You are on page 1of 2

Indonesia

(Pinakamalaking Bansa sa Timog- Silangang Asya)

Ang pagdating ng mga Indones sa Pilipinas

Ayon sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nahihiwalay sa Asya nang matunaw ang yelo noong may 7,000
taon ang nakalilipas. Dahil sa paglusaw ng yelo, ang tubig ng karagatan ay tumaas at ang mga tulay na lupa ay
natabunan ng tubig.

Sa loob ng panahong ito, dumating sa Pilipinas ang unang pangkat ng mga Indones. Sila ay nagmula sa
Timog-Silangang Asya. Sila ay tumungo rito sa pamamagitan ng mga saksakyang pandagat. Ang kanilang mga
kasangkapan ay yari sa bato. Ang kanilang mga bahay ay yari sa kahoy na may bubong na yari sa damo at/o
talahib. Sila'y nagsasaka sa tulong ng pagkakaingin. Ang mga Indones na ito ay mataas, patpatin, hindi
gaanong maitim at may hawas na mukha.

Unang Pangkat

Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang pangangatawan, matangkad
kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong.
Dumating sila sa Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at makabago ang
kanilang kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog na bahay ay yari sa kahoy at may bubong na
yari sa damo o talahib. Ang mga bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y nakahukay sa lupa na may isang
metro ang lalim.

Ang iba naman ay nasa tuktok ng punungkahoy ang bahay. Namuhay sila sa pamamagitan ng
pamamana, pangingisda at pagkakaingin. Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila
ang kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa dahon. Sila ang mga unang
pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.

Pangalawang Pangkat

Ang pangalawang pangkat ng mga Indones na dumagsa sa Pilipinas ay maitim, malapad ang mukha,
makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang pangangatawan.
Sila ay galing sa tangway ng Indo-Tsina at naninirahan sa mga baybayin ng Luzon. Higit na mas maunlad ang
kanilang pamumuhay kaysa sa mga naunang dumating sa Pilipinas.

Ang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong nangngaling sa Gitnang Asya,
may kulang-kulang isang libong taon na ang nakalilipas. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at
pinaniniwalaang marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay,
gabi, ube at iba't ibang uri ng halamang makakain.

Kultura

Ang kultura ng Indonesia ay kinuha mula sa iba’t ibang rehiyon. Ngunit sa kabila ng impluwensya ng
mga dayuhan, may mga tribo padin ang Indonesia na pinananatili ang kanilang kinagisnan tulad ng mga ritwal,
mga paniniwala at mga pangkakatutubong kasuotan.
Mga Instrumentong Pangmusika

Kroncong o Keroncong- Isang uri ng musika na ginagamit sa Indonesia. Ito ay katulad ng ukulele
Buktot- Instrumentong may 4 na kwerdas ang tunog ay galing sa bao ng niyog.
Angklung- Isang instrumento na gawa sa kawayan. Ang angklung na may dalawang tubo ng kawayan
na karaniwang nakatutok sa oktaba, kung saan ang angklung na may tatlo o apat na tubo ay maaaring
magsama ng isang pagkakatugma.
Diw-diwas - Ito ay isang instrumentong ng mga Tinggunian ng Abra. Ito ay binubuo ng 5 maninipis na
kawayan na tinalian. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng mga butas nito na hindi sumasayad ang mga
labi ng manunugtog. Ito ay kadalasang tinutugtog ng mga kababaihan.
Sasando - Instrumentong gawa sa hinating dahon ng Lontar palm, na kahawig ng alpa (harp).
Ang kudyapi ay isang instrumentong pangmusika na galing sa Mindanao na kadalasang tinatawag na
“boat-lute”. Isang uri ng mahabang gitara, isang metro at kalahati ang kadalasang haba.

Sayaw

Poco poco- Ipinagbawal ang ganitong uri ng sayaw sa mga Muslim dahil naniniwala sila na ito ay isang
tradisyunal na sayaw ng Kristiyano at ang mga galaw nito ay katulad ng simbolo ng krus.
Kecak- Ginagawa ang sayaw na ito bilang pagpupugay sa dating labanan ng mabuti at masamang
espiritu.

Drama at Teatro

Wayang- Isang drama na sikat sa mga Indonesian at ginagawang dula o puppet show.

Martial Arts

Pencak Silat- Isang uri ng self-defense na itunuturo kadalasan sa mga bata pa lamang.

You might also like