You are on page 1of 7

YUNIT Vl.

REHIYON 5 Literatura sa Bikol


Kasaysayan ng Bikol
Binubuo ng apat na lalawigan sa timog – silangang dulo ng Luzon – Camarines Norte,
Camarines Sur, Albay at Sorsogon,- at ng dalawang islang lalawigan – ang Catanduanes at
Masbate.
Rehiyon V - panlima sa mga may pinakamalaking pangkat ng mga etnolinggwistika sa
Pilipinas: may mga Agtas na matatagpuan sa Isarog ng Iriga.
Wikang Bicol - mula sa Malayo Polynesian tulad ng tagalog. Ang mga mamamayan dito ay
nagsasalita ng Bikol, Pero iba-ba ang uri ng Bikol nila. Bikol na may halong Tagalog ay
sinasalita sa Camarines Sur dahil malapit sa Quezon. Ang Bikol na hawig sa Cebuano ay
sinasalita sa Masbate at iyong lalawigang malapit sa Kanlurang Bisaya ay may halong
Hiligaynon. Iba rin ang Bikol ng Sorsogon, Catanduanes at Albay bagamat ang Bikol Naga ang
ginamit sa kanilang panulatan. Sa kabila ng maraming wikang ginagamit dito marami sa kanila
ay bihasa sa Ingles a Filipino na siyang ginamit nila sa pagsulat ng tula, dula, maikling kwento at
nobela. Kakaunti ang nalalaman sa Panitikang Bikol na nasusulat sa katutubong wika maliban sa
Daragang Magayon at Sarong Banggi. Karamihan sa mga akdang nasusulat sa wikang Bikol
ay hindi nailimbag at kalat-kalat pa, bagamat mayaman ito sa bugtong, salawikain, awiting-
bayan at kwentong-bayan. Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Marami ring
mito at alamat ang matatagpuan kaugnay ng mga magagandang lugar, lawa at bulkan.
Halimbawa nito ay ang Alamat ng Bulkang Mayon.
Pangunahing hanapbuhay: pagsasaka at pangingisda
Pangunahing produktong agrikultural - abaka, niyog, pinya, palay, mais at saging. Sa kanila
nanggaling ang mga balitang pili nuts.
Mayaman sa produktong metal - ginto, pilak at kromo. Pati di-metal: buhangin, graba, uling,
apog, perlita, silica marmol, buhanging itim, buhanging puti, guano, at asin.
Kilala ang Bicol na “Ibalon mula sa salitang Iballo” - ilipat sa kabilang paligid o mga taong
marunong tumanggap ng panauhin. Ang Bicol ay tinagurian ding lalawigan ng mga Bulkan.

Mga kilalang Bulkan sa Bicol


 Mt. Malinao (Alinao, Albay)
 Mt. Isarog (Camarines Sur)
 Mayon Volcano

KATANGIAN NG MGA BIKOLANO - relihiyoso, tahimik, palakaibigan, masayahin at


matibay ang loob sa mga pagsubok sa buhay. Mahilig sa pagkaing may gata at sili.

KAUGALIAN SA PANLILIGAW
 Lagpitao o palaktaw-laktaw - unang pagkikita sa pamamagitan ng isang tagapamagitan.
 Pasanco - pagsusuri ng bawat isa sa prospektibong kapareha.
 Pag-agad - paninilbihan sa Tagalog. Ang panunuyo ng lalaki sa pamilya ng babae, may
negosasyon din bago ikasal (dowry) o dote sa Katagalugan.
 Sinakat - regalo sa babaing ikakasal mula sa mga kamag-anak na dumalo sa kasalan.
 Inilakad - ekstrang bayad kapag ang babaing ikakasal ay siyang pinakamatanda sa
pamilya.
 Sayod ng kasunduan sa pagpapakasal - ang dalawang panig ay nagsasagawa ng tronco
(pagsusunog ng lahi/pinagmulang angkan para maiwasan ang pagsasama ng magkamag-
anak).
 Pagcaya - sa wakas ang pagsaksi sa kasal.
 Puturuan o Hurulungan - ang pagbibigay ng mga regalo sa mga ikinakasal.

Literatura ng Rehiyon ng Bikol

1. EPIKO– kwento ng mga bayani


Halimbawa: Ibalon
Tauhan: Handiong, Baltog
2. OSIPON– mga sinaunang kwentong bayan
Halimbawa: An istorya ninda, an osipon ta
-JAIME JESUS BORLAGDAN
3. TIGSIK – ginagamit tuwing may kasiyahan.
- tatlong taludtod na may iba’t ibang bilang at rimo
- minsan Masaya, minsan bastos, pero kapupulutan ng aral.
Halimbawa:
TEMANG PANLIPUNAN
Tigsik ko sa tanglad
Tinanom ko sa natad
Kun siisay manmaghagad
Tatawan ko nanggad
4. RANGA – ang kundiman ng Bikol. Mga awitin ng pag – ibig.
- Mataas na antas ng kaligayahan, kasiyahan.
5. RAWITDAWIT – tula ng Bikolano.
Halimbawa: Baliktad (Abdon M. Balde, Jr.)
6. PATUOD (bugtong)
Halimbawa:
Dahon saning dahon, Idi nagarabok (KAWAYAN)

Duwang bulang itom, Harayo an inabaton, Daiman inapon. (MATA)

Dara niya ako, Dara ko man siya (SAPATOS)

Sira ko sa mariveles, Kadakulon ang kaliskis. (SILI)

7. TATARAMON (kasabihan)
Halimbawa:
Ang masinaginsagin maanghit pa sa kanding.
Ang nagkukunwari ay maanghit pa sa kambing.

An maharot saindo dal na,guibohan sa ibang tao


Ang masama sa iyo huwag mong gawin sa iba.

