You are on page 1of 6

OUR LADY OF LOURDES SCHOOL OF BAUAN INC.

Excellent Education and Holistic Development


SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM
A. INTRODUCTION

BLANCA: Si Robert Stephenson Smyth Baden-Powell, ang itinuturing na “Chief Scout of the World”, ang
nagtatag ng kilusang scouting. Ito ay bunga ng kaniyang malalim na pagkahilig sa “outdoor life”, mga karanasan sa
military at pananaw sa kung papaano dapat isabuhay ng tao ang kaniyang buhay. Taong 1906, isinilang ang
scouting movement ng isinakatuparan ni Baden-Powell ang kaniyang mga ideya hinggil dito na naglalayong
mapalago at mahubog ang kakayahang kumilos ng malaya.

Si William D. Boyce, isang amerikanong mamamahayag, ang nagpakilala ng kilusan sa Amerika bunga ng
kanyang karanasan sa kabutihang nagagawa ng isang scout habang siya ay nasa Inglatera.

Ang misyonerang amerikanong guro na si Caroline Spencer ang siyang nag-inisiyatibo na simulan ang kilusang
scouting sa Pilipinas. Sa tulong ng isang amerikanong sundalo, si Lt. Sherman L. Kaizer, napasimulan ang scouting
sa Pilipinas. Ang kauna-unahang Pilipinong Troop sa Pilipinas ay na-organisa sa Zamboanga noong ika-15 ng
Nobyembre, 1914.

Noong ika-31 ng Oktubre 1936, isinabatas ang Commonwealth Act 111 na lumikha sa Boy Scouts of the
Philippines.

Ngayong araw na ito, isinasakatuparan natin ang isang di-malilimutang kaganapan sa buhay ng isang scout: ang
malugod na pagtanggap sa kaniya sa mundo ng scouting!

B. ENTRANCE AND COLOR CEREMONY

BLANCA: Magandang umaga po sa inyong lahat! Atin pong saksihan ang pagpasok ng mga kulay, mga bagong
scouts na itatalaga sa kapatiran ng scouting na pangungunahan ng mga itatalagang Kid, Kab, Boy, Junior, at Senior
Scouts, susundan ng ating investing officer, kasama ang pangulo ng paaralan, punongguro, at mga panauhing pandangal.

Bago po natin pormal na simulan ang pagdiriwang, atin pong ihandog ang pagkakataong ito sa Poong Maykapal.
 Para sa ating panalangin, tinatawagan ko ang itatalagang scout na si Paul Christian I. Lugtu.
 Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas ng itatalagang scout na si Max Khian P. Rodriguez.
 Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si Reilley A. Contreras.
 Susundan ng CALABARZON March na ikukumpas ni Oscar Symon A. Paleracio,
 Himno ng Batangan na ikukumpas ng itatalagang scout na si Jeffry A. Mariano,
 at Himno ng Bauan na ikukumpas ni Lance Patrick A. Aguila.
Inaanyayahan po ang lahat na tumayo.

Maari na po kayong magsiupo.

BLANCA: Para sa pormal na pagbati at pagtanggap sa lahat ng dumalo sa seremonyang ito, tinatawagan ko po ang
ating punongguro na si Bb. Jocelyn F. Macaspac para sa pambungad na pananalita. Bigyan po natin siya ng isang
masigabong palakpakan

 (Pagbati at pagtanggap ni Bb. Jocelyn F. Macaspac)


Maraming salamat po Bb. Jocelyn F. Macaspac.

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Kid Scout

PAGTATALAGA NG MGA KID SCOUT


BLANCA: Inaanyayahan na magsitayo ang mga itatalagang Kid Scout para sa pagbigkas ng Panunumpa at Batas
ng Kid Scouts. Pangungunahan ng batang si Heindrich Mariuz S. De Guia.

(Tindig handa na! Taas kamay panunumpa na!)


ANG PANGAKO AT BATAS NG KID SCOUT
Ang aking pangako/mahalin ang Diyos/at ang aking bayan
Maging masunurin/at mabuting bata/sa tahanan/at saan man
BLANCA: Bago po pormal na ilagay ang alampay, hayaan niyo pong ipaliwanag ko ang kahalagahan nito
(Paglalagay ng Neckerchief)
Ang alampay o “neckerchief” ang pinakamahalagang bahagi ng uniporme ng isang scout. Ito ang nagpapakilala na
ang isang tao ay kaanib ng kapatiran ng scouting hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.
Ito rin ang nagpapakilala na ang isang scout ay may mabuting pagkatao at laging handang maglingkod sa iba.
Nagpapaalala ito sa isang scout na dapat siyang mamumuhay ng naaayon sa pangako ng batas ng scout.

