You are on page 1of 7

SPORTS NEWS COMPILATION

"Saliw ng Koreograpiyang Latin at Standard sa Indayog ng Entablado"


Sherwin

    Matagumpay na nasungkit ng College of Maritime Education (CME) ang kampeonato sa


larangan ng Latin and Standard Dancesport Competition Men's and Women's Category na
isinagawa noong ika-23 ng Setyembre taong kasalukuyan matapos nilang masilat ang iba pang
katunggali nito.
    Pumangalawa sa listahan ang School of Liberal Arts and Teacher Education and College of
Health (SLATE-COH)  nang magpamalas ng kakaibang twist and isolation na ikinabahala nang
iba pang contingents.
    Sinamantala naman ng College of Technology and College of Hospitality Management
(TECHNOHM) ang pagkakapalya ng School of Criminology (SOC) na siyang nagpanatili sa
kanila upang makamit ang ikatlong gantimpala.
    Sa natapos na Foundation Week Celebration, naparangalan ang mga nangibabaw na koponan
sa pamamagitan ng pag-anunsyo ng Dean of Student Affairs (DSA) sa UCV Greyhounds
Gymnasium noong ika-25 ng Setyembre.

"Ang Sipa ng Tunay na Kampeon"


Sherwin

    Kapana-panabik na sagupaan ang nasilayan ng lahat via ms teams sa larangan ng Poomsae


Taekwondo Men's Category matapos ilampaso ng School of Liberal Arts and Teachers
Education and College of Health (SLATE-COH) ang iba pang mga katunggali upang makamit
ang tugatog ng tagumpay noong ika-23 ng Setyembre taong kasalukuyan.

    Ginulantang naman ng School of Criminology (SOC) ang ilan pang mga kalahok nang
kanilang sungkitin ang ikalawang puwesto.

    Subalit, hindi nagpadaig ang College of Maritime Education (CME) matapos isara at makuha
ang ikatlong puwesto.

    Samantala, ipinamalas ng mga kababaihan ang kanilang angking kakayahan na nagbunsod sa


SOC na maiuwi ang kampeonato.

    Muling pinatunayan ng SLATE-COH ang kanilang husay upang makamit ang ikalawang
gantimpala.

    Pinangunahan naman ng Dean of Student Affairs (DSA) ang pag-anunsyo ng mga


nagsipagwagi na naganap sa UCV Greyhounds Gymnasium noong ila-25 ng Setyembre.
"Tagisan ng Talino't Diskarte, namayagpag sa Online Chess Women's and Men's
Category"
Sherwin

    Nagbunyi ang School of Criminology (SOC) Contingent matapos selyuhan ang unang
puwesto sa larangan ng Online Chess Women's Category na pinangunahan nina Nicole Medrano
at Christine Abella noong ika-22 ng Setyembre taong kasalukuyan.

    Hindi maipinta ang pagmumukha ng ibang contingents sa hindi pagkatinag ni Melody


Gannaban ng School of Liberal Arts and Teacher Education and College of Health (SLATE-
COH) nang dinagit nito ang ikalawang puwesto upang ipakitang kaya niyang makipagsabayan.

    Nakalusot naman si Kate Alcayde ng College of Technology and College of Hospitality


Management  (TECHNOHM) pagkasikwat nito ng ikatlong puwesto.

    Sa kabilang banda, isang makapigil-hiningang sagupaan ang ipinamalas ng mga kalalakihan


nang muling tanghaling kampeon ang SOC sa pangunguna ni Bencelie Fernandez.

    Bagaman, nabingwit naman ng College of Maritime Education (CME) ang pangalawang


puwesto sa pinagsamang puwersa nila Paulo Torda at Leonard Battung habang ang SLATE-
COH ang nasa pangatlong kartada sa katauhan ni Samuel John Gamata.

    Ang mga nagwagi ay nagkamit ng medalya na naparangalan noong ika-25 ng Septyembre via
ms teams.
"CME maliksing sinisid ang kampeonato sa ML Tournament"
Jym

          Nagtagumpay ang College of Maritime Education (CME) sa kanilang paglalayag tungo sa


kampeonato matapos sikaping ipanalo ang bawat laban nila sa ginanap na Mobile Legends
Tournament sa University of Cagayan Valley 73rd Founding Anniversary nitong ika-23 ng
Setyembre taong kasalukuyan.

          Ginapi ng College of Maritime Education (CME) ang School of Criminology (SOC) sa


kanilang laban sa Best Of Three Championship Round sa iskor na 2-0 upang sungkitin ang
kampeonato.

          Lumamang ng bahagya sa pagsisimula ng unang game sa Finals ang SOC ngunit nagawa
ng CME na mag comeback at ipuslit ang 1st game.

          Tuluyan nang winakasan ng CME ang laro nang magpamalas ng napakagandang


performance sa second game ang kanilang mga players na sina Jhan Nyckwl Taguba, Didrhey
Justin Bartolome, Jayvee Alcayde, Judie Mark Solomon, Sherwin Ragguinan at Jhosua Dalicun
sapat para talunin ang SOC sa Finals.

          Nagpamalas din ng malalakas na gameplay ang mga players ng SOC na sina Marlon
Lopez, Hans Theodore Carag, Michael Miguel, Iris Rosario Camarauan at Jowen Meman pero
hindi ito naging sapat upang talunin ang CME at tuluyan silang sumadsad sa pangalawang
pwesto.

