Professional Documents
Culture Documents
“Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, houag hahaluan nang
cahambugan, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambong, na isinagot nang causap.”
Mula sa Urbana at Feliza
Pari Modesto de Castro
Sinasaklaw ng kabanatang ito ang mga panitikang nangingibabaw at nakilala noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Pagtutuunan ng pansin ang mga sanligang kasaysayan at impluwensiya
ng mga Kastila sa panitikang Pilipino, mga unang akdang panrelihiyon at pangwika, mga unang
tula, makata at kantahing-bayan at dulang pantahanan, pantanghalan at panlipunan.
Aralin 6: Ang Panitikan sa Panahon ng Pagdating ng mga Kastila (Unang Akdang Panrelihiyon at
Pangwika)
Mga pangyayaring pangkasaysayan
Para sa higit na pag-unawa sa katangian, anyo at uri ng panitikan sa panahong ito, tutunghayan
natin ang mga pangyayaring sanligan ng panitikan sa panahong ito.
1. Ang pagpapalaganap ng relihiyong Katolika Apostolika Romana ang pangunahing hangarin ng
mga Kastila sa pagdating sa ating kapuluan. Kalakip na rin sa hangaring ito ang hangaring
mapaunlad ang kanilang hanapbuhay na pambansa gayundin ang pagpapalawak ng kanilang
lupaing nasasakupan.
2. Pinangalanan ni Villalobos ang mga kapuluan ng "Felipenas" o "Felipinas" na naging Pilipinas.
3. Tinangka rin naman ng mga ninunong Pilipinong kinabibilangan nina Pendula Magat Salamat,
Tamblot, Dagohoy, Diego Silang. Palaris, Manong Pule atb, ang magbangon sa panahon ng
pamahalaang Kastila subalit ang mga pagbabagong ito ay pawang nabigo sapagkat hindi pa
nakikilala ng mga Pilipino ang pagkakaisa at nasyonalismo.
4. Ang mga Intsik, Hapon, Olandes at Ingles ay nagtangka ring lumusob sa Pilipinas subalit ang
mga Ingles lamang ang nagtagumpay na nanakop noong mga taong 1762-1764.
5. Ang sining. siyensya at kagalingang panlipunan ay nabigyang kasiglahan sa pamumuno ni
Gobernador Jose Basco (1778). Ang mga pamilyang Pilipino ay binigyan ng apelyidong Kastila
sa panahon ng pamumuno ni Claveria (1849).
Ang pamumuhay at pagpapahalaga ng mga Pilipino ay maliwanag na naimpluwensyahan ng mga
Kastila. Ang pananamit, sining, musika, kaugaliang panlipunan at panrelihiyon ay naikintal sa
kulturang Pilipino. Nakipagkalakalan sa Espanya at Europa. Nagkaroon ng mga bahay na bato, ng
mga karwahe, tren at bapor. Nagsimula ang makukulay na piyesta ng bayan at mga pagdiriwang
na parangal sa mga santo, sa Papa at sa mga gobernador. Natuto sila sa mga libangan tulad ng
sabong, karera ng kabayo atb. Nagbasa sila ng mga pahayagan, pumansin sa mga suliraning
pampamahalaan at nagpaaral ng mga anak sa mga kolehiyo at pamantasan sa Maynila at Europa.
Barlaan at Josaphat
Ang Barlaan at Josaphat (1708) ay ang una't pinakamakabuluhang salin sa Tagalog ng prosang
umiinog sa buhay ng dalawang santo. Ang buong pamagat ng aklat ay Aral na tunay na totoong
pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan
at ni Josaphat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno na salin sa Tagalog ni Fray Antonio de
Borja.
Ang akda ay tungkol kay Josaphat na kahit na iniiwas na ng amang si Abenir ng India sa pagiging
katoliko, ang kagustuhan din ng Maykapal ang nasunod sapagkat si Barlaan, isang pari, ang
naatasan ng Panginoon upang gawing Kristiyano si Josaphat. Sa wakas, pati na si Abenir ay naging
kristiyano.
Tandang Basiong Macunat
Ang Tandang Basiong Macunat (1885) ay akda ni Miguel Lucio Bustamante. Hindi minabuti ng
mga Pilipino ang akdang ito dahil sa pamamaraan ng pagpapayo ng may-akda na isinabibig ng
kurang tauhan sa nobela. Binanggit dito na ang matsing daw bihisan man ng makisig ay matsing
pa rin. Dito ay inilalahad na hindi nararapat pag-aralin ang anak sa Maynila sapagkat nabubuyo
ito sa masamang bisyo at hindi nakakatapos ng pag-aaral. Ang mga nasabing kabataan daw ay di
dapat pag-aaralin sapagkat mananatili pa ring masama.
Urbana at Feliza.
Ang "Urbana at Feliza" na ang buong pamagat ay "Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si
Urbana at si Feliza" ay binubuo ng palitan ng liham ng magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay
nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay
puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba't ibang
pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung
paano maiilagan ang mga ito. Ang paksa ng mga sulat ay naglalaman ng mga sumusunod:
Sa katungkulan sa bayan Sa pagpasok sa paaralan
Ang pakikipagkaibigan Ang kaasalan sa sarili
Sa piging Ang salitaan
Paglagay sa estado
SA SALITAAN
Si Urbana cay Felisa-MANILA....
FELIZA: Sa malabis na cadungoan nang manga bata cun quinacausap quiquilingquiling, hindi
mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na nang matanda ó mahal cayang tauo, ang
marami ay quiquimiquimi at houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap
sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.
Cung mangungusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susucatin,
huag magpapalampás nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun
naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t,
ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.
Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, houag hahaluan nang
cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. Fúú,
Fúú, na ang cahulugan ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon
sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo't, cucuha aco nang gunting at
gugupitin co ang labis.
Sa paquiquipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa qu usap, at cun macaquita nang mabuting asal
sa iba, at sa ibai, cahangalan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán nguni, ang
nagcamali ay houag alipustain, sapagcat, ang magpautang nang masama, malaot, madali ay
pagbababayaran. Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol
ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid
ay sa bait. Caiingat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
Sa pagsasalitat i houag cucumpáscumpas, ilagan ang ingay, at nang di nacabibingi; masama rin
naman ang totoong marahan, sapagcat, nacayayamót sa quinacausap.
Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagcat,
ang mapagmapuring tauoi, bucód pinaniniwalaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa
salitaan. sa di
Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansangin paraaning parang hangin, at nang houag
pagmulan nang usap.
Cun macatama nang isang matabil, na di nangangauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal,
ilagan ang catabilán, sapagcat, nacayayamot sa causap. Ngunit, cun masama ang matabil na lubha,
ay masamá rin naman ang magasal tangá, na nacatingala na parang napahuhula. llagan ang
catabilan, at ayon din ang catangahan.
Houag maghihicáb ó mag-iinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halaga ang causap.
Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano
pa ngat, sa pagsasalitai, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag
mong gauin sa capua mo tauo.
Cun icao Feliza i may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic
na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man-
ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim,
ay pacaingatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.
Sa pagsasalita i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagcat, cun tapos na ang toua at salitá, at pagisip-
isipin ang guinaua, ay ang natitira i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuya, ay isaloob mo yao,i, nagmula sa caniyang
magandang loob, at di sa iningat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun
may pinupuri ca sa harap, ay iingatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing siya i tinutuya
mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacalit, matanda, guinoó ó mahal, ay houag iparis
sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capangitan,
sapagca,t, pangit man at maganda, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang
nagpaquita nang canilang gauá, 6 magsaysay nang canilang abilidad ó carunungan, ay tapunan
nang caunting puri, at palibhasa.i, siyang nasa.
Sa pagsasalita,i cun may mamali ó magalangan nang pagsasabi, ay houag pan-gunahan. At cun
macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at housg namang italicód ang
muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa
lamang, ang tatapunan nang salita at tatalicdan ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling
calooban. Ngunit, cun may mataas na fauo sa mga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di
carapatang paualang halaga ang iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig
ilihim.
Cun ang manga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang
isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagayan. Adios
Feliza.-URBANA.
Mga dalit kay Maria
Ang mga dalit kay Maria ay nakaugalian nang awitin kung buwan ng Mayo sa Bulacan, Nueva
Ecija, Cavite, Batangas, Rizal at Quezon. Sumulat si P. Mariano Sevilla, isang paring Pilipino ng
mga dalit. Ang paksa ng mga awit ay pagpaparangal at pagpupuri sa Mahal na Birhen.
Mula sa unang imno:
Matamis na virgeng pinaghahandugan
Cami nangangako naman pong mag-alay
Nang isang guirnalda bawat isang oras
At ang magdudulot yaring murang camay
Coro:
Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
Sa mahal mong noo'y aming icacapit;
Lubos ang pag-asa't sa iyo'y pananalig
Na tanggapin mo handog na pag-ibig
(Mula sa aklat na “Panitikan ng Pilipinas nina J.V. Panganiban, C.T. Panganibanat G.E. Matute,
Edisyon 1992)
Tomas Pinpin
Si Tomas Pinpin ay kilala bilang unang Pilipino-Intsik na manunulat tinaguriang "Ama ng
Manlilimbag sa Pilipino". Ang araw ng kapanganakan ni Tomas Pinpin ay hindi naitala, subalit
pinaniniwalaang siya ay isinilang sa pagitan ng mga taong 1580 at 1585 sa Abucay, Bataan.
Nag-aral ng paglilimbag si Tomas Pinpin sa pagtatapos ng taong 1608 sa isang imprenta sa bayan
ng Abucay na pag-aari ng isang Dominiko. Noong 1610, nilikha niya ang pamosong aklat na "Arte
y Reglas de Lengua Tagala", ang kauna-unahang aklat na nailimbag tungkol sa wikang Tagalog.
Noong 1612, inilimbag niya ang "Vocabulario de Lengua Tagala" ni Padre San Buenaventura.
Ipinalimbag niya ang kanyang aklat na "Librong pag-aaralan ng mga Tagalog ng uicang Castila"
at dito ay kasama ang isang tula niyang may kahalong wikang Kastila:
O ama con Dios, o gran Dios me padre
Tolongan mo aco,quered ayudarme;
Amponin mo ako, sedme favorable;
Nang mayari ito;por que esto se acabe,
At icao ang purihin,y a vos os alaban (1610)
Fernando Bagongbanta
Si Fernando Bagongbanta ay kilala at ang kanyang mga akda sa binyag na "ladino" na ayon sa
mga teksbuk sa panitikan ay isang makata o tulang bilinggwal. Sa mga kolonya ng mga Espanyol
noon, tinatawag na "ladino" ang mga katutubong "Latinisado" o natuto ng wikang Espanyol.
Narito ang madalas sipling saknong ng kanyang tulang tila tambalang tinig sa dalawang wika:
Philipe de Jesus
Si Philipe de Jesus ay itinuturing na siyang kauna-unahang tunay na makata. Mula siya sa San
Miguel, Bulacan.
noong panahon ng May mga dulang pantahanang nakilala Kastila. Kinagiliwang libangan ang mga
ito ng mga Pilipino sa mga pagkakataong sila'y nagkatipun-tipon. Pagtutuunan ng pansin ang mga
ito sa araling ito at mga ito. susuriin din ang mga kasanayan at kaugaliang nalilinang sa
pagsasagawa sa
Karagatan.
Ito'y isang paligsahan sa tula na isinasagawa sa mga lamayan. Nilalaro ito bilang parangal sa isang
namatay. Sa gitna ng gumaganap na hari ay umuupo nang pabilog ang mga kasali rito. May iba't
ibang paraan ng pag-uumpisa sa larong ito depende sa pook na pinagdarausan. Maaaring maghagis
ng isang nakabuhol na panyolito ang hari sa mga lalaki at magalang na pagsasalitain. Sasaluhin ng
lalaki ang panyolito, ihahagis ito sa mga babae at bibigkas naman ng tula ang nakasalo. Ang panyo
ay ihahagis naman ng mga babai sa ibang lalake hanggang sa makaganap ang lahat.