Sa pagkakataong ito, ay aking tinatawagan ang mga magiging kasaping scouts at ang kanilang napiling ninong at
ninang na ihanda ang kanilang sarili sa seremonya ng paglalagay ng alampay, tanda ng pagtanggap ng isang scout
sa kapatirang scouting.

BLANCA: Tinatawagan ko po ang ating guest investing officer na si Sir Edgar Allan H. Baleros para sa
pagtatalaga ng mga Kid Scouts

INVESTING OFFICER: Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng kapatirang scout ng Pilipinas,


Batangas Council ay ipinahahayag ko kayong mga tunay na Kid Scouts. Karangalan naming maging kasapi
kayo ng kilusan

(Aakyat ang mga batang kid scouts.)


Tinatawagan ko po ang mga ninong at ninang ng mga batang ito para maglagay ng cap at neckerchief.
“Congratulations! Ngayon ay isa na kayong batang kid scout, binabati ko kayo”
*Maaari niyo na pong ilagay ang inyong mga sobre upang makatulong sa mga batang scouts.

Ngayon ay susundan naman natin ang pagtatalaga sa mga KAB scouts

PAGTATALAGA NG MGA KAB SCOUTS


BLANCA: Ang araw na ito’y, mahalagang araw. Dapat na matangi sa diwa’t isipan. Sa bata, sa ama, sa ina’t
magulang. Ang araw na ito’y dakila’t marangal. Ito’y siyang araw ng kanilang pagsumpa.

Sa kilusang ito na dinadala


Sila’y nangangako na isasagawa
Pagtupad sa pangako sa abot ng diwa

Sa kanyang Bathala’t bansang Pilipinas


Sa kanyang kapatid, magulang na liyag,
Manunumpa silang lalaging tapat,
Sa kanyang kapwa, sa lahat ng oras

Isang KAB scout na kumakatawan


Sa kanyang kapatid dito sa kilusan
Ang unang kandila’y kanyang sisindihan
Hudyat ng pagsumpa, ngayo’y sisimulan

KAB Scout A: Ang puting kandila ay sisindihan ni G. Edwin I. Espina at uusalin ng batang itatalaga na si
Raizen M. Fernandez

Kaputian nito’y nagpapaalala


Araw na nagdaay di dapat maaksaya
Tumpak na gawain ang gawin tuwina
Upang sa buhay tayo’y lumigaya

Iyan ang kahulugan ng puting kandila


Na siyang pangako naming mga bata
Na aming gagawin yaong magagawa,
Sa abot ng kaya, sa abot ng diwa.

KAB Scout B: Ang pulang kandila ay sisindihan ni Gng. Ma. Jessica Divinagracia at uusalin ng batang
itatalaga na si Sebastian Maverick C. Calalo

Kahulugan nito’y laging mahalin


Ang Diyos, ang Bayan, ang lahat lahat
Aming kapwa’t magulang na liyag
Iibigin sila sa lahat ng oras
Kulay na pula, sagisag ng pagmamahal
Sa Diyos, at sa bayan naming inaalay
Ito’y isang sangkap ng murang isipin
Kapag inugali’y mahalagang yaman

KAB Scout C: Ang bughaw na kandila ay sisindihan ni Gng. Gera Napa at uusalin ng batang itatalaga na si
Carlos Miguel Manibo

Kulay bughaw ang isinasagisag


Sa pagkakandila’y may dalang pahayag
Tayo ay sumunod, tayo ay gumanap
Sa atas ng batas, sa lahat ng oras

Ang bughaw ay isang kulay na dakila


Ikatlong kulay ng ating bandila
Katarungan kulay ng mayaman at dukha
Nitong Pilipinas, Bayan nating mutya

(Tatlong KAB Scout ang magpapaliwanag ng kahulugan ng tatlong kandila)

-Ang unang kandila ay sisindihan ni G. Simeon A. De Torres Jr. at uusalin ng batang itatalaga na si Paul Jayrell
D. Marquez
KAB Scout D: Ang unang kandila ang sinasagisag tayo’y sumunod sa atas ng nakatatanda.

