CAMPFIRE PROGRAM
I. OPENING
a. Background Music: Bayan Ko
Scout 1: “Ako ang Bayang Pilipino. Hangad ko ang marating ang isang mapayapa, maunlad,
matatag, at masayang bukas. Subalit, natatakot ako. Napakadilim ng kasalakuyang
aking kinalalagyan. Di ko Makita ang aking dinaraanan. Napakaraming tinig na aking
nauulinigan.
“Nasaan ang liwanag? Ang liwanag na gagabay tungo sa kinabukasan?
Scout 2: (Amihan Bathala ng Hangin) Whooosssss!! Ako ang hari ng hangin, nakalimutan mon a
ba? Ang simoy ko’y pumupuyo saiyong diwang Pilipino at pinagniningas ang alab ng
pagkamakabayan.
Scout 3: (Alon – Hari ng Tubig at Karagatan) Huwag! Huwag kang sasama.
Scout 1: Sino ka?
Scout 3: Ako si Alon ang bathala ng dagat at tubig! Tanda mo pa ba? Ako ang pumapawi sa
uhaw ng iyong pagiging makabansa? Ako ang gabay sa iyong nanunuyot na pusong
makabayan.
Halika sisirin natin ang daan patungo sa kasarinlan, ating sakyan at lagpasan ang mga
daluyon ng mga hamon ng bayan!. Halika! Halika! Dito ka dumaan.
Scout 4: (Mayari – Bathala ng Buwan) Huwag! Dito ka pumunta! Ako si Mayari ang bathala ng
buwan, iyo pa bang natatanto noong nagdidilim ang iyong puso sa kalungkutan? Ako
ang iyong liwanag sa gabing mapanglaw! Halika, ating bagtasin ang daan tungo sa
tagumpay halika!
Scout 2: Saaaaaan?
Tulungan ninyo ako. Hindi ko kailangan ang mga tinig sa kadiliman. Ang kailangan ko ay
tanglaw at isang mapagpalang kamay na siyang aking magiging gabay tungo sa isang
magandang kinabukasan.
Scout 5: “Huwag kang matakot. Heto, dala ko ang tanglaw. Ako ang kilusang scouting. Halika.
Hawakan mo ang aking kamay. Sabay nating tahakin ang makitid subalit tiyak na landas
tungo sa kinabukasang iyong hinahangad. Magtiwala ka. Halika ako ang iyong gabay.
(after lighting the camp fire)
Scout 5: Magsitayo tayong lahat at sabay-sabay nating awitin anf Pilipinas kong Mahal.
Narration: “Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating pumailanglang ang ating diwa sa mga
maharlikang adhikain ng ating kilusan. Sabay sa paglaki ng lagablab ng siga, hayaan
nating magalab ang ating puso at damdamin sa pagmamahal sa ating Inang
Bayan.“Punuin natin ng ating mga awitan, sayawan, halakhakan, mga palakpakan at
sigaw ang katahimikan ng gabi at ating itaboy ang kapanglawan ng kadiliman.
Sing: Camps fire burning.
Camps fire burning
Camps fire burning
Draw Near
Draw Near
In the Glowing
In the Glowing
Come Sing and be Merry
(2x)
II. SPEECH
III. DRAMA PRESENTATION PER PATROL
IV. SOCIALIZATION
V. CLOSING
a. Background Music: Auld Lang Syne
(form a circle holding each others hand in a cross arm position)
Narration: “Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating pumailanglang ang ating diwa sa
mga maharlikang “Malalim na naman ang gabi. Ayaw man nating maghiwa-hiwalay,
kinakailangan nang tayo ay lumisan at bumalik sa ating mga kampo at gampanan
ang mga tungkuling sa ating mga balikat ay nakaatang. Naway manatili sa ating ala-
ala ang kasiyaha ating naranasan sa paligid ng siga sa gabing ito saan mang dako
tayo naroroon.”
“Akin ng idinidiklara ang pagtatapos ng mga kasiyahan sa paligid ng sigang ito.
“Sumaatin nawa ang Pinaka dakilang Hignubay Hanggang sa ating muling pagkikita.”