You are on page 1of 10

PAGSULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS

BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS
 Isang Uri ng natatanging balita ukol sa iba’t ibang uri ng laro na salig sa karaniwang balita subalit
karaniwa’y nasusulat sa pamamaraang “action story”.
 Paglalarawan ng aksyon, reaksyon at emosyon ng manlalaro, tagasanay at maging ang mga manonood.

PAGKAKAIBA NG BALITA SA BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS


 Verb/Pandiwa Choice
News: Simple Verb
Defeated (tinalo)
Sports: More dramatic
Reflect the quality and intensity of defeat
 Sentence Construction
News: Simple – compound
Sports: Compound complex
Sentence Length:
 7 – 25 (can be extended if needed)
 Use of Modifiers
News: not allowed (opinionated not allowed)
Sports: Can use modifiers
 The Voice of drama
News: avoid drama
Sports: Dramatic
KATANGIAN NG BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS

 Sumasagot sa ASSaKaBa at Paano / 5W’s at sa H ( Ano/What?, Sino/Who?, Saan/Where?,


Kailan/When?, Bakit/Why? at Paano/How?)
 Nagtataglay ng kapana-panabik na pasimula na naglalarawan ng kilos at paglalaban.
 Gumagamit ng natatanging uring talasalitaan (Sports Lingo) na hindi kaagad mauunawaan ng
karaniwang mambabasa.
 Gumagamit ng makukulay na salita, maraming pang-uri at mahahabang pangungusap na di ginagawa
sa pagsulat ng tuwirang balita.

URI NG BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS

 Paunang Balita (Advance News)


 Nagbabalita ng napipintong labanan. Ito’y naglalaman ng nakaraang paglalaban ng bawat
koponan ng bawat manlalaro. Ang kanilang kakayahan at kapahinaan na maaring gawing
saligan upang hulaan ang magiging kalalabasan ng laban.
 Karaniwang isinasama sa pagsulat ng paunang balita
1. Kahalagahan ng laro.
2. Tradisyon at Kasaysayan.
3. Talaan ng mga kasapi sa bawat panig ng maglalaban.
4. Pagsusuri ng lakas at kahinaan ng bawat manlalaro at koponan.
5. Kalagayan pisikal at kaisipan ng mga kalahok.
6. Kalagayan ng panahon.
7. Paraan ng paglalaro sa bawat panig.
8. Pook at kapaligiran ng pagdarausan ng laro.
9. Ang mga tinatayang manonood.
10. Sino kaya ang makakalamang?
11. Naiibang pangyayaring katangi-tangi.

 Kasalukuyang Balita (Actual Coverage)


 Ito’y naglalahad ng nagaganap na laro. Naglalaman ito ng mahahalagang ulat tulad ng:
a) Kinalabasan ng iskor.
b) Kahalagahan ng kinalabasan.
c) Natatanging laro.
d) Paghahambing ng koponan o ng Manlalaro.
e) Natatanging manlalaro o tampok na manlalaro.
f) Kalagayan ng panahon.
g) Ang mga manonood at ang pagdiriwang.

 Panubaybay na Balita (Follow up News)

PARAAN NG PAGKUHA NG ULAT PARA SA BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORTS

 BAGO ANG LARO (BEFORE THE GAME)


a) Pag-aralang mabuti ang mga tuntunin, paraan, pag-iiskor at estratehiya ng laro.
b) Kapanayamin ang mga mahahalagang taong may kinalaman sa gaganaping palaro.
c) Alamin ang buong pangalan ng mga kalahok ang mga kanilang numero sa harap at likod,
tungkulin sa laro, timbang taas, atp.
d) Kung maaari, dumalo sa mga pagsasanay upang makilala ang mga manlalaro at ang kanilang
tagaturo (coach).
e) Itala ang mga nakuhang ulat. Isama rito ang mahalagang anekdota na maaaring banggitin sa
isusulat na balita.

 SA PANAHON NG LARO (DURING THE GAME)


