tumawag?

Baka naman tagpo o yugto ito sa telenobelang pinakasasabikan


Niyari ang nangyari: sumaksi ang walang patid na prusisyon ng sakit, hirap,
Dusa pakataboy--
bahala na, bathalang buwisit lintik kamiyerdahan--

Paraluman ng guniguni, nasaan ka't di mo kami iligtas sa iskandalo ng buhay?


Kumikirot ang sugat sa kuko, ramdam ito sa singit ng pangarap
Ngunit balewala sa iyo,
nakikipag-otso-otso ka sa likod na groto ng Birhen....

Ilang mansanas ba'ng dapat ubusin upang matakasan ang balisang panaginip?

Mutya ng panganib, baliin ang buto ng pitso sa tamang kasukasuan


Bago maibasura ang kalansay sa mandarayang sirko't laro ng mundong hibang...

Sambitin ang mahikang kataga nang mabuksan ang pinto


At mapawi ang walang maliw na hilahil, ligalig, gusot at gulo sa panimdim....

Awit ng maya huni ng bubuyog o paru-paro ay di makapawi sa kalam ng sikmura


At libog ng kaluluwang matinding nagnanais, umaasa, nagmimithi--
Isauli ang kawalang-malay upang makalag ang buhol ng parikala't bugtong....

Kung kakapit sa patalim, lalung mawawala ang lahat sa iyo magwawala


Subalit kung bibitiw pabayaan iwalang bahala, makakamit ang lahat--

Bangungot lang ito, birong maalingasaw...

Pagkamulat, batiin ang mutyang kumukumpas, kumakaway--

Yapusin at halikan ang paralumang hugot ang duguang kris sa tagiliran.


31

KAWANGGAWA SA TULAY NI IMPERADOR CARLOS IV


SA PRAHA, CZECH REPUBLIKA

Balak naming maglakabay patungong Leitmeritz upang dalawin


ang dating tahanan ni Ferdinand Blumentritt sa Bohemia, dating bahagi
ng Imperyong Austro-Ungaria noong dantaong 1800

ngunit napadako sa tulay kung saan umakyat-pumanaog


sina Jose Rizal at Dr. Maximo Viola noong 1887 patungong Vienna
kung saan ang bayani
ay nakayapos ng kalapating mababa ang lipad....

Akala ko'y nadapa lamang sa mabatong kalye ang nalilimahid


nakatalukbong nakalawit ang mga palad nakasubsob ang mukha
Nabuwal sa gitna ng madlang nagliliwaliw walang pakialam--

Patuloy ang buhos ng turistang nanonood, bumibili, kumakain, tumatae,


nabighani sa luho ng kapitalismong sumakop sa dating "komunistang" bansa...

Nakadipang katawang alay sa kung anong diyos, nakainat ang mga daliri,
nakahiga sa bangketa sa paanan ni St Luitgarde, di pansin ng madlang umiinog--
kahit bagsakan siya ng limos ni San Vitus o San Juan Nepomuceno, para ke?
kahit ibigay ang ambag mula sa nakatanod na krus ng Tagapagligtas--

Walang mukha, nakasubsob ang ulo sa kalye, kaluluwang sumasamo--


di alintana ng tubig ng ilog Vultava, dumadaloy sa musika ni Smetana....
Humihingi ng abuloy, sinong kusang maghahandog ng lingap?

May biyaya kayang ihuhulog ang Birheng Mariang dinumog ng mga kamera?
Anong ilalaglag ng langit sa mga monumento't turistang lagalag?

Hinugot mo ang ilang korunyi't inabot, bayad sana sa museo ni Copernicus--


Anong idudulot ng mga nagliparang kalapati kundi dumi sa ulo ng mga
istatwa?

Waring naging uwang o ipis na sumungaw sa guniguni ni Franz Kafka


ang nakadipang anino....
32

Di na tayo nakarating sa Leitmeritz, namalikmata


ng kaluluwang nakalatag sa tulay ng Imperador,
sa lilim ng mga santo't anghel,
magayumang palasyo't simbahang kay lamig ng lungsod Praha sa Bohemia.

KAILANGAN LAMANG, IDUGTONG AT PAGKABITIN

….Di na umasa sa pirasong ass ni Britney Spears “sneaking into the Philippines”
tuluyang sumabak ang katawan sa rali ng GABRIELA
mula Rotunda hanggang Plaza Miranda—

Nasulyapan kita Walang babala’y sinagi pinadaplisan mo lamang….


Ay, titi ng Ama, salbakutang kabuktutan ng rehimeng Arroyo!
Paano maibubuo ang body politic mula sa pira-pirasong lamang
ikinalat sa buong daigdig?

Samantala, sentensiyado na si William Corpuz, Pinoy sa California, USA--


nilaslas niya ang lalamunan ng asawa, nilaslas ng walang premeditasyon,
di nagulik-ulik--

Nagprotesta ang mga Pinay, walang pag-aatubili, pati si Eve Ensler ng “Usaping
Puk….”

Salbakutang seksismo ba ang dahilan? O sitwasyon ng OFW sa buong daigdig?


Nangyari ito sa “land of milk and honey”—

Ay, titi ng American Idols at Lea Salonga!

Saksi tayo sa krimeng extrajudicial killings, salvaging, terorismo


ng Estadong neokolonyal habang ilanlibong U.S. “Special Forces”
ay lantad na dumarambong, walang urong-sulong…

Idugtong at pagkabitin lamang ang deliryo ni Corpuz at habeas corpus--

Nilaslas na ang mga lalamunan nina Shirley Cadapan Karen Empeno


Luisa Posa-Dominado Jonas Burgos at ilan daan pang dinukot ng
rehimeng kriminal--
33

Ay, titi ng Ama, di mabilang na biktima ng sistemang bulok, ng ordeng


malupit--

Sa pagitan ng Rotunda at Plaza Miranda, walang premeditasyong hahagkan


yayapusin kita
upang tipunin at pagkabitin ang kaluluwa’t katawang
hiniwa’t naihiwalay….
Magkapiling tayo, Mahal, panganib/gayuma

ng madugong kontradiksiyong

sumasabog---
34

PAGBAYBAY SA TRANSISYONAL NA LANDAS NG PAGBABAGO

Walang rebelyong nasayang, bawat isa’y hakbang tungo sa kalayaan….

--Salud Algabre, lider ng mga Sakdalista

Lubhang mapanganib ang tulay na ito, delikadong nakabitin sa hangin,


nakakatakot--
Sana’y may iba pang daan sa kaliwang matatawid palayo
sa kilabot ng gubat at disyerto …
Kung bumigay ito, tiyak na malulunod ako, ikaw rin; ngunit kung wala ito
Walang dudang nabaon na tayo’t natodas sa dahas ng rumaragasang ilog.

Nakaraos din, sa malao’t madali, ngunit kung makuhang magbalik-tanaw


Napagnilay ko kung gaano kalalim ng tubig at anong hirap ang napakatarik na
hagdan paakyat;
Pagal, nais ko sanang mayroon tayong matibay na tulay, sariling atin, upang
Sinumang manlalakbay ay maginhawang makatawid, walang kutob ng pangamba.