-Ang pangalawang kandila ay sisindihan ni G. Renehart Sayago at uusalin ng batang itatalaga na si Cairo I.
Espina
KAB Scout E: Ang pangalawang kandila naman ay sumasagisag sa pagsulong ng Kawan.

-Ang pangatlong kandila ay sisindihan ni G. Carlo Angelo M. Calubaquib at uusalin ng batang itatalaga na si
Xerxes B. Panopio
KAB Scout F: Ang pangatlong kandila’y nagsasabing tayo’y magsikap na maging kapaki-pakinabang.

BLANCA: Diyan nabubuo ang tatlong salita:

Batas ng KAB Scout na lubhang dakila


Ito’y di mahirap na masunod ng bata
Matututuhan din habang ginagawa

Iyang mga bata ay dapat imulat


Sa gawang mabuti, sa lahat ng oras
Sapagkat kung ito’y tumanda nang ganap
Pinagkatandaa’y mahirap makatkat

Gayon din ang kahoy habang ito’y bata


Hubugin sa ayos habang ito’y mura
Kung ito’y lumaki, tumaas, tumanda
Ano ang hutok mo’y di na magagawa

(Paglalagay ng Neckerchief)
BLANCA: Tinatawagan ko po ang ating guest investing officer na si Sir Edgar Allan H. Baleros para sa
pagtatalaga ng mga Kab Scouts

INVESTING OFFICER: Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng kapatirang scout ng Pilipinas,


Batangas Council ay ipinahahayag ko kayong mga tunay na Kab Scouts. Karangalan naming maging kasapi
kayo ng kilusan

(Aakyat ang mga batang kab scouts.)


Tinatawagan ko po ang mga ninong at ninang ng mga batang ito para maglagay ng cap at neckerchief.
“Congratulations! Ngayon ay isa na kayong batang kab scout, binabati ko kayo”
*Maaari niyo na pong ilagay ang inyong mga sobre upang makatulong sa mga batang scouts.
PAGTATALAGA NG MGA BOY, JUNIOR at SENIOR SCOUTS

BLANCA: Ngayon ay dadako naman tayo sa pagtatalaga ng Boy, Junior at Senior Scouts .
Mga Boy, Junior, at Senior Scouts, magsitayo kayo upang sagutin ang aking katanungan:

Mga itatalagang Boy, Junior, at Senior scouts kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais na maging isang
ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Mam, Yes Mam!!!

BLANCA: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa OLLSB at sa kapatiran ng
scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay sisindihan ng ating kagalang-galang na investing officer na si Sir Edgar
Allan H. Baleros ang pinakamalaking kandila. Ito ang sumagisag sa diwa ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay nag bibigay gabay para sa ating
maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat sundin ng lahat ng
kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting.

BLANCA: Ang pag sisindi ng tatlong malalaking kandila na kumatawan sa Panunumpa ng Scouting kasunod ang
12 na kandila na simbulo ng labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan ng
isa isa pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.

-Ang gitnang kandila ay sisindihan ni Gng Maryglenn Antonino. Para sa pagbigkas ng panunumpa ng scout,
narito ang batang itatalaga na si Gian Cristoffe V. Ilao.
SCOUT A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang
tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)

-Ang kaliwang kandila ay sisindihan ni Gng. Cheryl Manibo. Para sa pagbigkas ng panunumpa ng scout, uusalin
ito ng batang itatalaga na si Ezekiel Paul R. Convento.
SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon; (sisindihan ang kaliwang kandila).

-Ang kanang kandila ay sisindihan ni G. Albert S. Castillo. Para sa pagbigkas ng panunumpa ng scout, narito
ang batang itatalaga na si Irro Vien Christopher S. Delos Reyes.
SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila).

(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

BLANCA: Dumako na po tayo sa 12 Batas ng Scout.

-Ang unang kandila para sa unang batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Veronica R. Abagon at uusalin ng
batang itatalaga na si Daniel Luis R. Arce
Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa
kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.

-Ang ikalawang kandila para sa ikalawang batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Maridel A. Perez at uusalin ng
batang itatalaga na si Fonzy Nicolai R. Marquez
Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
Scouting, sa paaralan at sa bayan.

