You are on page 1of 1

CAMPFIRE DEMONSTRATION

Theme: Developing Filipinism

Opening:
Fire Lighting Ceremony ...............................Program Patrol

Background music: Bayan Ko

Juan dela Cruz: “Ako ang Bayang Pilipino. Hangad ko ang marating ang isang mapayapa, maunlad,
matatag, at masayang bukas. Subali’t, natatakot ako. Napakadilim ng kasalukayang
aking kinalalagyan. Di ko makita ang aking dinaraanan. Napakaraming tinig na aking
nauulinigan.

Kilusang Scout: (pabulong) Dito ka dumaan. Sssssst, dito ka dumaan. Hoy, Pinoy, hindi diyan. Dito.
(pasigaw)

Juan dela Cruz: SAAAAAAAAAAN? Tulungan ninyo ako. Hindi ko kailangan ang mga tinig sa
kadiliman. Ang kailangan ko ay tanglaw at isang mapagpalang kamay na siyang
aking magiging gabay tungo sa isang magandang kinabukasan.”

(Scout with a lighted torch comes forward)

Kilusang Scout: “Huwag kang matakot. Heto, dala ko ang tanglaw. Ako ang kilusang Scouting.
Halika. Hawakan mo ang aking kamay. Sabay nating tahakin ang makitid subalit tiyak
na landas tungo sa kinabukasang iyong hinahangad. Magtiwala ka

(extends his hand holding the torch to the direction of the voice).

Halika, ako ang iyong magiging gabay.”

(Scout attired as Juan dela Cruz appears and clasp the torch hand of the Scout. Together they move towards the
prepared firelay.)

Simbulo ng Apat na Sulo

Hilaga: Ang liwanag na ito ay nagbuhat pa sa hilaga na tumatanglaw at nagbibigay liwanag. Sa


bawat batang naliligaw ng landas, atin silang tanglawan.

Timog: Ang liwanag na ito ay mula sa timog. Ito ang magbibigay ng init. Init ng pagmamahal sa ating
kapwa.

Kanluran: Ang liwanag na ito ay nagbuhat pa sa kanluran na nagbibigay sigla at pagmamahal sa


Dakilang Diyos, sa ating bansa at pagmamahal sa ating sarili.

Silangan: Ang liwanag na ito ay galing sa silangan na nagbibigay liwanag. Sa landas na ating
tatahakin tungo sa magandang kinabukasan.

Sabay-sabay: O bathalang makapangyarihan, sa gabing ito. Ibigay mo sa amin ang liwanag. Ang init
ng iyong pagmamahal… APOY! APOY! APOY!

(They all light the fireplay. Once lighted, they raise their torch hands above their heads while the Scout says in a
loud boys)

Voice Over: Magsitayo tayong lahat at sabay-sabay nating awitin ang “Pilipinas Kong Mahal”.

You might also like