Sa palagay ko, kung nais natin ng isang maasaha’t matipunong tulay


Dapat tayo na mismo ang magpasiyang kumuha ng karapat-dapat na materyales at
tuluyang baguhin ang luma’t minanang tulay--
Mangahas maglambitin tayo sa banging mapanganib tulad ng mga manggagawang
yumayari ng matatayog at kapakipakinabang na gusali--

Mga bayaning makalupa, pulang mandirigma, pinilit ng pangangailangan,


Tayo’y natirang buhay, taglay ang karanasan, kalooba’t determinasyong ingatan
At pangalagaan ang masang sumusulong sa bisa ng katwirang malikhain, ng
rebolusyonaryong pagtitiwala sa isa’t isa,
Sampu ng matiyaga’t masigasig na pakikipagtulungan sa Nagkakaisang Hanay—

Siyang tanging paraang nalalabi upang lahat tayo’y makatawid sa kaliwa


at lubos na makalaya!
35

AWIT NG ARMADONG PARALUMAN

Mahal,
Nagliliyab ang lansangan ng Islang Puting Bato nang ikaw’y lumisan
Sa iyong balintataw nagtalik ang liwanag at dilim
Nagtipan ang luha’t ngiti sa hanggahan ng pangako’t alaala
Saang likong landas tayo naghiwalay, nakipagsapalaran?

Pumalaot ka sa lagim ng lungsod, napigtal sa diwa’t nakintal sa dibdib


Patnubay ang masang kumalinga, sabik sa paglaya’y naglakbay

Bagwis sa budhi’y pumailanlang sa madugong larangan


Sa gilid ng bangin naglamay, sa gubat ng gunita naghintay
sa tukso ng mapagkandiling bituin….

Sa bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay


Nagpupumiglas ang sinag ng kinabukasan—
Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip
ng armadong diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas—

Mahal,
Nilambungan ng usok at apoy ang gayuma ng iyong pilik-mata
Humagip ang bagwis ng guniguning lumipad lumapag
Lumusong ka’t tinahak ang tulay sa nilunggating ligaya
Sa dusa’t aliw ng busabos, binalangkas mo ang hiwaga ng darating.

Saang dulo ng landas kaya tayo magtatagpo, abot-tanaw?


Binaybay mo ang ilog, dumaramay sa udyok ng mapagpaubayang
batis sa lambak

Sa takipsilim gumapang ang sugatang katawan sa dalampasigan


Sinasalubong ang luwalhating biyaya, agos ng bukang-liwayway.

Sa bawat pintig ng iyong kaluluwa, sa bawat himaymay


Nagpupumiglas ang sinag ng kinabukasan—
36

Luningning ng pag-asa, halimuyak at alindog ng panaginip ng armadong


diwatang kusang naghandog, kumalas, nagligtas—

LIWALIW SA ILOG NG LOBOC, BOHOL

Ilang araw pagkatapos lumabas sa”yungib” ng Camp Crame


Sandaling dumalaw sa ilang bilanggong pulitikal, narito tayo ngayon
Sakay sa bangkang may pangakong magdudulot ng galak, lugod, saya—

Mahalinang awit ng ibon, kaakit-akit na bulaklak sa pampang ng ilog


Lulan ng modernong paraw—kargado’y turistang dayuhan at balikbayan—
Upang panoorin ang talon sa dulo ng pumupulupot na ilog…umiikot…

Habang sa gitna ng lakbay, hayun ang daungan— Ay, hindi,


Entablado o plataporma pala, tanghalan ng sayaw at katutubong kariktan—
Hanap-buhay iyon ng mga nakatira sa baranggay katabi ng ilog—

Aliw handog sa mga estrangherong naakit sa unggoy Tarsier,


Tsokolateng bundok, indayog ng mga lipi nina Dagohoy at rebelde sa Jagna.
Kawili-wiling tanawin, ilog na humahagos sa mapating na dagat….

Umaapaw ang tubig mula sa mabatong bundok at gubat, sagitsit ng alon—


Rumaragasang buhos--kay pusok, kay rahas ng daluyong!
Sandaling nalimutan sa pagbaling at pagpihit ng walang layag na paraw

Ang malaking bato sa bunganga ng yungib, bago umahon dito


At iangkla ang iginaod na panaginip ng dayang-dayang sa isla ng Tawi-Tawi—
Paano ililiko ang daluyong upang maitulak ang batong takip
At salubungin ang inabatang taga-ugit ng muling pagkabuhay?
37

PAHIWATIG NG HARAYA, SIMULAKRANG ABOT-TANAW

Kawiiliwili ang silid na ito, hantungan ng iyong paglalakbay.


Halina’t maupo dito sa harap ng punong pino sa may durungawan.

Di nasaling ng nagmamadaling takbo ng daigdig ang pusong namamahinga.

Halika’t magnilay tayo sa panahong dumadaloy,


magmuni-muni sa karanasan
at pangyayaring
umaatikabong humahabol
sa daluyong ng trapik sa labas.

Sa silangan, may umuusad at lumalagitik na aninong di ko mahulo….

Sa kanluran, may anasan ng umiihip na hanging di ko alam kung saan galing….

Walang daan sa harap…


Iyon ay mga bakas lamang ng aking paa.

Nakahuhumaling humimpil sa silid na ito, di ba?

Ngunit

Kung nais mong magpatuloy, sige, huwag magpaabot ng dilim-- hayo na!

Ang hakbang mo ang lilikha ng landas—

landas na hinihiwa ng tutubi


38

at sinusukat ng pakpak ng paruparo.

LABINTATLONG PAGSUBOK SA PAGTUKLAS NG ANINO NG KAGANDAHAN

Isang patak ng pawis sa utak ang umapaw sa lalamunan ng nasaid na kalis

Huwag busalan kundi isabog ang kamyerdahang bukambibig ng tusong kulasisi

Baog ang puso ng artistang nagumon sa malambing na bulwak ng talinghaga

Anong panganib kung naligaw ang ahas na naghunos sa di-mahulong yungib

Iukit sa noo ang kutitap ng bituing ngayo’y abong lumulutang sa dalampasigan

Panatang nasadlak sa pangako’y kumakalas sa ngiti ng iyong bukang-liwayway

Samakatwid hungkag ang karunungang isinugal sa laro ng konsiyensiyang palpak

Lampungan ng pusa sa bubong ay walang lihim para sa budhi ng petiburgesya

Sa pusod tumatalab ang tili ng pagluwal ng pangarap sa mutyang biktima ng AIDS

Kinakailangan ang ilang kung masalimuot ang paglinang ng latak sa ulirat

Sinong pusakal ang magbibilang sa usok at alingagawngaw ng panaginip

Sa walang hanggahang dagat hanggang Kathmandu nagbabakasakali pa rin

Sa dura ng nakasimangot na sinta mahahagilap ang ambil ng takip-silim

`
39

PAGNINILAY SA HARDIN NG BAHAY NI ISIS, QUEZON CITY

Habang nilalasap ang linamnam ng buko sa pananghalian


Malasin ang ganda ng harding ito, mabango, maaliwalas;
Malayo sa Gethsemane ang groto ng Birhen sa sulok
Binabantayan ng mahinhing anghel, isang bulong ng amihan,

Lingid sa ingay at alibadbaran sa City Hall at telebisyon….


Mula sa bintana’y silip ko ang mayuming nimpang nakaluhod
Sumasalok ng tubig sa sapa—para kaninong uhaw?
Magayumang tagpo ito, walang daing, himutok o hiyawan…..