Ngunit ang pinakapalasak ay ang pagsisimulang nakasalig sa isang alamat na nauukol sa isang
dalagang nakahulog ng singsing sa dagat. Ang binata'y bibigkas ng inihandang tulang nagsasaad
ng mga paraang maaaring halos imposibleng mga pangyayaring nagsasabi kung paano niya
masisisid ang mahalagang singsing. Karaniwang sinisimulan ang laro sa mga sunusunod:
Duplo
Tinukoy sa aklat na "Ang Ligaya sa Hapis at ang Kaaliwan ng mga Olila o ang Libangang Duplo"
ang dalawang layon ng larong duplo: (1) ang pang-aliw ng hapis, pang-aliw sa naulila, pang-aliw
sa may kalungkutan at (2) pangtalas ng kaisipan. Kasama pa rito ang duplo bilang parangal sa
kaluluwa ng isang yumao.
Walang iisang paksa sa duplo. Maaaring magpaulit-ulit ang sitwasyong lunsaran ng mga pagtatalo
subalit hindi tiyak ang hahantungan nito.
Gayunpaman, sa isang pag-aaral na ginawa sa duplong nilalaro sa Nueva Ecija, may mga naitala
na kategorya ng paksa sa duplo.
Hindi limitado ang mga duplero sa iisang uri ng paksa. Gayunman, ipinahihiwatig ng termino
nilang tinigpas na may herarkiya ng paksa sa duplo at nasa tuktok nito ang mga paksang relihiyoso.
Ang iba pang mga karakter ng duplo ay ang fiscal, punong-abala. embahador, numero at agregado.
Kapag ang duplo ay may romantikong tema, ang pagkakaayos ng mga manlalaro ay iniiba. Sila ay
nakaupo sa isang bilog, kasama ang hari na nakaupo sa gitna. Ang hari na siyang nasa dulo ng mga
bilyako at bilyaka ay napili mula sa mga higit na iginagalang at pinakamatatalino.
Bago mag-umpisa ang isang duplo, ang hari ay nagsisimula sa pagsasabi ng isang Ama Namin,
Aba Ginoong Maria, at isang Requiem para sa namatay. Pagkatapos ng dalangin, isisigaw ng hari
ang "Numeracion". Ang mga kasali naman ay sasagot nang "Tribulacion. Pagkatapos ay sasabihin
ng hari na nawawala mula sa kulungan ang kanyang kinagigiliwang alagang loro at hindi niya
alam kung sino ang kumuha. Isang bilyako ang titindig at pagbibintangan ang kaharap na bilyaka,
na may numero singko halimbawa ang kumuha. Ipagtatanggol ng bilyakang napagbintangan ang
sarili. Kung minsan isang bilyakong may pagtingin sa napagbintangang bilyaka ang magtatanggol
para sa kanya. Dito na mag-uumpisa ang isang nakaaaliw na pagtatalong patula.Nagpapalabasan
na ng husay sa pagtula ang mga duplero. Ang natatalo sa pangangatwiran nang patula ay
karaniwang napaparusahang bumigkas ng dasal na patungkol sa kaluluwa ng yumao.
Huego de Prenda
Ang larong ito ay may kaugnayan din sa isang yumao. Ang pinuno ng laro na tinatawag na hari o
punong halaman ay nakaupo sa gitna ng isang pulutong ng mga kabataang lalaki at babae.
Magkakaharap ang mga ito sa ayos na pabilog. Nararapat bumigkas ang bawat kasali ng mga
pananalitang patula kapag tinawag ng hari. Tatanggap ng parusa ang hindi makakabigkas ng
tula.Sa larong ito nakapaghahayag ang isang binata ng lihim niyang pag-ibig sa dalaga.
Narito ang isang halimbawa ng huego de prenda na mula sa Panitikang Filipino nina Consolacion
P. Sauco.
Ang pagtatanghal ng mga panoorin ay naging instrumento rin ng mga Kastila upang ipalaganap
ang kristyanismo. Ang mga pagtatanghal na ito ay hindi tunay na dula sa tunay na kahulugan
sapagkat wala itong mahahalagang sangkap tulad ng banghay, kaisahan, tunggalian, paksang diwa,
kapanabikan at pangunahing tauhan. Gayunpaman, madaling nakaakit ito sa mga Pilipino sapagkat
sila'y nabigyan ng papel na gagampanan sa mga pagtatanghal.
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay namayagpag ang kalakalang galyong
Manila-Acapulco. Dala ng nasabing matinding pakikipagkalakalan ay hindi lamang mga
kanluraning produkto, kundi maging mga tradisyon at kaugalian.
Panunuluyan
Batay sa mga naiwang tala, taong 1580 nang ipakilala ni Santo Ignatius de Loyola ang pagdadasal
ng Pamaskong Novena bilang pag-alala sa eksena ng natibidad. Sinubukan namang gawing isang
pagtatanghal ni Santo Juan ng Krus ang nasabing eksena at makalipas ang pitong taon ay
pinagyaman ng mga misyonerong Espanyol sa Mexico ang nasabing pagtatanghal at tinawag itong
posadas.
Ibang Bersyon
Nang makarating sa Pilipinas ang posadas, binago ng mga Filipino ang ilang elemento nito batay
na rin sa kaugalian at tradisyon nila. Nagkaroon din ng iba't ibang katawagan sa ritwal na ito:
Panunuluyan para sa mga Tagalog, Panawagan para sa mga Caviteño, Kagharong para sa mga
Bicolano at Daigon, Pakaon o Patores sa mga Bisaya.
May dalawang anyo ang tradisyong ito - una ay pagsasadula ng mga aktor at aktres ng eksena ng
natibidad, at ang pangalawa ay gamit naman ang ang mga banal na rebulto nina Santo Jose at Santa
Maria. Sa unang anyo, ang isang barangay o parokya ay pumipili nga mga aktor at aktres na
magpapanggap at dadamitan kahalintulad ng sa banal na mag-asawa. Sakay ng karitela o
naglalakad, ang dalawa ay magbabahay-bahay na animo'y humihingi rin ng masisilungan.
Kadalasan ay tinatanglawan ng mga tao sa simbahan ang kanilang dinadaanan gaya ng tala na
siyang naging gabay ng tatlong mago sa paghahanap ng sabsaban ni Hesukristo. Ang simbahan
ang siyang dulo ng prusisyon.
Sa ikalawang anyo, ang mga rebulto nina Santo Jose at Santa Maria ay pinapalitan din ng anyo.