Ang ngusong marinotabrutal


Siring sa ganong makinuto
Amg ngusong maingay ay gaya ng manok na pumuputak

8. Mga AWITING BAYAN


Tinatawag na Suanoy ang mga awiting bayan sa Bicol. Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga
pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang paawit. Ang
mga awiting bayan din sa Bikol ay nagpapakita ng pagkakaiba lalo na sa paksa, paghahandog,
melodiya at paraan ng pagkanta. Ito ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto, ang paksa at
paghahandog. Ang paksa ay tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang paraan ng
pagpapalawak sa paksa ng mga kanta.
 Dinusa – awitin tungkol sa pag- ibig
 Tolbon – awitin sa kapistahan
 Diwata – awitin ukol sa kapighatian at kalungkutan sa pagkamatay na kanilang mahal sa
buhay.
 Sarague, Dumanggo – awit para sa namatay na ninuno.
 Angoy tagulaylay – awit sa pagbuburol ng patay.
 Hoarasa – awit pagkatapos ng kalamidad.
 Hollo – inaawit kapag naghahanay ng mga bagay.
 Ambahan – inaawit kapag nagpapahinga o nagpapatulog ng bata.
 Hela – inaawit kapag may hinihila o hinahatak na bagay.
 Katumba – awit sa pagdadalamhati na sinasaliwan ng sayaw.
9. COMEDIA/ MORO- MORO at SARZUELA – dulang itinatanghal tuwing
pintakasi o pista at may mga pagdiriwang.
 Cenakulo / tanggal – pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Hesus.
 Pagsabat – itinatampok nito ang kwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang
Maria matapos ang muling pagkabuhay ni Hesus.
 Pabasa – pasyon ni Hesus. PUNI naman ang tawag kung ang pasyon ay
ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad.
 Hosan – ang pag – alala sa pagsimula ng semana santa.

IBALON
Matandang Kasaysayan ng Ibalon
“Ibalon” o “Ibalnon” ang naging tawag ng mga Kastila sa pook na ito at sa pangalang ito
unang nakilala ang lupain ng mga sinaunang Bikolano. Naging batayan nito ang “ibal” o
“ibay” na siyang kauna-unahang tawag ng tangway ng Bikol. Ang “iball” ay salitang
pinaikli na ang Ibalyo(Bikol) o Ibaylo(Bisaya) na nangangahulugan na maging tuwiran
mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
Katangian ng Epikong Ibalon - Binubuo ng 10 saknong, at may 4 na taludtod bawat
saknong. Ang sukat ay 12 pantig ang bawat taludtod. Isinalin ni Fr. Jose Castano sa
Kastila. -
Ang kayarian nito ay nahahati sa dalawang bahagi:
(1) Kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitin nitong huli ang mga pangyayaring
nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handyong (may 6 na saknong);
(2) Ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga pangyayaring naganap
noong matagal na panahon.
Iling - isang ibong laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas
ng ilang salita.
Kadugnung - mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling ay inawit niya ang
epiko. Siya ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castano.

https://vdocuments.site/panitikan-ng-rehiyon-v-bicol-region.html
https://prezi.com/cvw1_3zi37w3/panitikan-ng-bikol/

PANUTO: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Ilan ang lalawigan sa sa rehiyon ng Bikol?
a. anim c. lima
b. apat d. tatlo
2. Pang ilan ang rehiyon 5 sa mga may pinakamalaking pangkat ng mga etnolinggwistika
sa Pilipinas?
a. Pang- anim c.pang – apat
b. Panglima d. pangatlo

3. Ito ay ekstrang bayad kapag ang babaing ikakasal ay siyang pinakamatanda sa pamilya.
a. Inilakad c. siakat
b. Pagcaya d. pasanco
4. Anong tawag sa kaugalian ng panliligay na ang dalawang panig ay nagsasagawa ng
tronco o pagsusunog ng lahi.
a. Sanco c. sinacat
b. Sayod d. pagcaya
5. Anong uri ng literatura ang tawag sa mga sinaunang kwentong bayan?
a. Tigsik c. osipon
b. Ranga d. rawitdawit
6. Ano ang tawag sa awiting bayan sa Bikol?
a. Suanoy c. ibalon
b. Tigsik d. ranga
7. Ito ay ang pagtatanghal ng buhay at kamatayan ni Hesus.
a. Cenakulo c. pagsabat
b. Pabasa d. hosan
8. Itinatampok nito ang kwento ng pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria matapos ang
muling pagkabuhay ni Hesus.
a. Cenakulo c pagsabat
b. Pabasa d. hosan
9. Ano ang tawag kung ang pasyon ay ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad.
a. Puni c.pabasa
b. Hosan d. pagsabat
10. Ito ay ang pag – alala sa pagsimula ng semana santa.
a. Pabasa c. hosan
b. Pagsabat d. puni
11. Ito ay salitang pinaikli na ang Ibalyo(Bikol) o Ibaylo(Bisaya) na nangangahulugan na
maging tuwiran mula sa Bisaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
a. Iball c. ibay
b. Ibalnon d. wala sa nabanggit
12. Itinatanghal ito tuwing pintakasi o pista at may mga pagdiriwang.
a. Comedia c. moro – moro
b. Sarzuela d. lahat ng nabanggit
13. Ilang taludtod bawat saknong ang epiko ng Ibalon?
a. Apat c.anim
b. Lima d. pito
14. Ano ang tawag sa awitin patungkol sa pag – ibig
a. Dinusa c. diwata
b. Holo d. hela
15. Ito ay awitin ukol sa kapighatian at kalungkutan sa pagkamatay na kanilang mahal sa
buhay.
a. Holo c. diwata
b. Dinusa d. hela

You might also like