`Walang alitan. Tahimik. Halimuyak ng` banal na kalikasan


Ang malalanghap, walang tayo o kami—atin lahat, walang nagmamay-
ari….
Walang etsapwera, salimpusa, maluwag ang lunan kahit upahan—
Lagos-lagusan, tiwasay, nakasuksok ang tabak ng anghel sa tagiliran.

Ngunit sa dapit-hapon, alingawngaw ng trapik ang sumampa sa bakod--


Nasulyapan ko rin ang ngiti sa labi ng labanderang nagwawalis--
Sa bukana ng tarangkahan, nasagap sa utusan ang balita ng masaker
Sa Mindanao, ginahasang biktima, madugong tunggalian ng uri’t
kasarian…..

“`Pantayong pananaw,” di kuno, wala`ng pag-iimbot o kasuwapangan


Ang sermon sa Simbahan at Batasan…Lumabas ako’t nagtanong—
Anong asim, pait, askad ang lasa sa dilang dati’y walang kibo?
Nakabwelo na ang anghel, hugot ang patalim, sa maalisangsangang
takipsilim.
40

HARANA SA ISANG KASAMA

Pambihira ka

Matatag matingkad mabagsik ang luntiang apoy sa iyong mga mata


Habang dumarampi ang hamog ng umaga
Sa iyong pisnging hinog sa pangarap ng dinukot at ibinilanggong kinabukasan—

Nagliliyab ang iyong tapang, nakapapaso ang dingas ng iyong determinasyon—

Nabighani sa alindog ng iyong dangal habang lugmok sa panaginip


Nangahas ang kaluluwang lumantad madar`ang, nahimok ng kung anong bagwis
Ng tukso sa bulong ng iyong labi’t galaw, tuloy naligaw sa paglalakbay—
`
Walang sindak mong binalangkas ang ordeng mapanganib at binungkal ang landas
Namumukod sa madla, buntalang motor/dynamo ng bukang-liwayway….

Kahit sumabog ang pulbura sa mundong binagtas ng iyong budhi, wala kang takot
Hawak ang sulo ng katarungan, sumusugod ka--
Siklab ng huling paghuhukom, O armadong anghel—

Bumabangon sa iyong bisig at kamao ang mga biktima ng imperyalismo


Upang bawat nilalang ay magkaroon ng pambihirang katangian tulad mo—
Upang maging pangkaraniwan ang iyong pambihirang giting at kariktan—

O Paraluman ng pag-asa’t pagnanais, sisikapin kong ipagbunyi ang dahas ng iyong


kabayanihan`
Ang binhing inihasik ng talim ng iyong pagpapasiya
`
Bagamat baliw akong nakasubsob sa hiwaga ng guniguning masalimuot, `
pinagtatalik ang nitroglycerine ng pagnanasa
at titis ng tadhana--

Walang makapipigil sa iyo, matatag at mabagsik, luntiang apoy ng himagsik


kayumanggi
humahagibis ang katawan mong lumalagablab

yakap ang bulalakaw ng pagkakapantay-pantay

at yapos ng sanghaya
41

` ng pambansang kasarinlan.

ISANG HIWA NG DANAS SA PALAWAN

Nagdudumilat ang bulag na detenidong nakabunggo natin


sa bilangong walang rehas habang gumagala
sa dating “model penal colony” ng Puerto Princesa.

Naglakbay tayo sa Isla Dos Palmas, laging nakatitig


sa iyong alindog, hinuhulaan kung may puwang o lusot
sa iyong dibdib, daungan ng lumulutang na panaginip.

Hinabol ka ng malikot na daliri ng alon at hanging


humipo’t yumapos, labas-masok, minasda’t minasid
habang ako’y nangangapa, sinasalat ang tarangkahan….

Naglayag tayo patungong ilog sa ilalim ng bundok,


sumuot sa yungib na pugad ng mga paniki’t ibong lagalag,
pumasok, hinugot ng hinalang may matutuklasan doon.

Nag-aapuhap sa kuweba ng mga espiritu, walang rehas o bakod--


umaapaw sa dilim ang dibdib ng lupang hinukay ng tubig
labas-masok ang kutob, agam-agam, naglamay sa bukana….

Nakapikit, umiilag sa duming nahulog at nalaglag na sukal—


Sino’ng sumusubaybay? Anong anino ang yumakap sa iyo?
Nangalisag ang buhok ng nakabalatkayong dilag--

O diwata ng islang sinakop, patawarin ang paglagos


sa iyong santuwaryong niloob, ginahis—kami’y
bilanggong nakadilat, bulag sa nahubdang alindog.
42

UYAYI SA PANAHON NG LAGIM


`

Tulog na, bunsong sinta, sayang lang ang luha mo


Ang ina mo’y malayo’t sumugod na sa dilim
Hanap mo’y dating tamis sinisipsip hinihigop

Meme na, bungangang humihikbi’t nakanganga


Kundi’y isisilid ka sa gusit kapalit mo’y salapi
Di naman masundo’t nanupol daw ng sampaga

Tulog`` na, dilang uhaw, ina mo’y naligaw tila


Saan nakahain a`ng dibdib suson`g nakalantad
`May putik sa pisngi may balaho sa sinapupunan

Meme na, labing tigang, nilalang na nilinlang


Isisilid ka sa bumbong kapalit mo’y bagoong
Dalamhati’y ingawa ina mo’y napariwara

Tulog na, ngiping bungi, sumisingasing sa silong


Kakilakilabot na hayop alagang bumangis
Sa pakikihamok ina mo’y hinuli’t hinuthot

Meme na, bunsong uhugin, malaki ang sisidlan


Lawit ang tumbong pasang-krus ibulong sa hangin
Sandok nakasuksok palayok nakataob

Gising na, bunsong madungis, humabi ng bagong uyayi


Manupol ng pulbura’t isabog sa marangyang alta
Gusi’t bumbong ay bawiin kamusmusa’y isuka

Taas noo’t kabakahin ngitngit-sungit ng panahon


43

Dalumat ni Felix Razon sa Harap ng Boston Harbor

Katawa-tawa, tila lumalala habang nagkakapatong-patong ang mga taon sa pawis at


liwaliw….
Di ko pa rin makuhang manahimik, maghalukipkip….

Hindi naman nakababagot ang lungsod na ito, bukod sa ilang ghetto, bar at putahan;
May maluluwang na lansangan, ilog na tila malinis at walang lumulutang na bangkay

Bukod sa ilang mga pulubing homeless na naglaboy, nakawiwiling Borders Starbucks


At ilang aklatan kung saan puwede kang magbasa nang walang magpapaalis sa iyo--
Masarap na cheesecake Heineken San Miguel anumang alak sakaling may pera--

Nakuha mong ngumiti sa mga musmos na naglalaro sa Boston Gardens, alaga ng ilang
nakabibighaning dalaga, ay naku!
Isa kang dayuhang burgis na nakabalatkayo, kagat ang labi, nag-iingat, naghihinala…

Maraming gulo ritong nakasisindak, sigalot na kaparis din sa Europa o sa ibang lugar- tiim-
bagang nakapangingilabot-- Patayan, race riots. terorismo ng Estado laban sa Pinoy o
sinumang kasimbalat ni Osama

O ni Janjalani ng Abu Sayyaf--sa malas, lahat tayong di-puti, di mukhang taga-


Kanluran….lamang,
Nakakubli ito sa pinilakang-tabing ng Miss Liberty, land of milk and honey, freedom,
democracy Madonna Beyonce Shakira

Ibinibida ni Kris Aquino at ilang migranteng sumasamba kina Donald Trump—


Bukod sa ilang Pinay na di pa nasisiraan ng bait, di tablan ng konsumerismo’t
globalisasyon, petisismo ng dolyar at mapanghibong komoditi….

