TIMOG KATAGALUGAN IKAPITONG BAHAGI Ang Timog katagalugan ay binubuo ng dalawang rehiyon:
Ang Rehiyon 4-A na kinapapalooban ng rehiyong CALABARZON na ang
ibig sabihin ay Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon at ang Rehiyon 4-B MIMAROPA, na kinabibilangan ng probinsya ng Mindoro Oriental at Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan.
Sa rehiyong ito isinilang ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Mangyari pa na likha niya ang kanyang mga dakilang obra, sang -ayon na rin mismo sa kanyang pahayag, sa lilim ng pagpapala ng bundok makiling. Masasabing sa kandungan ng mga mapagpalang bundok at gubat at mapalaya ang kapaligiran ng Timog Katagalugan ay makalilikha ng mga obra ng tumitimo sa kamalayan. Tagalog, at kung minsan, kilalang may puno gaya ng Batangueno at probinsyalismo, gaya ng mga Quezonin, at lingua franca ng mga tao rito. Buhay na buhay ang mga tula, awit, sayaw, at iba't ibang ritwal sa rehiyon.
Kasali din ng awit ang sayaw,kagaya ng subli sa Batangas at may mga
nakabibighaning ritwal, katulad ng pamamanhikan o ang
pagdulog ng lalaki sa pamilya ng kasintahan upang hingin ang kamay ng babae
para maging asawa. Ang putong ng Marinduque ay dinadayong okasyon din bukod sa Moriones na isang kapista kasabay ng mahal na araw semana santa. Sa pagpuputong iginagawa ng korona ang sinumang panauhin ng lugar at saka inaalayan ng tula. Mangyari pa nasa rehiyong ito ang isa sa pinakamatandang anyo ng tula sa kapuluan ang ambahan ng mga Mangyan sa Mindoro. Magpahanggang ngayon ay ginagamit ng mga ordinaryong katutubong Mangyan ang ambahan upang maghayag ng karanasan sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Ang pagkilatis sa mahalagang mga kaganapan at anyong pampanitikan sa
rehiyong ito kung gayon ay pagkilala na rin sa pagsasanib ng tula, awit at sayaw. Nagkaroon ng epekto ang pag-akdang pampanitikan sa pagbabagong pangkapaligiran at mahaba ang kasaysayan kultura mababakas ito ang mga gawi,kaugalian at kostumbre ng mga tao o kapuluan bago pa man dumating ang mananakop na dayuhan sa Pilipinas. MGA TULA SA ISANG MADILIM, GUBAT NA MAPANGLAW (Pedro L. Ricardo Jr.) Sa isang madilim, gubat na mapanglaw Naroon ang mula ng landas na ito't hindi na matanaw, Naroong madilim ang bakas ng hayop na naging kalansay Sa pampang ng dating batis na tuyo at naging batuhan. Subalit ang hayop, naging kalansay man, Ang gubat ma'y Edeng sa mata'y sinarhan, Ang gunita noong nabaon sa bato ng batis na patay, Kasama ng unos at mga daluyong ay iniluluwal At nagiging moog sa bagong pampangin, di alam kung saan sa pusod ng dagat ang pinagmumulan. Sa isang madilim mapanglaw na gubat Maraming anino ang pira-pirasong doon ng nagbubuhat Ngayon dumarating, ngayo'y nawawala't muling tumatakas, Kaitiman waring sa kulang na itim ang pagkabusilak At ayaw parumhan sa maputing sinag At sandali lamang na napayayakap Sa makatang sa tuwing hahalik sa dilim ay may tanging oras. Sa gubat na yaon ang mga anino'y tila sa pangarap Na kung hatinggabi lamang nahihipo't buong namamalas At di na makita sa pagliliwanag. Doon sa mapanglaw, gubat na madilim, Sa batas na hindi tubig na malinaw ang sinasalamin, Naroon ang anyo, malabong larawan ng kalagyong anghel, Kalangkap ng hayop sa pagkakaisa ng di kayang tarukin Kundi ng propeta, ng makata't baliw Na puso ang dilat at mata'y may piring. Sa gubat na yaon na ang tanging liwanag na nakararating Ay di ang liwanag ng pangangatwiran kundi ng sagimsim Sapagkat sa bangkay ng nadipang logos ang bagong sumupling Na mata'y sa dugo nag-iba ang paningin.