Muli silang pinagdadamit busabos gaya ng kasuotan nila sa kanilang paglalakbay. Si Maria ay
nilalagyan ng unan o kahit anong pampalaki ng tiyan upang siya'y magmistulang nagdadalantao.
Maytinis (Imus, Cavite) Hango ito sa salitang Latin na Matinis na nangangahulugang "mga
salitang sumasamba sa Panginoon." Sa halip na naglalakad ang mga tauhan ng palabas, si Santa
Maria ay nakasakay sa isang bisiro na ginagabayan naman ni Jose. Sa kanilang unahan ay isang
ceriales, at dalawang tukod ng kandila na tangan ng dalawang batang lalaki. Kasama rin sa
prusisyon ang ilan sa mga naninirahan sa barangay na siyang nagisislbing mga tanglaw sa daanan
ng banal na mag-asawa. Isa-isang kinakatok ng mag-asawa ang mga pintuan ng bawat tahanan at
sinasambit ang mga kahilingang sila'y patuluyin sa tahanan kahit man lang para sa magdamag.
Ang mga may-ari naman ay kani-kaniya ang pagtanggi na patuluyin ang mag-asawa. Kasabay nito,
ang mga kasama sa prusisyon ay tuloy sa pag-awit ng mga himig pampasko.
Senakulo
Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba
Kadalasang pang tekstong apokripa. ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan.
Ang magkakaibigan, magkakamag anak at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at
palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa
suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan matitingkad na kulay. at
may matitingkad na kulay.
Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa
panonood.Karaniwan ding makikita ang iba't ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng
senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng
pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat eksena.
Sa mga ibang lugar, ay mayroon nang makabagong bersiyon ng senakulo, tulad ng sa Morong,
Rizal. Tatlong araw ginaganap ang senakulo dito. Nagsisimula sa araw ng Miyerkules Santo at
nagtatapos sa araw ng Biyernes Santo. Kabataang mahuhusay sa pag-arte ang gumaganap dito na
siyang dahilan upang dayuhin at makaakit ng mga taga ibang lugar. Hinahaluan na rin ng komedya,
pagliligawan at epektong biswal ang makabagong bersiyon ng senakulo.
Pista ng Moriones
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion
ay nangangahulugang "maskara" na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong
panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na
nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longinus. Ang isang
linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng
Pagkabuhay.
Umpisa pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamamayang nagtitika ay nagsusuot ng mga damit
na mistulang sundalo sa sinaunang Roma o senturyon. Ang kanilang matitingkad na costume
gayon din ang makukulay na mga maskara ay nakakapagbigay ng paniniwala na sila ay matatapang
at malulupit na mga sundalo sa kanilang paglibot.
Sila ay gumagawa ng mga practical jokes sa mga lokal o di kaya ay tinatakot ang mga bata. Ang
iba naman ay nag-iiba ng boses na mistulang tinig ng ibon. Kasama sa pagpepenitensya nila ay
ang pagitiis na maglakad at maglibot sa buong bayan sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Ang
kagawiang ito ay ang pagsasadula sa paghahanap ng mga senturyon kay Longinus.
Ayon sa alamat, si Longinus ay isa sa mga sundalong bulag na nakasaksi sa pagkapako ni
Hesukristo ay ibinaon ang kaniyang espada sa tagiliran ni Hesukristo upang matiyak na siya ay
tunay na patay na. Tumilamsik ang dugo sa matang hindi nakakakita ni Longinus at himalang ito
ay biglang gumaling at nakakita. Dahil dito, siya ay nagbalik-loob at naging isang Kristiyano.
Hinabol ng mga sundalo si Longinus sa buong kabayanan hanggang siya ay nahuli at iniharap sa
isang aktor na tumayo bilang si Ponsyo Pilato. Ang iba ay tumayo bilang mga Pariseo upang
husgahan siya at noong Pasko ng Pagkabuhay, si Longinus ay hinatulan sa kaniyang pagbabago
ng relihiyon sa pamamagitan ng pagpugot.
Tibag
Ang pagpapalabas ng tibag ay may layuning malinang ang debosyon sa krus na kinamatayan ni
Hesus. Ginaganap ang pagtatanghal sa buwan ng Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija,
Bataan at Rizal.
Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino kasama ang mga sundalong Kristyano ay maghahanap
ng krus ni Kristo sa ganap na ika-3:00 ng hapon sa bisperas ng pista. Ang prusisyon ay karaniwang
nagsisimula sa bahay na gaganap na Reyna Elena at tutuloy sa mga bunduk-bundukan. Ang mga
tauhan ng dula ay magsisipaghukay pagsapit sa bawat bundok. Matatagpuan sa ikatlong bundok
ang krus ni Kristo. Magdidiwang ang mga mga gumaganap sa pagtatanghal kapag nakuha na ang
krus. Magdaraos ng prusisyon mula sa bundok na kinatagpuan sa krus, patungo sa simbahan. May
isang paring naghihintay roon na magsasagawa ng nararapat na seremonya sa gayong pagkakataon.
Flores de Mayo
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga mga Filipino sa buong
buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan
ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan
at kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang
ang Vatican ay nagproklama ng doktrina ukol kay Imakulda Concepcion. Ito ay unang
ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at
Pampanga.
Mga Ritwal
Karaniwang rituwal na nagaganap tuwing Flores de Mayo sa buong buwan ng Mayo ay ang
tinatawag na Alay sa Birhen o Alay kay Maria bilang debosyon kay Birheng Maria. Ang mga
mamamayan ay namumupol ng makukulay na bulaklak upang palamutian ang altar ng simbahan
tuwing hapon. Ang mga batang babae naman (na kadalasang nadadamitan ng puting baro, na
animo'y mga anghel) ay nagsasaboy ng mga bulaklak habang naglalakad papunta sa harap ng altar.
Ang mga kadalagahan naman ay may hawak na maliliit na kawayan na may letrang bumubuo sa
salitang AVE MARIA. Susundan naman ito ng mga deboto na mag-aalay ng bulaklak kay Maria
kasabay ng pag awit at pagbigkas ng rosaryo.