May ilang di bulag, di bingi (ayon nga sa awit) tatak peti-burgis na intelektwal--
Subalit di man pogi, diwa ko’y di mapakali, naiinip, ayaw magbitiw o tumiwalag

Laluna kung nababalitaan ang inhustisya sa ati’y kalabisang lumalatay na parusa sa


bawat mamamayan--extra-judicial killings, forced disappearances, masaker ng
mga pesante’t manggagawa, panggagahasa sa Pinay ng mga tropang Kano,

Di-matingkalang korupsiyon, pandaraya, paghihikahos…mga walang-hiyang trapo!

Ok, suwerte kang maging OFW-- Kayod lamang araw-araw, kudkud nang kudkud
upang maging “bagong bayani,” di kuno—

Gayunpaman, nais kong umuwi. Wala ritong kapiling na makakausap sa wikang


Filipino.

Sina Pacquiao Pempengco’t Lea Salonga’y nagtitinda ng sarili


44

nilang “brand Pinay/Pinoy” wlang kwenta ‘yon, delikado ka pa ring


mapagkamalang terorista….
Ang gabi’y lumalalim, tigib ng mapanuksong ingay.

`
PAGSUKAT SA TRAYEKTORYA NG PANAGIMPAN

Ngunit bakit ka nangahas na sa akin ay lumiyag


Di mo baga natalastas na ako’y may ibang hanap?
--Awit-Bayan

Dumarating sa gilid ng burol ang dayuhan

Pagkatapos ng dyugdyugan, anong mapapala?


Sinisingil ng mga balo’t ampon ang naglagalag
Bagamat ambil sa kanya’y taga-tuklas ng hiwaga,
Walang takot sa kawalan—lahat ay lumilipas…..

Dumarating sa kurba ng bangin ang banyaga

Habang humihinga, payo ng pantas, asikasuhin


At alagaan ang di-sakop ng bukadurang palpak—
Nakalantad sa sindak ang kaluluwang hubad,
Nabunyag sa kilabot ang katawang nakabalat-kayo.

Dumarating sa bagwis ng layag ang kasamang naligaw

Lahat ay pumapanaw, anong silbi ng awa o habag?


Gayunma’y kanlungin ang sinumang kasiping sa magdamag,
Arugain ang katiwalang narumhan, nagtaksil,
Tinalikuran, taglay ang makasalana’t inandukhang kariktan.

Dumarating sa dulo ng bahaghari ang kadugong nagpautang

Sa karimlang lumambong, dumausdos ang tagulaylay--


Umaantak sa gunita ang kumalingang dibdib
Ginahis ng pangako’t panaginip, ngayo’y nakatimbuwang,
45

Niyapos ng dayuhang nakilala sa kislap ng bulalakaw.

BIYAYA NG TAGAPAGLIGTAS

1.
Unti-unti umaambon dumagit ang naglambiting
ulap sa panimdim
Patak-patak napigtal ang pangakong nahulog sa matris ng lupa
Naligaw ang umaasong tala sa takip-silim ng pangarap
Dahan-dahan ang pakpak ng guni-guni’y lumilim
humimlay sa iyong bisig

Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas—


Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas—
Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas—

2.
Umuulan nang ikaw’y umalis, nakisilong sa mutyang humarap sa panganib
Umaapaw ang batis, lumalagos sa pader ng tadhanang walang mukha
Nagpasiya ka, bulong mo’y dasal na tumalab sa kilabot at hilahil
Unti-unti humupa ang antak ng pagsusumamo, kamao’y bumuka’t bumigay

Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas—


Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas—
Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas—

3.
Dahan-dahang tumikom ang labing bumigkas ng pagbati sa nagtanang panaginip
Tigil na ang pangungulila-- Sa wakas ng sigwa, gumigising ang bangkay sa ating
pagdamay
Tigil na ang pagtitiis--
Dumulog sa lambing at bagsik hugot sa katawang inialay
Kumanlong sa gunita ang kaluluwang bumabangon, nakaumang ang dibdib sa
pagsubok ng umaga.
46

Bumalisbis dumaluyong ang babaeng kagila-gilalas—


Sumasaiyo sumasaatin ang kanyang pusong umiigkas—
Umaapaw ang ligayang biyaya ng tagapagligtas—

PAGBABALANGKAS SA PARABOLA NG TADHANA

Nabigo sa nais at nasa, umarteng kontrabida


Bumaling ang alibughang ulo ng artistang balakyot

Sa sikmurang nginatngat nagkamalay ang hayop


Tumutol kaya ikinulong, sa bugbog tumindi’t tumingkad

Naubos ang mitsa ng pagtitimpi’t pagtitiis


Inantig ang di matinag na budhing isinupil

Nabigo di malunok ang pulotgatang singaw ng lagim


Tumikom ang palad umaasa pa rin sa kahariang ipinangako

Sa bawat himaymay ng sugat nakintal ang pagkakanulo


Sumigid sa gunita ang ngiti ng palabirong katalik

Sumupling namukadkad ang halimuyak ng nalusaw na buto


Upang magbunga’t umani ng biyayang pinakawalan

Tigil sa hagulgol, aking Musa, kusa kang lumagay


Sa yapak ng mutya’t humalik sa apog ng muling pagkabuhay.
47

PUNTA SPARTIVENTO

“In the naked and outcast, seek love there.” –William Blake

Kamusmusa’y pinaglahuan, Mahal ko


Hinubdang kariktan ng lawa, bundok at ulap na maaliwalas--Bakit malulungkot?
Sa kabilang ibayo nagliliyab ang mga bulaklak, pula, dilaw, asul o kulay luntian

Ngunit ang nakaraan ay sumisingit sa ganda’t aliwalas ng kalikasan


Bumibiyak sa pinagbuklod na puso’t humahati sa pinagtipan
Nagugunita ang pinakasasabikan
“Ininis sa hukay ng dusa’t pighati”

Alaala ng kinabukasan—
anong balighong simbuyo ang naibulalas ng dumaragsang hangin?

Sa dalampasigan ng lawa dito sa Punta Spartivento


kung saan naghihiwalay ang hangin—sa kaliwa o sa kanan--
Tila walang pagpapasiya, itinutulak sa kaliwa o kinakabig sa kanan
Pinaghahati ng tadhana o kapalaran?
O itinitulak ng pagkamuhi, kinakabig ng pagmimithi?

Anong uring ibon doon sa kabilang pampang—pumapaimbulog, pumapailanlang?


Tila kuko ng mandaragit ang humahagupit ngayon
Nagsisikip ang dibdib, balisa sa pagkabigo, pinagtiim ang bagang

Buhay ma’y abuting magkalagot-lagut—walang kailangan….

Doon ang pag-ibig sa mga hinagupit ng walang-katarungang orden,


doon sa mga dukha’t ibinukod ng kabuktutan.