Sa gubat na yaong kuta ng hiwaga
Saglit na sumilip ang aking magulang na unang makata: Sa puno ng buhay ang nakita niya ay gapos na laya Ng isang Aladin. ngunit buhat noon sa sariling lupa Maraming taon pang ni munting balita Ay walang inawit na buhat sa kuta, Hanggang may pagyaong muling idupikal ng mga kampana Sa lumang simbaha't mangahas magtayo ng bagong dambana Ang isang dumating na hanggang sa ngayon hindi maunawa Ng ayaw pa binyag sa dugo ng wika. Sa pusod ng dilim sa gubat na yaon, Sa gubat ng hayop at anghel ng isang doo'y ibinaon, Di tunay na bangkay ang mga aninong ngayo'y bumubulong Sa aking aninong doon din nagmula't naririto ngayon. Ang langit na ito ay nababalumbon, Ang lupa'y magiging isang bolang apoy, Ngunit ang propeta, ang makata't baliw ay di magtatanong Sapagkat sa gubat ang dilim ay walang pader ng panahon Ang dilim din bukas ang dako pa roon. TAKIPSILIM AT LUMANG LAMBAT (TEO S. BAYLEN) Patakipailim na nang aking ihagis Ang lumang-luma kong lambat ng gunita Sa nanlalabo nang laot ng lumipas.
At nang hilahin ko’t iahon sa bangka
Ay tigip na pala ang lambat na ito Ng kung ano-anong bagay ng nagdaan-
May gasang ng kamusmusan,
May tinik ng kapusukan, May yagit ng kabiguan.
Nguni, anong gandang masdan ang makulay
Na kawan ng mga sarisaring danas Na nagpalag-palag sa lunday ng buhay!
Ang may ilang dakot na gasang at yagit
At ang mga tinik na aking napili’y Ipinatangay ko sa agos ng limot.
At ang sagwang guniguni
Ay kumampay na pagilid Nang lulubog na ang araw. •Ang Putong ng Marinduque
Ang putong na dati ay tinatawag na tubong, ay isang
natatanging tradisyon ng tula at pagtula sa pulo ng Marinduque. Ginagawa ito sa pagdiriwang ng kaarawan o pagtanggap sa isang panauhin. Sa seremonyang ito, ang bisita o may kaarawan ay pinuputungan ng isang korona na gawa sa papel na may iba’t-ibang kulay at binibigyan din ng palaspas, ksabay ang masayng pag-awit at pagsabog ng bulaklak at pera. Ang mga panauhin ay sinasalubong ng mga batang nakabihis anghel at may hawak na mga kandila. A C Narito po kami, mahal na maybahay Nang kami ay dumating sa inyong harapan Tinugtog na naming instrumenting taglay Agad sinalubong ng kaliwanagan Ugali ng una at magpakilanman May dalwang anghel na namamagitan Dalawi’t aliwin ang may kapistahan Tig-iisang kandila ang hawak sa kamay O kawili, panahon ay tiwasay Kami po ay may dala na may korona Ang buwan ng ________ ay pagtagumpay Sa kamahalan nyo ay marikit na palma Ang dahlia’t pakay ang mahal mong ngalan Sampu ng bulaklak na kaaya-aya. Si santo/santa_________ aming dinadalaw D Aming hinahanap sa lugal na ito Lakad mga kasama, tayo ay sumulong Sapagkat dumating ang kapistahan n’yo Sa kamahalan n’yo ay natalaga Awiti’t purihin, itong aming putong B Dito sa may bahay ay may pista ngayon Anong dikit nitong oras, panahon ay aliwalas Nang kami ay dumating sa loob ng Herusalem Anong sadyang karirilag, nitong lugal na mapalad Ang mabunying Santo/Santa ang nartnan namin Ang lugal na kawili-wili, nitong apong agradable Nariyan sa altar nakalagay sa belen Pabo real sa kandili ang may pista ay ipagbunyi. Diyan ipinanganak ang Mesiyas natin. Ang koronang ito ay malaon nang handa Sasabugan kita ng sampaka at rosas Sa kapistahan Ninyo unang nabalita Liryo at mirasol sampung azusena Kaya naparito sa inyo and sadya Kahimanawari ay habaan ng buhay Korona ay iputong sa ulong sanghaya At sa madalng tao ay walang karamdaman.