a) Pumili ng isang magandang puwesto nang hindi makaligtaan ang mga tampok na pangyayari
b) Itala ang mga kapanapanabik,mahalaga, at di inaasahang pangyayari.
c) Matyagan ang sumusunod na bagay tulad ng:
1. Mahalagang laro na nagbibigay aliw sa mga mambabasa.
2. Di-inaasahan at di pangkaraniwang pangyayari.
3. Pansariling kagalingan ng manlalaro.
4. Nakatutuwang pangyayari, ngunit di “korni”.
5. Ang binigkas ng manlalaro, tagaturo, manonood hinggil sa pinakatampok na
bahagi ng laban.
6. Tanyag o kilalang taong nanonood ng laro.
7. Iskor na dapat maging tumpak.
 PAGKATAPOS NG LARO (AFTER THE GAME)
a) Kunin ang opisyal na Iskor sa mga kinauukulan.
b) Kapanayamin ang tagaturo (coach) ang tanging manlalaro nang makuha ang kanilang palagay sa
laro. Kung paano sila nakalamang, natalo atbp.
c) Alamin din ang inasal ng mga manonood.
d) Kunin ang inside story. Tulad ng dahilan ng kanilang pagwawagi o pagkatalo.
e) Huwag kaligtaan kunin ang lahat ng pangalan at ng mahalagang iskor, minuto at segundo na
kailangan isulat sa balita; gayun din sa iskor, sa assist, foul, rebound, kung basketball; foul ball,
spike out sa soft ball atb.
f) Isama rin ang tuwirang pangyayarang sinabi ng coach o manlalaro.

PARAAN SA PAGSULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN


 Isulat ang talang nakuha sa paraang pasalaysay. Gumamit ng maikling salita na madaling
maunawaan.

PINAKAMAHALAGANG DETALYE

MAHALAGANG
DETALYE
IBA PANG DETALYE

A. ANG PAMATNUBAY (The Lead)


 Ang pamatnubay ay maaaring magbigay ng buod ng pangyayari. Karaniwang sumasagot ito sa
mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan,? Bakit? At Paano?. Huwag ilagay kaagad ang lahat ng
ito. Piliin lamang yaong sa iyong palagay ay pinakamahalaga.
1. Kahalagahan ng laro
2. Koponang naglalaban
2. Koponang naglalaban
3. Natatanging manlalaro
3. Natatanging manlalaro
4. Iskor o kinalabasan
5. Pook na pinagdadausan
6. Araw ng pagdaos
 Tatlong Paraan ng Pagsulat ng Pamatnubay
 Namumukod Tanging Laro (Key Play)
o Kung ang anggulo ay nakatuon sa pinagsamang suporta ng bawat
manlalaro at koponan.
HALIMBAWA:
Isang naglalagablab na tirada mula sa arko ang pinakawalan ng
kapitan ng Gilas Pilipinas na si Jimmy “The Mighty Mouse” Alapag sa
huling dalawang segundo ng laban upang iselyo ng koponan ang
kampeonato ng FIBA Asia championship laban sa nagdedepensang Iran,
90-89, sa Mall of Asia Arena kahapon.

 Namumukod Tanging Manlalaro (Key Player)


o Kapag isa o dalawa sa koponan ang nagpakita ng kahusayan at napanalo
ng buong koponan.
HALIMBAWA:
Isang pamatay na ispayk ni Arlene Reyes, captain ball ng Deped
Iloilo ang nagpalusaw sa pagnanasa ng koponan ng IloiloProvincial Office
na makopo ang korana sa balibol-pambabae, 2- 0,…

 Paanalisang Pamatbubay (Analytical Way)


o Kung ang koponan ay nagpakita ng kahanga-hangang estratehiya sa
pagkopo nila ng tagumpay.
HALIMBAWA:
Sa pamamagitan ng mahigpit na dipensa, nakatutulig na mga
ispayk at nakagugulat na panakaw na sundot ngb bola, naipahiya ng
DepEdIloilo ang koponan ng Iloilo Provincial Office sa kanilang
kampeonatong laro sa balibol-pambabae, 2- 0,…