Agaw-dilim sa Punta Spartivento, humhati’t bumibiyak sa agos ng panahon at karanasan


Sa pangungulila, kumikintal sa gunita ang mga mandirigmang sumakabilang buhay
Di matatarok ang lalim ng pag-ibig sa tinubuang lupa

Patuloy ang paglalakbay sa kabila ng hanggahang humahati’t naghihiwalay sa atin


48

Mahal ko, namimilaylay sa iyong labi ang damdaming biyaya ng nahubdang kamalayan

Nakintal sa dalumat, sa pagitan ng panganib at dahas, ang kailangan at di-kailangan


Ang walang halaga at may halaga, pinaghahati’t pinaghihiwalay…

Pinagpala ang mga kaibigang namundok at nag-alay ng kanilang buhay

Pinagpala ang mga walang pag-aaring nagdusa’t nagdurusa para sa kinabukasan

Pinagpala ang mga bayaning naghiwalay at humati, nagbukod at nagbiyak

Magtatagpo ang lahat sa Punta Spartivento ng pakikipagtuos.


49

KUNG BAGA SA HAMOG NG LIBOG SA TAG-ARAW

Lumutang sa lambat ng panaginip ang pugita ng buryong palaboy

Anong biyaya ng hibong lubog sa lumot ng isdang sasagip

Anong hiwagang nabunyag sa salaming uminog sa bigwas ng alon

Hindi matiyak kung pagbati o pamamaalam ang naanod sa katihan

Sugat ng hamog sa talulot ang di maaninag sa agos ng panaginip

Udyok ng kasaria’y bumalong bumulwak lumutang lumubog

Himalang hinabi sa pawis dura tamod luha ng namamalakaya

Sa naburyong utak iniakma ang pagkukunwari’t pagkukulang

Alimpuyo ng kagampanang napariwara sa kuwadrong nabasag

Sumisid ang tulog na palaboy sa palikpik ng umagang nakahubad

Kung saan nadapa nakamulagat doon kailangang bumangon

Ambong lumubog-lumutang sa bahag-haring babala ng sigwang darating


50

HINUHA’T MUNGKAHING BALINTUNAY

1. Katulad ng propetang sumulat sa buhangin hinuhulaan ang gayuma ng babaeng lumagda ng


kababalaghan

2. Sa sulong umaandap nagkristal ang uling sa tuminding kislap ng diyamante

3. Iminungkahi na ang tumpak na landas ay isang lubid na bahagyang nakaangat sa lupa upang
tisurin ka imbes na gabayan at ugitan

4. Sa unang pagkanulo ang sakit dito’y hindi sumusuob sa luwalhating darating kaya di
nalililiman ng ligayang taksil sa bawat sandali umula’t umaraw man

5. Maraming lugar na mapagsisilungan ngunit isa lamang ang pook ng katubusan bagamat
maraming paraan ng pagtubos at pagkanlong

6. Pagkatapos ng unang pagtataksil nasulyapan natin sa entablado ang ngiti ng dalaga sa


kanyang irog habang nagmunukalang inireserba ang isa para sa iyo Ay naku nuynuyin
na lamang ang sisteng ito

7. Naglalaro pa lamang ang mga hayop sa bakuran ng mangangaso di na makatakas ang mga
usa gaano man kabilis ang kanilang pagmamadaling lumigpit sa gubat

8. Isang dipa lamang ang layo ng batis sa uhaw ng katoto subalit nagdalawang-loob kaya sa
kabila ng hinala kapwa mauutas silang dalawa

9. Bawat pag-aari’y nakaw ngunit sino ang mag-aangkin ng regalo sa sinta at ang sakripisyo sa
mga naglalaway na bulto’t santong pinipithaya

10. Walang kawawaan sa taglay na kapalaran, magbabangon ang dayukdok na alipin


samantalang umiilag/lumilihis sa tumbalik at balighong arangkada ng tadhana

11. Natuklasan sa buntot ang ulo ng sabwatan hanggang hamog sa talulot ang umaasong patak
ng luha sa mulagat na nagsuplong

12. Mabuti pang magdusa kaysa pagmalupitan ang kapwa kaya niyakap ng pilosopo ang
kabayong binugbog sa Torino
51

13. Malas ang mahuli ka sa bilang na ito bukas makalawa’y muntik-muntikanang karamay ka sa
di maiiwasang sakuna

METAMORPOSIS

Kahapon, sa "Last Will and Testament" ng yumaong awtor Benjamin Appel,


nakasulat ang habiling "Huwag gumastos sa punerarya, sunugin ang labi at
itapon sa gubat o dagat." Simple lang.

Samantalang nagbabala na ang rehimeng Aquino ng CyberCrime Law


Bukod sa nakasusukang krimeng hagupit sa bayan: 114 biktima ng Extrajudicial
killings, 127 ng bigong pagpatay, 70 ng tortyur, at 12 ng sapilitang pagkawala
(dokumentado ng KARAPATAN).

Nakahalang ang mga kalansay at duguang bakas ng biktima sa tarangkahan ng


Malakanyang.

Wala pa akong nilagdaang "Huling Habilin" ngunit taas-kilay na


ang pagmamatyag sa bumubulwak na putik sa angkla bago ilaglag ang
layag....

Naudlot ang pangakong ipadadala ko ang protesta sa pagkapiit nina Alan Jazmines
at iba pang bilanggong pulitikal...

Napaliban ang pag-uwi namin mula sa Ransom Center kung saan nakalagak ang
mga papeles ni Benjamin Appel, awtor ng "Manila Diary" at "Fortress in the
Rice" at istoryador sa grupo ni Paul McNutt sa bisperas ng pagsasarili ng
bansa noong Hulyo 4, 1946.

Nabagabag si Appel sa isyu ng kolaborasyon at sa nakaririmarim


ng sitwasyon ng nakararaming mamamayan pagkatapos ng WWII.

Samantala ang teroristang banta ng Estado kina Ericson Acosta at mga magulang
at di-matingkalang balakid sa gulong ng hustisya--di ito eksena sa Bourne
Legacy o sa anupamang pelikulang opyo ng masa, ang relihiyon ng palengke,
bangko, pulitika, negosyo--

Siyanga, ipagpaliban na ang punerarya.... Aasikasuhin pa natin ang hinihingi ng


hustisya.

Matindi ang hiyaw ng mga pamilya ng biktima, nagpupuyos, naghahanda


ng titis at uling para sa malaking sunog
na siyang liligpit sa labi ng bulok na sistema.
52

KABABALAGHAN NG PARU-PARONG MAKULIT

Alimbukay ng pulburang sumabog ang bumibigkis

Asim-tamis na bukambibig ng pagnanasang humulagpos

Paru-parong nasalanta’y babala ng linggatong at lagim

Bakit iiyak? Mantakin mo’y tumiwalag sa kinadlong hinagpis

Ginagap sa panimdim ang nandudurong sungay sa liblib

Kapag malakas ang agos sa dibdib sumasalunga sa bundok

Lumilipad sa karimlan ang sulo ng katutubong pagtitimpi

Sa bituka ng talinghaga nasukol ang dilubyong niliglig

Hinugot sa umaalmang hayop ang sungay ng paghihimagsik

Ipagbunyi si Ka Maricris Lina pinaslang ng militar sa Leyte

Sa bawat himaymay nanunuot ang banta ng pamumulaklak

Binigkis ng paruparong bumaklas sa kalbaryo ng pagtitipan


53

HINTAY, SANDALI LAMANG, O BIRHENG WALANG AWA

Verweile doch, du bist so schon…..


--J. W. Goethe, Faust II

Nakabibighaning dilag, pwede ba?