Ang awit para sa pag-aalay ng bulaklak ay ang sumusunod:
Bahagi ng naturang okasyon ang kaugaliang pagdaraos ng siyam na araw na nobena bago ang
Flores de Mayo. Sa ibang mga parokya, ang tugatog ng selebrasyon ay ang prusisyon na tinatawag
na Santacruzan. Ito ay pagdiriwang sa pag-alaala sa pagkakatagpo ng Banal na Krus sa Herusalem
ni Santa Elena, ang ina ni Prinsipe Constantino. Sa selebrasyong ito, ang mga kabataang babae ay
nakasuot ng magagarang pormal na damit na sumasagisag sa "Accolades of Our Lady" na may
konsorteng mga kalalakihan.
Panubong o putong
Ang panubong ay isinasagawa bilang pagpaparangal sa isang may kaarawan sa isang mataas na
pinuno ng pamahalaan o isang tanyag. Ang pinararangalan ay nakaupo sa gitna ng bahay. Siya'y
nakapagitan sa dalawang anghel. Dalawang taong may hawak na kandila ang magpuputong ng
koronang bulaklak at isang pangkat ang umaawit at nagsasabog ng mga bulaklak sa harap ng
pinararangalan. Ang mga manonood ay maaaring makisabog din ng bulaklak o barya. Maraming
awit na ginagamit ang mga nagbibigay-parangal, Pagdating sa trangkahan ay umaawit na sila,
anyayahan sila ng maybahay na tumuloy. Ang mga magpuputong ay muling aawit habang
umaakyat ng bahay. Binibigkas nila sa pag-awit ang kahalagahan ng bawat baitang ng hagdanan.
Ipagpapatuloy nila ang pagkanta at hindi muna sila tutuloy hanggang hindi natatapos ang kanilang
awit. Matapos ang huling awit ng pagbati ay saka pa lamang sisimulan ang seremonya ng
pagpuputong ng koronang bulaklak.
Pamamanhikan
Natatanging tradisyon ito sa pag-aasawa ng ilang pangkat ng mga Pilipino. Tungkol ito sa pormal
na paghingi ng lalaki kasama ang kanyang pamilya sa kamay ng kasintahang babae sa pamilya
nito. Makikita rito ang paggalang at pagsunod sa magulang, ang malaking bahaging ginagampanan
ng magulang sa pag-ibig at pag-aasawa ng anak. Makikita rin dito ang pagpapakahirap at pagtitiis
ng isang manliligaw at ang matibay na bigkis ng pagmamahalan ng isang pamilya o angkan.
Maaaring abutin ng linggo o buwan ang pagpapalabas nito. Binubuo ito ng tatlong bahagi: bulong,
kayari at dulog. Sa bulong, magtutungo ang mga tagapagsalita ng binata sa bahay ng dalaga.
Magdadala sila ng mga regalo at ipababatid nila sa pamamagitan ng pagtula at pag-awit ang
malinis na hangarin ng binata sa dalaga. Sa unang bahaging ito ng pamanhikan, hindi isinasama
ang binata at ang dalagang kanyang naiibigang dalaga sa usapan. Matapos ito'y manunuyo na ang
binata sa pamamagitan ng paninilbihan sa loob ng isang takdang panahon. Pagkatapos ay ang
bahaging kayari na kung saan isasama na ng binata ang kanyang pamilya upang hingin ang kamay
ng dalaga. Magreregalo sila sa pamilya ng dalaga. Tutuloy lamang sila sa bahay ng dalaga matapos
ang makaitatlong ulit na anyaya ng pamilya ng dalaga. Kung sa panahon ng paninilbihan at hindi
naibigan ng dalaga o ng kanyang mga magulang ang binata. humihingi sila ng mga bagay na hindi
maipagkaloob ng binata. Kung magkakasundo ang dalawang pamilya, susunod na ang kayari. Sa
bahaging ito, itatakda na ang oras at araw kung kailan ang pag-iisang-dibdib ng dalawa. Pag
uusapan ang handa at kung ilan ang itutumbang baboy na kakatayin. Nagkakaroon ng kainan,
awitan, sayawan at inuman bilang pagdiriwang sa bahaging ito.
Hugas-kalawang
Ang ibig sabihin ng hugas-kalawang ay paglinis ng kalawang ng araro. Ngunit ang ipinagdiriwang
dito ay ang matagumpay na pagpunla ng tanim na palay. Nagpapasalamat ang magsasaka sa
mabuting ani at nagpapasalamat din sa Diyos sa matagumpay na pagtatanim sa lupa.
Kinapapalooban ito ng mga awitan, sayawan, kainan at iba't ibang uri kasayahan.
C. Dulang pantanghalan
Karilyo
Gumagamit ng mga kartong ginupit katulad ng "puppet show" na pinakikilos sa pamamagitan ng
alambre, panali at iba pa upang mapalabas na katawa-tawa at nakalilibang sa mga manonood.
Maaaring bumigkas ng diyalogo ang mga tauhan. Ang mga bumibigkas ay mga taong nasa likuran
ng tanghalan. Karaniwang itinatanghal ang karilyo sa mga panahon ng anihan sa bukid at ang mga
pinapaksa ay mga mito, alamat at pabula.
Komedya
Ito ay nagmula sa comedia ng Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang lokal na komedya ay unang
lumabas sa Latin at Espanyol sa Cebu noong 1598.
Uri ng Komedya
Sa kasalukuyan, mahahati ang komedya sa dalawang uri. Una, ay ang komedya de santo, na
sumesentro sa buhay ng mga santo, tulad ng Comedia de San Miguel sa lungsod ng Iligan; o kaya
naman ay tungkol sa mga himalang dala ng mga santo tulad ng Haybing sa Taal, Batangas; at
tungkol sa mga yugto ng buhay ng mga santo tulad ni Kristo sa comedia de misterio ng Paete,
Laguna.
Ang ikalawa naman ay ang mas sekular na uri ng komedya na tinatawag na kumedya, moro-moro,
linambay, colloquio, araquio, tibag at minoros. Ang uring ito ay tungkol sa mga labanan ng mga
kaharian ng Kristiyano sa Europa tulad ng Pransya, Espanya, Italya, Alemanya, atbp; o sa buhay
at pag-ibig ng mga dakilang Muslim at Kristiyanong karakter tulad ng Don Alejandre y Don Luis
at Orosman at Zafira.
