You are on page 1of 26

Pagsulat ng Balitang

Pampalakasan/ Isports

(Writing the Sports Story)


Katuringan
Ang balitang palakasan (sports news) ay isang
uri ng natatanging ukol sa iba’t ibang uri ng
laro na salig sa tuwirang balita subalit
karaniwa’y nasusulat sa pamaraang action
story.
Katangian ng Balitang Pampalakasan
1. Sumasagot sa 5 W at sa H – Ano? (what),
Sino? (who?), Saan? (where?), Kailan?
(when?), Bakit? (why?) at Paano? (how?).
2. Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula
na naglalarawan ng kilos at paglalaban.
3. Gumagamit ng natatanging uri ng talasalitaan
(sports lingo) na hindi kaagad nauunawaan ng
karaniwang mambabasa.
4. Gumagamit ng makulay na salita, maraming
pang-uri, mahahabang pangungusap na di
ginagawa sa pagsulat ng tuwirang balita.
Uri ng Balitang Pampalakasan
A. Paunang Balita (Advance News)
- nagbabalita ng napipintong labanan. Ito’y
naglalaman ng mga nakaraang paglalaban ng
bawat koponan at mga manlalaro, ang
kanilang kakayahan at kahinaan na maaaring
gawing saligan upang hulaan ang magiging
kalalabasan ng laban.
Sa pagsulat ng paunang balita, karaniwang
isinasama ang mga sumusunod:
1. Kahalagahan ng laro. Ito ba’y torneo, ligiran
(round robin), tampok na labanan,
kampeonato o larong eksibisyon?
2. Tradisyon at kasaysayan.
3. Talaan ng mga kasapi sa bawat panig ng
maglalaban.
4. Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng bawat
manlalaro o koponan.
5. Kalagayang pisikal at kaisipan ng mga kalahok.
6. Kalagayan ng panahon.
7. Paraan ng paglalaro ng bawat panig.
8. Pook at kapaligiran ng pagdarausan ng laro.
9. Ang mga tinatayang manonood.
10. Sino kaya ang makakalamang?
11. Naiibang pangyayaring katangi- tangi.
B. Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)
- ito’y naglalahad ng nagaganap na laro.
Naglalaman ito ng mga mahalagang ulat tulad
ng:
1. Kinalabasan ng Iskor. Sino ang nanalo? Ilan ang
iskor ng bawat koponan? Nakaroon ba ng
kaguluhan, o nahinto ba ang laro dahil sa ulan?
Nagkaroon ba ng patas (tie)? Lubhang mahalaga
ang kinalabasan.
2. Kahalagahan ng Kinalabasan (Significance of
the outcome).
- Ano ang nakalaan? Isang kampeonato? Ligiran?
Torneo? Eksibisyon o isang tampok na laro?
Nagkaroon ba ng “see-sawing” iskor? Sinong
nagkamit ng tropeo?
3. Natatanging Laro (Spectacular Game)
- Bakit nagwagi ang koponan? Banggitin ang
huling sandali ng garambolahan.
4. Paghahambing ng Koponan o ng Manlalaro
(Comparison of Teams and Players).
- Suriin ang kanilang taas, timbang kahusayan at
karanasan. Sa anong bahagi ng paglalaro
nakalamang ang mga nag?
5. Natatanging Manlalaro o Tampok na
Manlalaro (Individual Star Players)
- Sino ang nagdala ng koponanupang manalo?
Paano niya ginawa ito? Sini – sino ang mga
tampok na manlalaro? Matatag ba ang mga
kamay ng pitcher sa sopbol o beisbol?
6. Kalagayan ng Panahon (Weather Condition)
- Umuulan ba? Matindi ba ang sikat ng araw?
Maputik ba o maalikabok?
7. Ang mga Manonood at ang Pagdiriwang
(Crowd and Celebration)
- Magulo ba ang mga manonood? Gaano sila
karami?
Paraan ng Pagkuha ng Ulat para sa Balitang
Pampalakasan / Isports
A. Bago ang Laro (Before the Game)
1. Pag- aralang mabuti ang mga tuntunin, paraan,
pag- iiskor at estratehiya ng laro.
2. Kapanayamin ang mga mahahalagang taong may
kinalaman sa gaganaping palaro.
3. Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok,
ang kanilang numero sa harap at likod,