Habang nakasalampak sa bakod ng sangandaang di malusutan
Naritong hampas-lupang nabalaho’t sinibasib ng matinding pagnanais—
Anong sungit ng langit, napakamaramot.

Nakatutuksong dilag, talang unti-unting naglalaho:


Sabik na sabik na ‘kong mapakiramdaman ang bugso ng dugong mailap—

Bakit nagmamadali?

Unawain sana kahit di kaawaan


Itong sugalerong napasabak sa laro ng diyablong pitang gumigiyagis sa ulirat.

Saan mahahagilap ang matimtimang dilag? Hintay, kahit ‘sang sulyap


lamang….
Sa pilantik ng iyong mata nagsalubong, sa aking panimdim,
Ang katawang naluray at guniguning alumpihit, di maramot sa awa—
Sinusubukang makilatis ang kariktan ng nimpang nalusaw sa panaginip.

Hintay…Anong kakintalang dagling naglaho’t tumimo sa diwa?

Mataimtim ang pagnanasa, O birheng kay bangis—


isusuka ko ang asim at pait
ng ilanlibong pagsisisi’t panibugho
upang sa bakod ng sangandaan
makapiling ka, lumilikas sa sumandaling halik
ng iyong buhok-ahas—
Malik-matang bulag nagkabuhol-buhol ngayon kahapon bukas
54

MARKANG EKIS SA NOO NG PUSAKAL NG PAYATAS

Humuhulas Umaapaw
Hungkag sa sukdulang kasakiman
Naduhagi’t naggipit
Upak mula sa pulut-pukyutan

Turumba, turumba, matuwa’t tayo’y magsaya—


Ngunit nahumaling pa rin sa buhos ng labi
Kahit hindi pa nakatikim ng “kinse anyos”

O bituing marikit
sa hugos ng bilihing itinapon
sa hatinggabi ng pagtitiis
sa magdamag na lamay puspos ng pagtitika

Turumba, turumba, matuwa’t tayo’y magsaya—


Kahit titis sa pusod ng yagit
rumaragasang layak sa basura

nagpaparikit sa pusod ng bundok ng mga labing kaluluwa

Bahag ng buntot tiklop-tuhod

Turumba, turumba, matuwa’t tayo’y magsaya—


Upod na kandila’y walang umagapay
nabulusok sa hugpungan ng iyong mga hita

Hidhid alay sa budhing hayok, dayukdok, di bale

di lamang
ang guniguning nag-uudyok

O bituing marikit

Turumba, turumba, matuwa’t tayo’y magsaya—


Sa dulo ng taludtod, ipag-adya mo kami, Mariyangga….O Mariyangga!
55

SINGAW NG MGA NAG-AMOK NA HULAGWAY

Alimpuyo ng buntong-hininga sa Oktubre ng iyong kaluluwa


Bulang tila kislap ng diyamante sa gilid ng matang tumitirik

lumalagos dumadaloy

sa pagitan ng hiblang rehas ng iyong buhok

Uhaw ng pagnanais sa labi ng guho sa natagpuang lungsod sa gitna ng disyerto

Hipo ng liwanag

Silahis na biglang bumuhos sa karimlang saplot ng kilabot

Kislap ng bituin’y nalunod


sa buhawing nakahulagpos sa hawla ng iyong dibdib

Sa luksang lansangan ng lungsod na ating nilalakbay

natagpuan natin ang nakalupasay na biktimang


kasangkot sa ating pagtitipan

mga katawang nilublub


sa duguang matris na iniluwal sa panaginip

Sumisid hanggang sumabog ang dibdib sa pagyapos sa iyong kaluluwa

sa kaibuturan ng dagat ng iyong panagimpan.

Sa iyong paa idinampi ang sulyap ng araw sa pagbubukang-liwayway

paang binasbasan ng luha


56

sa kandungan ng inalaguang himpapawid

LINDOL SA ILOILO, VISAYAS

Habang binibigkas ang ilang taludtod ng “Florante at Laura”


Sa isang panayam sa Miagao, nagkukrus na pala ang nakinig, nanginginig—
Hawak ang mikropono ngunit sumambulat lahat—
Nabingi sa takot kaya’t di matalunton ng niyanig na diwa…..

Dungawin mo, hirang, ang nananambitan

Sindak sa Ginhulgan! Putol ang kawad, wasak ang mga kalye’t tulay….
Ligalig sa kontragahum ng kalikasan ang naghiwahiwalay….
Ahas ng babayla’y sumungaw sa lupang nabiyak, pusod na nawarat--
Sumbat ba ng pasumalang tadhana ang pumagitan?

Dungawin mo, hirang

Makitid daw ang lunan natin, laging siksikan, agwat ay patlang lamang;
Gitgitan nga sa bulwagan sa Miagao bago yumanig ang lupa
Samantala, sa pintong nakabuka, nakatambad sa siwang at guwang
Ang bukiring walang bakod, gubat na pastulan, biyaya ng kalikasan….

Dungawin mo, hirang

Nadamay din kung gayon ang kuta’t kuwartel ng mga panginoon--


Gumuho ang pader ng bilangguan, napatid ang tanikala—nakalaya sila
Habang tayo’y bingi sa daing, sa humulagpos na taghoy: “Pakawalan
Ang binusalang bibig, sinugpong damdamin, ginapos na isip—“

Iluwa, isuka ang nahuling tinig, budhing nabilibid, napiit na tagulaylay--


Bigyan ng puwang ang nasawi’t pinaslang ng makapangyarihan
Bagamat bagting ng kudyapi’y napatid ng mga bumalikwas, bumaliktad--
Sumungaw na Aladin sa gubat na maliyab ngayo’y bumibigkas:

“Dungawin mo’t hirangin ang kumakalas sa nabihag na puso’t kamalayan.”


57

”HAHAMAKIN LAHAT, MASUNOD KA LAMANG”


(bulong ni Maria Asuncion Rivera kay Juana Tiambeng)

Sa pagkakataong ito, Pebrero 14, 2013, Tamuneneng ko:

“Dini sa dibdib ko na nahihilahil…


nasa aking puso’t doon humihimbing”

Ngunit bakit pa itatawid itong kapalaran


“at lahat ng hirap pag-aralang bathin”

Kung anumang layo, “kung ating ibigin


daig ang malapit na ayaw lakbayin”?

Gayundin ang sugat na kung tinanggap


di daramdamin ang antak
Ngunit kung umayaw o di payag
gasgas, oo,

galos lamang ay magnanaknak

Ay, d’yos ko

Ay, Tamuneng ko--


tanggapin ma’y sukdulang nagnanaknak!
58

BAGO TUMIRIK, UMIRAP MUNA AT BIRUIN ANG TADHANA

Putris! Tila kurot sa singit ang babala ng kamatayan


Mula sa lingid na libis gumapang ang ulupong
Labas tumbong, mangkukulam na sabik makipag-ugnayan

Naaninaw ang kalapating humapon sa kaliwang balikat


Umikot ka’t umakit na maglamay sa burol ng bangungot

Bagamat namimitak na sa silangan at nalusaw na ang ligamgam


Nakubabaw ng walang puksang pagtutol
Walang suob sa lilim ng kilay, umuugod-ugod sa pagnanais

Mailap ang diwang suwail at walang hinayang--


Kinakalampag pa rin ang bolang kristal sa harap ng militar

Siniil at nasukol sa sabik na pagliko, sumalungat


Sinikap lumihis sa nakagawiang landas, tumakas
Sumayod sa pusod ng kukong binunot sa leeg

Walang bantas badya badhang naaninag


Kinakalampag pa rin ng naghihingalong kasapakat ng tadhana

Kinuyom hanggang naibulalas ang pinakasasabikan


Sinagilahan ng libog sa lumagaslas na yapak ng diwatang lumipol
Sumagsag, bumaluktot upang buklatin

Nakubabaw, namiyapis, walang tugot bagamat nakalupasay--


Walang sayang, walang kailangan, kinakailangan

Harang! laway at surot sa bulbol ang gantimpala ng birhen ng tadhana.


