You are on page 1of 3

District Athletic Meet 2023, Idinaos

Matapos ang halos dalawang taong pandemya muling nagkaroon ng District


Athletic Meet na dinaluhan ng iba’t ibang pampublikong paaralan ng Kanlurang
Distrito ng Roxas. Ito ay ginanap noong Enero 14, 2023 sa Roxas West Central
School.
Ang mga manlalaro ay nagmula sa siyam (9) na paaralan, ang Roxas West
Central School, Sinamar Elementary School, Marcos Elementary School, San
Francisco Elementary School, Nuesa Elementary School, Bantug-Lintao
Elementary School, San Antonio Elementary School, San Rafael Elementary School
at Simimbaan Integrated School. Ang mga larong sinalihan ay Athletics, Volleyball,
Baseball, Sepak Takraw, Table Tennis, Chess, Dancesport at Arnis.
Layunin ng Athletic Meet na patibayin ang sportsmanship, teamwork at
unity ng bawat kabilang na manlalaro. Pinag handaan ng bawat kasaling
manlalaro sa pamamagitan ng regular na pag-eensayo sa kani-kanilang paaralan
bago pa man ang nasabing Athletic Meet. Ipinakita ng bawat manlalaro ang
kanilang kakayahan at kanya-kanyang estilo at teknik nang sa gayon kanilang
makamit ang tagumpay sa bawat isports. Matagumpay na natapos ang Athletic
Meet sa pamamagitan ng isang programa kung saan kinilala ang mga nanalo at
manlalaro.
Roxas West Central School, Nasungkit ang Pangalawang Pwesto sa
District Athletic Meet

Nanaig ang Roxas West Central School (RWCS) laban sa walo pang
paaralan sa Roxas West District sa nakalipas na naganap na District Athletic Meet
noong Enero 14, 2023. Napasakamay ng paaralan ang kampeonato sa larangan ng
Sepak Takraw, Arnis, at Badminton.
Nagbunga ang masusing pag-eensayo ng mga manlalaro ng RWCS noong
hinarap ang bawat kalaban sa bawat laro. Ipinakita ng mga batang mula sa ika
anim na baitang na sina Prince Eijhaye E. Miranda, Edzhel Mark Baraquio at
James Walter Seredio at mula sa ika limang baitang, Matt Laurence A.
Navarro,ang kanilang galing sa Badminton. Naging kampeon din sa larangan ng
Arnis(Boys) ang mga batang sina Mark Paul Jake A. Marcos, Roldan M. Digo,
mula sa ika-apat na baitang at sina John Nathan P. Bernabe mula sa ika-limang
baitang, John Wyn M. Digo naman mula sa ika-anim na baitang, samantalang
kampeon din sa Arnis(Girls) ang mga batang nagmula sa ika-limang baitang na
sina Seferia Kharyl A. Garcia, Venny Mae C. Sebastian at Marjorie U. Agcaoili.
Nasungkit din ng mga batang sina Lemuel S. Apolonio, John Erwin N.
Cambat, Enchong N. Rarama mula sa ika-limang baitang, Gem Dave S. Bolinas
mula sa ika-anim na baitang at Rogie R. Villarin mula ika-apat na baitang ang
kampeonato sa Sepak Takraw. Samantala, ipinamalas din ng isang nasa ika-limang
baitang na si Lordan Rey Diaz ang kaniyang bilis sa pagtakbo ng manalo sa
athletics.
Ang mga nakamit na tagumpay ng mga manlalaro ng RWCS ang siyang
nagbigay ng masayang ngiti sa paaralan at sa mga kasapi nito sa masayang
pagtatapos ng District Athletic Meet.
DIAZ PASOK SA PROVINCIAL MEET
Nagpamalas ng tibay at bilis si Lordan Rey L. Diaz ng manaig sa 800 meter
dash sa kompetisyon na athletics sa naganap na Legislative District (LD) 5 Palaro
2023, noong Pebrero 11-12.
Hindi naging madali para kay Diaz na Manalo, sapagkat sa unang bahagi ng
laro ay pumapangatlo lamang siya, ngunit biglang umarangkada nang malapit ng
matapos ang kanilang laro. Nakamit ni Diaz ang pangalawang pwesto, dahilan
upang makapasok ito para sa mas mataas na lebel ng kompetisyon.
Sa isang panayam sinabi ni Diaz na wala siyang pormal na ensayo sa
takbuhan, kundi ang simpleng pakikipaglaro lang ng habulan sa kanilang bukid.
“May limang ektarya po kasi kaming bukid at simula noong maliit pa ako
duon kami naghahabulan ng mga kalaro ko,” sabi ni Diaz.
Si Diaz ay nakatakdang muling tumakbo sa Palarong Panlalawigan sa Marso
3-5 para irepresenta ang LD5.

You might also like