Solo Viva, viva, viva, ambuhay, mabuhay
Ang koronang aming tangan Buhayin, viva, wari ay doon ka matulad Ay bulaklak manding tunay Sa yiong kalagyo na lubhang mapalad Viva, viva, viva, mabuhay, mabuhay Tanggapin niyo’t puputungan Mabuhay ang santong aming pinutungan Sa ulo’y ilalagay Viva, viva, viva, ito ay tapos na Lakad mga kasama, iputong na Ninyo Karampatan naming ay sumigaw ng viva Ang Palma ay sa kamay, korona ay sa ulo Viva, viva, viva, mabuhay. Kahimanawari ay makmtan ito Sambahin at igalang ang mahal na santo.
Ang mga angeles dito ay lumapit
May dalang bulaklak, nanggaling sa langit Ito ay padala ng birheng marikit Sa harap ng santo ay aming ihahagis MGA KUWENTO AT KUWENTONG-BAYAN ANG ALAMAT NI BERNARDO CARPIO ANG ALAMAT NI MARIANG MAKILING https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/Shaking-Hands-with-Maria-Makiling ANG ALAMAT NG M AT N NI JIMMUEL C. NAVAL Inaasahan ng mag-asawang Piling at Nido na lalaki ang kanilang magiging anak lalo na’t nangingitim ang kili- kili, leeg at iba pang tagong bahagi ng katawan ng nagbubuntis na si Piling.
Nakipagpustahan pa si Nido sa magiging anak nila ni
Mabait si Alexandra. Hindi ito umiiyak Piling ngunit sa bandang huli ay natalo rin ang kanyang tuwing gabi. Hindi nito pinpahirapan at siyento sisenta peso. Nanghinayang si Nido sa natalong binibigyan ng sakit ng ulo ang amang si Nido. pera ngunit binalewala nalang niya ito dahil malusog Kahit pa daw saksakan si Alexandra ng DPT ay naman ang anak nitong si Alexandra kahit di ito napa- hindi lang man ito iiyak. Ayon sa kanyang ultrasound. Doktora sa Center ay normal lang sa kagaya ni Alex ang ganoon. Sa murang edad ay hindi pa kakikitaan ng totoong ngiti. Si Alex ay nagsilbing pantanggal pagod ni Nido. Kapag nakikita ni Nido ang kanyang mga ngiti ay biglang napapawi ang kapaguran nito sa trabaho. Bininyagan si Alex sa araw mismo ng kanyang Bago tuluyang umuwi ay dumaan sila sa Jollibee. kaarawan sapagkat sa katwiran ng ama ay makakatipid Dito rin tinanong ng ama kung bakit ayaw nitong gawin pa sa gastos. At kahit pa ilang pares ng ninang at ang ipinapagawa ng guro tuwing reading class. Hindi ninong ang kukunin ay tiyak na singkwenta pesos lang ito sinagot ni Alex at nagpatuloy sa paglalaro. Hindi ang pinakamataas ng mga ito. Halos sabay din ang narin nagtaka ang ama dahil napagtanto niyang hindi rin pagkatutong maglakad at magsalita ni Alex. Sa naman nakita at naramdaman ni Alex ang mga salitang paniniwala ng lola ni Alex ay swerte ang ganoon. ito.
Nang tumuntong si Alex sa unang baiting ay Naisip ni Nido na magpa-adbertise ngunit
kapansin-pansing may problema si Alex. Hindi ito napagtanto niyang wala siyang tanging yaman kundi si lubos mapagtanto ng ama dahil noong Nursery at Alex na di marunong bumigkas ng M para sa mama at Kinder ay nagkaroon din naman siya ng karangalan, N para sa nanay dahil wala naman siya nito. Sa huli ay kaya imposibleng mahina siya sa klase. Dumating ang napatanong si Nido kung binibini pa ang guro ni Alex isang araw na kinausap ni Nido ang Guro nito at dahil balak na niyang umentuhan ng nana yang anak napag-usapang ang problema lang kay alex ay ang niyang di lumaki sa mga gatas na nagpapataaas ng IQ pagiging barumbado nito. Kung kumilos siya ay AT EQ. parang isang lalaking malalaki ang braso.