Paksa o Tema
Ang komedya de santo ay maaaring humalaw ng mga istorya mula sa awit at korido na
nagsasalaysay ng buhay ng mga santo, o mula sa mga talambuhay ng mga santo na pinasikat ng
mga libro o ng mga sermon, o kaya naman ay mula sa mga kwentong himala na sinasabing dulot
ng mga santo.
Sa kabilang banda, ang ibang mga komedya ay kumukuha karamihan ng mga istorya, karakter at
mga linya mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian, na inilimbag bilang
libritos (pamphlets).
Ang iba pang mga tauhan ay ang pusong o locayo na nagpapatawa sa mga manonood, ang villanos
o ang mga taganayon, pastores o ang mga pastol, at ang gigante o higante.
Ang kasuotan sa komedya ay karaniwang gawa sa mga mamahaling materyales tulad ng velvet at
satin. Ito rin ay napapalamutian ng mga burda, sequins, aboloryo, balahibo at pakpak ng ibon. Ang
gayak ng bawat tauhan ay nakatutulong upang mailabas ang ideyolohikal na mensahe ng komedya.
Kung kaya, ang mga Kristiyano ay kadalasang nakasuot ng itim o ng mga mapapanglaw na kulay
tulad ng berde at asul, habang ang mga Moro naman ay nakadamit ng pula o kahel.
Ang bawat tauhan din ay may bukod-tanging kasuotan. Tulad ng hari, siya lamang ang nagsusuot
ng mahabang kapa at korona; ang reyna naman ay may tapa rin at tiara; ang prinsipe ay may isang
maliit na kapa at sumbrero na may tatlong sulok na tinatawag na trespiscos; ang mga sundalo
naman ay may mga malilit na kapa at maliliit na sumbrero.
Sarsuwela
Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa hanggang limang
kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-
ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin ay tinatawag na zarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang
hinonihan, drama-lirico at operetta.
Ito ay dumating sa Maynila noong 1879 o 1880 na may pagtatanghal ng Jugar con Fuego (Play
with Fire) ng grupo ni Dario de Cespedes. Sa mga sumunod na taon, marami pang mga grupo ang
dumating sa bansa na nagdulot ng inspirasyon sa mga Pilipino upang gumawa ng sarili nilang
orihinal na sarswela sa wikang Tagalog, Pampango, Ilokano, Cebuano, llongo at Waray.
Ang An Pagtabang ni San Miguel ang unang sarsuwela sa Waray, na may iskrip at musika ni
Norberto Romualdez. Ang Ing Managpe naman ni Mariano Proceso Pabalan Byron ang unang
sarsuwela sa Kapampangan.
Tema
Pagtatanghal
Magmula pa noong sinaunang dekada ng ika-20 na siglo hanggang sa kasalukuyan, ang sarswela
ay itinatanghal na ng mga komersyal na grupo sa mga teatro sa malalaking siyudad tulad ng
Manila, Iloilo at Cebu o sa mga entablado sa mga rural na lugar tuwing may kapistahan.
Mga pininturahang telon ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena. Nakikilala naman ang bida at
kontrabida sa pamamagitan ng kanilang pag-arte at pananamit. Isang maliit o malaking orkestra
ang sumasabay sa mga kanta, na karaniwang isinasama ang kundiman, balitaw, balse, danza, fox-
trot at kung anuman na sikat sa naturang panahon. Isang pangkalahatang direktor ang nagsasanay
sa mga aktor at nakikipag-ugnayan sa direktor ng musika, na kumukumpas ng orkestra; maestro
del coro (choir master), na nagsasanay sa pag-awit ng mga aktor; tramoista (technician), na
gumagawa ng mga telon at props; electricista na nangangalaga sa ilaw na gagamitin sa sarswela;
apuntador (prompter) na nagdidikta mula sa concha (shell) sa harap ng entablado; at ang iba pang
mga tauhan na kasama sa pagtatanghal.
Ang awit at kurido ay mga akdang pampanitikang nakilala noong panahon ng mga Kastila. Ang
komedya at sarswela ay nag-umpisa ring nakilala noong mga panahong iyon. Kung ano ang mga
ito at kung bakit naging napakapopular ng mga ito sa panahong nabanggit ay ang tuon ng araling
ito.
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong,
na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay
isahan (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).
Karaniwang paksa ng awit ang pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit ang iba'y tumatalakay din sa
mga alamat at relihiyosong tula. Sa pag-aaral ng batikang mananaliksik Damiana L. Eugenio, ang
awit ay walang ikinaiba sa kurido, maliban lamang sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang
awit, gaya ng kurido, ay nagtataglay ng tatlong elemento. Una, ang pag-iibigan. Ikalawa, ang
relihiyoso at pangangaral. At ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas.
Inilalahad ng awit ang pag-ibig ng magkasintahan o magkabiyak, ang pag ibig ng anak sa
magulang, at ang pag-ibig sa lupang sinilangan. Samantala, nabubudburan naman ng mga
pangangaral ang ilang usapan sa loob ng mga taludtod, ngunit ang ganitong gawi'y hindi lamang
mauugat sa banyagang impluwensiya ng relihiyosong pangangaral dahil nagtataglay na ang mga
katutubong tula, gaya ng tanaga, dalit, at diona, ng gayon at maihahalimbawa ang naitala sa
Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro Sanlucar. Ang
kahima-himala at kagila-gilalas sa mga awit ay may kaugnayan sa puwersang supernatural, gaya
ng diyos o santo, na namamagitan sa mga tao at pangyayari sa pamamagitan ng himala.
Nagkakaroon ng lakas ang mga tao, at malulutas nila ang mga balakid sa landas ng kanilang
pangarap.
Nananatiling lihim din magpahangga ngayon kung sino ang kumatha ng karamihan sa mga awit
na nalathala noong bago mag-ika-19 siglo. Pinakapopular sa lahat ang Florante at Laura ni
Francisco (Balagtas) Baltazar na itinuring ni Jose Rizal na pinakamahusay na awit noon, at
nagtataglay ng mga diwaing masasalamin umano sa lipunan.