59

IHASIK HIMAGSIK BUMIBIGSIK

Gayunpaman
Walang rason ang hiwaga ng paglikas-- Bakit di ka makatawid
Sa kabilang ibayo ng guhong daang-bakal?

Gayunpaman
Dumaplis nabulusok sa lusak labnot ang tadyang nagkabalibali, subalit
Di kailangan ang daing ng pagsisisi o tgaghoy ng hinagpis.

Gayunpaman
Bagong ahon, bagong salta—Sa batis bumabalong, namumukadkad
Bago magtakip-silim nangangarap na ng paghuhunos.

Gayunpaman
Mula sa bartolina ng budhing masalimuot umalpas umigpaw ka
Tungo sa bitag at laro ng liku-likong landas.

Gayunpaman
Sa hukay ng balintataw bumugso ang sanghaya ng guniguni
Napigtal na talulot ng parikalang nililikom.

Gayunpaman
Anong nagluksang ibon ang lumalatag sa dulo ng tulay sa daang-bakal
Paluwas, lulan ang kaluluwang sugatan?

Gayunpaman
Bumabalong bumubukal sa sinapupunan ang daluyong ng panimdim
Sumusugba sa tilamsik ng apoy ng bukang-liwayway.
60

INIHAGKIS SA ILANG: PITHAYA NG GUNIGUNING MAKIRI

Nawala’t pinawalan (pasumala) hanggang sa gitna ng gulo’y bumigkas--


Sa pasiya nasukat ang simula’t wakas, bakas ng panahong lumikas

Nag-aabang pa lamang, may babala nang “Mag-ingat!”


Natutop ang lihim, tuloy nagtanan mula sa lupang kinasadlakan

--hanggang sa muling pagtatagpo, Maura, pinagsimpang danas,


kanina lamang dati kapagkwa’y ngayon—

Kababangon pa lamang sa pagkabalibag, abala na sa pag-aasikaso,


Nagiyagis balisa umaasam nag-aatubili sa paglukso….

Sa tanghaling tapat,
(Malas o suwerte) sa labi sumungaw ang dapit-hapong abot-tanaw
Samantalang gumagayak ka, Maura,
sinusukat ang bawa’t hakbang ko….

Umahon tayo mula sa yungib, iniwan ang milagro upang marating


ang pulong walang bathala, kaluluwa’y basbas ng hamog
Nagbabakasakali, kimkim ang pangamba, hagilap ang dating biyaya--

--hanggang gumapang tayo sa bukana, lumantad, hubad sa alalahanin


saplot ng kutob sindak antak ng hapding kinuyom---
Sa dila mo nasukat ang puno’t dulo,
bulahaw ng kirot na di maibulalas--

Sa lilim ng pulang layag, Maura, inilagak ang panaginip ng manlalakbay


lulan ng along umaalimbukay, libog ng kalikasan
yapos ng alimpuyong walang tigil,
nalusutang lambat ng panganib—

Nilambungan ng damdaming nag-ulap ang kislap ng luntiang bituin…


Sandaling huminahon, silakbo’y humupa, bagwis ng agunyas sa himpapawid

Umalis tayong nagtikang maabot ang dalampasigan ng lupang kinagisnan….


Maura, pusong nagpasiya’y bumigkas ng pasalubong:
“Bukas, luwalhati--”

Sa daungan bumabati ang ligaya—Bangon na, guniguning naligaw sa ilang,


Kasalamin ng langit ang pusaling taglay ang hiwagang nabunyag.
61

MAY PAG-ASA KUNG MAY GUNITA

Bulong ng awit
gumagapang
sabik na sabik
ngunit walang makarinig--
Myra Algarme, damdam mo bang nagmula pa iyon sa talang Andromeda?

Halimuyak
ngunit di malanghap
tamis ngunit walang makalasa--
Itala mo, Myra, ang natuyong laway ng ating pagtatalik
Bakas ng damdamin
Sa gunita: alaalang nagsaalapaap..
Huwag umiyak, ito'y dagta ng pakikipag-ugnayan
katas
na nagsahimpapawid
O memorya ng libog sa buwang bumabangon….
Iukit sa dila, Myra Algarme, ang bukang-liwayway ng ilanlibong pakikiramay

pagkatapos, itikom ang bibig sa dapit-hapon--

Halika, Mahal, dito pakiramdaman mo ang bulong

nabulusok sa iyong tainga, sa pananabik

Halik ng bagwis sa mukhang walang tanda ng paglubog ng araw


basbas ng hamog sa iyong katawang
ginahasa ng pulbura--
Ka Myra:
Paglisan mo
gumagapang ang kung anong
mahiwagang halimuyak
sa mga teritoryong nakapagitan….
62

ANG DAMUNENENG KO

Ang damuneneng ko’y lumuha sa bundok


Kasabay ang singaw ng luha’t himutok
Luha’y naging baha, along sumasalpok
Ang pinakadarling ko’y sadyang napalaot.

Ako namang ito’y umarkila ng daong


At luko-lokong tumugpa sa alon
Natagpu-tagpuan: polusyon, laking gulo
Ang kalachuchi ko’y kung saan nataboy.

Suhol dito’t doon, humampas ang hangin


Dini sa pusod ko na nahihilahil
Kaya pala ulol, mataray na giliw
Nasa aking puso’t doon humihilik.

Hayo, ‘nak ng tupa, ako’y tulungan


Sa dagat itawid itong kalibugan
Kung tayo’y palaring sumadsad sa pampang
Ang pagkaulila’y ating kalangitan.

Hala, gaod tayo, paglililo’y tiisin


Kabuktutan ng Estado’y huwag palagpasin
Palayu-layo man kung ating suriin
Daig ang paraisong ayaw lakbayin.
63

PAGSUBOK SA PAKIKIRAMAY SA BAWAT NILIKHA

Sa unang bugso ng pagsuway namangha’t nagtaka


Kahit biglang lumihis, bumangga pa rin

May biktimang humiyaw ngunit walang saklolo


Di akalaing magtatagpo ang daang magkaagapay

Bagamat nagbabaka-sakali, naaksidente pa rin pagliko


Di natin tahanan ang lungsod kaya tahan na

Sa sindak nabunggo ang katunayang di sinasadya


Kaya alisin mo na ang sutlang saplot sa ‘yong mukha

Sa natuklasang daan humiwalay ang kaakbay


Walang anghel ang magbubunyag ng kasalanang lihim

Pagtawid batiin ang kaluluwang kapusta sa sugal


Sa gitna ng lansangan totoo bang nagsinungaling ka?

Nag-aabang pagliko ang kilabot ng mukha mo sa salamin


Ngunit libog lamang ‘yon ng guniguning nakipagsapalaran.
64

KUNG SAKALING HINDI NA TAYO MAGKITA MULI

Tila matandang tugtugin na ito, Kasama, maski na wala akong lamparang


pagsisidlan upang makalusot sa guwardiya,
di bale, pakibigay sana ito….