-Ang ikatlong kandila para sa ikatlong batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Violeta Lara V. Garcia at uusalin
ng batang itatalaga na si Christian Rafael Buhia
Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa
iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

-Ang ikaapat na kandila para sa ikaapat na batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Mabelyn M. Diaz at uusalin
ng batang itatalaga na si Lee Russell C. Castillo
Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang
mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na
naiiba sa kanya.
-Ang ikalimang kandila para sa ikalimang batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Ermilouela F. Clemente at
uusalin ng batang itatalaga na si Mark Johnric Idio
Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan.
Alam niya na ang mabuting pag - uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

-Ang ikaanim na kandila para sa ikaanim na batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Mary Grace V. Ilao at
uusalin ng batang itatalaga na si Eron Dave F. Clemente
Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing
niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba
pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

-Ang ikapitong kandila para sa ikapitong batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Lourdes A. Aguila at uusalin ng
batang itatalaga na si Red Byron C. Atienza
Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at
tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning
hindi tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

-Ang ikawalong kandila para sa ikawalong batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Agnes Santander at uusalin ng
batang itatalaga na si Yohan Gabriel V. Donasco
Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya
niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

-Ang ikasiyam na kandila para sa ikasiyam na batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Fe S. Datinguinoo at
uusalin ng batang itatalaga na si Kyle Nazhtel I. Pizarro
Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang
makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas
na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

-Ang ikasampong kandila para sa ikasampong batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Shella D. Tristeza at
uusalin ng batang itatalaga na si Ashley John B. Santander
Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot
ng iba.

-Ang ikalabing isang kandila para sa ikalabing isang batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Roderick B. Idio at
uusalin ng batang itatalaga na si Edward Danielle R. Radam
Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay
sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang
tahanan at pamayanan.

-Ang ikalabindalawang kandila para sa ikalabindalawang batas ng scout ay sisindihan ni Gng. Stella M.
Macuha at uusalin ng batang itatalaga na si Mark Dominic Cosino
Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga
tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

(Paglalagay ng Neckerchief)
BLANCA: Tinatawagan ko po ang ating guest investing officer na si Sir Edgar Allan H. Baleros para sa
pagtatalaga ng mga Boy, Junior, at Senior Scouts

INVESTING OFFICER: Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng kapatirang scout ng Pilipinas,


Batangas Council ay ipinahahayag ko kayong mga tunay na Boy, Junior, at Senior Scouts. Karangalan
naming maging kasapi kayo ng kilusan

(Aakyat ang mga batang Boy, Junior at Senior scouts.)


Tinatawagan ko po ang mga ninong at ninang ng mga batang ito para maglagay ng cap at neckerchief.
“Congratulations! Ngayon ay isa na kayong batang boy, junior at senior scout, binabati ko kayo”
*Maaari niyo na pong ilagay ang inyong mga sobre upang makatulong sa mga batang scouts.

BLANCA: Magsitayo ang mga Senior Scouts. Para sa Scout Oath and Law, ito ay pangungunahan ng Senior Scout
na si Paul Andrei Datinguinoo

(Tindig handa na! Taas kamay panunumpa na!)


I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;
I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines, especially my rights and obligations as a
Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighbourhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy were won by hard work, sacrifice,
clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next generation.

BLANCA: Maraming salamat. Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong itinalagang
scouts.

C. PAGGAWAD NG SERTIPIKO
BLANCA: Para sa paggawad po ng Sertipiko tinatawagan ko po si ____________________________
(Maraming salamat po Sir Edgar Allan H. Baleros sa inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya bilang
Investing officer sa seremonya ng Boy Scout dito sa OLLSB)

D. SAYAW
BLANCA: Sa pagkakataon pong ito ay sabay-sabay nating tunghayan ang inihandang sayaw ng mga itinalagang
Boy Scout of the Philippines. Pasalubungan po natin sila ng isang masigabong palakpakan.

E. PANGWAKAS NA PANANALITA
BLANCA: Para po sa ating pangwakas na pananalita, tinatawagan ko po ang Academic Supervisor ng paaralan na
si Gng. Ailene D. Adao. Pasalubungan po natin siya ng isang masigabong palakpakan.

(Magsasalita ang Ms. Ailene)

BLANCA: Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Our Lady of Lourdes School of Bauan Inc. sa inyong
walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga sa inyong lahat.

Ako po si Blanca C. Caguete, BSP Moderator. Maraming salamat po!

E. RECESSIONAL
Tayo po ngayon ay magsitayo para sa paglabas ng mga kulay kasunod ang mga Scouts, an gating guest investing
officers, mga pinuno ng ating paaralan, at mga panauhin.

You might also like