Ayon sa paglalarawan ni Dr. Damiana L. Eugenio sa kanyang aklat na Awit and Corrido:
Philippine Metrical Romances, ang kurido ay mahabang salaysay na nasa berso na itinatanghal
ang katangian (karangalan, katapangan, pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng kabalyero noong
Edad Medya; ang relihiyon, ang alamat at ang kuwentong bayan. Ang 'korido' ay ang
pinakapopular na porma ng panitikan noong panahon ng pananakop ng Espanya. Ito ay matinding
naimpluwensyahan ng banyagang panitikan. May iisang disenyo ito ng taludtod, monoriming at
assonant quatrain;at nag-iba-iba ang haba, simula sa ilang daan hanggang sa ilang libong linya.
Ayon sa mas detalyadong paglalarawan ni Trinidad H. Pardo de Tavera, isang natatanging iskolar
na Filipino, ang kurido ay kwentong nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari, minali
("falsified") at maguniguni ("fanciful"); trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente,
sinamahan ng banal at kagila-gilalas na pangyayari at mala-demonyong madyik lahat mahaba,
malabis, puerile, at hindi makatuwiran sa sukdulan. Walang isa man sa tauhan ay katutubo. Lahat
ay Turko, Arabo, kabalyero, ambassador, duke, mandirigma, na may madyik na braso at balsamo
katulad ng tanyag na si Fierablas, mabubuting Kastila at masamang estranghero. Lahat ng tauhan
ay iba sa buhay Pilipino dahil hawig lang sila ng totoong tao nang hindi alam na mga pook at
kagila-gilalas na mga lipi.
May iba't ibang tawag dito sa iba't ibang lalawigan.'Corrido' ang tawag sa romances na llongo,
Cebuano, at Bicolano. Ito ay 'kuriru' sa Pampango; 'biag' (buhay) o 'pinagbiag' sa Ilocano; at
'impambilay' sa Pangasinan] (D. L. Eugenio, "Metrical Romances," Encyclopaedia of the
Philippines: Literature. Sa panitikang Tagalog ang corrido ay tinatawag na 'buhay' at 'historia',
hawig sa Ilokonong 'blag' o 'pinagbiag'. Hawig din sa kahulugan ng salitang 'bida' o 'vida' ng
Visaya (Resil Mojares, Origins and Rise of the Filipino Novel.
Maaaring nakapasok sa Pilipinas ang kurido noong dantaong 1600 sa pamamagitan nina Miguel
Lopez de Legaspi. Naging napakatanyag ito noong ika-19 siglo hanggang ika-20 siglo. Sa
pagpasok ng modernong babasahin, humina ang katanyagan nito. Naobserbahan ang pagtanyag
muli ng awit at kurido sa huling bahagi ng siglo, na maaaring bilang isang gawaing eskolar o
maaring bilang bahagi ng pagsusumikap ng mamamayan na matuklasan ang kanilang sarili bilang
bansa.
Si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa
katagalugan. Isinilang siya sa Tundo, Maynila noong Disyembre 20, 1746. Hindi siya nakapag-
aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya
Teolohiya. Cit
Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng
pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may
nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw.
Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula
Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang nakilala sa pagsulat ng kurido sa kasaysayan ng
Panitikan. Ang dalawa niyang kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.
Mula sa kanyang panulat ang mga kuridong Clarito, Adela at Fiorante, Flora at Clavela. Doce
Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo.
Si Francisco Baltazar y dela Cruz (Abril 2.1788 Pebrero 20,1862), kilala rin bilang Francisco
Balagtas na kaniyang tunay na pangalan, ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda
ng Florante at Laura. Tinaguriang "Hari ng Makatang Tagalog," siya ay nagsulat ng mga tula, awit,
komedya, at korido na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa dambana ng mga
makatang Tagalog. Siya ay may palayaw na Kiko.
Matapos na makapag-aral ng katekismo, nagtungo siya sa Tondo noong 1799 upang manilbihan
sa kanyang tiyahing nagpaaral sa kanya sa Colegio de San Juan de Letran at sa Colegio de San
Jose. Nagpakadalubhasa sa mga kursong Latin, Español, humanidades, at batas,si Baltazar ay
nakapagtapos sa pag-aaral noong 1812. Malaki ang naging impluwensiya ni Jose dela Cruz (o
Huseng Sisiw) sa kanyang pagsusulat ng mga tula, awit, at moro-moro.
Noong 1835, sa edad na 47, si Baltazar ay nagtungo sa Pandacan, Lungsod Maynila at dito nakilala
niya si Maria Asuncion Rivera. Umibig siya kay Maria ngunit naging mahigpit na karibal niya ang
isang mayamang na si Mariano Capule. Ginamit ni Capule ang kanyang yaman at impluwensiya
upang maipakulong si Baltazar. Pinaniniwalaang isinulat niya ang kanyang pinakamahusay na
akda, ang Florante at Laura, sa loob ng piitan.
Nang makalaya siya noong 1838, siya ay nagtungo sa Balanga, Bataan upang maging kalihim ng
isang hukom. Nakilala niya ang mayaman at mestisang si Juana Tiambeng na siyang nagtustos sa
paglalathala ng Florante at Laura sa palimbagan ng Kolehiyo de Santo Tomas. Sinasabing sa bayan
ng Orion, Bataan, sumapi si Baltazar sa isang lihim na pangkat ng mga rebelde na lumalaban para
sa kasarinlan. Bagamat isang Bulakenyo, si Baltazar ay nakahugot ng inspirasyon sa Bataan upang
sumulat ng mga pinakamahuhusay na literatura.
Taong 1849 ng simulan niyang gamitin ang apelyidong Baltazar, matapos na ipag-utos ni Gob.
Hen. Narciso Claveria sa mga Filipino na gumamit ng apelyidong Español o Tagalog mula sa isang
listahan.
Sa simula ng awit ay makikita ang isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng
malawak na gubat sa labas ng kahariang Albanya na pinamumugaran ng mababangis na hayop,
nakalulunos na huni ng mga ibon, naglalakihang mga punongkahoy na may masasangsang na
amoy. Ang binatang ito ay si Florante, anak ng mag-asawang Duke Briseo at Prinsesa Floresca na
kapwa taga Albanya. Nagkataon namang sa gubat ding yaon ay napadako ang isang Morong taga
Persya na anak ni Sultan Ali-adab na dahil sa sama ng loob sa kanyang kasintahan ay umalis sa
sariling bayan.