         Matapos makuha ng CME ang unang pwesto nakatanggap sila ng limang medalya sa
ginanap na Awarding Ceremony nitong ika-25 ng Setyembre sa University of Cagayan Valley.

          Itinanghal na MVP si Jhosua Dalicun (Sua.) ang Jungler ng CME nang magpakitang gilas
gamit ang kanyang Ling sa 1st game, Sun sa 2nd game at malaking ambag din sa kanilang
pagkapanalo ang kanyang segway technique.#
SOC namayagpag sa Arnis Anyo
Jym

          Dinomina ng School of Criminology (SOC) ang Arnis Anyo Male at Female Category
matapos masungkit ang unang pwesto sa dalawang kategorya sa ginanap na Arnis Anyo sa UCV
73rd Founding Anniversary nitong Setyembre 23, taong kasalukuyan.

          Sinelyuhan ng School of Criminology ang unang pwesto sa Arnis Anyo Male Category
matapos magpakita ng mabagsik na performance.

          Nabingwit naman ng College of Maritime Education (CME) ang pangalawang pwesto sa


Arnis Anyo Male Category nang magpamalas din ng magandang pagganap.

          Sa kabilang banda, pinatunayan pa rin ng School of Criminology ang kanilang kakayahan


pagdating sa Arnis Anyo Female Category matapos angkinin ang unang pwesto.

          Dinagit naman ng School of Liberal Arts and Teacher Education and College of Health
(SLATE-COH) ang pangalawang pwesto at sumadsad naman ang College of Maritime
Education (CME) sa ikatlong pwesto matapos magpamalas ng magandang performance ang
parehong contingent sa Female Category.

          Nakatanggap ng medalya ang mga contingent na nanalo sa nasabing paligsahan nitong


Setyembre 25, 2021. #
Donaire Vs. Inoue rematch, ikakasa!
sherwin

Solana, Cagayan - Pursigidong ikasa ni Top Rank CEO Bob Arum ang pagsasagawa ng isang
rematch nina Nonito Donaire, Jr. kontra kay Undefeated Japanese Fighter Naoya Inoue sa buwan
ng Marso taong 2022.

Ito'y matapos masungkit ng "The Filipino Flash" ang World Boxing Association (WBA)
Bantamweight Belt noong ika-11 ng Disyembre taong kasalukuyan sa kapwa Pinoy na si
Reymart Gaballo.

Magugunitang nilampaso ni Inoue si Donaire noong Nobyembre 2019 via unanimous decision sa
Saitama, Japan sa kabila ng pagbasag ng depensa at eye socket ng the Filipino Flash sa kanang
mata ng undefeated fighter sa kanilang sagupaan.

Ayon sa nakaraang interview kay Donaire, " Me and Naoya have much respect for each other, I
believe Bob Arum nor Richard is gonna make it happen this 2022" saad nito.

Inaasahang magiging maatikabo at kapana-panabik ang bakbakan ng dalawa sa ikawalawang


paghaharap.
Blacklist International, nasungkit ang kampeonato sa M3 World Championship
Jym

LASAM, CAGAYAN- Binalagbag ng Blacklist International ang kababayan nitong Onic PH, 4-
0 para selyuhan ang M3 World Championship na ginanap sa Singapore nitong linggo, ika-19 ng
Disyembre taong kasalukuyan.
Hindi naging madali ang paggapang ng Blacklist International sa lower bracket
papuntang finals ngunit pinatunayan pa rin nila na sila ang pinakamalakas na Mobile Legends
Bang Bang Team sa kasaysayan.
Nag-uwi ng $800,000 o halos 40,000,000 pesos ang kampeon na Blacklist International
at nakopo naman ng 1st runner up na Onic PH ang $300,000 o halos 15,000,000 pesos.
Itinanghal si Kiel "Oheb" Soriano ang gold lane ng Blacklist International bilang MVP sa
nasabing paligsahan at nakatanggap ito ng $10,000 o halos kalahating milyon. 

#PilipinasLangMalakas
News Feature
Curry, bagong All-time three-point King!
Ni: Sherwin Tangan

Solana, Cagayan - Nagbunyi ang panibagong 3-point King ng National Basketball Association
(NBA) na si Stephen Curry ng Golden State Warriors matapos masilat ang All-time record ni
Ray Allen sa nakaraang laban kontra New York Knicks noong ika-14 ng Disyembre taong
kasalukuyan sa Square Garden New York City, New York.

Natumbasan ni Curry ang 2,973 three-pointers ni Allen sa natitirang 10:50 ng unang quarter na
ikinagulat ng kanyang teammates at mga manonood.

Makalipas ang ilang minuto nang kumartada't naibuslo niya ang kanyang 2,974 3-point shot at
ungusan ang isang dekadang paghahari sa 3-point list ni Allen.

Agad naman niyakap ni Curry ang amang si Former NBA player na si Dell Curry at ang kanyang
coach na si Steve Kerr sa labis na kasiyahan nito.

Ayon sa kanya, " This arena, I can't express how much of an honor that was, for the reaction here
on the road and the appreciation for this milestone " aniya.

Ayon din sa kanyang coach na si Steve Kerr, " It was just beautiful just to hear the fans' reaction,
see his teammates, see his dad. It was just a fantastic moment " dagdag nito.

Sa kabilang banda, nagpadala naman ng pagbati sina NBA Commissioner Adam Silver at
Former Lakers great Magic Johnson kay Curry para sa kanyang historic night.

Tinapos ni Curry ang laro sa iskor na 105-96 na may limang three-pointers at makapagtala ng
2,977 record-setting shot.

You might also like