You are on page 1of 2

PAGTATALAGA NG STAR SCOUT

PAGPASOK
Lalapit si Morning Star kay North Star
Morning Star: “ North Star , mayroon akong natagpuang mga mumunting
pakisap sa mga kalipunan ng mga bituin na ibig maging stars”

North Star: Paparituhin mo sila.


( Papasok ang mga stars sa tugtog na twinkle twinkle little stars)

North Star: Bakit ibig ninyong maging Stars?


(Isa- isang sasagot ang bawat Patrol)
-Ibig po naming magdala ng liwanag
-Ibig po naming maging matapat
-Ibig po naming makatulong
-Ibig po naming maging masunurin
-ibig po naming makapagpaligaya

North Star: Ang mga Stars ay mga munting bata na nagbibigay liwanag sa
kanilang tahanan sa pamamagitan ng mga ngiti at mabuting gawa. Ang bawat
Star ay dapat paligayahin ang kanilang ina ama at mga kapatid. Silay
mamalaging malinis, matapat at masunurin. Ibig ba ninyong maging stars sa
inyong tahanan?

Pakisap: Opo, North Star

North Star: Kung gayon ay isa- isa kayong bibigkas ng pangako sa harapan ko.
( ANG KAMAY AYOS PANUNUMPA NG STAR SCOUT)
(Kakamayang isa- isa ni North Star ang mga pakisap)
North Star: Kayo ngayon ay isa ng Star Scout sa Troop Bilang 8 ng _________
Batangas Council ng Girl Scout ng Pilipinas.

North Star: Kayo ngayon ay tunay ng kaanib sa tropa ng Star Scout ngunit
bago kayo pumisan sa inyong Cluster ay hayaan ninyong ilagay ng inyong
( SPONSORS, NINANG/NINONG) ang inyong alampay.
(Maglalagay ng alampay ang kani-kanilang sponsor)

Nasa inyo na ngayon ang inyong mga alampay ngunit ang mga Star Scout ay
may mga batas na sinusunod, alam ba ninyo?

Mga Pakisap: Opo North Star

North Star: kung gayon ay sabay- sabay ninyong bigkasin ang Batas ng Star
Scout.
( Bibigkasin ng mga pakisap ang Batas ng Star Scout)
North Star: Malugod namin kayong tinatanggap mga bagong Stars sa hanay
ng Milky Way.

Maghahawakan ng mga kamay ang bagong stars at hahanay ng pabilog habang


aawitin nila ang awit ng stars at lalabas na.

You might also like