Ang mga panaghoy ng nakagapos ay tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan, ang
pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan, ang
akala niyang pagtataksil ni Laura, ang pagkapatay sa hari at mga alepores nito kasama na ang
kanyang ama ay narinig na lahat ni Aladin kaya tinunton niya ang boses na pinanggalingan ng
pananaghoy at ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makitang sisilain na lamang ng
dalawang leon ang binata. Hindi siya nagdalawang-isip bagamat magkaaway ang kanilang bayan
at hindi sila magkarelihiyon. Hindi siya nag-atubiling patayin ang dalawang leon nakaambang
silain si Florante. Pagkatapos na mailigtas niya ang binata ay kinalagan niya ito ng gapos at
pinagyaman sa buong magdamag. na
Kinabukasan hiniling ni Aladin kay Florante na nais niyang malaman kung bakit siya napapunta
sa gubat. Hindi naman nag-atubili ang una kaya't isinalaysay niya kung tagasaan siya, ang
mahahalagang pangyayari noong siya'y bata pa at nang siya'y labing isang taong gulang na ay
ipinadala sa Atenas upang mag-aral. Dito niya nakilala ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde
Sileno na tampulan ng paghanga ng kanyang mga guro, sampu ng kanyang mga kamag-aral dahil
sa katalinuhan at kagandahang-asal. Subalit sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante
ay nahigitan niya si Adolfo at dito na nahubdan ng balatkayo at lumabas ang tunay na pagkatao
nito. Lalo itong nahalata nang minsang magtanghal sila ng dula at sa halip na sundin ang iskrip ay
tinutoo ni Adolfo na ulusin ng taga si Florante, salamat na lamang at nailigtas siya ni Menandro,
ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan ay pinauwi na si Adolfo sa Albanya.
Samantala, namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang tumanggap siya ng sulat
buhat sa ama na nagbabalitang namatay ang kanyang mahal na ina. Laking sama ng loob ang
idinulot nito sa kanya. Pagkalipas ng dalawang buwan ay isang sulat ang kaniyang tinanggap na
nagsasaad na umuwi na sa Albanya.
Nagkataon naman nang umuwi si Florante ay humihingi ng saklolo ang hari ng Krotona na nuno
niya sapagkat ang bayan nila ay sinasalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral Osmalik.
Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo at sa pagpupulong ng mga pinuno ay
nagpagpasiyahang si Florante ang namumuno sa hukbong magtatanggol sa Krotona.
Samantalang nasa palasyo si Florante ay nakilala at naakit siya sa kagandahan ni Laura, anak ng
Hari. Hindi siya tumigil hangga't hindi niya naipagtapat ang kanyang niloloob. Bago siya
nakipagdigma ay nagkaroon naman ng liwanag ang kanyang niluluhog.
Nilabanan ni Florante si Heneral Osmalik at sa loob ng limang oras na paglalaban ay nagapi niya
ito. Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan
sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating niya sa Albanya ay namangha siya
sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga moro at lalo siyang
nagulat nang magpasino niya ang babaeng pupugutan na lamang ng ulo. Nabawi niya ang Albanya
sa pamumuno ni Aladin. Nailigtas niya ang nasa bilangguang sina Hari Linceo, Duke Briseo at
Adolfo.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. Labimpitong hari lahat ang napasuko ng binata.
Isang araw samantalang nasa Etolya si Florante ay tumanggap siya ng sulat mula sa hari na
nagsasaad ng madaling pagbalik niya sa Albanya. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip
agad siya ng 30,000 sandatahan ay dali-daling ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap
sa palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Ikinulong si Florante ng
labingwalong araw at pagkatapos ay ipinag-utos na igapos sa loob ng gubat upang doon kainin ng
mga mababangis na hayop. Dalawang araw na siya sa gubat nang matagpuan siya ni Aladin.
Pagkatapos ni Florante ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang buhay. Anak siya ni
Sultan Ali-Adab ng Persiya at kaya siya napadpad sa gubat na iyon ay dahil sa sama ng loob sa
kanyang ama na umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Upang masarili ng Sultan ang dalaga
ay humanap ito ng butas upang siya ay maparusahan. Ginawang dahilan nito ang pagkaiwan ni
Aladin sa hukbo at sa pagbawi ni Florante sa Albanya. Hinatulan ng sultan ang sariling anak na
pugutan ng ulo.Subalit hindi natuloy ito sapagkat nang gabing iyon ay pinatapon siya sa malayong
lugar at pinagbilinang kung nais pa niyang mabuhay ay huwag na siyang bumalik sa Persya
kailanman. Kaya simula noon ay anim na taon na siyang naglalagalag.
Habang nagkukuwentuhan sina Florante at Aladin ay may narining silang nag-uusap na dalawang
babae. Ang sabi ng isa, nang malaman niyang papupugutan ang kanyang kasintahang nasa
bilangguan ay pumayag siyang pakasal sa Sultan. Pinawalan naman ito, mubalit nang gabi ring
iyon ay nagbalatkayo siyang gerero at tumakas Marami na ring taon siyang naglilibot hanggang
magtagpo gubat. dalawa silang Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang
nagsisipag-usap pala ay sina Laura at Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya, samantalang nasa ibang bayan si Florante -
ang pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot ng ulo ng hari at sa mga kakampi nito. Sinabi
niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipabatid ang nangyari sa Albanya subalit ang
natanggap ni Florante na sulat ay sa hari na mahigpit na nagbibiling umuwi siya sa Albanya. Ito
ang naging paraan kung paano nadakip si Florante. Samantala humingi si Laura ng limang buwang
taning upang pag-aralan ang iniluluhog na pag-ibig ni Adolfo,kaya nang wala nang paraan upang
mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang pagsamantalahan. Nagkataon naman siyang
pagdating ni Flerida kaya nang makita niya ang kabuktutan ni Adolfo ay pinana niya si Adolfo
hanggang ito ay mamatay.
Habang nag-uusap ang apat ay siya namang pagdating ng hukbo ni Menandro na ang hanap ay si
Adolfo. Nagsigawan ang hukbo nang nalamang buhay sina Florante at Laura.
Hindi nagtagal at nakasal ang dalawa at naging hari at reyna sa Albanya. Samantala sina Aladin at
Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib at umuwi sa Persya upang doon mamuno sa
sariling bayan.