You are on page 1of 1

Cluster Meet 2023, Isinagawa

ni: Christian R. Batisting Jr.

Isinagawa ang Cluster Meet sa East Prosperidad Central Elementary School (EPCES)
noong Pebrero 23, 2023 kung saan nagsagupaan ang apat na koponan sa iba’t ibang laro.
May apat na koponan ang bumubuo sa nasabing palakasan. Ang Cluster 1 ay binubuo ng
Prosperidad, Esperanza at Sibagat. Ang Cluster 2 naman ay binubuo ng San Francisco, Bunawan
at Rosario samantala ang Cluster 3 ay ang Trento, Loreto at Veruela.Ang Cluster 4 ay binubuo
ng San Luis, La Paz, Talacogon at Sta.Josefa.
May ibat-ibang laro ang pinagsagupaan tulad ng basketball, volleyball, lawn tennis, table
tennis, badminton, football, taekwondo, baseball, sepak takraw , taekwondo, soccer, chess,
gymnastics, swimming at athletics.
Ang mga manlalaro ng Mababang Paaralang Sentral ng Patin-ay ay hindi nagpatalo sa
nasabing palakasan.Humakot ng karangalan ang ilang manlalaro tulad nina Reign Samantha O.
Lopez na nanalo ng gold medalsa larong athletics (1500 meters) at silver medalist sa athletics
(800 meters). Ang kanyang coach ay si Gng. Michelle Rose A. Oliverio. Samantalang nanalo
naman ng bronze medal sa larong athletics si Jay-R Lumimbay. Si Gng. Joey A.Swing ang
kanyang coach.
Sa larong badminton panalo sa pangalawang pwesto sina Ysabella P. Barabar at Jorge
Kevin D. Lu.Ang kanilang coach ay si Gng. Lilybeth T.Peligrino.Nanalo naman sa unang pwesto sa
larong chess sina Princess May C. Muanag sa unang pwesto at Kezziah Faith S. Rufano,
pangalawang pwesto. Mas lalo pang nagdagdag karangalan ang soccer players na nanalo din ng
unang pwesto.Sina G. Nińo C. Maglahus, coach at G. Dennis C. Maregmen, Assistant Coach.
Hindi pa dito nagtapos ang laban dahil ang mga napiling magaling na manlalaro ay
lalahok sa darating na Division Meet ngayong Marso 3-5, 2023.

You might also like