Sabi nila’y kung saan marapa, doon bumangon, sige pagbigyan--


ngunit kung ikaw’y pinatid, dinukot, binugbog,
pinaluwa ang bituka, ginahasa, tinadtad ang laman?

Walang kailangan—

Kaluluwa ko’y katawang bahagi’t sangkap ng buong kalikasan, lamang


ito’y may kasaysaysang hinugot
mula sa tunggalian ng mga uri at lakas…

Ngunit bukas? Kasama, walang maliw ang kalikasan….

Dinggin mo’ng amihang humahaplos sa bawat pisngi ng dahon at bunga


ng mga halamang alaga ng gerilya doon sa libis—

Masdan ang agos ng ulan sa bubong at sa daang bumibigay tuwing takip-silim—

Pakiramdaman ang mga ibo’t hayup sa tabi ng ilog


nakatingala sa buwan at sa bituing kumikislap
(Oo, di maitatago,
umaalingasaw ang bangkay na nakabayubay sa gilid ng hukay…)

Gayunpaman, magkita tayo doon sa tabi ng talong lumalasgas sa pusod ng gubat


at dumadaloy sa lilim ng lumulutang na ulap
sa balikat ng bundok….
Walang maliw ang kalikasan, bumibigay….
65

Sa bawat paalam, may handog na pagbating hitik ng kontradiksiyong


kalangkap ng bawat karanasan sa buhay:
iyo’y tadhana, kapalaran—

Sige lang, di ko na uulitin, sa iba’t ibang anyo’t mukha, magkikita muli tayo,

sa bawat pagkakataong may bumabaklas


at bumabalikwas
Naroon din ang humahalik at yumayapos—

Salamat, Kasama, hanggang sa muli, pakisuyo, ingat—

walang maliw ang kalikasan,

bumibigay….
66

SUMBONG & REKLAMO NI CATULLUS

Pakisuyo, aking pinipintuhong dilag

Aking ligaya, aking gayuma

Ako’y darating diyan sa tanghaling tapat, nagsusumamo

Kung utusan mo, sadyang makatutulong

Na walang sagabal sa pintuan, walang magpipinid

Sakali nama’y mapusuang gumala sa labas

Kung mamalagi sa loob, kusang maghanda para sa ating

Siyam na walang patid na dyugdyugan

Kaya nga, anuman ang naisin mo, ipag-utos mo lang

Sapagkat narito akong nakalupasay, busog, sawang-sawa na

Masiglang sumusundot sa aking balabal, kapang pambalatkayo.


67

KAHIMANAWARI

Laging tiklop-tuhod noon, hayup na nagdarasal


Sa bawat bigwas at bawat hagupit, bumubulong-bulong

Tigil na, Inday, abutin mo ang brasong nagdurugo!

Hanggang kailan balewala—hanggang di pa tumatalab?


Sa palengke lahat ay nabibili’t ipinagbibili—
Di lang talampakan ng katawan kundi pati singit ng kaluluwa….

Tahan na, Inday, yapusin mo ang sugatang balikat!

Dura ng galit ang sukli, ngipin sa ngipin


Habang nakaduro ang alambreng dekoryente sa suso mo—
Tumalab na ba ang talim ng poot at pagkamuhi?

Abutin mo, Inday, ang sandatang alay ng sambayanan !

Nakalatay sa laman ang basbas ng pulbura’t tingga…


Bakit pa luluhod at gagapang sa nagpawalang-halaga?
Nakasalang sa sumusugbang bunganga ng baril—

Sunggaban mo, Inday, ang gayuma ng layang pinakamamahal!


68

TUNGKOL SA AWTOR [for translation into Filipino]

E. SAN JUAN, Jr. is currently Research Fellow of the Harry Ransom Center, University of
Texas, Austin, He was recently a fellow of the W.E.B. Du Bois Institute, Harvard University;
Fulbright Professor of American Studies in Leuven University, Belgium, and visiting professor
of literature at National Tsing Hua University and Tamkang University, Taiwan. He served
previously as a fellow of the Center for the Humanities and visiting Professor of English,
Wesleyan University; professor and chair of the Department of Comparative American Cultures,
Washington State University (1998-2001);Fellow at the Institute for the Advanced Study of the
Humanities, University of Edinburgh, Scotland; and visiting professor at the Universita degli di
studi Trento, Italy. He was a Rockefeller Foundation fellow at the Bellagio Study Center, Italy,
in 2006 and visiting professor of Comparative Literature and English at the University of the
Philippines in 2008.

San Juan’s book Racial Formations/Critical Transformations won awards from the Association
for Asian American Studies and the Gustavus Myers Center for Human Rights. He received the
1994 Katherine Newman Award from the Society for the Study of Multi-Ethnic Literatures in the
United States and the 1999 Centennial Award for Achievement in Literature from the Cultural
Center of the Philippines. His collected poems in Filipino written in the last four decades, Alay
sa Paglikha ng Bukang-liwayway, was published by Ateneo de Manila University Press; and a
new collection of poems, Sapagkat Iniibig Kita, was released in 2005 by the University of the
Philippines Press, Quezon City, Philippines.

San Juan received his A.B. magna cum laude from the University of the Philippines, his M.A.
and Ph.D. from Harvard University. He has taught English and Comparative Literature at the
University of California, Brooklyn College (CUNY), University of Connecticut, and Bowling
Green State University. He was 1987-88 Fulbright lecturer at the University of the Philippines
and Ateneo de Manila University. He is one of the internationally distinguished writers included
in the HarperCollins World Reader. He serves on the editorial board of Amerasia, Cultural
Logic, Left Curve, Atlantic Studies, Kritika Kultura, Humanities Diliman, and many other
69

international journals.

San Juan's books include: Beyond Postcolonial Theory (Palgrave/St. Martin's Press); From Exile
to Diaspora: Versions of the Filipino Experience in the United States (Westview Press);
Hegemony and Strategies of Transgression: Essays in Cultural Studies and Comparative
Literature (State University of New York Press); The Philippine Temptation: Dialectics of U.S.-
Philippines Literary Relations (Temple University Press); Mediations: From A Filipino
Perspective (Anvil Publishing Co.); Allegories of Resistance (University of the Philippines
Press), History and Form (Ateneo de Manila University Press); and Racism and Cultural Studies
(Duke University Press). After Postcolonialism: Remapping Philippines-US Confrontations
(Rowman and Littlefield) won the 2001 Myers Distinguished Book Award. His collection of
essays in philosophy and cultural studies, Working Through the Contradictions: From Cultural
Theory to Critical Practice (Bucknell University Press), was released in 2004.

His recent books are: Balikbayang Mahal: Passages from Exile (LuLu.com); US Imperialism
and Revolution in the Philippines (Palgrave); In the Wake of Terror: Race, Ethnicity, Nation and
Class in the Postmodern World (Lexington), From Globalization to National Liberation
(University of the Philippines Press), Critique and Social Transformation: Lessons from Antonio
Gramsci, Mikhail Bakhtin and Raymond Williams (Edwin Mellen Press); Toward Filipino Self-
Determination, Beyond Transnational Globalization (State University of New York Press); Rizal
in Our Time (Anvil), and Critical Interventions (Lambert Academic Publishing, Saarbrucken,
Germany).

You might also like