tungkulin sa laro, timbang, taas, atb.
4. Kung maaari, dumalo sa mga pagsasanay
upang makilala ang mga manlalaro at ang
kanilang tagaturo (coach).
5. Itala ang mga nakuhang ulat. Isama rito ang
mahahalagang anekdota na maaaring
banggitin sa isusulat na balita.
B. Sa Panahon ng Paglalaro (During the Game)
1. Pumili ng magandang pwesto nang hindi
makaligtaan ang mga tampok na pangyayari.
Tandaan na ikaw ay isang reporter at hindi
isang tagahanga (fan) na pumapalakpak.
2. Itala ang mga kapana-panabik, mahahalaga
at di – inaasahang pangyayari. Talasan ang
paningin sa mga mahahalagang laro at
nakatutuwang pangyayari.
3. Matyagan ang mga sumusunod na bagay tulad
ng:
a. Mahalagang laro na nakapagbibigay – aliw sa
mga mambabasa.
b. Di – inaasahan at di – pangkaraniwang
pangyayari tulad ng isang baguhan na
nagpamalas ng gilas.
c. Pansariling kagalingan ng mga manlalaro tulad
ng pinakamaraming rebounds, liban sa may
pinakamataas ng puntos (highest pointer).
d. Nakatatawang pangyayari, ngunit hindi
“korni”
e. Ang binigkas ng manlalaro, tagaturo at
manonood hinggil sa pinakamatampok na
bahagi ng paglalaban.
f. Tanyag o kilalang taong nanonood ng laro
g. Iskor na dapat maging tumpak.
C. Pagkatapos ng Laro (After the Game)
1. Kunin ang opisyal na iskor sa mga
kinauukulan.
2. Kapanayamin anmg tagaturo (caoch) o ang
tanging manlalaro nang makuha ang kanilang
palagay sa laro, kung paano sila nakalamang,
natalo, atb.
3. Alamin din ang inasal ng mga nanonood.
4. Kunin ang inside story tulad ng dahilan ng
kanilang pagwawagi o pagkatalo.
5. Huwag kaliligtaang kunin ang lahat ng
pangalan at ng mahalagang iskor, minuto at
segundo na kailangan sa isusulat na balita;
gayundin sa iskor na assist, foul, rebound,
kung sa basketball; foul ball, strike out sa soft
ball atb. , bago umalis sa lugar na
pinaglalaruan.
6. Isama na rin ang tuwirang sinabi ng coach o
ng manlalaro. Magbibigay ito ng pansariling
ulat at drama sa balita.
Praan sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan / Isports
Isulat ang talang nakuha sa paraang pasalaysay.
Gumamit ng maiikling salita na madaling
maunawaan.
A. Ang Pamatnubay (The Lead)
Ang pamatnubay ay maaaring magbigay ng buod ng
pangyayari. Karaniwang sumasagot ito sa mga
tanong na Ano?, Sino?, Kailan?, Bakit?, at Paano?
Huwag ilagay kaagad ang lahat ng ito. Piliin
lamang yaong sa iyong palagay ang
pinakamahalaga.
B. Ang Katawan ng Balita (The Body)
Ang katawan ay naglalahad ng mga detalye at
iba pang sangkap ng hindi gaanong
naipaliwanag sa unang talata.
Ang talang isusulat ay dapat na magtaglay ng
mga sumusunod na sangkap na inihanay ayon
sa kanilang kahalagahan.
1. Ang inside story na nagdudulot ng
kapanabikan sa mga manonood na naging
daan sa pagwawagi o pagkatalo ng koponan.
2. Ang kahalagahan ng paglalaban. Ito ba’y
isang kampeonato, intramural, eksibisyon,
ligiran, palarong pambansa?
3. Tuwirang sabi (quotes) ng manlalaro o ng
coaches.
4. Pansariling tala ukol sa mga manlalaro at
coaches.
5. Ang magkasunud – sunod na paglalaro (play –
by- play account or turning point)
6. Estatistiks (Statistics) at Team Standing.
Maidagdag pa rin ang mga sumusunod na
sangkap.
1. Ang mga manonood, ang kanilang bilang,
ikinilos o kaasalan, sinabi, atb.
2. Ang natatanging bahagi ng laro at
natatanging manlalaro
3. Ang makapukaw- damdaming bahagi ng laro.
4. Ang kalagayan ng panahon.

You might also like