B. ANG KATAWAN NG BALITA (The Body)


 Ito ay naglalahad ng detalye at iba pang sangkap na hindi gaanong naipaliwanag sa unang
talata.
 Ang talatang isusulat ay dapat na magtataglay ng mga sumusunod na sangkap na inihanay ayon
sa kanilang kahalagahan:
 Ang inside story na nagdulot ng kapanabikan sa mga manonood na naging daan sa
pagwawagi o pagkatalo ng koponan.
 Ang kahalagahan ng paglalaban. Ito ba’y isang kampeonato, intramural, eksibisyon,
ligiran Palarong Pambansa?
 Tuwirang Sabi (Quotes).
 Pansariling tala ukol sa mga manlalaro at coaches
 Ang magkaunod-sunod na paglalaro (play by play account or turning point)
 Estatistika at team standing.
 Ang mga manonood ang, kanilang bilang, ikinilos o kaasalan, sinabi at iba pa.
 Ang natatanging bahagi ng laro at natatanging manlalaro.
 Ang makapukaw damdaming mga laro.
 Ang kalagayan ng pahon.
KATANGIAN NG ISANG MANUNULAT NG BALITANG PAMPALAKASAN
 Makatwiran, ,masipag, walang pinapanigan, mausisa.
 Matalas ang pang-amoy sa mga pangyayari (nose for news).
 Mahiligin sa lahat ng uri ng sport at may malawak na kaalaman sa mga tuntunin at talasalitaan
ng mga iba’t ibang laro.
 May kasanayang taglay sa mabisa at malinaw na pagsulat para sa karamihang mambabasa.
 May kakayahang sumulat ng balita sa paraang kasimbilis ng larong naganap.
 Kailangang alam niya ang alituntunin at pamamaraan ng laro, record ng kaponan at ng mga
manlalaro.
 Kilala niya ang pagkatao ng tagasanay at ng mga manlalaro. Malapit siya sa mga ito.
 Tandaan na siya’y nanonood upang sumulat ng balita.
 Matapat sa pagbabalita at mabilis na nakasusulat ng datos.
 Pantay ang pagtingin at walang kinikilingan.
 Kailangan suportado ng mga detalyeng tunay na nangyayari ang isusulat na balita.
 Ginagamit niya ang mga katawagan o talasalitaang pampalakasan na angkop sa larong kanyang
sinusulat.
 Kailangan gumamit siya ng mga salitang nababagay sa mga taguri ng manlalaro, koponan o
pangkat.
 Iwasan ang labis na papuri sa mga mahuhusay na manlalaro.

MGA KATAWAGANG PAMPALAKASAN


 BASKETBALL
 Kwintet
 gol o buslo
 Dribol
 Bantay
 Unang kalahati
 Pagbubuslong
 Pagkalawit
 Rebaun
 Teknikal pawl
 Hooksyat
 leyap
 30 saglit na patakaran

 BEISBOL AT SOPBOL
 Pitser
 Katser
 Straykawt
 Ining
 Ampayr
 Homran
 Playingbol
 Rolingbol
 bant
 Slayd
 Short-stap
 Pilder
 Pawibo

 BALIBOL
 Spaik
 pleysing
 Kil
 Wallop
 Streytset
 Spayker
 Netbol
 Serber
 Tagasalag

 TAKBUHAN
 Takbuhang malapitan(100-200-80-m)
 Takbuhang malayuan (800 at 1500m
 Takbuhangmay hadlang: (110-m mataas, 400-m mababa at 8-m mababa)
 Takbuhang abutann
 Ipinasa ang baton or relay (4x100 at 4x400)

 LINANG (FIELD)
 Inihagis ang diyabelin
 Inihahis ang shatput
 Inihagis ang diskas
 Kandirit-hakbang-lundag
 Brodjamp
 Longjump
 Polbot

MGA DAGLAT SA PAGTALA NG DATOS


 BASKETBALL
 FG-pildgol (x2)
 FT-Pritro (x1)
 PP- Personal pawl
 TP-total point
 JS-jamshat
 DI- draybin
 LU-leyap
 LT longtom
 BEISBOL st SOPBOL
 AB- atbat o palo
 Hi- hit o tinamaan
 RBI- run-batted-in (pinalo ang bola at nakatakbo sa unang beis)
 BALIBOL
 P-pleysing (paglalagay ng bola sa walang tao)
 BS-boomingserbis (malakas na pagserb ng bola
 BB-block ball

MGA PANDIWANG KADALASANG GINAGAMIT SA BALITANG ISPORT


 Nagwagi- namituin, bumandila, namayani, nanguna
 Kalaban- katunggali
 Natalo- nagapi, nagahis
 Magtutuos- magsasagupaan, magkakasunukan, magpapaligsahan
 Nakamit  Napasakamay  Namayagpag
 Nasungkit  Winalis  Naagaw
 Nanalo  Ginulantang  Hiniya
 Pinabagsak  Nilupig  Humakot
 Umani  Naibulsa  Dinurog
 Ginapi  Pinatumba  Pinadapa
 Dinurog  Namayani  Nanguna
 Naghari  Nasulot  Nagkampeon
 Hinagupit  Nilupig  Pinaluhod
 Naungusan  Nakopo  Bumandera
 nakuha  Naangkin  Pinulbos
 Pinatulog  Pinataob

IBA’T IBANG ARTIKULONG MAILALATHALA SA PAHINANG PAMPALAKASAN


 Lathalain
 Pangkatauhang dagli (personality Sketch)
 Panayam (Interview story)
 Pangkasaysayan (historical feature)
 Lathalaing panlibang (entertainmen feature)
 Lathalaing ngpapabatid (nagpapabatid)
 Nakapupukaw-damdaming kwento o salaysay (human interest story)
 Pangulong tudling sa palakasan (Sports Editorial)

You might also like